Chapter 16

Chapter 16


Back to present


Florence Celestine Almero Ferell


Kasalukuyan na kaming nasa reception na pinili kong ganapin sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ang lugar kung saan nangyari ang pinakamagagandang pangyayari sa aking buhay, ang lugar kung saan ako pinaluha, lugar kung saan ako lubos ngumiti at tumawa, lugar kung saan ako nakakilala ng mga hindi pangkaraniwang lalaki na hindi ko akalaing matatagpuan ko sa isang lugar, sa loob ng isang pagkakataon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat nang nangyari sa buhay ko. Sa kabila nang mga masasakit na nakaraan na naranasan ko, nagpapasalamat ako dahil pilit itong tinabunan ng masasayang mga alaalang ibinigay sa akin ng mga Ferell.

Gusto kong masaksihan ng lugar na ito ang pinakasayang sandali nang buhay namin ni Nero. Ang mansion ng mga Ferell. Ang lugar na itinuri kong isang napakagandang paraiso. Ang lugar kung saan hinubog ang lalaking minahal, mahal at mamahalin ko habang nabubuhay ako sa mundong ito.

Napangisi na lang ako nang paingayin ng mga bisita ang mga baso.


"Oh, oh. Mukhang nakukulangan pa ang mga bisita natin sa nangyaring halik sa simbahan. Umpisahan mo na Mr. Ferell! Wala na si father! Unlimited kiss it is" natatawang sabi ng baklang emcee na siyang nag hohost ng event.

Nagkalat ang mga lamesang may kanya kanyang mga dekorasyon sa buong kapaligiran nang napakalawak na mansion ng mga Ferell. Maging mga magagandang bulaklak ay nagsabog na siyang lalong nagbigay kulay sa buong lugar.

Kapwa nakaupo na ang mga bisita na patuloy sa pagpapaingay ng kanilang mga baso.


"Come on wife" hindi na ako nakaangal nang hagipin ni Nero ang baba ko nang walang pasabi. Mabilis lang naman niya akong hinalikan sa aking mga labi.

Akala ko ay hindi niya ito patatagalin pero nang maramdaman kong nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi ay agad akong kumalas. We've been kissing too much from the church. Nakakahiya na sa mga bisita.

Ngumisi lang sa akin si Nero bago siya muling humarap sa mga bisita sa napakakaswal na paraan. Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos nang halik namin na siyang natural na ginagawa ng mga bisita. Haist.


"Dear friends, I hope you enjoy our foods" maiksing sabi ni Nero bago niya hinagip ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

May ilan pang sinasabi ang emcee sa mga bisita pero hindi ko na ito naintindihan. Dahil nagsisimula na rin ang kamay ni Nero Sebastian Ferell sa ilalim ng lamesa.


"Come on dear husband. Can't you wait?" sabi ko habang pasimpleng sumusubo ng pagkain para hindi mahalata ng ilang bisita na nagawa na ng kanyang trabaho ang aking hindi makapaghintay na groom.

Mas lalo siyang lumapit at marahang bumulong sa akin. Damn.


"Can't they go away? They can take out the foods" nangunot ang noo ko sa sinabi niya habang tinatampal ang kamay niyang pilit nilililis ang wedding gown ko.

Saan siya nakaattend ng kasalan na take out na lang ang pagkain ng bisita? Bakit parang kung makakilos itong si Nero ay wala pang nangyayaring gapangan at sisidan sa pagitan naming dalawa? Parang hindi pa ako buntis kung makabulong bulong ang shokoy na ito.


"Learn to wait" sagot ko sa kanya. Muli ko na lamang pinagpatuloy ang aking pagkain pero hindi pa man nakakailang minuto ay bumulong na ulit sa akin si Nero.


"Ang tagal Florence.." malambing niyang hinalik halikan ang balikat ko. May ilang mga bisitang nangingisi sa amin habang ang mga pinsan naman niya ay naiiling na natatawa na lamang sa amin.


"Nero, umayos ka. Nakakahiya sa mga bisita" saway ko sa kanya na hindi niya pinansin.

Matapos ang pagkain ng mga bisita ay muli na ulit nagsalita ang emcee para sa susunod na event. Ilang beses kong pinanlakihan nang mata si Nero dahil sa pabulong na pagmumura nito sa emcee na 'nagpapatagal' daw sa event na dapat daw hindi na lang ito ang kinuha. At kung ano ano pang reklamo niya na parang ang laki laki na naman problema niya sa buhay.

Ngayon ang pagbibigay ng regalo sa ikakasal. Mga pili lang ang magsasalita, na napag alaman ko na si Nero ang pumili.


