Chapter 13
Chapter 13
Troy Alvis Ferell
Unang una, hindi ako lasing. Kailanman ay hindi nalalasing ang isang Ferell, tang ina hindi ako lasing! Hindi ako lasing!
Kanina pa akong nakakaramdam nang pagkabanas dahil sa dami ng alak na nainom ko, fvck! Sobrang init. Nagsisisi akong nagsuot pa ako ng tang inang jacket na ito. Fvck.
Ibinuka ko ang aking mga braso habang mariing nakatitig sa apat kong pinsan na isinusumpa ko na ngayong gabi. Mga gago kayo! Magsama sama kayo! Mga gago! Tang ina nyo huwag na huwag kayong mangungutang sa akin ng gatas ng anak nyo! Hindi ko makakalimutan ang araw na ito!
Dahil maganda akong lalaki, nakuha agad ng mga babae ang gusto kong mangyari. Lumapit ang dalawang sexy na mga babae para hubadin ang aking itim na jacket.
Lalong nagsigawan ang lahat ng mga tao sa nakita nilang ito, sino nga lang ba ako? Troy Alvis Ferell, magandang lalaki? Simpleng bagay.
Sabay pa akong nakatanggap ng halik sa aking magkabilang pisngi mula sa dalawang babaeng nagtulungang hubadin ang aking itim na jacket.
Inggit na naman sa akin ang apat na gago dahil sabay sabay lang namang nakangising umiiling sa akin. Bakit hindi na ako nasanay sa kanilang apat? Lumaki na silang insecure sa akin.
Hindi pa ako nagsasalita niyan lumuluhod na sa akin ang mga babae, papano pa kung magsalita ako? Baka gumapang na sila sa akin. Papaano kung ipasilip ko pa ang aking magandang katawan? Baka sambahin na nila ako.
Ang sa mga pinsan ko? Syempre mga trying hard ang mga 'yan! Akala nila mga gwapo sila, akala lang nila 'yon! Sinuwerte lang sila dahil naging pinsan nila ako! Akala nila sikat silang apat, pero ang totoo naman sikat lang sila dahil may pinsan silang Troy Alvis Ferell.
Bakit ako galit na galit ngayon sa mga gago? Bakit kanina pang kumukulo ang dugo ko sa apat na gagong ito? Dahil mga hindi sila mga tunay na pinsan! Mga lasing sila!
Masama na ang loob ko sa mga pinsan ko, masamang masama na talaga ang loob ko sa kanilang apat. Simula't umpisa alam kong pinaplastik na lang ako ng mga gagong ito. Ramdam ko na naman ito simula nang mga bata pa kami, dahil ako ang paborito ni LG, ako ang pinakamagandang lalaki, ako ang pinakamatalino at higit sa lahat ako na ang nag uumapaw sa lahat ng mga talento. Pinaplastik lang ako ng mga gagong ito!
Kasalukuyan lang namang nakahilera ang madaming baso ng alak sa ibabaw nang napakahabang lamesa habang isinisigaw ng lahat ng mga tao sa loob ng napakalaking bahay na ito ang pangalan ko at ni Owen.
Kami lang naman ni Owen ang magkalaban sa pag inom ng alak at kung sino ang unang makakaubos ng alak na nakahilera sa mahabang lamsesang ito ang siyang mananalo. At ang ikinaiinit ng ulo, ang tatlong natitirang gago kong mga pinsan ko ay piniling pumunta sa likuran ni Owen habang isinisigaw ang pangalan nito.
Walang kumampi sa akin! Mga gago kayo! Sige, magkampihan kayong mga gago kayo! Palibhasa di hamak na mas magandang lalaki ako sa kanilang apat! Palibhasa sampung babae na ang lumapit sa akin ngayon gabi? Ang sa kanila? Apat lang! Apat lang! Tang ina nyo! Ang papangit nyo!
Panay pa rin ang sigawan ng mga tao sa aking pangalan, maging sa pangalan ni Owen. Walang tigil sa kakamasahe si Aldus at Tristan sa balikat ni Owen na panay ang pagtatalon talon na aakalaing papasok sa isang boxing ring habang si Nero naman ay panay ang bulong dito na parang si Coach Freddie Roach ni Manny Pacquaio. Mga gago ba sila? Iinom kami hindi boxing!
