Chapter 18
Chapter 18
Lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko habang humahakbang na akong muli paakyat ng hagdan. Anong sasabihin ko kay Nero? Damn. Hindi ko akalaing magkakaganito ang honeymoon namin. We're supposed to enjoy the whole night, kissing and touching each other.
Pero anong nangyari sa amin? Damn. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba naisipan na iposas ang hari ng mga Shokoy? Sa halip na magsaya kami buong magdamag, ito ako ngayon at problemado kung paano pahuhupain ang mainit niya ulo.
Pinilit kong pasiglahin ang aking boses nang bumalik ako sa kama.
"Let's just sleep Nero, bukas hahanap ako ng tatanggal niyan sa'yo" malambing ko siyang niyakap habang sinisimulan halikan sa kanyang mukha.
"Aabutin ako dito ng bukas? Do you think I can sleep well with this?" iritado niyang pilit tinatanggal ang kamay niya sa posas. Hindi ko na yata mabilang kung ilang mura na ang narinig ko kay Nero. Sino nga ba ang matutuwa sa ginawa ko? Damn.
Nagsisimula na akong maguilty sa ginawa ko, bakit ba hindi ko muna tiningnan kung may susi ang posas na iginapos ko sa kanya? Haist.
"I'm sorry, promise babawi ako sa'yo. Gagawin ko lahat ng gusto mo, hindi na tayo lalabas maghapon sa kwartong ito Nero. We'll do everything you wanted" mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Kung kanina ay agad niya akong tinutugunan ngayon ay para siyang estatwa na parang walang kabuhay buhay.
"Nero, I'm sorry. Anong gusto mo? Gagawin ko?" paulit ulit ko siyang hinahalikan pero nanatiling nakakunot ang noo niya. Wala akong narinig sa kanyang sagot ng ilang minuto.
"Let's just sleep, ano pa ba ang magagawa ko? Nakaposas na ako" hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil kahit anong tingnan ay ako ang mali. Humiga na ako at pilit kong isiniksik ang aking katawan sa kanya kahit alam kong mainit na ang ulo niya sa akin.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa din ako dalawin ng antok at alam kong ganoon din si Nero. Sino nga ba ang makakatulog ng maayos kapag nakaposas ka?
"Nero, I'm so sorry. Sa tingin mo matutulungan tayo ni Tristan?" pagbabakasakali ko. Kung umiral ang pagkashokoy ng tatlo niyang mga pinsan baka naman hindi tamaan si Tristan? Pwede ba na mangyari 'yon?
"He's my cousin, wala din siyang matinong magagawa kapag nakita niya akong ganito" sagot sa akin ni Nero. Ano na ang gagawin ko? Pansin ko na masyadong malayo ang sunod naming kapitbahay dito. Iiwan ko si Nero na mag isang nakaposas dito bukas ng umaga? I can't leave him like this.
"Bukas ng umaga, hihingi na lang ako ng tulong sa pinakamalapit nating kapitbahay" ito na lang ang nasabi ko kahit labag sa aking kalooban. Ayoko siyang iwan dito. Hindi na siya sumagot sa sinabi ko.
Hinintay ko munang tuluyan nang makatulog si Nero bago ako bumangon sa aming kama at abutin ang telepono ko sa side table. Mas mabuting humingi na ako ng tulong ngayon, dahil alam kong nahihirapan na si Nero lalo na kung paaabutin ko pa ito nang matagal na oras.
Mabilis akong nagtext kay Tristan. Wala na akong pagpipilian pa, baka naman mapakiusapan siya ng maayos.
Ako: 'Hey, we need help Tristan. Please textback' tiningnan ko ang oras mag aalastres na ng madaling araw. Gising pa kaya ang antukin shokoy na 'yon?
Muli ko na sanang ipapatong sa side table ang aking telepono nang maghintay ako ng ilang minuto na walang reply pero nang bigla itong nag ilaw ay agad akong nagdasal ng ilang beses na sana si Tristan ang nagreply. At nang makita ko ang pangalan niya, agad nagliwanag ang aking mukha.
Tristanshokoyness: 'Is it your due today? Saang hospital?' halos mapasapo na lang ako sa aking noo. Shokoy na siyang katext, paano pa sa personal? Kanina lang kami kinasal, manganganak na agad ako?