"See? May alam ka naman pala dito" nagkibit balikat lang siya sa akin.


"I randomly pick them" bagot na sagot niya.

Unang tumapat sa microphone si Owen na ilang beses pang nag check ng boses. Kakanta ba siya ulit? Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ang ginawa niyang pagkanta kanina sa simbahan. Kahit kailan ay hindi ko pa siya naringi kumanta, at hindi ako akalaing iparirinig niya sa akin ang kanyang napakagandang boses sa araw ng aking kasal.


"Paano ba ako mag uumpisa? Hindi ko naman ito regalo sa inyong dalawa, kay Wada lang" natatawang sabi ni Owen na may pagkamot pa sa ulo. Mabilis tumaas ang dirty finger ni Nero sa kanyang pinsan na agad ko namang sinaway dahil hindi lamang kami ang nakakakita.


"Hindi masyadong mahal itong regalo ko, hindi naman ako kasing yaman ni Troy para bigyan kayo ng sampung milyon" sabay kaming napangiwi ni Nero sa sinabi ni Owen. Kailan pa magbibitaw ng ganoong kalaking pera si Troy? Napakakuripot naman nilang magpipinsan.


"What the fuck? I'm not giving them my millions!" malakas na pag angal ni Troy mula sa likuran na nakapagpatawa lang naman sa bisita. Hindi nakalampas sa akin ang pag iling ni Laura sa malakas na pagmumura ng boyfriend niyang tagapagmana.

Nagkibit balikat lang si Owen at nagpatuloy sa pagsasalita.


"Wala na akong maisip na ibang iregalo. But I think, this beautiful bride in front of me will appreciate my little effort" sa bawat pagsasalita ni Owen ay tanging pagngiti na lamang ang nagawa ko. Akala ko ay magugulat na ako sa pagkanta niya sa simbahan pero mukhang mas lalong lumukso ang dibdib ko nang makita ang itinuturo nang kanyang mga kamay.

Sa tagiliran ng stage ay may kung anong telang hinila ang emcee at nang tuluyan na itong lumantad sa aking mga mata ay halos mapatulala na lang ako.


"I hope gamitin niyo 'yan ni Nero. I'll definitely appreciate it, pinaghirapan ko rin 'yan nang ilang gabi" hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa nakikita ko o ano? But it's damn beautiful piece of art.

Isang napakaganda at napakalaking painting namin ni Nero. Muntik ko nang makalimutan, sinabi sa akin noon ni Nero na marunong sa pagpinta si Owen. Makikita sa painting na natutulog ako habang katabi si Nero na nakatitig sa akin at hinahaplos ang aking mahabang buhok. Hindi ko mapigilang hindi mapatayo at humakbang para mas lapitan ito.

Habang lumalapit ako dito, lalong nag iinit ang sulok ng aking mga mata. Buhay na buhay ang imahe namin ni Nero sa painting na gawa ni Owen. At alam kong tanging mga bihasa lamang sa pagpipinta ang makakagawa ng ganito kagandang imahe na talagang buhay na buhay.

Kahit ang mga bisita ay humahanga sa painting na kanilang nakikita.


Sean Owen Ferell is really an artist. He's not just a swimmer, a singer but also a great painter. Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan, I hope baby may makuha ka kay ninong.

Naramdaman kong may umakbay sa akin. Nakangiti din si Nero sa painting na tinititigan ko.


"Not bad huh?" napanguso na lang ako at bahagya kong siniko si Nero.


"Hmmp! Bakit ang talented ng mga pinsan mo?"


"Kung hindi pa sila magkakatalent Florence, anong mangyayari sa kanila? Lalo ko silang mapapag iwanan" napanganga na lang ako sa taas ng tingin niya sa sarili. Pataas na nang pataas, hindi na kayang abutin.

Umirap muna ako kay Nero bago ako humarap kay Owen.


"Salamat Owen. We will use it for sure. Best gift ever. Thank you so much" ngumisi lang siya sa akin.


"Any final message?" tanong nang emcee kay Owen na nangunot ang noo pero mabilis din nakabawi at ngumisi na naman. Pamilyar ako sa paraan nang pagngisi niya ngayon.

Ngising shokoy. Huminga muna ako ng malalim para ihanda ang aking sarili sa anumang 'shokoy words' na maririnig ko.

Muntik ko na namang makalimutan. A shokoy will always be a shokoy. It's a legend. At hinding hindi na ito mabubura.


