Kabanata 7

Kabanata 7

Sa mga sumunod na araw ay pursigido akong mapalapit kay Jeremy. Alam ko na nga ang schedule nila Philomena para lang mabisita ko silang dalawa ni Philo.

I feel slightly giddy whenever I remember our short interactions. Sa mga maiikling pagtatagpo na 'yon ay nakakakuha ako ng kapayapaan. My heart doesn't get too excited or too tense, hindi tulad kay Gio na halos para akong palaging hinahabol dahil sa pagtatahip-tahip ng aking dibdib.

"Hindi naman sobrang gwapo 'yong crush mo, Pau." pamumuna ni Amber habang nagsusulat kami ng notes para sa genmath. I looked up to her as my pen stopped writing.

"Hindi ko naman hanap ang gwapo."

"Magkakaroon ka na nga ng crush, hindi pa gwapo?" she snickered.

Jeremy isn't that good-looking but whenever he smiles, it seems too genuine and carefree. At isa pa, wala akong masyadong kaagaw sa kan'ya. He might not be good-looking for others but he's cute to me.

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Amber. The more words that will come out from my mouth, the more it will fuel her burning passion to make me feel bad about having a mere crush.

Hindi ko alam kung bakit kailangan ipa-mukha sa akin na hindi gano'n kagwapo ang crush ko? Is it something to be ashame of? Ang magkagusto dahil sa ugali o sa pinapakitang talento ng isang tao?

Should it be only the looks that we look into? Should it be the only basis when it comes to liking someone?

Bumuntonghininga ako. Pilit na kinukubli ang sama ng loob. Wala naman akong karapatan para maramdaman ito. Opinyon lang naman nila 'yon at dapat hindi ko dinidibdib. We are all entitled to our own opinions, but some people just choose to be insensitive with voicing out their thoughts.

Sa aming upuan, nagtatakip ako ng aking bibig. Group reporting kasi namin ngayon at sina Gio na ang nasa harapan upang mag-present ng kanilang gawa. The whole room was trying to contain their laughter. Pilit namin iniintindi ang gawa nina Gio.

"Sabi mo po kasi, Ma'am. Dapat galing sa puso ang gawa," paliwanag ni Gio nang makitang nakakunot ang noo ni Mrs. Buenavista dahil sa gawa nilang visual aid.

Ang visual aid kasi nila ay literal na hugis puso. I could see Zafirah smirking because she find it funny. Kahit naman ako ay natatawa sa gawa nila.

"Mula ito sa aming puso, Ma'am." Pahayag ni Gio at nilagay pa ang palad sa kan'yang dibdib.

Walang araw na hindi kami napatawa ni Gio. Kulang ang ABM 1 kapag wala ang presensya n'ya. Madalas din siyang mahila upang i-sali sa mga kung anu-anong organization at clubs. I knew I wanted to avoid him because he's the brightest star while I'm the gloomy sky. We won't just fit together.

"Jeremy, anong favorite food mo?" tanong ko nang makasabay ko siya sa canteen. Hindi ko mahagilap si Philomena pero hindi na ako nagtataka. She's a bit aloof and shy. Kaya naman baka may sarili na naman siyang mundo.

"I like french fries," Jeremy smiled. Hawak-hawak niya ngayon ang in-order n'yang rice meal. Nakasunod lang ako sa kan'ya kahit ang bibilhin ko lang naman ay tubig.

"Pwede naman sumabay kumain sa iyo 'di ba?"

"Sure, wala namang problema roon." Tumango siya at mahina naman akong nagdiwang dahil sa pagpayag n'ya.

"Pau!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Amber and Brittany, nakahalukipkip silang dalawa at mukhang hindi natutuwa. Bakas ang iritasyon sa kanilang mga mukha. Agad naman akong napalunok.

Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Pau, hindi ka ba sasabay sa amin?"

"Huh? Pero nagsabi ako ah?" I recalled. Naalala ko na binanggit ko na hindi muna ako sasabay sa kanila. It is not as if my presence is needed! Halos silang dalawa lang naman parati ang magkausap.

