Chapter 20

Chapter 20


Masaya naming sinusulit ni Nero ang bakasyon namin sa tagaytay. At ngayon ay masasabi kong mabuti na ang kanyang 'mood' dahil hindi na nakakunot ang kanyang noo.

Huwag ko na nga lang subukang banggitin ang salitang 'posas' dahil siguradong masisira na naman ang araw ng hari ng mga shokoy. May trauma na yata ito sa salitang posas samantalang ako, may trauma na sa bote ng mineral water.


Sa wakas ay naisipan namin lumabas ng resthouse. Tatlong araw lang naman kaming hindi lumabas dito dahil masyado siyang naging abala sa paninisid at panggagapang na ginawa na niyang oras oras. Hindi na ako nasanay na wala nga palang kapaguran ang mga shokoy.

Gapang kung gapang. Sisid kung sisid.


Kasalukuyan siyang nagdadrive ng kotse habang bahagya siyang nagheheadbang at sumisipol. Ganyang ganyan ang mga shokoy kapag busog sa dalawang bagay. Hindi ko na kailangang banggitin pa.

Lilipat kami ng lugar ngayon, sabi ng kaibigan kong si Aira maganda daw na pumunta kami sa Don Bosco Batulao kung saan sikat sikat dito ang kanilang ipinagmamalaking Chapel on a Hill na sinasabing talagang nakakatupad ng mga panalangin. Hindi ko na inaasahang papayag si Nero sa gusto ko dahil hindi naman relihiyosong 'shokoy' ang napangasawa ko. Pero ang laki na lang nang ipinagtaka ko nang walang kurap siyang pumayag sa sinabi ko.

Napag alaman ko lang naman na magdadasag daw siya na sana magbago pa ang isip ni LG na isunod sa kanya ang pangalan ng baby namin. Ayaw talaga ni Nero sa 'Garpidio Ferell Jr' baka daw mapagaya ang anak namin kay Troy na siyang kinatatakutan niyang manyari. Pero wala na siyang magagawa, mamanahin niya ang nakasalaylay dito.


Hanggang bukas na lang ang bakasyon namin ni Nero, ibig sabihin nito pagkatapos ng kinabuksan magsisimula na ang bagong yugto ng aming buhay bilang mag asawa.

Naranasan ko nang tumira sa iisang bubong kasama niya, mahihirapan pa ba akong mag adjust?


"Mag iisang buwan ka nang buntis Florence pero hindi mo pa ako pinahihirapan.." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Pinahihirapan? What do you mean? Hindi ka pa ba nahirapan sa posas Nero?" napakagat labi na lang ako sa huli kong tanong sa kanya.


"Damn, not that one. I mean the usual pregnant woman, you know? You're craving for something, like fruits or something weird foods" napatango tango ako sa sinbi ni Nero. Bakit nga ba hindi pa ako nakakaramdam ng ganito?


"Isang buwan pa lang ako buntis Nero, siguro magsisimula akong maglihi kapag nasa dalawa o tatlong buwan na ang pagbubuntis ko? I'll ask my OB about it" siya naman ngayon ang tumango sa sinabi ko.


"Nero, what do you want? Baby girl or baby boy?" nakita kong ngumisi siya sa tanong ko sa kanya.


"Five boys and 2 girls, Florence.." napanganga na lang ako sa plano niya. Sa pagkakatanda ko ay gusto niyang anim ang magiging anak namin, bakit nadagdagan na ng isa?


"Nero, hindi kasing dali ng pagsisid at paggapang mo ang panganganak. Seven?! My god, hindi ako inahing baboy shokoy ka!" napahaplos ako sa tiyan ko na wala pa namang umbok. Huwag naman sanang magkaroon ng lahing 'shokoy' ang anak ko.


"Tinanong mo lang ako Florence, sinagot lang kita. Ayaw mo ba? The more the merrier.." napapangiwi na lang ako sa sinasabi niya. Nagfafamily planning na ba kaming dalawa?


"Tama na siguro ang apat Nero, baka makaya ko pa. Hindi ko na kaya ang pito Nero, utang na loob huwag mo muna akong ishokoy talk habang buntis pa ako..." naiiling na sabi ko habang siya naman ay natatawa.


"Kung kasing yaman lang ako ni Troy, we can make it eight or nine. Kaso baka maghirap tayo kaya tama na nga lang ang pito.." pakiramdam ko ay nagsisimula nang tumaas ang dugo ko sa pinagsasabi nitong hari ng mga shokoy.

Baka gusto nitong si Nero na makatanggap ng sampal? May balak pa siyang gumawa ng walo at siyam? Hindi pa nga ako nakakapanganak?


"Nero sagutin mo nga ako.." seryosong sabi ko ssa kanya.


"Yes, what is it baby?"