"Ofcourse, I have my final message. Unang una, Wada. Wag na wag mong papaiyakin si Nero, mahal na mahal naming apat 'yan" umasim na ang mukha nang natitirang Ferell sa likuran, maging ang mga babaeng kasama nila ay hindi na rin maipinta ang mukha. Kahit si Nero ay nagmumura na sa tabi ko dahil sa pinagsasabi ni Owen.


"Dati kaming apat ang first priority ng gagong 'ya--" hindi na natuloy ni Owen ang kanyang sasabihin nang nagsalita si Nero.


"First priority? Who told you?" muling nagtawanan ang mga bisita sa sinabi ni Nero.


"He's always in denial Wada, habaan mo din ang pasensya mo sa kanya. Paalala, pinakasalan mo ang isa sa may pinakamagandang lahi. Maraming gustong may makalahi sa amin pero pinalad ka at nakahuli ka ng isa" ako naman ang napamura sa sinabi ni Owen. Bakit parang nagkakalokohan na? Bakit nasa usapang 'lahi' na naman yata kami?

Lalong lumakas ang tawanan nang mga tao sa napagandang 'message' ni Owen.


"I like that" ngising sabi ni Nero na nagpaismid sa akin.


"Isang pang paalala. Hindi namin pinapaiyak 'yan kahit nang mga bata pa kami, I hope you'll do the same. Love him, mahal na mahal 'yan ni LG. And lastly, thank you for taming my cousin's cold heart Wada. I love you both, best wishes" kumindat sa akin si Owen bago siya umalis sa tapat nang microphone.

Napatulala na lang muli ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Fvck. Ferells are amazing.


"Did he..memorize those lines?" ngusong tanong ni Nero sa kanyang sarili na pakinig ko naman. Alam kong kahit hindi niya ipakita sa mga tao, alam kong natouch din siya sa sinabi ng pinsan niya.

What should I expect? Ferells always do the unexpected.

Naupo na ulit kami ni Nero. Ang sunod na tumayo para magbigay ng regalo ay si LG. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o hindi, ano naman kaya ang ibibigay sa amin ni LG?


"Wala na akong sasabihin na napakahaba dahil nasabi ko na sa inyo ang mga gusto kong sabihin. Ang mahalaga, mag mahalan kayong dalawa dahil susuportahan ko kayo hanggang sa abot ng aking makakaya. Welcome to our family Florence. Dapat ko pa ba itong sabihin sa'yo? Matagal ka nang nasa pamilya namin" ngumisi lang ako sa sinabi ni LG.


"I'm giving you this mansion" napatitig na lang ako sa sinabi ni LG. Ang matagal ko nang pinapangarap na mansion ay ibinibigay na niya sa amin ni Nero.


"Our mansion" bahagyang pinisil ni Nero ang kamay ko para gisingin ako mula sa pagkakatulala. Sino ba ang hindi magugulat kapag niregaluhan ka ng mansion na siyang pinapangarap mo?

Marahan akong tumayo at dahan dahang yumuko kay LG.


"LG, pasensiya na po. Mukhang hindi ko kayang tanggapin ang regalo nyo. Alam ko pong nasabi ko noon na gusto ko ang mansyong ito. Pangarap ko pong magkaroon nang ganitong karangya at malaparaisong mansyon. Bakit ko pa nga ba tatanggihan ang bagay na matagal ko nang gustong makuha? Pero LG nang sandaling marinig ko pong ibinibigay niyo na sa amin ni Nero ang mansyon, parang may kung anong hindi kayang tanggapin ng aking sistema. This mansion is not only for me and Nero. Naniniwala po akong wala akong karapatan sa lugar na ito. This place is not only for Nero but also for Owen, Troy, Aldus and.. Tristan" natahimik ang mga tao sa sinabi ko at pinagpatuloy ko ang aking pagsasalita.


"This place won't be wonderful, kung isang Ferell lamang ang titira dito. Yes, time will passed by. Magkakapamilya na rin ang mga pinsan ni Nero at magkakaroon nang kanilang sariling mga mansion. Pero mas gugustuhin ko pong manatiling walang opisyal na may nagmamay ari sa lugar kung saan nahubog ang lima niyong mga apo. Gusto ko pong manatili ito sa kanila mismong lima, laman ng inyong mga alaala. I can't accept your wonderful gift LG, I'm sorry" walang pag aalinlangan ang mga salitang binitawan ko sa harap ng matanda.

Ang mansyong ito ay pag aari ng lima at mananatili itong sa kanilang lima lamang.


Akala ko ay magugulat si LG sa sinabi ko pero ngumiti lamang ito sa akin na parang alam niyang sasabihin ko ito.


"Inaasahan ko nang sasabihin mo 'yan Florence. Such a wonderful woman for my grandson" hinalikan muna ako ni LG sa aking pisngi. May inabot din itong kulay puting sobre kay Nero na nagpalaki sa kanyang mata.

