Chapter 15

Chapter 15


Nero Sebastian Ferell


Kinabukasan na ang balik ni LG mula sa kung saanman. At ang ibig sabihin nito katapusan na naming lima sa kadahilanang nawawala ang kanyang apat na gintong Buddha.

Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang ipinagtataka ko kung bakit nabuhay na kaming may mga Buddha sa mansion. We're not even a Buddhist.


Nakasakay na ako sa loob ng aming kotse na may basag na bintana habang hinihintay ko ang mga pinsan ko. Hahanapin namin ang apat na nawawalang Buddha na nagpaalaman naming kinuha ng apat na iba't ibang babae. Nakita ko pang ilang beses nagdasal ang mga pinsan ko na sana ay wala sa apat na buddha ang naisangla na.

Wala kaming pantubos, tanging pang gasolina na lamang ang mayroon kaming lima at ang naitabi naming pera para sa turok ni Owen ngayong araw.


Isinuot ko na ang shades ko nang makitang nakasuot na rin ang mga pinsan ko nito na palabas na nang mansion. Mahigpit na sabi ni LG na kung may bagay kaming sama samang gagawin na alam naming hahantong sa 'kaunting' kahihiyan mas mabuting takpan ang aming mga mata. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ang 'logic' sa sinabi ni LG, sumunod na lang ako para wala nang gulo.

Si Tristan ulit ang driver katabi nito si Troy habang ako, si Owen at Aldus ay magkakatabi sa likuran.


"Saan tayo unang pupunta?" tanong ni Tristan.


"Hindi ba at sa hospital muna tayo? Papaturukan pa natin si Owen" mabilis na sagot ni Troy sa unahan. Bored lang kaming tumango ni Aldus na pinaggigitnaan ang nakagat ng aso.


"Importanteng maturukan ulit si Owen, mapapagalitan na nga tayo dahil sa mga gintong buddha niya. Uuwi pa siyang may apong tumatahol" sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Aldus maliban kay Owen na gusot na gusot ang mukha.


"Bakit hindi na lang kayo tumahimik at dumiretso na tayo sa hospital?" iritadong sabi ni Owen. Walang sumagot sa kanya at nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Tristan.

Pero hindi din nagtagal ay nagsalita ulit si Troy. Sa aming magpipinsan siya ang pinakamadaldal, baka mamatay siya kapag hindi siya nagsalita sa isang araw.


"Hindi ba at si Owen din ang nakalmot ng pusa noon?" muli na naman kaming tumango ni Aldus. Bakit parang habulin ng hayop si Owen?


"Tang ina mo Troy, bakit sa recitation wala kang matandaan?!" yamot na sabi ni Owen. Nagtawanan na lang kaming magpipinsan, kalokohan lang naman ang alam ng gago, bakit pumapasa? Nanggagaya lang siya kay Tristan.


"Siya din 'yong sinabong ng tandang nang nasa farm tayo ni Tito Bien" tumango ulit kami ni Aldus sa sinabi naman ni Tristan. Bakit ang lalakas ng mga memorya ng mga gagong ito?


"Tang ina mo rin Tristan" matabang na sabi ni Owen.


"Tanda niyo pa ang parrot ni Nally? Hindi ba at tinuka non ang ulo ni Owen, dinala din siya sa hospital noon. Right?" dagdag ni Aldus na muling nagpatango sa akin. Bakit mukhang galit na galit ang mga hayop kay Owen?


"Fuck! Will you shut up? Ang dadaldal nyo!" pikon na pikon na ang nakagat ng aso. Naiiling na lang ako pumangalubaba sa bintana. Wala na akong maalala, kailangan kong makapag isip.


"Nasipa ka ba ng kabayo noon Owen?" wala na talaga akong matandaan.


"Fuck off Nero" nagkibit balikat na lang ako. Atleast sa recitation may natatandaan ako, si Troy? Ang alam lang gawin ay humarap sa salamin at purihin ang kanyang sarili.

