Kabanata 8
Kabanata 8
Sometimes the pain we feel is the manifestation of our own thoughts. It becomes more apparent that our thoughts control us. At alam ko naman na talo ang nagpapaalipin sa kan'yang emosyon. In a world where people would still choose to be insensitive despite knowing the weight of their words, talunan ang mga taong nilalamon ng kanilang mga puso at isipan. Those who cannot think harshly are deemed to be worthless and weak.
Ang hirap maging mabait sa mundong mas pipiliin kang tapaktapakan kapag nakita nilang hindi mo kayang magalit sa mundo. It's hard to see the flowers when you only feel the thorns.
"Baka gusto n'yo ng shanghai. . ." I asked Bea and Melay who looked surprise. Lugmok akong bumalik sa classroom at pumunta sa kanilang tabi. Both of them gave me some space.
"Ang bilis mo naman bumalik?" tanong ni Melay. Lalo lamang nalukot ang aking mukha. Bea noticed my mood and immediately rescued me from the incoming embarrassment.
"Melay," saway ni Bea. "Sige, Paulene. Pahingi kami ng dalawa."
I smiled at her; I appreciate her small act of kindness. Alam n'ya siguro ang kinahinatnan ng balak ko sanang pagsabay kay Jeremy ngayong lunchbreak. Napabuntonghininga ako. Hindi ko magawang magalit kay Jeremy dahil hindi naman n'ya obligasyon na sumipot. Pakiramdam ko nga ay baka napilitan lang siya dahil nakulitan sa akin.
"Ano 'yan? Bakit hindi naubos?" Amber asked. Nakita n'ya kasi ang hawak ko na tupperware.
"Hindi ka sinipot?" tanong ni Brittany, may panunuya sa tono.
"Busy lang daw," I diverted my sight. Tumawa nang mahina si Amber.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo e. Na-turn off na 'yon sa 'yo."
"Hindi kasi tinatanong opinyon n'yo," singit ni Melay sa gitna namin ni Amber. "Pakialam ba ni Paulene kung anong tingin n'yo?"
Amber only shot her a quick glare. Napakagat naman ako ng ibabang labi ko dahil sa takot na baka mag-away sila. Bea sighed and immediately went outside, probably to seek peace. Sumunod si Melay sa kan'ya, susunod na sana ako nang hawakan ako ni Brittany sa pulso.
I shivered in fright.
"Bakit?"
"Hindi mo ba nakikita, Pau? You looked desperate. Obvious naman na kahit sino ay mas pipiliin ang iba kumpara sa 'yo." Brittany muttered aggressively. "Tingnan mo? They even left you. Tapos susundan mo pa?"
Napayuko ako sa sinabi ni Brittany. Am I that annoying? Natigatig ako sa kan'yang pahayag. Pakiramdam ko ay tama s'ya. . .
Lahat ng tao ay ayaw sa akin. Hindi mananatili. Hindi ako magugustuhan. Just because I'm more flawed than others.
Totoo naman na lahat tayo ay hindi perpekto. Pero totoo rin na minsan, kahit imperpekto tayong lahat — may mga umaangat pa rin. May mas mapapansin at mas magaling pa rin. Mas may mga pipiliin pa rin kumpara sa 'yo. It made my remaining confidence evaporate into thin air.
"Britt, tama na 'yan. Paulene kasi, tigil na okay? Kung gusto ka no'n, siya mismo gagawa ng paraan."
I gradually nodded. Para lang tumigil na rin sila sa litanya nila sa akin. I accepted their opinions like they were presented as facts. Mabigat ang dibdib kong pumunta mag-isa sa isang sulok. I ate alone in the corner, nagbabadya ang mga luha. Pinipisil ang puso sa sakit dahil wala na naman akong kakampi.
"Paulene."
Tumaas ang tingin ko sa tumawag sa akin. Ang bungad ay si Gio na mukhang nagaalala habang nakadungaw sa akin. He bended his knees to match our level, kasalukuyan kasi akong nakaupo.
"Bakit ka umiiyak, hala?" he looked worried. Agad siyang lumapit sa akin.
"Hindi ka ba nakabili ng kanin? Magsasaing ako. . ."
"Gagio ka," I laughed amidst the dawning tears. "Paano ka magsasaing nasa school tayo?Ang dami kasi ng niluto ko. Hindi ko 'yata mauubos."
I looked at him straight in his eyes. He looked down and covered the lower part of his face. He's blushing? Napaawang ang labi ko dahil sa nasaksihan.
"P-pwede mo naman i-share ang blessings mo. . ."
"Gusto mo ba?"
"Oo, gusto kita." Direktang sagot n'ya at unti-unting umangat ang tingin muli sa akin.