Nang silipin ko rin ito ay halos hindi na rin ako makahinga nang maayos.


Alam ni LG na buntis ako! Nakalagay sa maliit na papel ang pangalang 'Garpidio Ferell Jr' at may note na 'for my 3 weeks great grandson'

At habang sabay namin binabasa ang papel, lalo kaming nagugulat ni Nero. Hindi makukuha ni Nero ang kanyang mamanahin kung hindi isusunod sa pangalan ni LG ang pangalan ng baby namin. Mukhang tama nga ang sabi sa akin ni Troy noon, si LG ang kahuli hulihang tao na kaya nilang pagtaguan ng sekreto.

Hanggang sa matapos magbigay ng regalo at makapagsalita ang piling mga bisita ay lipad na ang utak ni Nero, mukhang ibang pangalan yata ang plano ng hari ng mga shokoy.


--


Gabi na nang matapos reception. Nagdiretso na kami sa isang resthouse na inihanda nang mga kaibigan ko para sa honeymoon namin. Talagang sa mga ganitong bagay magagaling ang mga kaibigan ko. Tumagal ang naging biyahe namin dahil napakalayo ng tagaytay sa Leviathan, kaya ang nangyari dahil sa pagod namin ni Nero ay natulog na lang kami pagkarating.

Maghahating gabi na rin bago ako maalimpungatan dahil sa mga halik ni Nero Ferell. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Hindi matatapos ang gabing ito na walang mangyayaring mainit na gapangan.

Napapangisi na lang ako habang nararamdaman ang marahan niyang mga halik.


"Florence, I know you're awake.." tumugon ako ng halik sa hari ng mga shokoy. Walang istorbo at siguradong uumagahin na kami nito.


"Nero, I'll do the work tonight okay?" tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.


"How is that dear wife?" ngumuso ako sa kanya habang marahan kong pinaglalandas ang aking mga daliri sa abs niyang opisyal ko nang pag aari.


"Just lay down, relax and enjoy Nero.." mabilis niyang pinagbaliktad ang posisyon namin. Ngayon naman ay nasa ilalim ko na siya.

Dahan dahan kong inabot ang drawer sa side table namin at inilabas ko ang posas. Kasalukuyan akong nakaupo sa tiyan niya habang siya ay may kunot noong nakatitig sa hawak ko.


"What the hell is that Florence?" hindi ko siya sinagot at mabilis kong nilagyan ng posas ang kanyang kanang kamay.


"I said relax" nakita kong umikot ang mata ng hari nang mga shokoy at pinabayaan na niya ako sa aking ginagawa. Nilagyan ko na rin ang kaliwa niyang kamay.


"So, what's next?" ngising sagot niya habang ginagalaw ang kamay niyang nakaposas.


"Let's play my game Nero" tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.


"Okay, make sure it's fun"


"It will be fun, husband"


"Nice, nice" ngising sagot niya.


"I'll ask you some questions Nero if I like your answer. I will strip in front of you" hinawi ko ang mahaba kong buhok sa napakamapang akit na paraan. Nakita ko siyang ilang beses na lumunok. Good.


"Deal, first question" game na sagot sa akin ni Nero.


"Ilang beses na tayong nag sex sa utak mo?" napapikit na lang ako nang makitang nagkagat labi sa harapan ko si Nero Ferell habang pinapasadahan ang katawan ko nang malalagkit niyang mga mata.

Lalong nag init ang buong pakiramdam ko. Fuck. Stick to the game Florence, don't attack him.


"I can't count Florence, hundreds? Thousands? I started fantasizing your body the first time I saw your face" napairap na lang ako sa sagot niya. Typical Nero Ferell.

Mabilis akong bumaba sa kanya at hinalikan siya sa kanyang mga labi, nagawa pa niya akong kagatin bago ako muling makalayo.


"Silly husband huh?" sinimulan ko nang hubadin ang kulay itim na satin top ko, kaya lumantad sa mga mata niya ang itim kong bra.


"Delectable" pilit naggagalaw ang mga nakaposas niyang mga kamay. Damn, I'm enjoying this.


"Come on, second question baby" excited na sabi ni Nero. Fuck. Natatawa na talaga ako.


"How many moles do I have on my body?"


"Wala na bang mas mahirap na tanong Florence? Remove this damn handcuffs baby. Your pet is on beastmode" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.


"My god! Nero wala pa tayo sa kalahati! Beastmode na agad 'yang maninisid mo!"


"Because you're sitting near him baby, come on. Enough with the game.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top