Kabanata 9
Kabanata 9
Napapaligiran ako ng magaganda at gwapo. No'ng una ay akala ko blessing ito pero kalaunan ay napagtanto na para sa isang tulad ko na mababa ang kompiyansa sa sarili — isa itong sumpa. Isang karumal-dumal na sumpa na hindi ko kayang alisin sa sarili ko.
I hate being myself. I'm not comfortable with my own skin.
I hate being not as talented as them. I hate not being as pretty as them. I hate not being as smart as them.
Hindi rin naman ako jacks of all trade. Kumbaga, mas mababa pa nga ako sa average — sa sakto lang.
Napabuntonghininga ako habang inaayos ang gamit ko sa school. I'm still a teenager anyway, maaaring gumanda pa ako o kaya'y bigla sigurong magkakahimala na bigla na lamang ako tatamaan ng kidlat ng kagandahan, ng katalinuhan at ng talento.
I shook my head dismissively and slightly chuckled at that thought. Not gonna happen.
"Roleplay ba gagawin natin?" tanong ni Bea na naging kagrupo ko sa contemporary arts.
We'll be having a musical. Pinagsama-sama kasi ang iba't ibang uri ng sining dito. Music, set design, acting and more. Kaya naman napili naming musical na lang ang gawin para sa huling yugto ng subject namin na contemporary arts. Ito na ang magiging huling requirement namin para makapasa dahil ito na rin ang huling grading para sa contemporary arts.
"Sabi ko na nga ba dapat naging artista na lang ako e," reklamo ni Gio na kunot ang noo habang may hawak na script.
Naiintindihan ko siya, bukod kasi sa contemporary arts ay meron din kaming roleplay na movie para naman sa MIL. Daig pa namin ang maga-acting workshop sa dami ng mga roleplays na nagawa na namin! Albeit, this was only the first semester! Sabagay, puro mga core subject naman halos ang nagpapagawa ng mga roleplays.
"Si Gio 'yong tatay," Chaile, our director, appointed. Agad namang umangal si Gio dahil sa role n'ya.
"Alam n'yo? Pwede n'yo naman sabihin sa akin kung gusto n'yo ako asawahin? Bakit palaging tatay role ko sa mga roleplay?" bahagyang ngumiwi si Gio.
Hindi namin mapigilan ang halakhak namin. Totoo naman na palagi siyang ama o kaya'y nagiging ama sa mga roleplay sa aming classroom. Nasanay na 'yata kami kaya naman paulit-ulit na lang din ang nagiging role n'ya.
"Si Melay ang nanay naman," Chaile nodded as if she didn't hear Gio. She's too preoccupied with setting her characters. Hindi ko maiwasan ang humanga sa kan'ya.
Kailan ko kaya magagamit ang talent ko sa school o sa kahit ano? Did I even have a talent in the first place? Or I merely just exist? I didn't want to ponder on that too much.
"Wala pa 'yong lola!" Chaile gasped upon seeing that there's still an available slot for a character. Halos halughugin ng kan'yang paningin ang buong classroom para maghanap ng isang tao na pupunan ang role ng isang lola.
"Si Paulene na lang!" Brittany suggested. "Wala naman siyang gagawin."
"Nasa propsmen na ako," I protested against the idea. Although the lola part is only a minor role, ayoko sana maging parte ng mga cast.
"Paulene, payag ka na!" Amber urged. I feel pressured because everyone was staring at me.
"S-sige na nga," pagsuko ko sa kanila. Chaile beamed because her cast is finally complete.
Halos dalawang linggo lang ang preparation namin para rito. Hindi pa nakatulong na sumasabay ito sa mga exams namin. Para bang nagusap-usap ang mga teacher namin na dapat sabay-sabay sila sa pagbigay ng mga gawain.
"Magr-review ka pa ba sa reading and writing?" tanong ni Melay sa akin.
"May oras pa ba ako para mag-review?" I asked back, feeling worn-out.
Frankly speaking, kulang na nga ang tulog ko dahil sa mga activities na hindi ko pa natatapos tapos magc-comeback pa 'yong main stan ko ngayong buwan. I rarely checked my stan account these days! Pakiramdam ko nagtatampo na sila dahil ang tagal ko na 'yatang inactive.
