Kabanata 4
Kabanata 4
Gio is naturally playful, itinatak ko 'yan sa aking isip. I unblocked him and added him on his first account. Ang tanging kaibigan n'ya lang kasi sa second account n'ya ay ako lang din. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko napilitan pa s'ya gumawa ng account na 'yon dahil sa pag-block ko sa kan'ya.
We presented our group work effortlessly. Nakakuha kami ng mataas na marka nang hindi man lang ako nahirapan. Ang sabi nila ay ito raw ang epekto ni Gio sa isang groupwork. He easily carries the output and can make a simple work into an outstanding one.
Kaya naman kadalasan ay sila ni Zafirah ang pinagtatambal.
"Crush daw ni Zafirah si Gio," haka-haka ng mga kaklase ko sa room namin. Bilang isang ganap na tsismosa, nakinig naman ako sa kanila.
"Palagi n'yang pinipili si Gio kapag groupings."
"Pareho naman silang matalino e. Paano kaya ang magiging anak nila, ano?"
"Bagay naman sila."
That's right, the rumors made me feel relieved. Parang tinuldukan nito ang mga imahinasyon ko at pinagaan ang puso. Gio wouldn't like someone like me. He's probably doing this because he wants to make me feel ease with him. Lahat ng narito ay saksi sa pagiging friendly at malambing ni Gio. It's natural to him while it's rare for me.
I bit my lip. Has the world become so cruel that I can mistook kindness as affection?
Hindi ko alam kung matagal na ba akong pinagkakaitan ng kabaitan kaya naman iba na ang dating sa akin ng mga kilos n'ya. Maybe I'm just missing Philo and her kindness. Malimit na lamang kaming magkita dahil hindi tumutugma ang schedule n'ya sa schedule ko.
Hindi naman ako mataas lumipad. Gio despite his outgoing personality, he has a face of a hearttrob. Medyo makapal ang buhok n'ya pero malinis naman ito tingnan. He wasn't fair or tan, he's in between of the two. Pantay lang ang kulay ng kan'yang balat. His features were molded to attract his opposite gender. Isa sa mga asset n'ya siguro ang kan'yang ngiti, he has those 'eye-smile' of famous idols. Marami namang gwapo rito sa school at mga mukhang modelo rin pero kapag tinabi mo si Gio sa kanila, you'll notice him immediately because of his aura. Ang lakas kasi ng dating.
Nagkaroon kami ng vacant time dahil wala ang teacher namin sa contemporary arts at tanging substitute teacher lang ang nagbabantay sa amin. May iniwan lang na group reporting kung saan kailangan namin mag-research tungkol sa mga iba't ibang artworks na kilala sa Pilipinas at kung sinu-sino ang mga gumawa nito.
"Ako na lang ba reporter?" Gio asked, umupo sa aking tabi. I felt my cheeks blushing. The way he didn't harshly pulled the chair already means a lot.
"Yup!" Ngisi ni Zafirah. Tuwang-tuwa s'ya na kagrupo namin si Gio. Halos kuminang din ang mga mata ng mga kagrupo namin.
Sure win. 'Yan siguro ang nasa utak nila ngayon.
Honestly, buhat na buhat ni Gio ang isang grupo kapag may reporting or presentation. Hindi bumababa sa ninety ang nakukuha ng mga nagiging kagrupo ni Gio sa mga reporting.
Zafirah distributed the topics and responsibilities, isa rin ito sa talent ni Zafirah — sobrang organized n'yang tao. Sa akin napunta ang paggawa ng powerpoint at madali lang naman 'yon dahil sila naman ang mags-send ng mga ilalagay.
"Laro na lang tayo," anyaya ni Cess. "Put a finger down!"
"Pauso ka naman, Cess."
"Seryoso! Magtatanong lang tapos titingnan natin kung sino'ng pinaka-guilty," giit ni Cess. "Itaas n'yo na mga kamay n'yo, ako na magsisimula. Sino may crush sa room!"
I raised my hand, walang binababang daliri. Halos kami ay walang binabang daliri sa sinabi ni Cess.
Maliban kay Gio.
"Hoy, sino!" Melay gasped on her seat. Gio only shrugged off. Nagtaas naman ng kilay si Zafirah.
"Nasa grupo ba natin, Gio?"
Nagbaba muli ng daliri si Gio. Tatlong daliri na lamang ang nakataas sa kan'ya. I gulped and immediately felt my heart racing rapidly.
"Tao ba?"
"Malamang?" Gio chuckled, putting another finger down.
"May A sa pangalan?"
"Yeah," maikling tugon ni Gio. Another finger down. I looked at his remaining finger, lalong kinakabahan sa susunod na babanggitin n'ya.
"Dalawa ang A?" another classmite of ours asked.
"Yup." Gio nodded, nakababa na lahat ng mga daliri.
The blooming hope in my chest immediately parched up. Napalingon ako kay Zafirah. S'ya lang naman ang may dalawang 'A' sa pangalan na nandito sa grupo namin ngayon. I should probably stop planting false hope in my mind.