Mabilis akong nagreply.
Ako: 'Nakadrugs ka ba? Just come here please, Nero needs help. Makakarating ka ba dito bukas ng umaga?' mabilis ko rin ni send sa kanya ang address ng rest house na tinitigilan namin. Hindi na ako nainip maghintay sa sagot niya dahil nagreply siya agad.
Tristanshokoyness:' What's the problem? Hindi niya nasabi sa akin na kailangan niya ng sperm donation' nanlaki na ang mga mata ko sa reply sa akin ni Tristan. Hindi na tumama ang sagot niya sa akin!
Bakit parang ako naman ang umiinit ang ulo ngayon? Wala na akong mapiling matino sa magpipinsan! Paano na si Nero Sebastian Ferell?
Ako: 'Shokoy ka ba talaga?! Shokoy ka! Hindi na namin kailangan ng sperm! Buntis na ako! Buntis na! Sa kamalasan ikaw pa ang ninong! Ayusin mo ang buhay mo Tristan!'
Agad nagreply si Tristan.
Tristanshokoyness: 'Kidding Warden Doll, I'll be there tomorrow morning. Wag ka nang abala, I'm in the middle of my mining session'
Tumaas ang kilay ko sa reply sa akin ni Tristan. Mining session? What the hell is that?
Nang ipatong ko na ang telepono ko sa side table at muli akong humiga ay agad akong napamura nang makuha ko na ang ibig sabihin ng shokoy.
Damn, nakalimutan kong madaling araw nga pala ngayon. Shokoy hours. Oras ng mga shokoy para umatake. Muli na lang akong yumakap kay Nero hanggang sa tuluyan na rin akong tangayin ng antok.
--
Maaga akong nagising para makapaghanda ng mga pagkain. Lalo na para kay Nero na umaga pa lang ay salubong na ang kilay.
"What now? Hindi pa ako naghihilamos, toothbrush, hindi na rin ako makakain at makakainom. What the hell Florence?!" ipinatong ko na ang mga niluto kong masasarap na pagkain para kay Nero habang pilit akong ngungiti sa kanya.
"Susubuan kita Nero, ano ba ang ginagawa ng mga mag asawa? Pagsubok lang ito sa ating dalawa" mahinahong sagot ko sa kanya.
"Kalokohan mo Florence, hindi pagsubok. Clean me up, hindi ako kumportable" mabilis naman akong tumango sa kanya. Please be calm Florence, huwag salubungin ang init ng ulo niya. Walang mangyayaring maganda kung hindi magpapasensya.
Binasa ko muna ang isang puting towel, naglabas din ako ng mouthwash sa halip na toothbrush. Pilit niyang ginamit ang mouthwash habang may dala akong maliit na tabo. Pagkatapos ay sinimulan ko siyang punasan sa kanyang mukha.
At habang pinupunasan ko siya ay hindi nawawala ang mariing paninitig niya sa akin kaya wala sa sarili akong napakagat sa aking labi. Damn, basta titig ni Nero nawawala ako sa aking katinuan.
"You need to kiss me Florence, you're annoying" ngumisi ako sa sinabi niya at mabilis kong inilapat ang aking mga labi sa kanya. Mariin siyang tumugon sa bawat pagkilos ng aking mga labi at habang tumatagal ito ay lalong lumalalim ang palitan ng aming mga halik.
Our tongues are teasingly playing each other while my body is seductively rubbing his. Oh god. Kahit kailan ay hindi ako nanawa sa paraan ng paghalik ng hari ng mga Shokoy. I gasp when he bit my lower lip. Damn Nero.
"Hindi ka na galit sa akin Nero?" tanong ko sa kanya habang magkadikit ang aming mga noo.
"Pag iisipan ko.." sagot niya sa akin.
"Nero.."
"I need to eat" tumango na lang ako sa kanya at sinimulan ko nang ayusin ang mga pagkain. Nang maayos ko na ito ay inumpisahan ko nang subuan siya, wala naman siyang reklamo sa mga luto ko pero hindi pa rin mawala ang kunot sa noo niya kapag naririnig niya ang ingay ng posas kapag bahagya siyang gumagalaw.
Nang matapos ako sa pagpapakain sa kanya ay agad kong tiningnan kung may text na ba si Tristan. Dapat ay nandito na siya, hindi ko kayang iwan mag isa dito si Nero.