Pau @rippedseokjins
Ang dami namang gawain, tulugan ko nga. 😔
I can't help but giggle at my own tweet. Totoo naman na matutulog muna ako bago gumawa. Tendency of not having some rest before doing your activities, you'll feel burned out. Kaya natutulog muna ako bago gumawa ng mga activities na hindi ko pa nasisimulan. Rest is a must.
We had a few practices, kung minsan ay hindi pa lahat ay nakaka-attend dahil meron din silang mga commitments sa bahay, sa ibang subject o kaya'y hindi lang talaga nila gusto sumama sa practice. I could feel the frustration of those who really wanted to make this as grand as it can be.
"Bea, inayos mo na ba 'yong script?" ani Chaile kay Bea.
"Sabi ko sa 'yo, hindi ako magaling magsulat." sagot ni Bea habang nakabusangot.
"Mahilig ka magbasa!"
"Pero hindi ako nagsusulat!" giit ni Bea sa mas marahas na paraan. Chaile shook her head in frustration, nagkakaroon pa sila ng problema ngayon dahil nag-back out ang aming scriptwriter kalagitnaan ng mga practice. Hindi pa n'ya tinapos ang script.
"Akala ko ba dapat may lamesa? Saan tayo kukuha ng lamesa? Pwede na ba ang foldable?" Zafirah, who was in charged of the props, sounded stern as she lead the propsmen. Kahit sa props ay nagkakaroon din ng problem.
"Sintunado naman 'yon si Amber! Bakit ba nakasama 'yon sa musical team?" reklamo naman ng isang gitarista kong kaklase.
It was apparent that it was a chaos in the making with all the fuss from everyone. Hindi sila nagkakasundo. Walang gustong magparaya. Lahat ay nagkakainitan. Hindi pa nakatutulong na halos isang linggo na lang ang natitira sa amin para matapos namin ito.
We've seen the preparations of other sections, mas maayos pa 'yata ang gawa nila at mas madalas silang mapuri sa harap namin. Of course, my competitive classmates didn't like that idea and despised how we were being considered as second best.
"Bea, kahit ano naman ay magiging maganda! Ako bahala, isulat mo lang ang gusto mong isulat!" Gio cheered Bea who only nodded her head in gratitude.
Parang plantsa ay tinanggal ni Gio ang mga gusot sa prinoproblema ng mga kaklase ko. He motivated them, encouraged them and made them feel secured about their performance. Siya ang tala talaga tuwing dumidilim na. His small but nonetheless light brings comfort and hope towards everyone in their dark places.
Sana gano'n din ako. I hope that I could just like him. I can bring light to others too, lalo na tuwing wala na ang araw ng iba at ang madilim na paligid na puno ng problema na lamang ang nandiyan. I want someone to find comfort within me. I cannot give assurance to myself but I always want to be someone they can depend on when they need a little solace.
Gio made us feel like we needed to work together despite of our differences. Para s'yang lubid na tinatali kami para hindi magkawatak-watak. It worked because we eventually found out how to make things work.
Si Bea ang nagsulat ng aming script. The props were handled well by Zafirah and I heard Amber was moved into the propsmen because she wasn't really a singer. It was all because of Gio's efforts.
Dumating ang araw kung saan itatanghal namin ang musical play namin. It was nerve wrecking because other strands will watch us. Medyo kabado pa nga ang ibang mga casts dahil nandito raw ngayon ang mga crush nila.
I closed my eyes and hoped that Jeremy or his section won't be part of the audience!
"Kabisado mo naman na ang mga lines mo 'di ba?" Chaile asked nervously in the backstage. I nodded my head to affirm her that I do know my lines.
Madali lang naman ang mga linya ko. Isa lang namang akong Lola na may ayaw sa kan'yang son-in-law. I only have a few lines too but the thick make up is making my face feel itchy. Nangangati rin ang buhok ko dahil sa nilagay nilang hairspray na kulay puti sa aking buhok.
My shawl also made me feel cold. Ang nipis lang kasi nito at naka-sleeveless lamang ako. I blew out some air before finally going to the stage when my cue was called.
Gamit ng isang abanikong pamaypay ay pinaypayan ko ang sarili ko habang tinatanaw ang mga manonood, I gradually walked towards the main cast not even blinking because of the spotlight. The scene was dramatic because Gio and Melay were having an argument. Ako ang magsisilbing kontrabida sa buhay ng mag-asawa na ito.