"Zafirah pala, Gio ah," tudyo ni Melay na nagpakunot ng noo ni Gio.
"Zafirah pala ang nais ni Gio."
"Grabe siguro ang talino ng mga magiging anak n'yo!"
"Kadiri naman," Zafirah grimaced. Halata ang pandidiri sa kan'yang mukha dahil sa bahagyang pagkunot ng noo.
"Hoy hindi ah," Gio protested. "Hindi ano!"
"Hindi kadiri?" Melay teased. Hindi naman umimik si Gio at napalingon sa akin. I just smiled at him.
"Swerte ni Gio kay Zafi!" I joined the ship. It was better this way, kumpara sa umasa ako ay mas gugustuhin ko na lang na sa iba s'ya mahulog. I could avoid a greater pain that way.
"Hindi naman si Zafi ah," bulong ni Gio na para bang bubuyog. Agad akong napalunok.
"Siya lang naman ang may dalawang A sa pangalan, Gio." giit ko sa kan'ya. Unless, of course, there's another person in our group who has two As in their names.
"Ewan ko sa 'yo, Pauletta." iring ni Gio na nagpalaglag ng panga ko. Natigalgal ako at unti-unting uminit ang pisngi sa kahihiyan.
Pauletta...
I decided to ignore it. Hindi sa ayaw ko maniwala kung hindi dahil sa hindi naman kasi talaga kapani-paniwala. He would like someone like me? I'm not even on par with Zafirah! Kahit nga siguro kuko ni Zafi ay hindi ko kaya pantayan.
The days went on but Zafirah and Gio just kept on being paired with each other. Naiirita na si Zafirah and Gio looked like he didn't like it either. Pero bagay naman kasi talaga sila kaya walang pumipigil sa mga kaklase ko.
Maybe they'll developed feelings for each other.
And who knows? Baka sila na bago pa man matapos ang first semester. Hindi naman mahirap magustuhan si Gio.
That's what I thought.
That's what we thought.
Until the day Zafirah entered the room looking like she's ready to commit murder. Nanlilisik ang kan'yang mga mata at halos ibalibag na n'ya ang kan'yang upuan dahil sa inis. Gio, on the other hand, looked like he was entertained. Nakatakip ang kan'yang kamay sa kan'yang bibig, containing his laughter.
Lahat ng mga kasama nila para sa isang shooting ng film ay naghahagikgikan na para bang may nakita silang bagong loveteam ng section namin. Zafirah was beyond pissed, she looked like she wanted to burn the whole room.
At totoo nga, meron nga talagang pinapares kay Zafirah. It was someone from the STEM strand. Halos mabalian ako ng buto sa kakayugyog sa akin ni Melanie nang matanaw n'ya 'yong lalaki.
"Ayon 'yong kay Zafi!" Melay squealed, dinuduro ang isang direksyon. Nakatalikod naman ang tinuturo n'ya at naka-hoodie ito na maroon.
Ang gwapo ng likod. I feel like even without seeing his face that he's good looking. Panay rin kasi ang tingin ng mga dumadaan sa hallway nila sa direksyon n'ya.
Napalunok naman ako. Paano naman si Gio? Does he feel hurt that Zafirah is being paired with someone else? Mas bagay rin kasi talaga si Zafirah saka 'yung STEM student, I'm not gonna lie.
I wanted to comfort Gio but at the same time, nahihiya ako na baka isipin n'ya na masyado akong feeling close. Kaya naman wala akong ginawa kung hindi makisali sa bandwagon ng loveteam nila.
"Parang ewan kasi, Gio. Ilabas mo na!" Zafirah shrieked, halata ang inis sa boses at kilos. She was shaking Gio on his arms. Si Gio naman ay tawa lang nang tawa.
"Wala nga sa akin, Zaf. Aanuhin ko naman ang calculator mo? Mas maganda pa nga calculator ko e."
"May test pa tayo sa gen math! Bwisit ka! Ilabas mo na calculator ko!"
"Wala nga sa akin!" giit ni Gio.
"Wala akong gagamitin!"
"Hihiraman na lang kita!" Gio volunteered, there was a hidden glint of joy in his eyes.
Umalis si Gio sa room namin. Ang sunod naming subject ay general mathematics na. I was reviewing my notes because I didn't have prior review. Mas inuna ko kasi mag-stream ng fancams dahil malapit na rin nila ma-reach ang mga goals nila na views. Sayang naman kung hindi mapagbibigyan agad!
Ilang minuto bago mag-simula ay hinihingal si Gio habang lumalapit kay Zafirah na nakakunot ang noo habang nakaabang ang mga kamay para sa calculator.
Zafirah's eyes twinkled in glee upon seeing that the calculator has a lot of functions. Kahit ako ay napanganga dahil dito.
"Thank you! Ibabalik ko na lang mamaya kapag nilabas mo na calculator ko," Zafirah shrugged off. "Ang ganda ng hiniraman mo, ah."
"Syempre naman," Gio smirked and glanced at me meaningfully before going back to his seat.
"Latest model ng Casio," Zafirah examined the scientific calculator. Tuwang-tuwa siya dahil mukhang mahilig siya sa mga scical.
