Chapter 10

Last LG's POV


Chapter 10


Dumating na ang araw ng pagtutuos. Puputulin na ang dapat putulin, patatalasin ang dapat patalasin, babalatan ang dapat balatan. Nakasalalay sa araw na ito ang kinabukasan ng buong lahi ng mga Ferell.

At ako bilang mabuting lolo nararapat ko lamang patatagin ang loob ng aking mga apo na nakatakda nang tulian.

Ibinaba ko na ang dyaryo na hawak ko. Katatapos ko lamang magbasa ng aking horoscope. 'Hawakan ang dapat hawakan, hugasan at linisin ang masamang enerhiyang maaaring sumalubong sa'yo'

Nangunot ang noo ko sa nabasa ko, hindi ko maintindihan. Baka naman ang ibig sabihin nito, kapag natulian ang mga apo ko ay ako ang maglilinis at maghuhugas?

Nagkibit balikat na lang ako, kinuha ko ay remote ng aircon at itinudo ko na ang lakas nito. Masyadong mainit ang panahon ngayon.


Dalawang oras na lang ay magtutungo na kami sa ospital para sa mangyayaring tulian. Dahil apo silang lima ng isang Don, syempre hindi ko sila dadalhin sa libreng tulian na maraming mga batang lalaki na kapwa nakapila at halos maubusan na ng tubig sa katawan dahil sa sobrang kaba.

Nararapat lamang ang mga apo ko sa pangmayamang tuli, lalo na at masyadong sensitibo si Troy sa lahat ng mga bagay.

Kasalukuyan kaming nakaupo habang pinalilibutan namin ang isang bilog na lamesa na may nakapatong na itlog na may kamatis, bayabas at ginatang puso ng saging. Kailangan nila ito para mawala ang kaba nila sa kanilang mga dibdib. Pero alam kong kahit ilang kamatis, bayabas at puso ng saging pa ang kainin nila, mukhang wala na yata akong magagawa. Masyado na silang tensyonadong lima, nakakatuwang pagmasdan.

Si Tristan na ilang beses kong nakikitang umiiling at napapasubsob na lang sa lamesa na parang nag iimagine na sa mangyayari sa kanya mamaya. Si Owen na ilang beses nang papikit pikit na parang kinakausap ang sarili, si Aldus na kanina pang hinihipan ang mga kamay sa panlalamig, si Nero na nakatulala na sa kanyang wristwatch at walang tigil sa kapupunas ng kanyang pawis at si Troy na walang tigil sa pagtikim ng bayabas, kamatis at puso ng saging.


"This will work, right lolo?" ngumunguya na ng kamatis si Troy.


"Yes, kumain lang kayong lima.." sagot ko na lamang.


"I thought we'll eat our guava at the time of circumcision, hindi ba at ganito daw noong una lolo? How come we're eating these right now?" sabat na naman ni Tristan. Minsan napapaisip ako, mahirap din palang magkaroon ng apong matalino. Nakakasawa nang magpaliwanag.

Kung sabagay kanino pa ba magmamana ng katalinuhan ang apo kong ito?


"Noon 'yon apo. Today everything is modernize, mas mabuting advance na ang pagkain niyo ng bayabas para hindi nyo para maging mabisa ang pagkakatuli sa inyo. Huwag ka nang maraming tanong Tristan. Sinong maghuhugas sa'yo kapag natulian ka? Hindi ba at ako? Just eat, pinapasakit mo ang ulo ko" inabot ko sa kanya ang bayabas kaya wala na siyang pinagpilian kundi kumain na rin nito.


"Hindi ba at paboriro mo naman ang bayabas Tristan, kainin mo na lang" sabi sa kanya ni Aldus na kumakain na rin nito.


"I am nervous, I can't enjoy the taste of it.." ismid na sagot niya sa pinsan niya.


"Basta ako hindi ako kinakabahan, mas masakit yatang masabong ng manok, makalmot ng pusa at makagat ng mga langgam at bubuyog" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Owen. Bakit parang napapabayaan na itong apo kong ito? Minsan ay itatanong ko sa mommy niya kung ipinaglihi ba si Owen kay Tarzan, masyado na siyang habulin ng mga hayop.


"You're nervous too, don't fool us.." mabilis na sagot sa kanya ni Nero na tuwid na ang dila.


"Sige, sige na. Huwag na kayong kabahan, ubusin nyo na ang nasa lamesa para makaalis na tayo.." tumango na lang sila sa akin.


"What about the nurse lolo? Are they girls?" ngiwing tanong ni Troy.