Natahimik kaming magpipinsan nang ilang minuto pero hindi din nagtagal ay sabay sabay nangunot ang noo naming apat nang marinig naming kumakanta si Troy na may kasama pang pagheheadbang.

Nagsisimula na naman ang paboritong apo ni LG.


Come on, vámonos...

Everybody let's go...

Sabay umasim ang mukha naming apat nang makilala namin ang kanta ng paboritong apo ni LG.


Come on, let's get to it..

I know that we can do it..


"What the hell Troy? Shut the fuck up" saway sa kanya ni Tristan na hindi siya pinansin.


Where are we going?

Hindi kami sumagot sa una niyang tanong.

To Owen's injection!

Pero nang marinig namin ang magandang sagot sa kanta ay sabay sabay na kaming napangisi at hindi din nagtagal ay sumunod na kami sa pagheheadbang ni Troy. Nahahawa na kami sa kanya.

Where are we going?

Pero sa pangalawa ay sumagot na rin kami sa kanyang kanta. Sa totoo lang mga singer naman talaga kaming magpipinsan, masyado lamang paimpress si Owen.

To Owen's injection!

sagot naming tatlo habang si Owen ay nakatakip na ang kamay sa kanyang tenga.


Where are we going?

LG's Buddha 


Where are we going?

LG's Buddha


Paulit ulit naming itong kinakanta habang nasa biyahe kami. Hindi ko akalaing lagi kaming nauuto ni Troy sa kanyang mga kalokohan. Sa totoo lamang, nahahawahan lang naman kami ng tagapagmana ni LG. Mababait naman talaga kami sa tunay na buhay.


Nang matapos kaming kumanta ay natahimik na muli kami. Napagod at sumakit ang batok sa kakaheadbang. Kaya ang ginawa ko pumangalumbaba na lamang ulit ako habang isa isang sinusulyapan ang mukha ng mga pinsan ko, bakit kaya tumagal akong kasama ang mga gagong ito?

Natural na sa aming magpipinsan ang pagiging magandang lalaki pero napakalaking bagay nito kay Troy dahil hindi maaaring hindi niya pupurihin ang pagiging magandang lalaki niya sa loob ng isang araw.

Minsan ay tinangka na ni LG ipa theraphy si Troy sa isang psychologist, pero dahil paboritong apo ito at ayaw ng matandang magdamdam ang kamukha niya dahil pinaghihinalaang maluwag ang turnilyo, nag isip nang ibang paraan ang matandang alalang alala sa kanyang minamahal na apo. Tuwing natutulog na si Troy ay pinauusukan ito ng matanda ng incenso at kamangyan. Sa pagkakaalam ko ay sa mga sinasapian lamang ng masasamang espiritu ginagamit ang usok na ito, hindi ko alam na pwede rin pala itong gamitin sa mga taong gwapong gwapo sa sarili.

Halos kabahan kaming apat nang makita naming pinauusukan si Troy habang natutulog, ano na lang ang alam namin na pati pala kaming apat ay pinauusukan na rin ni LG kapag natutulog?

At hanggang ngayon ay wala pa rin nalalaman tungkol dito si Troy. Gago siya, ganoon talaga ang buhay.


Malaki ang paniniwala niya na siya ang pinakamagandang lalaki sa aming magpipinsan pero isa itong napakalaking kasinungalingan, dahil sa aming limang magpipinsan alam kong ako ang nangunguna. Ako ang pinakamagandang lalaki, wala nang iba pa.

Alam kong ito rin ang nasa isip nang natitirang tatlo, para kay Owen siya ang nangunguna, para kay Aldus siya ang pinakaangat sa aming lima at para naman kay Tristan siya ang pinakapinagkakaguluhan nang lahat. Naiiling na lang ako habang bahagyang sinusulyapan ang mga pinsan ko, mga mahilig mag ilusyon. Nakakahabag silang apat.


"Nandito na tayo!" sabi ni Tristan na ipinarada na ang sasakyan sa parking ng hospital.


"Owen, ayusin mo ang buhay mo. Magpaturok ka na agad nang makaalis na tayo" agad na sabi ni Troy na bumaba na nang sasakyan.


