Chapter 24

Chapter 24


Pumila na kami sa entrance ng peryahan, nanatiling nakapulupot sa aking bewang ang braso ni Nero sa paraang hindi ako masasagi ng mga taong walang tigil sa paglabas pasok mula sa peryahan.

This place is too crowded at hindi ko akalaing gugustuhin ng mga Ferell sa ganitong lugar. Sa huli kong pagkakatanda ay takot sila sa mga ganito lugar. Ferells hated extreme rides o si Owen at Troy lang talaga?

Natatandaan kong nakasakay na sa zipline si Nero noon while Tristan can even fly a chopper or can manipulate a hang glider dahil natural na ito sa trabaho niya nang minsang nagkwento siya. Siguro ay si Aldus ang kasamahan ni Owen at Troy na talagang mamamatay sa mga rides.


"Are you okay Florence?" nag aalalang tanong niya sa akin. Tumango lang ako kay Nero kahit naiinitan na ako. Sobrang init sa lugar na ito, dahil na rin siguro sa dami nang tao.

Agad kinuha ni Nero ang kanyang panyo at sinimulan niyang punasan ang pawis ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginagawa niyang ito. Nero is not as sweet like this, nakilala ko siyang laging nakakunot ang noo at mainit ang ulo. Nalambing din pala ang mga shokoy kapag nakakabuntis ng babae.

Hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa niya habang napapasulyap ako sa mga pinsan niya na mukhang nag aambagan para lamang may maipag entrance kami.

Kuripot at its finest. Walang pagbabago.


Nang tumigil si Nero sa pagpupunas ng pawis ko ay agad ko siyang napansin na may kinulbit na magtitinda ng pamaypay, bumili siya dito at sinimulan niya na akong paypayan.


"Trying to be a good husband huh?" pinag taasan ko siya ng kilay.


"I am always good Florence.." nanlaki na lang ako mata ko nang mabilis siyang humalik sa labi ko.


"Nero!" we're in public place for god's sake!


"What? Mag asawa na naman tayo, wala silang pakialam" kibit balikat na sagot niya sa akin. Hindi na ako nag abalang tumingin sa paligid, alam kong may mga nakakita sa amin.


"Hey, let's go.." tawag sa amin ni Tristan na bahagya nang nakapasok sa entrance ng peryahan.

Tulad nang inaasahan, hindi kagandahan ang lugar at sobrang sikip pa nito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi nang makita kong may suot nang sungay na umiilaw si Troy at Owen habang abala sila doon sa naghahagis ng piso.


"Seriously?" narinig kong sabi ni Nero.

Nagpunta na kami malapit sa kanila. Habang abala si Troy at Owen sa paghagis ng piso sa isang malapad lamesa na may mga number si Tristan naman ay pinaggigitnaan nila na may hawak ng maraming barya sa dalawa nitong palad. Walang makashoot kay Owen at Troy na panay na ang mura.


"Papaano ba laruin 'yan?" nagtatakang tanong ko kay Nero.


"Dapat sakto lang ang barya doon sa box, I think there's a corresponding prize per number.." napatango na lang ako sa sagot sa akin ni Nero.


"Nasaan si Aldus?" narinig kong tanong ni Tristan.


"Nabili ng cotton candy. Oh fvck! Sala na naman!" iritadong sabi ni Troy.


"Ano ba ang gusto nyong makuha? Mga plato? Wala na ba kayong plato sa mansion?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Halos sabay sabay silang napalingon sa akin na may nakakunot na noo habang si Nero ay natatawa na lamang.


"Pity on you cousins, mga wala na pala kayong plato. Masarap talaga ang may asawa, hindi lang ako ang aalagaan pati ang kusina. Ang mga iba dyan, ilang beses nang tinanggihan ng kasal. Lagi pang mga gutom. Nakakaawa.." malambing akong niyakap ni Nero na lalong nagpaasim sa mukha ng tatlo niyang pinsan. Hindi na ako magtataka kung lumipad na mismo sa harapan namin ang inihahagis nilang piso.


"SHUT THE FVCK UP NERO!" sigaw nang tatlo niyang pinsan sa kanya na lalong nagpatawa dito. Kitang kita ko ang lalong pagkunot ng mga noo ng mga ito habang abala sa kanilang mga ginagawa.


"You're too much Nero.." bulong ko dito.


"No, I am not. Hindi naman iiyak ang mga 'yan.." ngising sagot niya sa akin. Pinagpatuloy na lang namin ang panunuod sa ginagawa ng mga pinsan niya.