"Yes, sa pagkakaalam ko ay karamihan ay babaeng nurse ang katulong doon" sagot ko sa kanya.


"What?" malakas na sabi ni Aldus.


"Lolo, hindi pwedeng babae. Sabi ng kaklase ko na nagpatuli na last year, mamamaga daw kapag nakita ng babae.." ilang beses umiling si Owen.


"He's right, 'mangangamatis' daw. Mamamaga ng sobra.." ngiwing sabi ni Aldus.


"I don't like that.." kunot noong sabi ni Nero.


"Kaya nga pinapakain ko na kayo ng kamatis. Mapipigilan nito ang pamamaga sa mga 'sandata' nyo. Tandaan nyo kailangan natin ng matinding pag aalaga diyan, kinabukasan nyo 'yan mga apo. Kinabukasan 'yan ng mga mapapangasawa nyo sa hinaharap. Imahe ng lahi natin ang nakasalalay sa araw na ito.." madiing sagot ko na nagpatango sa kanilang lahat. Ganyan dapat, sa lolo lamang kayo naniniwala.


"Sige na kumain lang kayo ng kumain ng kamatis, iwas pamamaga 'yan.." akala ko ay sasang ayon na naman silang lahat nang makita ko sa ang pangungunot ng noo ni Tristan na mukhang hindi na naman sang ayon sa akin.


"Where's the logic in there? Is it proven lolo? Kung ano ano na ang pinapakain mo sa amin. Lalo kaming napipressure lima.." reklamo sa akin ni Tristan.


"Tristan next year ka na magpatuli! Mas marunong ka pa sa lolo mo!" iritadong sabi ko.


"It was not like that lolo! Sorry, alright. Kakain na nga lang ako ng bayabas.." hindi na ulit nagsalita si Tristan ng tungkol sa mga 'proven' na mga nababasa niya.

Si Tristan ang batang kapag nabasa niya, talagang matatandaan niya. My grandson is a highly intellectual kid. At sa sobrang talino niya ay maraming nagkakainteres sa kanyang iba't ibang institusyon na gusto nang sila na mismo ang magpalaki at mag alaga sa apo ko para mas mapakinabangan sa hinaharap. At ito ang bagay na iniiwasan ng mga magulang niya kaya siya dinala dito sa Pilipinas. My grandson deserves to live like a normal kid, away from the complications of the world.

Masasabi kong madali rin namang matuto ang natitira kong mga apo, kita ko ito sa unti unti nilang paglaki na siyang ikinatutuwa ko. Pero may kaisa isang bagay lamang silang hinding hindi ko na nanaisin pang subukan nila. Ito ay ang pagkukusina.

My grandsons are worst cook. Natatandaan ko pa nang mainggit ako sa mga napapanuod ko sa telebisyon sa mga batang kasali sa 'junior master chief' kaya pinag enrol ko silang lahat sa cooking class. Nakakaproud yatang makita na mabilis maghiwa ng sibuyas si Troy, naghahalo ng pagkain si Tristan na may malakas na apoy, si Owen na nagbabake ng mga cake, si Nero na naghahagis pa ng ham sa ere at si Aldus naglalagay ng bagong timpla niyang sauce. Pero nabigo na naman ako, sa halip na pagkain ang dapat lutuin mukhang gusto pa ng mga apo ko na pati lahat ng mga tao sa gusaling 'yon ay lutuin at gawin letchon. Maging si Tristan na matalino ay may abilidad na makasunog ng bahay kahit na may hawak na itong cook book.

Ipinilig ko na ang sarili ko, ayoko nang maalala pa ito. Magagangdang lalaki naman ang mga apo ko, makakahanap naman siguro sila ng mga babaeng marunong magluto. Tama, matagal ko nang itinapon ang pangarap kong magkaroon ng chef na apo.

Naubos nilang lima ang pinapakain ko kaya nagpaalam na kami sa mga katulong na sadyang pinatigil ko muna sa mansyon dahil sa dami ng kailangang asikasuhin ngayon.


"Just prepare their beds, para makapagpahinga na sila mamaya.." tumango na lang ang mga katulong sa akin.

Nauna na sila sa van at ako na lang ang hinihintay nila. Nang makapasok na ako sa van ay nagsalita muna ako.


"Kapag natulian na kayo, ibig sabihin maaari na kayong makabuntis. Dapat alam nyo kung kailan dapat bumaril, maliwanag?"


"Lolo, kahit hindi tuli nakakabuntis. Mostly from foreign countries males are not castrated but still, they are capable of impregnating woman" napangiwi na naman ako sa sinabi ni Tristan.