"Bakit ka pa bababa Troy gago ka?! Ako na lang! Maghintay na lang kayo dito!" bumaba muna ako ng kotse para makadaan si Owen.


"Bahala ka.." pumasok na ulit ng kotse si Troy.


"Nasaan ang pera? Hindi ako tuturukan nang walang pera" si Tristan ang dumukot sa kanyang wallet dahil nasa kanya na ang kahuli hulihan naming pera.


"Huwag na kayong susunod!" sabay sabay tumaas ang middle finger namin kay Owen na sinagot niya naman nang dalawa niyang middle finger.

Pero nakatulog na yata kaming magpipinsan sa kahihintay sa nakagat ng aso. Nasaan na ang gagong 'yon?


"Itinurok na yata kay Owen ang lahat ng injection ng hospital.." inip na sabi ni Troy.


"Baka siya ang tumuturok ngayon sa mga nurse" ngising sabing sabi ni Aldus. Napabuntong hininga na lang ako.

Pero hindi din nagtagal ay sabay sabay kaming napasipol magpipinsan nang makitang lumalabas na ng hospital si Owen na nakasakay sa wheelchair habang sulong ng dalawang babaeng nurse.


Nang madala na ng mga nurse si Owen sa harap ng aming sasakyan ay sabay pa siyang hinalikan ng mga ito. Nagpanganga na lang kaming aming apat, bakit nakapambabae pa ang gago sa loob ng hospital?


"Thank you po mga ate" halos sabay sabay kaming napamurang magpipinsan at nalaglag na ang mga shades naming suot sa hagod nang pagkakasalita ni Owen sa salitang 'Ate' sa mga nurse, nakakasuka ang gago.


"Ang cute cute talaga ng dimples mo Owen" kinurot pa nang isang nurse ang pisngi ni Owen na lalong nagpagusot sa mukha naming apat. What the fucking fuck?!

Tumayo na ang nakagat ng aso sa wheelchair. Kailan ba naputol ang paa ng gago? Bakit kailangan ng wheelchair?


"Mga kapatid mo ba sila?" tanong ng isang nurse kay Owen. Lahat kami ay umayos ng tayo at mga ngumiti sa dalawang nurse.


"Ahh, mga anak po ng mga katulong namin. Wala po kasi akong kasama ngayon.." halos mapanganga na lang kaming apat sa isinagot ng gago.


"What the fuck?!" mura ni Aldus. Parang nagulat ang isang nurse sa mura ni Aldus.


"Pasensiya na po, talagang ganyan po sila. Sige po, salamat po ulit mga 'ate'" ngayon naman ay sabay ngumiti ang mga nurse kay Owen at hinintay pa ng gagong makapasok sa hospital ang mga ito. Nang hahawakan na ni Owen ang pintuan ay agad akong nagsalita.


"Patakbuhin mo na ang sasakyan Tristan" tumango si Tristan at sinimulan niya paandarin ang sasakyan na hindi kami mahahabol ni Owen.


"What the hell?!" pakinig kong mura ni Owen na hinahabol ang sasakyan namin. Idinungaw ni Troy ang ulo niya sa bintana, ganoon din si Aldus na nagpumilit pang agawin ang posisyon ko.


"Thank you po mga ate.." maarteng sabi ni Troy na exaggerated pa sa paraan ng pagsasabi ni Owen kanina.


"Ang cute cute talaga ng dimples mo Owen.." pilit ginaya ni Aldus ang boses ng nurse kanina.

Tawa na lang kami nang tawa ni Tristan habang walang tigil sa paghabol sa amin si Owen na nagpapaulan na ng mura sa amin.


"Tang ina nyo! Bahala na kayo!" nang lingunin ko si Owen ay naglakad na ito pabalik. Wala nang tigil sa pagtawa ang nakadungaw na Troy at Aldus.


