Chapter 1



Chapter 1


Kasalukuyan nang nagsasayaw ang apo kong si Nero at si Florence sa harap ng mga bisita. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha, isa na sa mga pasaway kong apo ang natali ng isang magandang babae.

Hindi ako nagsisising tinulungan ko ang mga Almero para protektahan ang buhay ng magandang batang ito. She's not just beautiful, she has also a very pure heart. At hindi ko akalaing ang apo kong may mainiting ulo na laging masama ang loob sa mundo ay makakapangasawa ng isang mala anghel na babae, our beautiful Florence Celestina Almero Ferell.

Napatigil ako sa panunuod sa bagong kasal na nagsasayaw nang may biglang yumapos sa akin. Ano naman kaya ang kailangan nito sa akin? Ilang beses ko na ba sinabi sa kanya na tanggalin niya ang hikaw niya sa tenga? Bakit napakatigas ng ulo ng apo kong ito?



"LG, don't cry. Hindi pa naman kita iiwan. Hindi pa ako mag aasawa" pinahid ni Troy ang kaninang nangingilid kong luha. Sinong may sabi na kamukha ko siya? Syempre higit na mas gwapo ang lolo.



"Tigilan mo ako Troy, mag asawa ka na. Ako na ang magbabayad ka Laura para pakasalan ka lang, ako na ang magmamakaawa" kitang kita ko ang pag ngiwi ng kawawa kong apo sa sinabi ko.



"Si LG talaga, akala ko ba ay paborito mo ako?" hindi na ako nakasagot sa kanya at ginulo ko na lang ang kanyang buhok gaya nang mga panahong maliliit pa silang lima.



Several years ago


Limang taon na akong nag iisa sa napakalaking mansion ito. Lugar kung saan naiwan ang masayang mga alaala namin ng aking pinakamamahal na asawa.

Buhay, isang bagay na kailanman ay hindi kayang masigurado ng mga tao. Hindi mo aakalaing ang taong nakangiti at tumatawa sa'yo ng mga oras na ito ay maaari ka na lang iwanan kinabukasan. Buhay ang masasabi kong pinakamahirap kalaban sa mundong ibabaw.

Sa pito naming naging mga anak ni Amanda, wala sa mga ito ang piniling manirahan sa Pilipinas. Lahat ng mga ito ay nasa ibang bansa nakatigil kaya bihirang bihira ko na lamang makita ang kanilang buong pamilya, lalong lalo na ang aking mga munting apo na nagsisimula nang magsilakihan. Hindi lang nila alam kung gaano ako kasabik sa tuwing dadating ang araw na ito.



Ngayong araw ang talagang pinakahihintay ko sa loob ng isang taon. Umuuwi ang aking mga anak kasama ang kanilang mga pamilya para dito na sa mansion magpalipas ng pasko at bagong taon kasama ko.

Sa aking pagkakatanda ay ngayon ang kaarawan ng aking si Troy, ang pinakabunso sa aking mga apo.



Hindi ko na siguro mabilang kung ilang beses ko nang tiningnan ang orasan kaya nang makarinig ako ng doorbell hindi ko na hinintay pa ang mga katulong para buksan ito, ako na ang nagmadaling pumunta sa pinto para salubungin ang mga anak ko.



"Papa, Merry Christmas!" agad yumakap ang manugang kong si Trinity. Tumango naman sa akin ang kanyang asawa na buhat si Tristan.



"Lolo, pabuhat" yinuko ko agad ang panganay nilang si Tiana para buhatin.



"Ang bigat bigat mo na apo. How's your school?" sa halip na sumagot sa akin si Tiana ay hinalikan ako nito ng paulit ulit sa aking pisngi.



"How sweet of you. Did you take good care of your brother?" natutuwang tanong ko sa cute kong apo.



"Yes ofcourse, he's a good boy. He's always sleeping" sa pagkagigil ko kay Tiana ay hinalikan ko ito sa kanyang ilong. Nakipag nose to nose pa sa akin ang malambing kong apo.