"Tristan, gusto mong ako na ang tumuli sa'yo?" nagtawanan ang mga pinsan niya sa sagot ko.


"I am just stating the fact lolo, dagdag kaalaman na rin sa mga pinsan ko.." nag kanya kanyang reklamo ang mga pinsan niya sa sinabi niya.


"Alam ko na 'yon, matagal na. Ang yabang mo Tristan, inggit ka lang siguro dahil ako ang kinuhang escort noong intramurals" mabilis na pagsingit ni Troy.

Napapailing na lang ako habang pinatatakbo ko na ang sasakyan.


"Where's the connection in there Troy? Wala akong pakialam kahit mag muse ka pa.." asik na sagot sa kanya ni Tristan.


"Nakakasakit na sa ulo 'yang 'proven' 'Is it published on books?' 'What are your bases?' mo Tristan. Matatalino rin kami tandaan mo line of eight ang mga grades namin, nine ang sa'yo. Isang point lang ang deperesya. Huwag mo kaming minamahina.." mahabang sabi naman ni Owen.


"Palibhasa mga hindi kayo nakuhang mga escor—"


"SHUT UP TROY!" halos marinig kong sigawan siya ng apat niyang pinsan.


"Kinuha din akong escort Troy, umayaw lang ako. Second option ka lang!" mabilis na sabi ni Aldus.


"What? Nag iimbento ka lang, baka naisip nila na mas gwapo ako sa'yo" agad na sagot ni Troy.


"Anong nakita sa inyong dalawa? Mga mukha naman kayong mga bading!" pagsingit naman ni Nero.


"Naiingit ka lang. Palibhasa mga negro kayong tatlo kaya hindi kayo nakukuhang escort" matagal ko nang tanggap ang apo kong si Troy. Kaya wala na lang akong nagagawa kundi matawa.


"MORENO!" sabay na sagot ni Nero, Tristan at Owen.


"Itigil nyo na 'yang lima, ako ang magtutuli sa inyo kapag hindi pa kayo tumigil" ma awtoridad na sabi ko na nakapagpatigil sa kanila.

Nakarating na kami sa hospital at nananatili na silang tahimik, sinalubong kami ng tatlong nurse na agad nang nag instruct ng gagawin.


"Sige, saglit lang kakausapin ko lang ang mga apo ko." Tumango naman sila sa sinabi ko.

Gumawa kami ng bilog anim, ako na ang yumuko para magkatapat tapat ang ulo namin. Nag akbayan pa kami na parang isa kaming kupunan na sasabak sa isang basketball game.


"Listen to this mga apo. Ang tunay na lalaki, hindi iiyak kapag tinutulian. Isipin nyo na lang na kapag natulian, tapos na ang paghihirap nyo wala na kayong problema. Siguradong mas lalaki pa ang mga 'sandata' nyo kaysa sa mga 'sandata' ng mga doktor na tutuli sa inyo. Trust me mga apo, Ferell's size is monsterous. Be brave boys!"


"Aye aye captain!" tumayo na ako ng tuwid bago kami humarap sa ilang nurse na nakangiwi sa aming anim. Posibleng narinig nila ang sinabi ko, totoo naman.

Ipinasok na sila sa kanilang mga operating room, naupo na lamang ako habang hinihintay ko ang kanilang operasyon. Hindi naman katagalan ang pagtutuli kaya alam kong lalabas din sila na hindi ako maiinip.

Inabala ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng larong pinasa ni Troy sa telepono ko noong isang araw. Magdadrive lang ako na laging nababali ang leeg ng driver.

Eksaktong malolowbat na ako, narinig ko nang nabuksan ang pintuan. Unang lumabas si Tristan na nakasuot na ng hospital gown na hindi na makapaglakad ng maayos.


"How was it apo? I told you, kakayanin nyo 'yan.." mahigpit na umiling sa akin si Tristan.


"Bu, a hao teng! bu shi yie yie" napangiwi ako kay Tristan sa mabilis na sinabi ni Tristan sa akin. Anong sinasabi niya? Napatingin ako sa nurse na nasa likuran ng apo ko.


"Anong nangyari sa apo ko? Anong lenggwahe ang sinasabi niya?" sabi ko sa doktor tulian, bakit naging intsik magsalita ang apo ko?


"Hindi po namin alam, pagkatapos niya pong matulian. Mandarin na po ang lumalabas sa bibig niya.." napatitig na lang ako sa apo ko. Bakit nagkaganito?