Pero alam kong hindi nag iimbento si Nero, totoong ni isa sa mga girlfriend ngayon ng mga shokoy ay walang tumanggap sa alok ng mga itong kasal. Narinig ko na nagpropose na si Tristan kay Lina na agad daw nitong tinanggihan, nagpropose na rin daw si Owen kay Nicola na sinagot naman daw nito ng pakikipaghiwalayan, samantalang noon kabilang taon pa daw nagpropose si Troy kay Laura na mahigpit rin daw nitong tinanggihan. Habang si Aldus naman ay ilang taon nang pinipilit ang kapatid ko ng kasal simula pa nang paniwalaan nitong nabuntis niya si Sapphire.

Talagang nakakaawa naman pala ang mga shokoy na ito, hindi na pakasalan ng mga babae. Nero is so lucky to have me, pasalamat siya at hindi ko siya tinakbuhan kahit siya pa ang kahari hariang shokoy sa lahat.


"Here's the cotton candy.." napalingon na lang kami nang marinig ang boses ni Aldus. Ang dami niyang dalang cotton candy na ipinamigay niya sa aming lahat.


"Nakuha nyo na ba?" tanong nito sa mga pinsan niya. Ano ba talaga ang gustong kuhanin ng magpipinsang ito dito?


"Anong kukuhanin?" nagtatakang tanong ko. Wala nang pakialam si Nero sa mga nangyayari dahil nakayapos na lang ito sa akin habang nakapatong sa kanang balikat ko ang baba niya. Sinusubuan ko lang siya ng cotton candy na pinipiraso ko.


"Mas masarap pa rin ako rambutan Florence.." bulong niya sa akin. Alam ko ang ibig sabihin niya dito.


"Tumigil ka Nero, kapapahinga lang natin.." mahinang sagot ko sa kanya.


"We're aiming for that Buddha.." natigil ako sa pagsusubo kay Nero nang magsalita si Troy at tingnan ko ang Buddha na itinuturo niya.


"Florence.." siya na mismo ang humawak sa kamay ko at isinubo niya ang cotton candy na hawak ko.


"What's with the Buddha?" nagtatakang tanong ko.


"Pabirthday kay LG, pareho kayo ng brithmonth Wada.." sagot sa akin ni Owen na nagpanganga sa akin. Oh my, bakit hindi ko alam ito?


"Oh fvck, muntik ko nang makalimutan. May regalo na kayo sa kanya?" agad na tanong ni Nero sa mga pinsan niya. Agad siyang umayos nang pagkakatayo nang marinig niya ito. They should have one, mahiya sila sa lolo nila.


"Ito na nga lang Buddha.." tamad na sagot sa kanya ni Troy.


"Just buy it, you won't be able to get it by that or you can try Tristan or even you Aldus. Bakit hinayaan niyo ang dalawang 'yan ang kumuha? Mauubos ang barya natin.." tamad na sabi ni Nero.


"BARYA NAMIN! Hindi ka kasali Nero, nag ambag ka ba? maghanap ka nang ibang ireregalo ka LG.." mabilis na sagot sa kanya ni Troy. Ako na lang siguro ang nahihiya sa bantay na lalaki na kanina pang nagpipilit na hindi matawa sa nangyayari.


"I can't. Masakit ang ulo ko ngayon.." tamad na sabi ni Tristan.


"Give me, let me try.." kumuha ng coins si Aldus kay Tristan at tulad ni Troy at Owen at nagsimula na rin itong maghagis ng sunod sunod.


"Oh fvck, ayaw ko na. Bibili na lang ako ng regalo, nakarinig ako ng videoke. Kakanta na lang ako!" halos sabunutan ni Owen ang buhok niya dahil sa matinding frustration.

Kanina pa siyang ganito, siguro ay iniisip pa rin niya ang pakikipagbreak na gusto ni Nicola.

Dahil suko na rin naman si Troy at ang natitirang mga shokoy ay pumunta na lang kami sa videoke para damayan si Owen na kanina pang brokenhearted. Alam kong kanina pang iba ang aura ni Owen, he's the in his usual self.

Hinintay lang namin na matapos ang kumakanta bago kumaha ng song book si Aldus, mukhang alam na naman nito ang mga kantahan ni Owen dahil hindi na ito nagtanong. Siya pa mismo ang naglagay ng coins at number sa videoke na kakantahin ni Owen.


"Iiyak na naman 'yan.." natatawang sabi ni Troy.

Hindi pa nagpaplay ang kanta pero mukhang supportive na ang mga pinsan niya, kahit si Nero ay natatawang napapapalakpak. Pansin ko na marami na rin ang napapasulyap sa grupo namin dahil natural na magagandang lalaki ang mga Ferell idagdag pa ang malamig na boses ni Owen na walang tigil sa pag 'ehem' sa microphone.

Marami nang taong lumalapit at mukhang gustong manuod at pakinggan ang pagkanta ni Owen. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi maaaring hindi makakakuha ng atensyon ang mga Ferell kapag magkakasama na naman ang mga ito.