"Anong balak mo Florence? Habang buhay na ako dito?" matabang na tanong sa akin ni Nero.
"Padating na ang tutulong sa atin" naupo muli ako sa kama at sinimulan kong aliwin si Nero.
"Alam mo ba na ikaw talaga ang pinakagwapo sa inyong magpipinsan?" pinaglaro ko ang mga daliri ko sa kanyang walong namumutok na abs na noon ay binibilang ko lamang. Tiningnan lang ako ni Nero na parang nagsabi lang ako ng bagay na alam na ng buong bayan.
"Matagal ko nang alam Florence, ngayon mo lang napansin pagkatapos mong ilang beses gamitin ang katawan ako?" ako na ang napapahiya sa kayabangan ng lalaking nakagapos.
"Seriously Nero? Hindi ka man lang ba magpapahumble kahit minsan? Sobrang taas na talaga ng tingin mo sa sarili mo simula nang makilala kita" ngiwing sagot ko sa kanya.
"Why would I? Totoo ang sinasabi ko, hindi ka ba nasisiyahan na dinadala mo na ang lahi ko? Sa ating dalawa ikaw talaga ang sinuwerte" kung hindi lang siya nakagapos at isinaboy ko na sa kanya ang soup na niluto ko. What the fvck?!
"Sinasabi mo ba na hindi ka sinuwerte sa akin Nero?" nakakagigil talaga ang kayabangan ng hari ng mga shokoy.
"Ofcourse, sinuwerte pero alam kong mas swerte ka sa akin" hindi ko na napigilan at inihampas ko na sa kanya ang unan.
"Ang yabang yabang mo! Bahala ka na dyan!" tawa lang siya ng tawa sa akin habang ako naman ay naiinis. Magwawalk out na sana ako nang matigilan ako sa bigla niyang sinabi.
"Naiihi ako Florence" what the fvck?! He can't be serious. Anong gagawin ko?
"Pwede mo ba na pigilan na lang? Malapit na daw ang tutulong sa atin" pagsisinungaling ko. Papaano siya iihi?
"I can't Florence. Do something.." what the.. anong gagawin ko? Napalunok na lang ako nang mapatingin ako sa crouch niya. Damn.
"Papaano?" halos napapadyak na ako sa aking naiisip. My god. Hindi pwede.
"Use a basin or something? Kunin mo, iihi ako" ngising sagot niya sa akin. Pinagtitripan ba ako ni Nero?!
"Niloloko mo ba ako Nero?! Tiisin mo 'yan" irap na sabi ko sa kanya.
"I can't, wag ka nang umarte Florence. Nakita mo na ito ng ilang beses, nahawakan at nabuntis. Bakit hirap na hirap ka pa rin tanggapin ang alaga mong ito? Ikaw ang amo nito.." napatulala na lang ako sa nakangising hari ng mga Shokoy.
"Nero, please? Wag mo na akong pagtripan, nagsorry na ako hindi ba? Bati na tayo hindi ba? Mamaya ka na umihi" halos magmakaawa ako sa kanya na ilang beses niyang sinagot ng iling.
"I'm not kidding Florence, naiihi na ako" padabog akong pumunta sa banyo at kumuha ako ng tabo. Damn. Para na kaming mga tangang dalawa sa mga nangyayaring ito.
"Wag sa tabo Florence, baka matapon" natatawang sabi ni Nero na parang nag eenjoy sa mukha kong biyernes santo.
"Ano? Saan mo gusto? Tang ina mong shokoy ka! Bumabawi ka sa akin! Dito ka na umihi" tawa lang ng tawa sa akin si Nero.
"Bottled water Florence, meron yata sa ibaba" hindi na ako sumagot sa kanya at mabilis akong nagtungo sa kusina para kumuha ng bote ng mineral water. Agad kong itinapon ang laman nito at kinakabahan na akong umakyat papunta sa kwarto.
Kagat labi si Nero habang papalapit na ako sa kama habang ako naman ay nararamdaman ang tindi ng init sa aking mukha. Bakit kailangan niya akong pahirapan ng ganito? Dyosko.
Napatitig na lang ako sa maliit na bote ng mineral water. Seryoso ba talaga dito si Nero?