"Zoh bah yie yie..." kinakausap ako ni Tristan. Hindi ko maintindihan.


"Xiomai, siopao yie yie Tristan. Ni hao" sagot ko na lang.


"Nasaan ang natitirang apat?" tanong ko na lamang.

Sumunod na lumabas si Aldus na hirap na din sa paglalakad. Tulalang tulala naman ang apo kong ito. Ilang beses kong hinawi ang kamay ko sa harapan niya pero hindi man lang ito kumukurap.


"Ni Hao Ma?" kinakausap ni Tristan si Aldus na tulala pa rin.


"Ano naman ang nangyari sa isang ito?" tanong ko ulit sa nurse.


"Natulala na po siya pagkatapos matulian.." napahawak na lang ako sa noo ko.

Sumunod na lumabas si Owen kung papaano maglakad ang mga pinsan niya ay ganito rin siya.


"Who am I? Who are you? Who are we? Where am I?" nagka amnesia na si Owen.


"Sadya ba na may ganitong side effects kapag natutulian?" kamot ulo kong tanong si nurse. Anong nangyayari sa mga apo ko?


"First time po akong nakakita ng mga batang nagmandarin, natulala ng sobra at nakalimot pagkatapos matulian.." nakatungong sabi ng isang nurse.

Sumunod na lumabas si Nero sobrang bagal ng paglalakad niya kumpara sa mga pinsan niya na nauna sa kanya.


"You! You! All of you! How dare you to stare at me? Why? Is it because I'm a bad boy?" napanganga na lang ako kay Nero. Nagdedeclamation ba ang apo kong ito?

Nang sulyapan ko ang mga nurse ay namumutla na ang mga ito. Anong klaseng gamot ang itinurok nila sa mga apo ko.


"I want to talk to the doctors, hindi na maganda ang lagay ng mga apo ko.." seryosong sabi ko.

Sunod na lumabas si Troy at halos pumalakpak na lang ako sa mga sinasabi niya. Naging genius si Troy.


"Venus - not Mercury - is the hottest planet in our solar system. Even though Mercury is closer to the sun, Venus' toxic clouds trap the sun's heat. That runaway greenhouse effect makes Venus' surface sizzle at about 854 degrees Fahrenheit (457 degrees Celsius). That's hot enough to melt lead. The highest mountain on Venus is called Maxwell Montes and is comparable to the highest mountain on Earth: Mount Everest..." tumango na lang ako nang tumango sa kanila.


"Sige, mag usap muna kayo diyan.." iniwan ko silang lima na may kani kanilang mga sinasabi at hinintay ko ang tatlong doktor na tumuli sa mga apo ko.

Nang lumabas na ang mga doctor ay agad silang nagpaliwanag sa akin na mawawala rin naman ito matapos ang ilang araw. Posibleng sa sobrang nerbiyos ng mga ito ay kung ano ano na ang mga pumasok sa kanilang mga isipan.


"Just contact us Don Ferell kung wala pa rin pagbabago sa mga apo nyo.."


"Salamat.." nagpaalam na kami ng mga apo ko.

Dahan dahan ko silang isinakay lima sa van para hindi sila masaktan.


"Uuwi na tayo, kailangan nyo lang siguro ng pahinga.." nasabi ko na lamang habang pinaandar na ang sasakyan.


"We love you lolo!" napapreno na lang ako sa narinig ko dahilan kung bakit sabay sabay silang nagdaingan na sinundan din nila ng tawanan.


"Ayaw ko nang mag Mandarin Troy, muntik na akong matawa sa sagot ni lolo sa akin kanina!" natatawang sabi ni Tristan.


"Nakakapagod magkunwaring tulala" matabang na sabi ni Aldus.


"Madali lang 'yong sa akin" agad na sabi ni Owen.


"Isang oras ko din ni memorize 'yon declamation ko. Paniwalang paniwala si lolo.." natatawang sabi ni Nero.


"Mahaba 'yong sinabi ko, huwag na kayong magreklamo! How was it lolo?" natatawang sabi naman ni Troy.

Sa halip na sumagot ay napailing na lang ako sa kanila na hindi matanggal ang ngisi sa mga labi ko. Mga apo ko nga pala sila, saan pa sila magmamana ng kalokohan? Naisahan ako.


"Don't worry love din kayo ni lolo.."


"We all know. Matagal na.." mabilis na sagot ni Troy na agad sinang ayunan ng mga pinsan niya. Hanggang sa magtawanan na lang kaming maglololo.


How I love my grandsons, they are all priceless. 


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top