"Tristan, wake up. Nasa lolo na tayo" umiling na lang ako nang tinangka nilang gisingin si Tristan.



"Let him be.." ang bilis nang panahon parang sanggol palang si Tristan noon. Ito at apat na taong gulang na.



"Come here Tiana, bubuhatin ni lolo si Tristan." Kinuha na ng kanyang ina Tiana at mabilis namang inabot sa akin ni Justin ang kanyang anak na natutulog.



"How's my sleepyhead? Kawawa naman ang apo kong ito. Pagod na pagod sa biyahe" agad kong hinalikan sa kanyang noo si Tristan.



"Tumaas na kayo, nakahanda na ang mga kwarto niyo" tumango sa akin ang mag asawa.



"Papa, gisingin mo na 'yan. Mahaba na ang itinulog ng batang 'yan" hinalikan muna ni Trinity ang kanyang anak bago sila tumaas ng kanyang asawa sa kwarto para mag ayos ng kanilang mga bagahe.

Sinimulan ko nang maglakad sa sala para ihiga muna si Tristan sa malaking sofa. Naglagay ako ng maraming unan sa kanyang tagiliran para hindi ito mahulog kung maglilikot ito.



"Ang gandang lalaki ng apo ko, manang mana ka kay lolo" tinanggal ko ang hinlalaking daliri ni Tristan sa kamay nang isubo niya na naman ito na parang tsupon.



"Nako papa, sadyang ganyan ang batang 'yan. Magaling sa pagtulog" inabutan ako ni Trinity ng puting towel para punasan ang pawis ni Tristan. Nakababa na pala agad ito.

Hindi din nagtaggal ay may nagdoorbell na ulit.



"Ako na" sabi ko nang dapat siya ay pupunta sa pintuan. Nang sandaling buksan ko ang pinto ay agad dumamba sa akin si Owen na may napakalaking ngisi sa kanyang mga labi. Mabilis ko siyang binuhat.



"Lolo! Look I have a sword!" tuwang tuwa si Owen na pinapakita sa akin ang umiilaw niyang laruan. Litaw na litaw ang malalalim na biloy ng aking apo habang pinagmamayabang ang kanyang laruan. Sa akin siguro niya nakuha ang mga biloy niyang ito?



"Merry Christmas papa!" humalik din sa akin ang mga magulang ni Owen.



"Lolo, bless po" hinuli ni Liam ang aking kamay para makapagmano. Siya ang panganay na kapatid ni Owen.



"Kamusta apo? May girlfriend ka na?" tanong ko agad sa aking apo. Baka kung ano na lang ang inaatupag nito sa ibang bansa at puro babae na lamang.



"Girlfriends lolo? I can't count them" ngising sagot niya sa akin na nakapagpakunot sa aking noo. Ang mga kabataan nga naman.



"Alam ba ng mommy mo ang mga kalokohan mo Liam?" kumindat lang sa akin ang magaling kong apo at nagawa pang umakbay sa akin.



"Syempre lolo, nag aaral po akong mabuti. Itanong mo pa kay Owen. Right, brother?" malambing na pinisil ni Liam ang ilong ng kanyang nakababatang kapatid.



"Lolo, I saw kuya. He's kissing a beautiful white girl inside his room" inosenteng sabi ni Owen. Hindi ko na napigilang hilahin ang tenga ni Liam.



"Tingnan mo! Anong nakikita ng bata sa mga pinaggagawa mo?!" natatawa lang sa akin si Liam habang hawak ang tenga niya.



"Walang laglagan Owen, hindi ka na papasalubungan ng donut ni kuya" nagbibirong sabi niya sa inosente niyang kapatid. Hindi naman siya pinansin ni Owen dahil abala ito sa pagkukwento sa akin.



"When I grow up I will kiss girls too, lolo. I will bite them like kuya" pabiro akong kinagat ni Owen sa pisngi kaya punong puno na ako ng laway. Tumakbo na palayo sa akin si Liam habang si Owen ay tuwang tuwa sa pinagsasabi niya.