"Balikan na natin, baka may kung ano pang makakagat dyan. Wala na tayong pera pampaturok sa kanya" sabay napamura si Aldus at Troy na mga nakalawit ang ulo sa bintana nang walang pasabing nag U turn ang gagong si Tristan. Napahawak na lang ako sa aking upuan. Tang ina.


"Tang ina mo! Gago!" malutong na mura namin sa kanya. Tawa lang nang tawa ang gago.

Ngayon naman ay mabagal na sinusundan ng aming kotse ang naglalakad na nakagat ng aso.


"Sumakay ka na, pabebe ka pa" natatawang sabi ni Troy na sinagot lang ng middle finger ni Owen.


"Sorry na po.." madramang sabi ni Aldus. Halos kagat labi kaming apat para pigilan ang sarili naming pagtawa.


"Gago! Mga gago kayo! Mga gago kayo!" padabog binuksan ni Owen ang pintuan at padabog niya itong isinarado.


"Okay! Kumpleto na ulit tayo! Come on, vámonos..." mahaba ang naging unang biyahe namin at nang itanong namin sa babaeng sinabi ni Triton na kaibigan ni Troy, sinabi nitong wala siyang nalalaman sa gintong Buddha na sinasabi namin.

Pinatitigan naman namin siya gamit ang mga mata ni Tristan, at sinabi naman ng gago na inosente ito. Umabot kami sa pangatlong babae na puro mga inosente at ang masaklap pa nito ay malapit nang maggabi. Gutom na gutom na rin kami.


"Saan tayo kakain?" tanong ni Owen na siyang pinakamabilis magutom sa amin.


"Paano tayo kakain? Wala na tayong pera" tamad na sagot ni Aldus. Sasagot na sana ako na umuwi na lang at humingi na lang kami ng pagkain sa kapitbahay naming si Antonia nang sabay sabay kaming kinabahan nang may teleponong tumunog sa amin.


"Kaninong telepono?" kinakabahang sabi ko.


"Sa akin..tumatawag na si LG.." nangangatal na sabi ni Troy. Mabilis itinabi ni Tristan ang kotse para marinig niya nang maayos ang pag uusapan ni LG at Troy. Nakaloudspeaker na ito.


"Nasaan kayo?" pigil hininga kaming lima sa tanong ni LG. Habang mura nang mura ang bawat buka ng bibig ni Troy.


"Nasa bahay ba kayo?" wala si LG sa bahay!


"Opo! Opo! Nagthethesis po kami LG, nasaan ka na po kayo? Miss ka na namin.." sabay sabay kaming umismid sa sagot ni Troy.


"Magbihis muna kayo, nasa puntod ako ng lola niyo. Hihintayin ko kayo.." nang patayin na ni Troy ang telepono ay napatulala na lang kaming lima.


"Anong sasabihin natin kay LG? Nanakawan tayo?" kinakabahang sabi ni Troy.


"Ano pa ba ang pwede?" naiiling na sabi ni Aldus.


"Nanakawan na lang, hayaan na lang natin si Troy ang magpaliwanag. Magaling ka namang gumawa ng kwento" sabay kaming nagtanguhan sa sinabi ni Owen.


"So we're just going to nod and nod?" tanong ni Tristan na sabay sabay naming tinanguhan.


"Alright, let's go" halos pinalipad na ni Tristan ang sasakyan para agad kaming makarating sa sementeryo.

Hindi naman kami natagalan sa paglalakad dahil may alam kaming shortcut lima na lagi naming dinadaanan simula ng mga bata pa kami.

At halos magimbal at manlambot kaming lahat nang makitang ang apat na gintong Buddha na problema naming buong maghapon ay nakahilera sa tabi ni LG. What the fucking hell?


"Bakit hindi kayo maupo mga apo?" dahil nandito na ulit si LG para na naman kaming maaamong tuta. Pero hindi pa rin maalis ang mga mata namin sa apat na Buddha. Fuck! Dala pala ni LG.


"Kamusta mga apo? Nag aral ba kayong mabuti nang wala ako?" halos hindi ko na mabilang ang nagawa naming pagtango kay LG. Hindi ko nga nabuklat ang libro ko simula nang umalis siya.