My heart wanted to run away from his gaze but I can't help but noticed the verity in his eyes. Agad akong tumikhim at inabot sa kan'ya ang tupperware.
"Mukha ba akong shanghai?" pinilit kong umirap kahit hindi ako marunong. Narinig ko ang kan'yang halakhak at gumuhit ang isang ngiti sa aking labi.
He tried eating the shanghais that I made and he beamed which caught me offguard. Halos kumislap sa tuwa ang kan'yang mga mata. He ate it like it was his favorite food, hindi ko maiwasan ang matuwa dahil sa reaksyon n'ya. He's like a kid who got his favorite meal.
I feel appreciated for the first time. A sincere reaction from him warmed my heart.
At naiiyak pa rin ako. Parang ewan. Hindi ko maiwasan isipin na sana si Gio na lang ang niyaya ko. Pero. . .
Paano kung pati siya ay maisip na hindi naman pala ako 'worth it'? That all this time, I wasn't even really that good? Sa kabila ng lahat ng puri, naghahari sa puso ko ang pagdududa sa sarili.
Tumagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Para bang pinapakiramdaman ni Gio kung gusto ko ba na magsalita siya o hindi. Napangiti naman ako, he's always considerate.
"Pangit ba lasa?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Uubusin ko ba kung pangit ang lasa?" Gio chuckled. It was true, paubos na 'yong shanghai.
"Ah gano'n ba," I chuckled nervously. Hindi na alam ang sunod na sasabihin.
"Hindi ba n'ya nagustuhan?" Gio asked frankly.
"Hindi n'ya natikman."
"Bakit naman? Sayang naman 'yong niluto mo."
"B-busy kasi siya. Pero parati namang may ibang araw para sabay kaming kumain."
Gusto ko umiwas na mapunta ang usapan kay Jeremy at Camila. Both of them are classmates, at wala namang masama kung nagkasabay silang dalawa. The green eyed monster inside me should calm down. Walang masama sa ginagawa nila. Isa pa, wala naman akong kaparatan para maramdaman ito. Ako lang naman ang may crush kay Jeremy, I should be rational when it comes to my feelings.
"E, bakit parang iiyak ka na?"
"Nagkaroon lang kami ng away ng mga kaibigan ko, wala naman 'yon." Ngiti ko.
"You always look like you have to please them, Pau."
Napalingon ako sa kan'ya. His eyebrows were furrowed, he was also pursing his lips. May hawak pala s'yang tumbler. Ngayon ko lang napansin dahil pinaglalaruan n'ya ang hawakan nito.
"Hindi ba gano'n naman talaga? Kaibigan mo 'yon e."
"Hindi mo obligasyon na palagi silang sundin. Ano pa at ginawan ka ng sarili mong isip kung susunod ka lang parati sa kanila?" dugtong n'ya.
"They have good intentions," giit ko kay Gio. Umiling si Gio at napa-buntonghininga muli.
"Pero?"
"I feel inferior whenever I am with them," direktang sagot ko. Hindi ko alam bakit biglang lumipad ang mga salita papalabas ng aking bibig. As if it was a caged bird finally being freed.
"Pakiramdam ko, lahat ng gawin ko ay mali. Even if I try, I can't be like them or they can't like me for being myself. Pero kahit pilit kong gustong umalis ay bumabalik lang din ako sa kanila. Nanghihinayang ako sa oras na ginugol ko para sa kanila, sa mga efforts at sa mga pagsasama namin. It's petty to give up that kind of connection just because I feel like it's going nowhere. . ."
"Hindi ba't galing na rin sa 'yo, Paulene? Nanghihinayang ka sa wala." Gio muttered, ang dating posisyon n'ya na naka-squat sa harap ko ay nauwi sa pag-upo sa aking tabi. He smiled sweetly at me.
"Paulene, I'm going to be honest. Just because you feel inferior to them doesn't mean they would change for you. Sila 'yon e, bakit sila magbabago para sa 'yo? You can never feel inferior to others if you don't tolerate it."
I feel like his words punched me in the gut. Totoo nga naman, it is not them that makes me feel inferior. It is myself because I let them make me feel this way.
"Pero hindi rin ibig sabihin no'n ay ikaw na ang mali. It is true that no one can make you feel inferior if you don't let them; but it is also true that sometimes we just have to cut ties with people who make us feel inferior." He uttered, nilagay n'ya ang ilang takas na buhok sa likod ng aking tenga.
"Paulene, the one who makes you feel inferior is yourself because you kept on associating with people who makes you feel like you're less of a whole; when in fact you're more than that." Gio said, looking straightly in my eyes.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Thank you for reading! Please use #SSEya whenever you tweet your thoughts about EYA. Thank you so much! I'll be having rainy updates starting from this day :) 。o♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top