Kabanata 36
Huwag Ka Nang Babalik — Kakai Bautista
Kabanata 36
I cannot drive. Nanghihina talaga ako ngayon dahil sa nasaksihan. Napatda ako na lamang ako sa loob ng aking sasakyan. I felt numb all over because of a single kiss. I didn't know how a kiss can wreck my entire being. Ni hindi nga 'yon nagtagal. Dampi lang 'yon. Pero tagos sa buto ang sakit.
Pinahid ko ang mga luha ko habang hinihintay si Etienne. Alam ko naman na tatawag 'yon ng magd-drive ng kotse ko. I want to be with Tita Ellise at least today. Nahihiya ako kung makiki-tambay ako kina Philomena at Iscalade kung sakali dahil mag-asawa na rin sila.
Sinandal ko ang ulo ko sa headrest. Dahan-dahan pinikit ang mga mata upang ipag-pahinga ito.
It's awful to feel this way, lalo na kung alam mo na kasalanan mo naman. At kahit naman hindi mo kasalanan ay iisipin mo na may nagawa ka pa ring mali. May hindi pa rin tama.
Etienne:
Here.
Umirap ako sa kawalan at binuksan na ang pintuan ko para salubungin siya. Bumungad sa akin ang paparating n'yang sasakyan. It was a black Tesla, I'm not sure which model because Etienne likes to replace his cars whenever he's bored. At madalas na gano'n ang mood n'ya.
My lips parted upon seeing Etienne slowly getting out of his car. He was wearing a black longsleeves shirt tucked in his black slacks. His ash grey hair were well kept, making him look neat. Agad na napukaw n'ya ang atensyon ng lahat dahil sa kan'yang itsura.
It was Etienne's effect.
Isa sa mga rason kung bakit kahit sa meeting ay hindi siya nagpapakita sa mga kliyente ng kompanya n'ya. He was that goodlooking and dangerous too. You just can't take your eyes off him, almost hypnotized by his charms. You're beguiled to follow him. Luckily, I was already too in love with Gio to fall for someone as manipulative as Etienne.
Bilang sekretarya n'ya, I know some of his tactics. It could be quite dangerous to fall for someone like him. Mahirap mahulog sa isang tao na hindi mo lubusang mabasa. Hindi mo mahagilap ang katotohanan sa kanilang mata.
Etienne had his Juul pressed on his lips. He bit it between his lips, parting his lips in the process. A wicked smirk formed on his face as he gradually walked towards me. May kasunod siyang isang itim na van. Lumabas dito ang isang lalaki na naka-uniporme para sa kompanya ni Etienne. He politely asked for my keys.
Inabot ko naman ito. Kilala ko naman siya dahil madalas siyang kasama ni Etienne sa tuwing lumalabas ito. Etienne rarely gets out of his office. Ni hindi nga n'ya sinusubikan makihalubilo sa iba. Kaya naman bihira ko ito makausap pero nakikita ko naman.
"Ako na maghahatid sa 'yo," Etienne mumbled, still having the Juul on his lips. It almost sounded incoherent.
"Uy, Paulene! Inom ka muna!"
I looked back at the person who called me. Si Melay ito habang may hawak ng wine, I was about to decline when Melanie also noticed Etienne.
"Hala! Kayo?!"
Tumili si Melay kaya naman lalo kaming dinayo ng mga tingin. All of the stares made me uncomfortable, mabuti na lang na agad akong tinakpan ni Etienne mula sa kanila. Tinago n'ya ang kan'yang Juul at binigyan sila ng isang ngiti.
"Hi, sorry to disturb your night." Etienne smiled, satirically. Agad ko siyang siniko upang yayain na umalis.
He didn't budge. Nanatili si Etienne sa kan'yang pwesto.
"Inom ka, Etienne!" yakag ni Melay.
"Sure," agad na tumango si Etienne sa anyaya ni Melay. I scoffed at him. Akala ko pa naman ay makakaalis na ako!
"Etienne," nagsusumamong pakiusap ko. I just want to go home already.
"May titingnan lang ako," Etienne muttered in a low voice which made me more annoyed than ever.
Wala akong nagawa kundi pumayag na lang din. Dinala kami ni Melay sa lamesa kung nasaan naka-upo ang mga natitirang kaklase ko. Wala na rin 'yata si Zafirah dahil kakaunti na lang din namataan ko.