"Shokoy ka ba talaga? Shokoy ka?! Ikaw ba ang manganganak?! Hindi ko pa nga inilalabas ang isa hindi ka na magkaintindihan kung ilan ang batang gagawin mo!? Mag isa kang gumawa ng walo" iritado akong tumingin sa labas. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko sa kanya na 'apat' lang? Dinagdagan niya pa ng dalawa, gusto pang maka siyam ng shokoy.


"Pikon ka naman, gagawin ko kapag tulog ka.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Mambababae ka kapag tulog ako?!" malakas na sigaw ko sa kanya na nakapagpatawa sa kanya ng malakas.


"You're cute when you're pregnant Florence. Masaya kung taon taon kang ganyan.." pakiramdam ko ay inis na inis na ako kay Nero. Gustong gusto ko na siyang palabasin sa kotse at ako na lang ang magdadrive.


"Itigil mo ang sasakyan" malamig na sabi ko.


"Why?"


"Basta itigil mo!" agad naman niyang itinigil na may kunot noo.


"Hey, nagbibiro lang ako Florence. Ganyan ba talaga ang mga buntis? Hindi ka naman ganyan kabilis mapikon.." mabilis akong lumabas ng kotse.


"Florence!" mabilis na rin siyang lumabas ng kotse.


"Bakit ka lumabas?! Magdrive ka, dito na lang ako sa likuran" napanganga siya sa sinabi ko. Inirapan ko siya bago ko binuksan ang pintuan sa likuran at padabog ko itong isinarado.

Nakita kong bumuntong hininga si Nero bago muling pumasok sa loob ng sasakyan.


"Florence.."


"Don't talk to me, just drive. Driver lang kita.."


"Pikon ka naman Florence, nagbibiro lang ako. Hindi ko kaya ang walong anak Florence, ubos ang lahat ng mamanahin ko.." anong pakialam ko sa mamanahin niyang ilang beses nang muntik mawala sa kanya?


"Don't talk to me.." matabang na sagot ko. Hindi na niya ako kinulit ng mga kalahating oras bago niya muling tawagin ang pangalan ko ng paulit ulit.


"Ano ba Nero?!" muli siyang napabuntong hininga.


"Nagugutom ka ba? What do you want?" tanong niya sa akin.


"Hindi ako gutom.."


"Florence, dito ka na umupo.." mahinang sabi niya na parang ang sama sama kong asawa. Ako pa ang masama? Siya nga itong pinipikon ako?!


"Itigil mo, lilipat na ako.." mabilis naman siyang sumunod kaya agad akong nakalipat. Nakangisi siyang umiiling habang sumasakay ako.


"What?!"


"Nothing, ikaw ang pinakamagandang buntis na nakilala ko Florence.." hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nangiti. Binobola yata ako ng hari ng mga shokoy.


"Binobola mo ba ako Nero?" iritadong tanong ko sa kanya.


"No, I am telling you truth Florence. Ikaw ang pinakamagandang buntis na nakilala ko.." hindi ko na lang siya sinagot dahil alam ko naman na totoo ang sinasabi niya.

Sa halip na makipag usap kay Nero, nagsimula na lang muna akong mag fb. Nakita kong nagbabakasyon pala si Sapphire, Nicola at Laura na magkakasama sa boracay. Ang dami na nilang post na pictures at sa bawat post nila ay may sarili din picture si Owen, Troy at Aldus na ginagaya sila.

Nakasakay sa banana boat sina Laura, Sapphire at Nicola. May sariling version din ang mga shokoy, nakasakay din sila sa isang mahabang upuan na akala mo ay nakasakay din sila sa isang banana boat. Iniwan siguro ang tatlong ito at hindi isinama kaya mga bitter. Kawawang mga shokoy.


"Bakit ka ngumingisi Florence?" napansin siguro ni Nero na natatawa na ako sa mga picture ng mga pinsan niyang shokoy na trying hard. Baka nga ni unfollow na sila ng mga girlfriend nila sa facebook.


"Nasaan kaya ang mga pinsan mo ngayon? Nandito pa rin kaya sila sa tagaytay?" saan kaya nagpapakabitter ang mga ito?

Lumingon sa akin si Nero na parang may mali na naman akong nasabi sa kanya.


"Bakit naisip mo pa ang mga pinsan ko? Hindi ba at tayo ang magkasama ngayon?" napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Nagtataka lang naman ako dahil bigla lang naman dumating ang mga ito noong nakaraang gabi ng walang pasabi.


"Hindi ko sila iniisip, naalala ko lang. Bakit hindi mo na lang ichat sa groupchat nyo? Sabihin mo sa kanila, magdasal din kahit minsan huwag puro mga kalokohan ang mga inaatupag nila" ngayon naman ay nagpreno na ang hari ng mga shokoy.


"Florence, wala nang magagawa sa mga pinsan ko. Inborn na silang kulang sa turnilyo" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Nero. Ang mga pinsan niya nga lang ba? Halos pare pareho lang naman sila, wala nang mapili sa kanilang matino.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na ilang taon silang inalagaan ni LG at hanggang ngayon ay nasa tamang katinuan pa ang matanda.