"Uunahin pa ang lalaki. . ." paanas na banggit ni Amber at umirap sa gilid. I took offense on her behavior. That's too much.

"Pauletta, sandali nga lang."

Hinila ako ni Brittany kaya naman nahihiya akong lumingon kay Jeremy na mukhang nagaalala sa biglaang pagsulpot ng dalawa kong kaibigan ngunit nagpakaladkad naman ako papunta sa isang lamesa.

"Bakit ba ang desperada mo? Boys should do the first move!" Brittany hissed, ballistically.

"Kikilalanin ko lang naman," I countered back gradually losing my confidence. Hindi mapigilan ni Brittany ang inis n'ya sa akin dahil umirap siya sa sagot ko.

"Are you that desperate to do the first move? Wala na ba talagang pagasa na may magkakagusto sa 'yo?" Brittany mocked. Unti-unting nalulusaw ang puso ko sa bawat pahayag n'ya.

"Hindi naman sa gano'n. . ."

"Then stop acting like a desperate slu—" she stopped midsentence because she realized her words were too harsh. Pero walang bakas ng pagsisisi sa kan'yang mukha.

Minsan, kahit bawiin natin ang mga salita ay nananatili pa rin ang bakas ng intensyon nito sa ating puso. Ang bawat bitaw natin ng mga salita ay may epekto kahit gaano pa man ito kaikli o kahaba. Even if she didn't continue it, my heart already felt the weight of her words.

"Pau, maybe what Brittany is trying to say, there are better ways to gain a boyfriend. Ito, ha? As a friend lang naman na advice namin sa 'yo." Amber patted my back. "Kaibigan mo kami, syempre may pakialam kami sa 'yo."

Pinanghawakan ko ang mga salita nila. They cared for me, that's why they don't want me to do the first move. Pinilit ko ang sarili kong intindihin ang mga punto nila.

As soon as I got home, I diverted my attention to my stan account. Isa itong stan account pero walang main group. I tend to retweet and helped my co-fans attain different achievements. Sa paraan na ito ay nakakakuha ako ng ginhawa. I feel like it's an outlet for me. Nalilimutan ang nararamdamang lungkot.

Napanguso ako. I looked at my phone just to see messages from Jeremy, who was apologizing because of what happened earlier. Agad na gumuhit ng isang ngiti sa aking labi.

I typed quick response telling him that it was fine. Pero nanglaki agad ang mga mata ko nang makitang may sagot agad s'ya sa aking tinipa na mensahe sa kan'ya.

Jeremy:

Maybe we can eat together next time. :)

I literally shouted against my pillow. Napapadyak ako sa sobrang galak dahil sa mensahe n'ya. I offered to cook for him. I only know how to cook shanghai for now, pero magaaral pa ako ng ibang putahe para sa kan'ya!

Dumating ang araw kung saan sabay sana kami kakain ni Jeremy. Hawak-hawak ko ang isang tupperware kung saan nagluto ako ng mga shanghai. I even had a small burn on my finger. Madaling araw ko kasi ito ginawa para hindi mapanis at fresh talaga kung sakali.

Hinihintay ko na lamang ang breaktime. Inaayos ko na ang gamit ko para puntahan si Jeremy sa HUMSS building nang bigla akong akbayan ni Melay.

"Pahingi naman kami, Pau!" Melay chimed in. Bea only glanced at our way. Agad akong umiling.

"May kasabay akong kumain!"

"Boyfriend?"

"Soon!" Bungisngis ko.

Nakita ito ni Amber at Brittany. Both of them have scorned expressions on their faces. Pakiramdam ko ay nanlalamig ako dahil sa paraan ng titig nila sa tupperware na hawak ko.

"Di ka talaga mapagsabihan, Paulene." Amber snickered. "Kapag nasaktan ka, 'wag kang iiyak sa amin ah? Baka tawanan ka lang namin."