"That's my grandsons! Alam kong mapagkakatiwalaan ko kayo.." pakiramdam ko ay hindi lamang ako ang nanlalamig ngayon.


"Owen, nasabi na ba ng kuya mo na ikakasal na siya?" nangunot ang noo ko. Ikakasal na si kuya Liam?


"Wala pa akong nababalitaan LG, baka sabihin nila sa akin sa mga susunod na araw" nakita kong tumango si LG sa sinabi ni Owen. Pero ang malaking pinagtataka namin ay ang pananahimik ni Troy.


"LG.." mahinang boses na tawag ni Troy kay LG. Nanlaki ang mga mata namin sa naiisip naming gagawin ni Troy. No, no. No.


"We lied LG, hindi kami nag aral. Nagwalang hiya po kami buong linggo, nakagat po ng aso si Owen, ubos po ang lahat ng perang iniwan nyo sa amin, magulo ang bahay ngayon, hinalikan ko po ang anak ng kapitbahay natin, basag po ang bintana ng kotse at lolo hindi na po kami VIRGIN! hindi na kami inabot ng sixteen" hindi ko na mabilang kung ilang mura na ang nasabi ko kay Troy sa akin isipan. Tang ina ka!

Halos nakapikit na kaming lahat para sa mangyayaring murahan pero lumipas na ang ilang minuto pero wala kaming naririnig.


"Mga apo ko kayo, anong aasahan ko sa inyo? Tanggap ko kayo kahit ganyan kayo. Kuhanin nyo na ang mga Buddha uuwi na tayo.." napaawang na lang ang mga bibig namin sa sinabi ni LG.


"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko.


"Oh, before we go. May kailangan kayong ipangako sa harap ko at sa puntod ng lola niya" natahimik kaming lahat habang hinihintay namin ang sasabihin ni LG.


"Mangako kayong walang magpapakasal sa inyo kung hindi kayo kumpletong lima. Gusto kong samahan nyo ang isa't isa hanggang sa pagtunog ng inyong sariling mga kampana.." napatitig na lang ako kay LG kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.

Humarap na lamang ako sa puntod ni lola kagaya nang ginawa ng mga pinsan ko.


"Hindi ko sila gagawing groom's men, pero iimbitahan ko sila lola!" nanguna na si Troy.


"Isasama ko sila sa guestlist lola, para magdala sila ng regalo" mabilis na sabi ni Aldus.


"I'll invite them, baka sumama ang loob nila" tamad na sabi ni Tristan.


"Ako din, iimbitahan ko sila lola para hindi lang ako ang tingnan ng mga bisita. Mahirap na baka matunaw ako sa araw ng kasal ko" napaismid na lang ako sa sinabi ni Owen.


"I'll invite them for sure lola. Gusto kong makita ng apat na ito na pinakasalan ko ang pinakamagandang babaeng makakasama ko habangbuhay" seryosong sagot ko na nagpatigil sa kanilang lahat.


"That's corny Nero" unang nagsalita si Troy.


"Come on, let's go. Umuwi na tayo.." pinauna na kaming maglakad ni LG habang may kung ano siyang kinakapa sa kanyang malaking bag.


"Lolo!" sigaw naming lahat. Ako na ang humakbang pabalik para sabayan si LG na abala pa rin sa paghahanap ng kung ano sa kanyang bag.


"Nasaan na ang incenso at kamangyan na 'yon? Aapat lang ito, kulang ng isa" mahinang sabi ni LG na nakapagpatigil sa aking paglalakad.


"Nero?"


"Yes LG?" masiglang sagot ko na parang wala akong narinig.


"Mauna ka nang maglakad may hinahanap lang ako" tumango na lang ako sa sinabi ni LG.



At simula noon, napag alaman kong hindi lang si Troy ang pinauusukan ni LG tuwing natutulog. Kami din palang apat.



Nagulat pa ako. Magpipinsan nga pala kami sa hirap at ginhawa. Fuck. 



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top