"Nero, hindi yata kasya dito" lalong lumakas ang tawa ni Nero sa akin habang lalong umiinit ang mukha ko. Ramdam ko na pati ang tenga ko ay namumula na rin.
"Go, find a bigger one baby. Baka maipit, masakit" ibinato ko sa kanya ang bote bago ako muling lumabas ng kwarto.
"Faster Florence, naiihi na ako" alam kong pinagtitripan na ako ni Nero. Dahil kung kanina pa siyang ihing ihi ay nakaihi na siya sa kama. Damn Ferell.
"Tang ina ka!" sigaw ko sa kanya habang bumababa na ako ng hagdan. Muli akong naghanap ng mas malaking bote. Nang makakita ako ng malaking bote ng Wilkins ay agad kong itinapon ang tubig at muli na akong bumalik sa kwarto.
Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nagsimula na namang tumawa si Nero Sebastian Ferell lalo na nang makita niya ang malaking bote ng mineral water na hawak ko.
"Kasya na ba dito Nero? Hindi na maiipit?" halos hindi ko na siya makausap ng matino sa katatawa niya sa pinaggagawa niya sa akin. Bakit nga ba ako nagkaasawa ng Shokoy? Masayang masaya siya sa pinaggagawa niya sa akin. Damn.
"Ikaw na lang ang magtansya Florence. Alam mo naman ang sukat, hindi ba? Fvck. I'm starting to enjoy this.." kagat labing nagpipigil ng tawa sa akin si Nero habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ko. Shit shit shit.
Tiningnan kong mabuti ang dalawang bote na kinuha ko at habang pinagmamasdan ko ang dalawang ito ay lalong nangunot ang noo ko. Damn, pinagloloko na talaga ako nitong si Nero.
"Tang ina ka talaga Nero! Pinagtitripan mo lang ako!" ilang beses ko siyang pinaghahampas ng bote na hawak ko. Bakit niya pa ako hinayaang maghanap ng bago?! Pwede na naman sa una. Fvck.
"Fvck, you're so adorable wife. Kung mamula ka parang hindi pa kita nasisid at nagapang. You're so cute, hintayin mong makawala ako dito.." natatawang sabi niya na lalong nagpainis sa akin.
"I hate you! I hate you!" wala akong tigil sa kahahampas sa kanya.
"I love you Florence"
"I hate you.."
"Damn, naiihi na ako Florence. Kahit ano na ang gamitin mo Florence, hindi mo naman ipapasok sa bote. Itatapat mo lang ang dulo, hindi sa lahat ng pagkakataon ipapasok ang alaga ko baby" lalong namula ang mukha ko sa sinabi ni Nero. Fvck. Fvck.
"Tang ina mo Nero!" mabibingi na siguro ako sa nakakalokong tawa ni Nero habang panay ang hampas ko sa kanya.
"Florence baby. Seryoso ako, naiihi na ako. Ilabas mo na pfft---" nangangatal ang mga kamay ko habang tinatanggal na ang taklob ng bote.
"Tumahimik ka na Nero!" iritadong sabi ko.
"Masanay ka na Florence, mag asawa na tayo. Inaalay ko na siya sa'yo ng buong buo. Mapaaraw man o gabi.." umismid na lang ako sa kalokohang pinagsasabi ni Nero. Wala na akong marinig na matino sa kanya. Bakit nga ba ako nagrereklamo sa pagkashokoy ng mga pinsan niya kung itong si Nero Sebastian Ferell na pinili kong makasama habang buhay ay isang dakilang shokoy?
Agad naniningkit ang mga mata ko sa boxers niya. Damn, baka bigla na lang akong tuklawin ng alaga niyang ito.
"Be gentle Florence..." ngising sabi niya sa akin ni Nero nang nagsimula nang umangat ang mga kamay ko. Hindi matanggal ang pangangatal nito nang lumapat ito sa garter ng boxers niya.
"Come on, ihing ihi na ako.." pilyong sabi niya.
"Oh shut up Nero!"
Pikit mata ko na sanang ibaba ang boxers ni Nero nang biglang magdoorbell. Damn! This is it. Shokoy alert.
Halos talunin ko na ang button sa may pintuan ng kwato para makapagsalita sa taong nasa labas.
"Tristan! Is that you? Oh my god! Please help me. Ayoko na sa bote!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top