Hindi ko na lang pinansin ang mga gago, may mga babae akong nagmamasahe din sa akin. Anong pakialam ko sa kanila?
Itinigil ang tugtugan para ipaliwanag ang mechanics ng laro. Nagsalita si Triton na siyang nagdala ng limang babae na may malalaking dibdib na talagang nakakalunod, lunod na lunod ako. Kaya gustong gusto kong imbitahan ang dati kong kaklaseng ito. Alam niya ang bagay na talagang nakakalunod.
"Ganito lamang ang mechanics.." nakita naming ngumisi siya sa dalawang babaeng kaakbay niya bago niya binitawan ang mga ito at magsimulang maglakad sa dulo ng mahabang lamesa.
"Bago kayo sympre uminom, kailangan ng body shot" halos sabay umawang ang bibig namin ni Owen nang maglagay ng asin ang dalawang babae sa ibabaw ng kanilang dibdib na halos kalahati na ang nakalabas dito.
Ilang beses akong napalunok habang pinagmamasdan ang asin sa malaking dibdib ng babae. Fvck!
"Tulad ng alam nyo, sa kanila kayo mag uumpisa. Pagkatapos ay iinumin nyo ang lahat ng alak na ito at ang unang makakaubos ang siyang unang makakaabot sa huling babae sa pinakadulo" lahat kami ay napalingon sa babaeng sinabi niya.
Iisa na ang naghihintay na babae sa dulo at kung ikukumpara sa dibdib ng dalawang babae sa unahan higit na mas malaki ng tatlong beses ang dibdib ng babaeng ito. Oh my god! Hindi ko alam na uulanin pala ako ng boobs ngayong gabi. Kahit kailan ay hindi ko ginusto ang pag ulan pero ibang usapan na kung 'bundok' ang umuulan.
"Music please!" malakas na sigaw ni Triton hudyat na mag uumpisa na ang laro. Halos magpanabay lamang kami ni Owen na tumakbo sa dibdib ng mga babae.
"Ahhh..." narinig ko ang pag ungol nang babae nang sumumsob ako sa kanyang dibdib dahil sa aking pagmamadali. Kung pwede ko lamang tagalan ang dila ko sa babae ay nagawa ko na pero mas importante ang pagkapanalo ko sa gabing ito. Oh yeah!
"Go Papa Troy!" pakinig ko ang sigawan ng babae sa aking likuran habang sunod sunod kong sinisisid ang mga alak.
"Omg! Go go Owen!" narinig kong nagsisigawan din ang mga babae ni Owen. Walang magpatalo sa amin ni Owen at halos isang lagukan lamang namin ang bawat baso ng alak.
"Sige, kaya mo 'yan Owen. Lasing na si Troy kanina pa! Nagyayabang na lang ang isang 'yan" narinig kong sabi ni Nero. Mabilis ko siyang binato ng shot glass na agad niyang nailagan. Fvck!
Habang mabilis kaming nag uunahan ni Owen sa mga nakahilerang baso ay nakasunod sa amin ang kumpol ng mga tao na walang tigil sa kasisigaw ng aming mga pangalan. Fvck, nagsisimula na akong tamaan. Nasa kalahati pa lamang ako ng lamesa! Fvck. Fvck.
Nakita kong natumba na si Owen na pilit ibinangon ng mga gago at muling pinainom ng alak. Nangunguna na ako!
"Troy! Troy! Troy!" lalong lumalakas ang sigawan ng mga tao nang lumalaki na ang abante ko kay Owen. Magkampihan pa kayo! Mga wala pala kayo! Ako ang mananalo!
"Owen! Owen! Owen! Owen!" nangunguna ang mga gago kong pinsan sa pagsigaw sa pangalan ni Owen.
Napahawak na ako sa lamesa nang makaramdam na talaga ako nang pagkaliyo. Fvck! Umiikot na talaga ang paningin ko. Nang iinumin ko na ang baso ng alak na hawak ko ay nabitawan ko na ito nang mawalan ako ng panimbang at matumba. Shit!