"Just play your toy Owen, okay? Wake up your cousin, bubuksan ko lang ang pinto" ibinaba ko na siya at masunurin naman siyang bata kaya nagsimula na siyang maglakad sa living room habang nilalaro ang kanyang laruan.

Abala na ang aking mga anak at manugang sa pag aayos ng kusina para sa mga ihahanda, dalawang araw na lang ay pasko na. Nakagawian na namin na maghanda sa sunod sunod na tatlong araw para mas mapaaga at mapahaba ang kasiyahan.



"Merry Christmas po papa" katulad nang nauna ay kapwa humalik sa akin ang mag asawa. Sabay din na nagmano ang kambal kong mga apo.



"Mga dalaga na kayo, pinapasakit ba ni Aldus ang mga ulo nyo?" kapwa ngumisi sa akin ang magagandang kambal.



"Lolo, siguradong maraming paluluhaing babae si Aldus kapag nagkataon. Look at him, natuwa ang mga santa babe sa kanya sa airport. He have so many kiss marks" inagaw ni Charlotte ang kanyang kapatid sa kanyang ama at natutuwa niyang iniharap sa akin si Aldus.



"Look at his face" sabay nagtawanan ang kambal nang ibigay nila sa akin si Aldus na nakasuot pa ng Santa Clause custome.



"What happened to you apo? Punong puno ka ng lipstick" lalong lumitaw ang kulay pulang lipstick sa kanya dahil sa puti ng kutis nito. Pinahid ni Aldus ang lipstick sa kanyang pisngi at nang makita niya ang kulay pulang mantsa sa kanyang kamay ay mabilis niya itong pinahid sa aking mukha.



"Lolo has red paint too!" utas siya ng katatawa at nang mapansin ko na napapatagal na siya sa pagtawa ay sinubukan ko na siyang pakalmahin. Baka hindi na makahinga ang bata sa katatawa.



"Napakababa ng kaligayahan mo Aldus" ibinaba ko na siya. Pinahid ko ang lipstick sa aking mukha at muli ko itong pinahid sa ilong ni Aldus.



"Go to living room, your cousins are there" masunurin naman si Aldus at nagtatakbo na rin siya sa sinabi ko.



"Be careful!" sigaw ko nang makita kong muntik na siyang madapa.

Sunod na dumating ang birthday boy.



"Happy birthday to me!!" masiglang sabi ni Troy.



"Happy Birthday Troy, sino nga ang kamukha mo?" mabilis akong itinuro ni Troy kahit buhat ko na siya kaya tumama sa mata ko ang kanyang hintuturo. Ang kukulit ng mga bata. Pilit kong kinusot ang mga mata ko, ang sakit.



"Lolo, I'm sorry.." hinawakan ng maliliit na kamay ni Troy ang magkabila kong pisngi at hinalikan niya ang mga mata ko.



"Wala na ang sakit!!" sa tuwa ko sa kanya ay ginulo ko na lang ang buhok niya. Napakalambing talaga ng batang ito.



"Good boy, now go see your cousins. I'll wait for the others" katulad ng ginawa ng mga pinsan niya ay nagtatakbo na rin si Troy.

Huling dumating si ang Eneru at ang asawa niyang si Nerissa na buhat si Nero. Katulad pa rin ito ng dati na mailap sa tao, tanging siya lang ang iwas sa akin sa dami ng aking mga apo.



"Merry Christmas papa" bati sa akin ng mag asawa.



"Merry Christmas lolo! May sumpong na naman si Nero" ngusong sabi ni Nally.



"Baka nagugutom lang ang kapatid mo" sagot ko na lang.



"Then, he's always hungry" ngising sabi sa akin ni Nally. Binuhat ko na rin si Nally.



"Nero, gusto mo ba sumama kay lolo? Come here" lalo lamang nagsumiksik ang mailap kong apo sa kanyang ina.



"May sumpong.." bulong sa akin ng aking anak.