Hinila ni Etienne 'yong upuan para sa akin. I nervously sat and thanked him in a small voice. I felt uneasy as if someone is staring daggers at me. Nilingon ko ang kaharap ko at namilog ang mga mata nang makita kung sino ito.
Gio stared at me coldly. His eyes were hooded with confusion but also annoyance. Hindi ko kinaya nang harap-harapan n'ya akong irapan. I blink a few times because I'm not sure if my mind is playing tricks with me.
Sumimsim siya sa beer na hawak n'ya. Inabutan kami ni Melay ng beer pero tumanggi ako. Etienne also declined.
"Uminom ka na, ako naman maghahatid sa 'yo." Etienne said which earned him a frown from me.
I tilted my head to his direction and hissed. "Lasing ka ba? Pota, bakit ang bait mo?"
"Ha? Ikaw naman, galit ka pa rin ba sa akin? Hindi pa ba tayo bati? Nilalambing na nga kita?"
Hindi ko napigilan na umawang ang labi ko. Pinangdilatan ko siya ng mga mata pero nagawa pa n'yang pisilin ang pisngi ko.
"Hindi ko naman hahayaan na tumagal ng limang taon ang tampuhan natin, mahal." Etienne chuckled which made me held my breath for a while. Agad kong kinurot si Etienne sa kan'yang hita. Etienne yelped and pursed his lips.
"Paulene, 'wag naman dito. Maraming tao," malambing na sabi ni Etienne. Namumutla na ako sa kagaguhan ng isang ito.
My eyes hastily veered towards Gio's direction. May binubulong si Xien sa kan'ya kaya naman wala ang atensyon nila sa amin. Agad akong nabunutan ng tinik sa dibdib. That's good, he didn't hear any of it. At ano naman kung marinig n'ya? He wouldn't care.
Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Gio. Pinanood ko siyang kumilos, he slide his hands on Xien's pouch. Nagtawanan silang dalawa. Kumikirot ang puso ko dahil masaya sila pero para akong nanonood ng isang trahedya.
"Hello Lavy," Gio uttered which made Etienne glanced at their direction.
"Hindi kita marinig," Gio frowned. He typed on his phone and immediately it was put on speaker.
"Yeah?" Lavy's voice can be heard on the other hand.
"Tatanungin ko lang sana kung kamusta ka?" Gio smiled and my heart palpitated against my chest. It was one of his eye smiles. Agad akong namula. May girlfriend 'yong tao, Paulene! Stop it!
"I'm —" Lavy was cut off by a baby's whimpers. "Sorry, Gio. I'll talk to you soon."
This time, I focused on Etienne who had a grime expression. His tongue touched the roof of his mouth as his expression changes. Mabilis pa sa isang kurap ang pagbabago nito.
"Sayang, Xien. I was about to ask if she can travel with us. . ." Gio pursed his lips, nagpipigil ng isang ngiti.
"Sayang," Xien sighed.
"Mahilig kayo mag-travel?" Etienne asked, out of nowhere. Gio's face hardened while Xien immediately nodded.
"That's good! What about a trip for us? Libre ko. All expenses paid. South Korea, maybe?" Etienne smirked playfully which made Gio scowled. Nilagok muli ni Gio ang beer na nasa kan'yang baso.
"Uy! Game!" Xien chuckled. "Gio! Makakapunta na ulit tayong South Korea!"
South Korea. SoKor. Napangiti naman ako. That was supposed to be our place. But then, things happened and we didn't even had the chance to smell the breeze of its wind. Ni hindi nga namin natapakan ang sementadong daanan nito. Wala ngang nakakaalam na ginusto naming pumunta rito kundi kaming dalawa.
"Sure, Xien! Balikan natin 'yong Jayu Park!" Gio happily uttered. Natigilan ako dahil mukhang nakapunta na pala talaga sila roon.
I smiled bitterly. "First ko pumunta sa South Korea kung sakali."
Hindi ko mapigilan na magpasaring. Hindi ako pinansin ni Gio at tuloy lang sila ni Xien sa pag-kwento ng mga ganap nila sa South Korea. My brows furrowed as my shoulders slumped.
Despite being successful and having enough funds, I didn't want to go to South Korea. Kahit pa pinangarap ko noon na makapunta rito.
I wanted to go with Gio.
Mukhang matutupad naman 'yon. Ngunit may kasama na siyang iba.
Napainom ako ng tubig dahil sa kinikimkim na galit at pagtatampo. Mali na makaramdam ako nito pero hindi naman lahat ng emosyon ko ay kontrolado ko.