Nang dungawin ako ng mga babae ay umiikot na ang paningin ko. Fvck!
"Ibangon nyo ako! Ibangon nyo ako!" pilit kong sigaw. Pakinig ko ang sigawan sa panig ni Owen habang pilit akong ibinabangon ng mga babae. Fvck! Mauunahan pa yata ako ng gago.
Nakabalik na ako sa harap ng lamesa, nakasubsob na sa lamesa si Owen na pilit pa din pinapainom ng aking mga pinsan.
Muli kong inilagay ang aking dalawang kamay sa bawat shot glass at sinimulan ko nang uminom ulit nito. Halos masuka na ako sa pag inom ko dahil sa pagpipilit ko. Fvck! Hindi pwedeng manalo ang mga gago sa akin!
"MGA GAGO KAYO! MAMATAY NA AKO! AYOKO NANG UMINOM!" narinig kong sigaw ni Owen. Hinawi niya ang lahat ng baso niyang may alak, nagpatakan at nabasag ang mga ito sa sahig. Humilata na sa ibabaw ng lamesa si Owen.
Ngiting tagumpay ako, tang ina nyo. Ilalaban nyo sa akin ay mahina?
"Make some noise babies!" ilang beses kong itinaas ang mga kamay ko kahit anumang oras ay alam kong matutumba na naman ako. Lumakas ang sigawan ng mga babae sa ginawa ko.
"Ubusin mo Troy! Hindi ka pa panalo!" tumatawang sabi ni Aldus. Tumaas ang dalawa kong middle finger sa kanya.
Muli kong ipinagpatuloy ang pag inom. Fvck! Walong baso pa, masusuka na naman ako. Inaalalayan na ako ng mga babae sa paglalakad, hindi na ako makakita ng maayos. Umiikot na ang lahat ng mga tao, wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari. Shit! I need to finish this!
Hahawakan ko na sana ang ikapat at ikalimang baso nang tuluyan nang bumigay ang aking katawan. Hindi ko na pinansin kung sinong babae na ba ang nadaganan ko. Swerte siya, malamang.
"Troy! Baby Troy, babe.." pakinig ko ang sigawan nang mga babae. Tang ina, gusto ko nang matulog.
"Move, move ladies. Kami na dito.." pakinig kong sabi ni Nero.
"Tang ina, pikon ka talaga Troy. Mukhang napagkaisahan kanina ang tagapagmana ni LG, ako'y nahahabag. Habag na habag ako pinsan, isip bata ka talaga kapag nakakainom" narinig ko ang boses ng gagong si Aldus.
Sinong isip bata? Gago siya!
Naramdaman kong may naglagay ng mga braso ko sa balikat nang kung sino. Mga babae ko? Bakit ang titigas naman?
"Fvck! Wag mo akong himasin Troy! Hindi mo ako babae! Matulog ka na! Uto uto kayo ni Owen" narinig ko naman ang boses ni Nero.
Don't tell me, sa balikat ng mga gago nakasampay ang mga braso ko? Fvck! Ewww.
"Bitawan nyo ako! Mga plastik kayo! Magsama sama kayong apat!" narinig kong tumawa ang mga gago.
"Pinaiyak nyo ang bunso natin. What the hell? Bubuhatin na lang kita Troy.." natatawang sabi naman ni Tristan. Gusto ko mang mumulat at suntukin siya sa sinabi niya ay wala akong magawa. Fvck! Liyong liyo na ako.
Naramdaman kong ibinagsak nila ako sa malambot na bagay. Kama ko ba ito o sofa? Pero hindi rin nagtagal ay halos mapadaing na lang ako sa sakit nang may tumamang mabigat na bagay na katawan ko.
"FVCK!" malakas na sigaw ko. Narinig kong sumigaw din si Owen.
"Magtabi muna kayong mga lasing!" gusto ko mang bumangon at sabihing hindi ako lasing kundi naliliyo lang ay wala na akong nagawa dahil tinangay na ako sa aking pagkakatulog.
Hindi ako lasing.
--
Nakatulog lang siguro ako ng ilang oras, ganun pa rin ang kaganapan sa loob ng mansyon. Dahil masyado nang malalim ang gabi ay nakakakita na ako nang mga naghahalikan at naghihimasan sa bawat sulok ng mansyon.