"Ehem..ehem..Good evening Araneta!" malakas na sigaw ni Owen na akala mo ay may concert. Halos mapahawak na lang ako sa aking mukha dahil sa matinding kakahiyan.

Nagsigawan si Aldus, Troy, Tristan at Nero na talagang napakasupportive. Kung tatanungin ako, masasabi ko matitino at seryosong tao naman ang magpipinsang ito paano sila magiging matagumpay ngayon kung puro kalokohan lang ang alam nila? Talagang nagkakaganito lang sila kapag magkakasama silang lima. Hindi na ako nasanay.


"Tang ina! Pinsan ko 'yan! Idol! Dati 'yang audioporn star! Singer na ngayon!" malakas na sigaw ni Troy na nagpalakas sa tawa ng natitirang tatlong Shokoy. My god. Napansin ko na napapatawa na rin ang mga taong patuloy ang pagdami sa aming paligid.


"I love you Araneta!" malakas ulit na sigaw ni Owen. Nakainom ba si Owen?

Nanatili na lang akong nasa likuran ng mga shokoy habang masigla silang nagwawalang hiya sa aking unahan. Oh my god, natatakot akong baka bigla na lang akong duguin sa kahihiyan.

Nang nag iintro na ang kanta ni Owen ay agad akong nilingon ni Nero at hinila niya ako, mabilis niya akong dinala sa kanyang unahan.


"Just watch, iiyak na si Owen.." napairap na lang ako sa sinabi ni Nero. Bakit tuwang tuwa sila kapag may isa sa kanila na umiiyak?


wake up, with blood-shot eyes

Struggled to memorize

The way it felt between your thighs

Pleasure that made you cry

Feels so good to be bad

Not worth the aftermath, after that

After that

Try to get you back


Energetic si Owen may kasama pang pagtapik tapik sa kanyang paa at kung kumilos siya ay parang nagiistrum din siya ng gitara. My god. Lalong lumalakas ang sigawan ng mga tao, masyado na rin silang naapektuhan ng kanta ni Owen.

Masigla nga ang kantang ito pero kabaliktaran nito ang kanyang lyrics.

Kita ko ang lalong pagdami ng tao dahil kung tutuusin naman ay maganda talaga ang boses ni Owen. Ang ilan pa sa mga kababaihan ay napapansin ko nang nagbubulungan, sigurado akong nakikilala na nila ang mga Ferell.


They're all famous afterall, hindi na nakapagtataka na madali silang mapansin ng mga tao.


I still don't have the reason

And you don't have the time

And it really makes me wonder

If I ever gave a fuck about you


Maroon 5 na naman ba ito? Kung sabagay talagang bumabagay sa boses ni Owen ang kanta ng Maroon 5.


Give me something to believe in

'Cause I don't believe in you

Anymore, anymore

I wonder if it even makes a difference to try

Yeah, so this is goodbye


Sa sobrang intense ng pagkanta ni Owen ay hindi ko na rin mapiglan ang sarili kong sumabay sa kanya katulad ng karamihan nang mga taong nakapalibot sa amin ngayon.

Kakantahin na sana naming lahat ang chorus nang bigla na lamang namatay ang videoke nang hindi namin inaasahan.


"What happened Nero?" nagtatakang tanong ko. Wala na si Nero sa likuran ko, where is he?

Napansin ko na mas lalong dumoble ang bilang ng taong nakapalibot sa amin at kapwa sila nakangiti sa aking lahat sa hindi ko maintindihang dahilan.


"Tristan, have you seen Nero?" nagtatakang tanong ko. Ngumiti lang sa akin si Tristan na bahagyang umiiling kahit ang mga pinsan niya ay kapwa lamang nakangisi sa akin.

What's going on?

Pero nang muli kong marinig ang malamig na boses ni Owen, pakiramdam ko ay nagtaasan na naman ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Parang biglang bumalik sa akin ang unang beses na narinig ko siyang kumanta, sa araw mismo ng kasal namin ni Nero.

Mabagal na kumakanta si Owen ng 'Happy Birthday' habang sinasabayan siya ng mga taong napansin kong may isa isang hawak na pulang rosas.


"Hood.." napakagat labi na lang ako nang muli kong marinig ang pangalang ito mula sa kanya.

Nang lingunin ko ang lalaking pinakamamahal ko ay agad kong napansin ang cake na hawak niya na may kandila at sulat.

'You're my one and only rambutan' napangiti na lang ako sa nabasa ko. Damn this shokoy.


"Nero.." agad siyang nakalapit sa akin at pinahid niya ang takas na luha sa aking mga mata.


"It's 12 in the midnight. Happy Birthday sa babaeng mahal na mahal na mahal na mahal ko. I can't wait to see our babies Florence and be an official Daddy. I love you so much Florence, I love you.. "


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top