It's not easy to control your feelings. It's not easy to dictate how you feel. Sana nga ay ganito lang ito kadali para alam ko kung paano sasabihin na tama na at ayoko na umasa pa.
"CR lang ako," paalam ko kay Etienne. Agad akong hinawakan ni Etienne sa kamay.
"Sabay na ako papunta roon."
It was a weird request nevertheless I didn't say anything and let him. Sumama sa akin si Etienne na busangot ang mukha.
"Nakakapikon 'yong ex mo, sana 'wag mo na balikan."
"Nauna ka naman! Stop provoking him. Hindi deserve ni Gio 'yon," I shot back.
Nagulat ako nang hatakin ako ni Etienne sa isang closet. It was the janitor's closet since I could smell the soap and also the cleaning materials were scattered around. Napalunok ako nang mapagtantuan na dalawa lang kami rito. Etienne locked the door, tanging ang naninilaw na ilaw sa gitna na lang ang mayroon kami.
"Paulene," Etienne mumbled and caressed my hair. Agad naman ako napasinghap.
What the hell?!
"Lasing ka ba?"
"No, I wouldn't do this if we're drunk. I wouldn't want to do anything without your consent." He innocently stated but the smirk on his face makes me think otherwise.
"Would you like to make grey eyed babies with me?" Etienne whispered, making my ears feel hot. Namilog ang mga mata ko sa sinabi n'ya lalo na nang bigla n'yang nilapit ang mukha n'ya sa mukha ko.
I heard continous knocks on the door. Agad na humalakhak si Etienne at pumalakpak pa. Lumayo agad siya sa akin at binuksan ang pintuan.
Bumungad si Gio na mukhang nandidiri sa amin. He looked distraught as he saw Etienne and I. Agad akong umalis sa pwesto namin kanina.
"G-gio —" I was about to explain when Gio tilted his head to face me.
"Pwede ba? Kung may gagawin kayong milagro, sana sa bahay n'yo na lang. May mga bata rito. Paano kung nakita kayo? Hindi man lang kayo nahiya." mabalasik na ani Gio, halatang nagalit siya sa nakita.
"Hindi naman gano'n 'yon! Can you please let me explain first?" naiiritang saad ko sa paratang n'ya.
Etienne was just watching us. Na para bang wala siyang kinalaman. He even shrugged off.
"Explain? Huh, you were capable of that? Ikaw pa talaga nag-offer n'yan?" Gio laughed, palpably mocking me.
I stiffened. Umangat ang tingin ko sa kan'ya. He only sneered before walking away from us.
Hindi ako pumayag na makalayo siya sa akin. I chase after him while calling him.
"Gio!"
Hindi n'ya ako pinapansin. I called for him numerous times but he still didn't look back. Malapit na kami sa main venue nang may mapagtantuan ako.
Kung minahal n'ya ako, bakit parang ang dali lang sa kan'ya na saktan ako nang ganito?
How can he treat me so coldly?
"Gio, minahal mo ba talaga ako?" namamaos na tanong ko.
He stopped from his track, kitang-kita ko kung paano nagkaroon ng ilang segundong pagaalinlangan ang kan'yang mga hakbang. Nakita ko kung paano s'ya nanigas sa kinatatayuan n'ya. I thought he finally realized how hurtful he hurled those words towards me.
Kung minahal n'ya ako, bakit ang dali lang para sa kan'ya bitawan ang mga salitang 'yon? Na hindi ako pansinin? As if we didn't share almost six years of our life together. . .
Halos tumigil ang bawat pintig ng puso ko dahil sa unti-unti n'yang paglingon sa akin. He looked at me with coldness and it felt hollow like I didn't matter to him anymore. Halos parang patay na ang kan'yang titig sa akin. Nawala na ang apoy ng pagmamahal sa kan'yang mga mata.
"Teka, sa 'yo pa 'yan galing?" he asked, his voice turning hoarse. Parang may pinipigilan s'yang silakbo ng damdamin.
"Oo! Anim na taon 'yon, Gio! H-hindi 'yon basta-basta. Pero bakit parang ni anino ko ay ayaw mong makita? As if I'm an eyesore? Sobra naman 'yata 'yon?" namamalat kong tanong. Namamaga ang lalamunan dahil sa pagpigil sa emosyon.
He glanced at me once again, his eyebrows furrowing. His jaw even tightened. Napapikit siya bago muling bumaling ng isang malamig na tingin.