Hindi ko na rin makita ang mga pinsan ko, maging ang katabi kong si Owen kanina sa sofa ay wala na rin sa tabi ko. Malamang ay may naikwarto na ring babae ang gago.
Napahawak na lang ako sa aking noo. Fvck! Kailangan ko na rin makahanap ng babae, nasaan na kayo? Bakit hindi na nila ako inatake nang natutulog ako? Wala namang problema sa akin. Kumuha ako ng isang malaking fried chicken sa lamesa at pinili ko na lamang lumabas muna sa loob ng bahay. Nabibingi na ako sa walang tigil na tugtugan, papano pa ako nakatulog nito?
Panay ang pagkagat ko sa fried chicken habang naglalakad palabas pero agad nangunot ang noo ko nang makitang nakaupo si Owen sa damuhan sa harapan ng bahay namin habang walang tigil na nagmumura.
Anong ginagawa ng gago dito?
"Owen!" mabagal akong naglakad papalapit sa kanya na nagtataka dahil hindi man lang ito lumingon sa akin. Masama pa rin ba ang loob niya kanina? Ako nga parang wala lang. Pero hinding hindi ko talaga sila papautangin ng panggatas ng kanilang mga anak. Mga gago sila.
Magsasalita pa sana ako nang manlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa binti ni Owen. What the hell?
"What the fvck happened?" malakas na sigaw ko nang makitang punong puno ng dugo ang binti ni Owen.
"Nakawala ang aso ni Antoni----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Owen dahil tumakbo na ako pabalik sa loob ng bahay.
Sumigaw ako nang napakalakas para marinig ito ng aking mga pinsan.
"TANG INA! NAKAGAT NG ASO SI OWEN!"
Halos matigil ang lahat sa kanilang ginagawa dahil sa sigaw ko. Unti unting nagsulputan ang mga pinsan ko na puro mga nakaboxers na lamang, si Nero na may nakasampay pang bra sa balikat, si Aldus na may panty sa kanyang ulo at si Tristan na babae mismo ang nakasakay sa kanyang likuran. Tang ina, kung hindi lang ako nakatulog apat na babae ang nakapulupot sa akin ngayon.
Nagmadali ang mga itong magbihis at nagtakbuhan na kami sa labas.
"Enjoy the night! We shall return!" sigaw ko sa aming mga bisita na mga abala naman sa kanilang mga ginagawa.
Nagtakbuhan kaming apat kay Owen na sobrang putla na at parang hindi na makakausap ng matino. Dapat kinagat din niya ang aso.
"Paano ka nakagat ng aso? Tanga ka ba?" iritadong sabi ni Nero. Sinisimulan na siyang buhatin ni Tristan at Aldus.
"Mamamatay na yata ako.." sabay sabay kaming napangiwi sa sinabi ni Owen.
"Baka nga.." sabay sabay kaming nagtawanan sa sinabi ni Nero. Nang makarating kami sa harap ng sasakyan, sabay sabay na naman kaming napamura.
"Nasaan ang susi? Wala man lang kumuha?!" tanong ko.
"Ikaw ang umalalay dito Troy" mabilis na sabi ni Tristan. Ibinigay niya sa akin ang braso ni Owen na bumubulong na mamamatay na daw siya.
Lumapit ito sa dalawang babae na papalabas na sa bahay at may kung ano siyang kinuha dito.
Nang makabalik siya sa harap ng kotse ay halos mapanganga kaming lahat nang basagin ni Tristan ang bintana ng kotse at mabilis itong binusksan. Sumakay na siya sa driver's seat at kunot noo siyang tumingin sa amin.
"Let's go! Aabutin na nang rabies ang utak ni Owen!" natauhan naman kami at mabilis na naming isinakay si Owen sa kotse.
Sabay sabay pa kaming napamura nang napaandar ni Tristan ang kotse gamit ang hairpin na kinuha niya sa babae.
"Tristan kailan ka pa natutong magnakaw ng kotse?" namamanghang tanong ko.
"Noong kinagat ng aso ang pinsan ko" matabang na sagot ni Tristan bago niya pinaharurot ang sasakyan.