"Sinasabi ko na nga ba, Juswa!" I pointed my fan towards Gio who widened his eyes at me.
He looked at me, umangat ang gilid ng kan'yang labi. Mukha s'yang nagpipigil ng tawa. My cheeks flushed because of it. Hindi naman ako ang nag-pangalan sa kan'ya ng Juswa! It was all written in the script!
"Hindi ka nababagay sa anak ko!" I yelled towards him, he only looked amused. This is why I didn't like to practice my lines with him! Parati na lamang s'yang mukhang natatawa sa akin!
'Wag kang tumawa kasi matatawa ako! I badly wanted to yell that to him.
"Kanino po ba ako nababagay?" he answered back which caught me off guard.
Nasa script ba 'yon?!
Ang dapat n'yang sabihin ay mahal na mahal n'ya ang karakter ni Melay. Sinipat ko agad ang direksyon ni Melay, she looked equally confused as me. Nagbago ba ang script?!
"S-sa. . ." I stuttered.
Unti-unting lumapit sa akin si Gio, the more he stepped forward the more that I was nervous. Parang hinahabol ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. He was beginning to move closer until I was cornered.
"Sumagot ka," matapang na pahayag ni Gio. "Bakit ayaw mo ako sa anak mo?"
I clutched on my shawl. He was so close to me! Halos magkapalit na kami ng mukha dahil na-corner n'ya ako sa isang pader!
"Bakit ba ayaw mo sa akin, ha?" mahinahon n'yang tanong kaya naman lalo akong kinabahan. I know he was supposed to be angry at this scene! Dapat ay nagwawala s'ya dahil ayaw ko s'ya para sa karakter ni Melay!
Bahagya akong napatalon nang sinuntok n'ya 'yong pader.
What the heck?! Bakit n'ya sinuntok 'yong pader?!
Everyone gasped because of what he did. I saw Chaile on the backstage, her eyes almost bulging out. Si Bea naman ay napatakip ng kan'yang mukha gamit ng hawak n'yang script.
"Kung ayaw mo ako para sa anak mo? Pwede bang t-tayo na lang?" nanghihinang saad ni Gio habang unti-unting binaba ang kamao. He looked like was in pain.
I slowly nodded because I was out of words. Nagulat ako nang biglang namutawi ang malalakas na halakhakan sa loob ng auditorium kung saan kami nagp-perform. I was currently in dazed as I got back on the backstage.
"Bakit n'ya sinuntok 'yong pader?" Chaile asked, hysterically. Natatakot siguro na masita ng aming teacher. Everyone saw how real it was! Imposibleng hindi nasaktan si Gio.
"Nasa script 'yon, Chaile! Sineryoso 'yata ni Gio!" sagot ni Melay habang mabilis na nagpapalit ng damit dahil babalik s'yang muli sa stage. Tinanggal n'ya ang duster na kan'yang suot at nagpalit ng mas panibagong duster.
"Sabi ko sa 'yo hindi na dapat paiba-iba ng damit e! Pwede namang maging outfit repeater!" Primo, the assistant director, scolded Chaile.
"S-sabi ko naman sa inyo, hindi ako nagsusulat. . ." Bea mumbled, looking guilty. Hawak-hawak pa rin ang script na ginawa n'ya.
Napalingon kami ngayon kay Gio na mukhang kawawa dahil sa kan'yang kamao. I looked at him worriedly. Napalingon din tuloy s'ya sa akin.
"Okay lang naman ako, di naman s'ya sobrang sakit! P-pero bakit naman kasi may suntukan ng pader doon, lugi naman ako." Gio chuckled despite having a slightly bruised knuckles. My forehead formed creases. Agad ko s'yang pinuntahan.
"Gusto mo bang pumunta ng clinic?" anyaya ko sa kan'ya. Umangat ang tingin n'ya sa akin, his eyes expressed delight.
"Pwede naman," bigla siyang napangiti. "Concern ka ba sa akin?"
"Malamang!"
Namamaga kaya ang kan'yang kamao!
"Hala, weh? Kinikilig ako." He covered his mouth and started giggling like a kid. Parang gago talaga!
"Kaunting tingin mo lang, Paulene. Okay na ako." He smiled and as much as I try to conceal it, pumipintig talaga ang puso ko sa kan'ya.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top