Nagsimula na ang general mathematics namin at binigyan kami ng limang minuto upang maghanda para sa isang long quiz. Nahilo ako dahil sa rational functions at sa inverse functions. Madali lang naman pero para sa hindi mahilig sa math, nakakalula sagutan.
I sighed as the bell rung for the next class. Pinasa ko na ang papel ko, tanggap ko naman na mukhang 'grades are just numbers' lang talaga. Minsan kailangan na lang ito isapuso at itanim sa ating isipan.
"Gio, hanap ka."
Gio took a quick peek at the door and laughed. Umiling-iling ito at tinuro si Zafirah na hanggang ngayon ay tumitingin sa kan'yang notebook para 'yata i-double check ang kan'yang sagot..
"Uh, calculator ko?" a deep but well harmonized voice spoke. Napalingon ako sa direksyon na 'yon.
May nakasilip na lalaking naka-hoodie. Mukhang kagigising lang n'ya dahil matamlay pa ang kan'yang mga mata. He looked bored but at the same time he kept on playing with the string of his hoodie.
Lahat ng mga babae sa room namin ay nagpipigil ng kilig. Kahit ako na nakaawang ang bibig ay hindi mapigilan ang tumutubong hiya dahil sa pagtingin sa kan'ya.
Ang gwapo naman kasi, takte! Sino ba namang hindi matutuwa na dinadalaw kami ng gan'yang klaseng mukha?!
Kapansin-pansin sa kan'ya ang kan'yang mga mata. I was weak for those who have beautiful colored eyes! Litaw na litaw ang pagiging brown ng mga mata n'ya.
"Zafirah! Calculator daw pakibalik," Gio wiggled his eyebrows. Halatang planado n'ya ito!
Zafirah looked perturbed. Agad s'yang umiling-iling kay Gio.
"Ayaw na raw n'ya ibalik, sa kan'ya ka na lang daw." Gio pretended to look sullen and he even sighed. Zafirah's mouth went wide, napatingin s'ya sa direksyon nila Gio at no'ng lalaki.
"C-calculator mo ba 'to?" Zafirah raised the calculator on her hand.
The guy smirked and playfully rose an eyebrow. Halos parang hihimatayin si Zafirah. She went towards them and gave the calculator back. Nanginginig pa s'ya kaya naman lalong lumakas ang pangangatyaw sa kanila.
"Fifty Shades of Zafirah!"
"Naniniwala na kami sa forevermore!"
"Lubog ZafiGio n'yo! ZafiThiel ang aming barko!"
"Unti-unting dumaplis ang kan'yang mga kamay sa kamay ng lalaking iniirog n'ya, sabay ang pagkislap ng sexual tension na namamagitan sa kanila." Gio narrated in a monotone voice, habang siya ay nasa gitna ni Zafirah at no'ng lalaking naka-hoodie.
We erupted in laughter. Namumula na sa kahihiyan si Zafirah at agad siyang tumalikod matapos ibigay ang scical no'ng lalaki.
"Thank you," the hoodie guy muttered before walking away.
"Pahingi ako ng sanitizer!" Zafirah growled as she went towards Melay and Bea. "Ang pangit mo, Gagio ka! Gagio ka talaga!"
Gio only chuckled. Bumalik siya sa kan'yang upuan at kita ko kung paano umarko ang kan'yang kilay.
"Oh my gosh, you guys..." Gio pretended to have a girly tone. "Uso pa pala ang tanim calculator sa atin? Bakit niyo nilalagyan ng calculator ang bag ko? Kayo talaga!"
Oh my gosh! Halakhak na ako nang halakhak. Si Zafirah naman ay parang bomba na sasabog na. Agad n'yang hinabol si Gio sa loob ng room.
"Zafirah! I swear! Wala akong alam! Tinanim lang nila sa bag ko 'yang calculator mo!" Gio chuckled which only infuriated Zafirah more.
"Gagio ka talaga!"
That day another loveteam was born. Ang pinagtataka ko lang ay bakit nilihis ni Gio ang panunukso sa kanila ni Zafirah. Could it be because it is true that he likes another person?
He likes me?
Umiling ako.
Sa dami ng magaganda sa room ay imposibleng ako talaga ang crush n'ya. But then, I heard him answering a question that made me more confuse.
"Gio, hindi ka ba talaga nagseselos? Hindi mo ba crush si Zafirah?"
"Hindi nga si Zafirah..." Gio uttered firmly. "When I like someone, I'm not stupid enough to let them go or even let them be with someone else. Siya gusto ko e, bakit ko naman ipamimigay kung pwede namang ako na lang?"
"E paano kung may gustong iba?" his friend chuckled.
I waited for Gio's answer.
"Edi palalayain ko at aalis ako sa buhay n'ya..." Gio answered in a low tone but it made him sound serious. "Ayoko naman mapilitan s'ya sa akin..."
Bigla naman akong napaisip, sino naman kaya ang papayag na pakawalan pa ni Gio sa buhay n'ya? His girl would be lucky enough to be with him.
That's what I thought.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top