"Fvck you!" sabay na sagot naming apat sa kanya. Pero hindi din nagtagal ay nag umpisa na ulit si Owen sa kanyang padidileryo.
"Mamamatay na yata ako, mamamatay na yata ako.." paulit ulit na sabi ni Owen habang pinagmamasdan ang kagat sa kanya ng aso. Malalim talaga ang kagat sa kanya. Mamamatay na nga yata siya.
"May nabasa akong article tungkol dyan Owen, mapuputulan ka ng paa" slow motion pang napalingon si Owen na may nanlalaking mata kay Nero na nakangising aso.
"Ako din may nabasa din akong article tungkol diyan, dahil sa rabies hindi na tumindig ang kanyang sandata!" napangisi na lang ako sa sinabi ni Aldus.
"Patayin nyo na lamang ako, ibangga mo na ang sasakyan Tristan.." halos sabunutan na ni Owen ang kanyang sarili. Kagat labi kaming magpipinsan na pilit na pinipigilan ang pagtawa.
"Tang ina nyong mga lasing kayo!" malakas na sigaw ni Tristan. Sinong lasing?!
"Kinakabahan ako mga pinsan, alam nyo ba kung bakit lumipat ng bahay si Antonia at si Coach? Dahil nakakagat na rin ang aso ni Antonia noon, at matagal nang patay ang nakagat nito.." mahabang sabi ko na nagpasandal na kay Owen.
"Tang ina!" narinig kong mura ni Tristan sa unahan.
"Owen..." nanguna akong yumakap kay Owen. Nakiyakap na rin si Nero at Aldus. Sinong mga lasing?! Si Tristan ang lasing!
"Hayaan mo, palalaguin ko ang maiiwan mong mamanahin. Gagawin kong negosyo.." natatawang sabi ko.
"Ako na ang bahalang magsorry kay LG sa lahat nang nagawa mong kasalanan Owen.." sabi naman ni Aldus.
"Hayaan mo, gagawin kong anim ang aking magiging mga anak ko. Ipapangalan ko ang isa sa'yo pinsan. Hindi ka namin makakalimutan..." sabi naman ni Nero.
"Wohhooooo, tang ina nyong mga lasing kayo! Nakakahiya kayong isama sa hospital!" pakantang sabi ni Tristan.
Nang makarating kami sa hospital ay halos buhatin na naming apat si Owen sa emergency room. Ngiwing ngiwi sa amin ang lahat ng nurse at halos ilang beses silang nagpapaypay sa kanilang mga ilong na parang mababaho kami.
What the fvck?
"Hanggang dito na lang po kayo, aasikasuhin na namin ang pasyente.." pinigilan na kami ng nurse na sumunod kay Owen.
"Owen! Hanggang sa muli nating pagkikita.." pahabol na sigaw ni Aldus kay Owen na nakataas ang middle finger hanggang sa takluban na siya ng berdeng kurtina.
"Mga kabataan nga naman sa halip na matulog ay sakit sa ulo ang hinahanap" sabay sabay kaming napalingon sa matandang babaeng namomop ng sahig.
"Kami ba ang pinariringgan mo lola?" mabilis na tanong ko.
"No way" sabay sabay kaming napanganga sa sagot ng matandang babaeng janitor. Sinong lasing? Kami ba ang lasing dito? Ang galing niyang mag 'no way'
"Maghintay na lang tayo sa labas, nakakahiya kayong kasama" halos lahat nang mga noo namin ay nangunot sa sinabi ni Tristan. Siya ang lasing! Natuto siyang magnakaw ng kotse dahil sa kalasingan niya!
Sa huli ang nangyari, nakahilera kaming nakaupong magpipinsan sa waiting area. At puro nagheheadbang na ang mga ulo namin, hindi dahil may malakas na tugtugan kundi dahil sa matinding antok.
Pero ang lubos na nakapagpagulat sa aming magpipinsan ay ang dumating sa aming balita.
Ilang oras mula nang madala namin si Owen sa hospital. Nabalitaan na lamang namin na ang asong kumagat kay Owen ay binawian na nang buhay.
Natanong ko na lang ang aking sarili.
Sino ang totoong may rabies?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top