"Oh, okay" ngusong sagot ko sa kanya. Pinaandar na niya nang muli ang sasakyan.


"Pero natatawa pa rin ako Nero, kailan pa ang groupchat nyong 'yon? Para kayong mga tanga, nagkakalokohan na kayong maglololo Nero.." naiiling na sabi ko sa kanya.


"Matagal na kaming nagkakalokohan Florence, matagal na matagal na.." mabilis niyang sagot sa akin na hindi man lang kumukurap. Sa bagay hindi din naman sila magiging mga shokoy kung wala silang kalokohan sa katawan.


"Pero sa tingin mo, kung tatanungin kita ngayon. Anong bagay ang pinakamagandang nagawa nyo habang magkakasama kayong lima? May nagawa ba kayong makabuluhang magpipinsan na magkakasama na hindi puro kalokohan?" sa totoo lang medyo matitino naman kausap ang bawat isa sa kanila kapag mag isa ang mga ito pero kapag sama sama sila? Mas mabuting lumayo na lang at huwag na lamang kausapin.


"Saan nanggaling ang tanong na 'yan Florence?" agad akong ngumisi sa sinabi niya.


"Hindi ko alam, siguro nasabi ko lang dahil tuluyan ka nang humilay sa kanila. Yung oras na magkakasama kayong lima noon, mababawasan na. Hindi na kayo madalas magkakasamang lima.." bahagya siyang napanguso sa sinabi ko.


"It will always be cousin over girls, noong mga binata pa kami pero ngayong napikot mo na ako Florence. It will always be Florence over anybody else.." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Sa pagkakaalala ko, ako ang napikot dito.


"Besides, sawang sawa na ako sa mukha nilang apat Florence. Ilang taon ko na silang nakasama, it's been what? 19 years? Try to think of it Florence, labing siyam na taon ko silang pinagtiisang apat!" hindi maiwasang hindi mapangisi sa sinasabing ito ni Nero. Naglalabas na ba siya ng sama ng loob sa mga pinsan niya?

Hindi din pala biro ang pinagsamahan nila, 19 years na silang nagkakalokohang magpipinsan. Dapat bigyan ng award si LG dahil nagawa pa niyang mabuhay sa labing siyam na taon niyang pag aalaga sa mga apo niyang shokoy.


"Naranasan ko na yata ang lahat na kasama ang mga gagong 'yon. Matulog, kumain, huminga, maligo, umihi, murahin, magutom, matulian, 'mabinyagan' at marami pang iba Florence. Sawang sawa na ako sa mukha nilang apat, ayoko na. I won't miss them Florence. Never.." ilang beses ko yatang nakitang umiling si Nero habang sinasabi niya ito. Sigurado akong ganito rin ang sasabihin ng apat na shokoy na 'yon kapag tinanong ko sila ng tungkol dito.

Pero, para namang maniniwala ako sa kanila. Alam ko namang isang tawag lang ng isa sa kanila, siguradong kumpleto silang lima. How admired their cousin bond at hinding hindi ko ito kakalimutang ikwento sa magiging mga anak namin ni Nero.


"Nero, hindi mo pa sinasagot ang una kong tanong. Anong pinakamakabuluhang nagawa nyong lima na magkakasama?" tanong ko muli sa kanya. Marahan siyang lumingon sa akin bago siya tipid na ngumiti sa akin.


"Noong naging shokoy kaming lima para protektahan ang buhay mo.." natigilan ako sa sagot niya. Mabilis hinaplos ni Nero ang aking pisngi bago muling ngumisi sa akin.


"Now you're speechless? That's the truth Florence, 'yon na ang pinakamatinong bagay na nagawa naming magkakasama.." nananatili akong tahimik sa sinabi niya. Hindi akalain na ito ang isasagot niya sa akin.


"May isa pa pala, siguro ng araw ng kasal natin. Sinamahan ako ng apat na 'yon tulad ng gusto kong mangyari. This might sounds weird..pero hindi ko gugustuhing makasal na wala ang isa sa kanila sa simbahan Florence.." pakiramdam ko ay hinaplos ang dibdib ko sa sinabi ni Nero.


"Hindi ko rin itutuloy ang kasal na wala sila Nero.." ngising sabi ko sa kanya.


"Hindi ko pa siguro ito nasasabi sa'yo Florence. You know we have our vows, kaming lima sa harap ng puntod ng aming lola. Kung ikakasal kami, kailangan kumpleto kaming lima..." napatitig na lang ako kay Nero. Hindi ko akalaing may ganitong sumpaan pala ang magpipinsang ito.

It was so deep and overwhelming.


"Kaya kahit saang sulok pa ikasal ang apat na 'yon hinding hindi ako mawawala.." muli akong ngumiti sa sinabi.



"Don't worry, I'll be there on your side while witnessing your every cousin's wedding Nero.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top