I decided to prove them wrong. Mabait si Jeremy! Sa iilang interaksyon namin, walang palya ang pagiging mabait n'ya sa akin.

I ambled my way to the HUMSS building. Pero natigilan ako nang makasalubong ko si Gio habang may kausap na babae. Both of them were laughing, umaabot na naman ang ngiti ni Gio sa kan'yang mga mata.

That's. . .

Good.

May nahanap na s'yang iba.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paglalakad ko. This time, I cannot walk with such ease anymore.

"Pau," Gio's tone was low but I know it was his voice who called me. Lumingon naman ako, hindi tinatanggal ang ngiti sa labi.

"Y-yes?" I stammered for some reason. Hindi ko rin kayang magtama ang mga paningin namin.

"Alexa, mauna ka na sa committee. Susunod na lang ako." Gio turned to the girl next to him.

Agad naman tumango 'yong babae at binigyan ako ng isang mabilis na ngiti bago unti-unting naglakad papalayo sa aming dalawa.

Bumaba ang tingin ni Gio sa aking hawak. His lips gradually formed a smile.

"Daldahan mo s'ya ng pagkain?" he asked. I felt guilty all of a sudden.

"Sino?"

"Crush mo? From HUMSS?"

"Oo," agap kong sagot. "Gio, kailangan ko na umalis. Baka kasi mag-bell at hindi na kami magsabay ni Jeremy."

"Okay," Gio smiled faintly. "Eat well, Paulene."

Nagkukumahog akong umalis para maabutan si Jeremy. I didn't mind Gio's reaction. He has another girl, he'll be fine. Sa ilang linggo na wala kaming pansinan, alam kong wala na rin ang pinagmamalaki n'yang crush para sa akin.

I checked my phone to text Jeremy. Pero napatda ako sa aking kinatatayuan nang mabasa ang isang mensahe galing sa kan'ya.

Jeremy:

Hi Paulene :( regarding about eating together, can we do it next time? Marami kasing tinambak sa amin ngayon at baka mag-skip na lang ako ng lunch. I'm sorry, Pau. Sana kumain ka pa rin at huwag magpa-gutom.

My heart ached a bit. Kawawa naman si Jeremy dahil hindi siya kakain. I immediately type a reply that says everything's fine. Ang sobra sa baon ko ay ipamimigay ko na lang sa mga kaklase ko. But maybe, I can deliver him some food! Para kahit papaano ay kakain pa rin s'ya.

I went towards their room. Agad akong kumatok upang tanungin kung nasaan si Jeremy. Someone opened the door for me and I immediately.

"Si Jeremy?" I asked.

"Nag-lunch, ah?" the girl answered vaguely.

"Huh? Sabi n'ya kasi baka manatili s'ya sa room n'yo dahil tambak daw kayo. . ." my lips quivered. Natatakot ako. Hindi. Ayoko. Hindi pwede. I feel like if I learned something right now, I'll cry.

"Magkasama sila ni Camila no'ng bumaba para bumili ng lunch e. Kaya baka nag-lunch at nasa canteen."

I tried to run as fast as I could to the cafeteria. Gusto ko lang naman malaman kung totoo kahit parang ang sakit at parang dinudurog ako nito.

Fine, I don't own Jeremy. Fine, walang kami. Fine, ang bobo ko para isipin na pag-asa.

Pero bakit ang sakit?

I stopped from my tracks. Sa lilim ng isang puno, nakita ko na magkausap si Camila at Jeremy. Camila was eating her favorite yogurt while Jeremy was explaining something to her, hawak-hawak nito ang kan'yang notebook.

He choose her over me.

Dahil sino ba naman ako?

My heart sank. Nanlalabo ang aking mga mata. You can't cry, Paulene. What goes around comes back around. Maybe this is how Gio felt. Masakit pala kahit parang ang babaw lang.

The world has a twisted way of karma. Hindi lamang ito ibabalik sa 'yo ang sakit, sosobrahan n'ya pa dahil espesyal ka. Ginawang rebisco. Tangina.

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top