"Pumasok na kayo, nandito na silang lahat" nauna nang maglakad si Nerissa na buhat si Nero nang ngumiti ako sa aking apo ay agad siyang sumiksik sa leeg ng kanyang ina.



"Ang arte arte niya lolo" bulong sa akin ni Nally. Hinalikan ko na lang ito sa kanyang pisngi.



---


Kasalukuyan nang nagkakasiyahan ang mga anak at mga manugang ko sa labas habang ako at ang aking mga apo ay piniling manuod na lang ng movie.

Nakakalong sa akin si Tristan na kanina pang nagpapatumba tumba. Inaantok na naman ang bata. Sa kanan ko naman ay si Aldus at Owen na nagsusumiksik sa akin at mukhang hindi na mapakali. Habang sa aking kaliwa naman ay si Troy na kanina pang hinihila ang laylayan ng aking damit. Samantalang si Nero naman ay nasa dulong sofa at nakatingin lang sa aming lima.

Ang mga nakatatanda nilang pinsan ay abala sa paglalaro ng kani kanilang mga gadgets, ang ilan ay nasa kanilang mga kwarto na at natutulog na dahil sa biyahe.



"I'm scared lolo. Lalabas na 'yan sa tv" hindi na magkaintindihan si Troy kung susuot na ba sa aking damit o magtataklob gamit ang unang kanina pa niyang hawak. Basang basa na siya ng pawis pero pilit pa rin siyang nagsusumiksik sa akin. Samantalang si Owen at Aldus ay mukhang naghihilahan na kung sino ang mas didikit sa akin.



"Bakit hindi natin ilipat ang channel? Takot na takot kayo. Give me the remote" halos sabay sabay silang umiling sa akin na may natatakot na mga mata, sa katunayan ay maluha luha na silang tatlo. Malapit sa tv nakapatong ang remote kaya walang makapagtangka sa aking apo na kumuha nito.



"Walang kukuha sa inyo? Hindi makukuha ni lolo, natutulog si Tristan" hinawi ko ang buhok ni Tristan na kasalukuyang nakakalong sa akin at tulog na tulog.

Napatingin ako sa tv nang mapalakas ang volume nito. Naghahabulan na ang multo at ang bida. Lalong nagulo ang patas ng tatlo kong apo. Hindi ko na mapigilang hindi matawa. Dahil sa mariin nilang pagkakapikit sa kanilang mga mata habang tinatakpan naman ng kanilang mga kamay ang kanilang tenga.

Napansin ko na pilit nagsusumiksik si Nero sa gilid ng sofa habang tinatakpan ang kanyang mga mata. Ako na ang naaawa sa sitwasyon ng aking apo, gusto ko na siyang yakapin dahil sa takot na nakikita ko sa kanya ngayon.



"Come, come here Nero. Lolo will protect you.." inilahad ko ang kamay ko kay Nero na nag aalinlangan pa kung iaabot sa akin o hindi ang kanyang mga kamay.



"Come here Nero, don't be shy. Lolo will hug us together.." nakapikit ang isang mata ni Troy habang ang kanang kamay niya ay nakatakip sa kanyang tenga at ang kaliwang kamay naman niya ay nakalahad din kay Nero.

Hindi ko alam kung bakit pero nang sandaling nagsisimula nang gumalaw si Nero sa sulok ng sofa ay bahagyang nag init ang sulok ng aking mga mata. Sa wakas lumalapit na rin sa akin ang aking napakailap na apo. Agad kong hinuli sa aking mga bisig ang aking apo na takot na takot.



"Hug lolo tightly" hindi ko na mapigilang hindi mapangisi habang bahagyang naluluha kahit horror ang pinapanood naming maglololo. Siguro ganito na kaming anim, masyado kaming madramang maglololo.

Isa isa ko silang hinalikan sa ibabaw ng kanilang mga ulo habang lalong humihigpit ang kanilang mga yakap. Ang munting mga yakap ng aking mga apo.



"From now on, you'll rely on each other's arms"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top