"Seryoso ka ba, Paulene?" Gio stepped closer to me. Napaigtad ako sa biglaang lapit n'ya sa akin. It was just a step closer but my heart is acting like he's already too close to me. Para bang kahit ako ay nasanay na sobrang layo ng agwat namin sa isa't isa.
"I'm j-just asking for y-you to civil at least!" naiiyak na saad ko. That was six years!
Ang mga luha sa aking mga mata ay nagbabadyang lumabas. I can't take this anymore. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa dami ng pinaparamdam n'ya sa akin. Halu-halong inis, galit, pagmamahal at pangungulila sa kan'ya ang naghahari sa dibdib ko ngayon.
"To be civil?" He laughed, sarcasm reigning in his tone. "Tang ina? You want us to be civil, Paulene?"
"We could at least try—"
"I've been nothing but civil towards you. Tinatrato kita nang maayos, Pauletta Jayne."
"Wow? Even if you t-treat them differently compared to me?" nanginginig na kompronta ko sa kan'ya.
"Different?" umismid s'ya.
"You joke around, you treat them more better —"
"Ano naman ngayon? What makes you different? Why should I be that civil towards you?"
"We've been six years together—"
Natigilan ako dahil sa biglaang pagsagip ni Gio sa usapan.
"Right, anim na taon. Anim na taon, Paulene! Anim na taon. . ." he breathed out before continuing. "Alam mo palang anim na taon 'yon? Pero kahit isang salita ng paalam, wala akong narinig sa 'yo. . ."
"Gio. . ."
A single tear fell. Gumulong ito sa aking pisngi. Agad ko itong pinahid at muling binalik ang tingin sa kan'ya.
"Napagod ka ba? 'di ba sabi ko naman na walang problema sa akin kung magpapahinga ka. Mamahalin pa rin naman kita e kahit gano'n, kung hindi mo kayang magmahal — kaya ko naman na ako na lang magmamahal para sa ating dalawa. . ." hikbi n'ya habang ang gilid ng mga mata ay unti-unting namumula. My lips pulled apart upon seeing him crying in front of me.
"Nagsawa ka ba? Sawa ka na ba sa akin? Pupwede naman natin gawan 'yon ng paraan e. . ." his bloodshot eyes made the guilt crawled all over me. "Kaya ko naman magbago para lang hindi ka magsawa sa akin, Paulene."
His shoulders were shaking, I saw how devastated he was, pakiramdam ko ay kinakain siya ng sakit at poot ngayon. I backed out. I realized that I shouldn't have said anything.
Parang binalatan ko ang naghihilom n'yang mga sugat. Ginawa ko itong sariwa muli.
"May mahal ka na bang iba? Maiintindihan ko pa rin. . ." mahinahong ungot n'ya. "Magiging masaya ako para sa 'yo kasi alam kong kahit hindi sa akin ay magiging masaya ka."
"Gio, hindi sa gano'n. . ."
"You know what I don't understand, Pau? Alam mong anim na taon 'yon pero umalis ka ni isang letra ay walang iniwan para sa akin. Kahit na 'yong anim na letra — kahit ang isang salita na paalam ay wala."
"I know, it was my fault —"
"I didn't blame you for anything, Pau. Everyone knows how much I wanted to hate you for doing that. . . for leaving me with nothing."
"I h-have a reason," mahinang giit ko. Nakita ko ang bahagyang pagangat ng gilid ng kan'yang labi. Gio looked at me with disbelief.
Alam ko sa sarili ko na maaring dumating kami sa punto na ito. Sa punto na hindi na n'ya ako gustong pakinggan. Pero gusto ko lang ito sabihin sa kan'ya.
"Paano kung ayoko na marinig?" malamig n'yang sabi.
I shed a tear. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan dahil alam ko, tanggap ko, na pupwedeng gano'n na nga lang ang gusto n'ya. Just like how I left him without giving him any reason to hold on.
"You're years too late for an explanation, Pau. For all the years that you didn't explain yourself, I have concluded a reason for you leaving me. . ."
Marahas n'yang pinahid ang mga luha n'ya at mapait akong nginitian.
"You didn't love me, Paulene. The reason you left me without any reason is because you didn't love me. Hindi mo ako minahal. Kaya pwede ba? Hayaan mo naman akong sumaya nang wala ka. . . Parang awa mo na. Ilang taon kong binuo sarili ko, ayoko na ulit masira nang dahil sa 'yo."
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top