Kabanata 32


TW: Violence.

Kabanata 32

I wailed that night, all I could feel was anguished and hate. Mabuti na lang at nasa bakasyon ang mga kasama ko no'n sa dorm dahil nahihiya rin ako sa pag-iyak ko.

I was willing to compromise, to lower down my pride and to even admit my faults. I know it's the bare minimum, pero sana ay hinayaan n'ya man lang na magkausap kami. Hinayaan na lang sana n'yang isipin ko na kahit papaano ay kaya pang ma-isalba ang relasyon naming dalawa. We were close. We were cousins. Magkatabi pa nga kami matulog noon.

In times like this, I prefer to see the virtues that the person possessed and shared with me.

I would remember all of her efforts. She would buy me skincare products. She would dress me up. She would always ask me if I was okay. She would get the boys that I want. She would have all the attention and love. She is Mama's favorite.

Napapikit ako nang mapagtanto na iba na naman ang pumapasok sa isip ko. Kahit ano'ng pilit na tabunan ang nararamdaman na paninibugho ay hindi kaya nitong matumbasan ang nararamdaman. It just won't fade and leave me alone.

Mama:

Paulene. Umuwi ka sa Linggo. Maguusap tayo.

I suppressed my hiccups as I read her message. Bahagya akong natawa dahil iba siya mag-type sa phone at captions sa mga post para kay Mila. It was obvious that she wanted the attention too. Agad akong sumagot ng oo sa kan'ya. Maybe, Mama will help the both of us. Siguro naman ay hindi rin n'ya kakayanin na malaman ang nangyayari sa amin ngayon.

I was hopeful. Kaya naman hindi ako lumabas buong linggo. I waited for Sunday to arrive and I even wore a conservative and almost incognito outfit. Kabado ako dahil kilala rin si Mila. Hindi pa rin humuhupa ang issue sa aming dalawa.

Pumunta muna ako sa isang mall. I bought some food to bring home. Para naman hindi sobrang awkward mamaya. Habang nasa pila ako ay narinig ko na nagu-usap ang mga nauna sa akin.

"Mila deleted the vlog already. Ang bait talaga ano? Kung ako 'yon, hahayaan kong karmahin 'yong ahas na 'yon."

"Akala ko pa naman ay sila talaga no'ng lalaki. Ilang beses 'yon lumabas sa vlog n'ya tapos parang gusto rin siya. Ang bait sa kan'ya e o baka sadyang paasa lang?"

The whispering made me feel uncomfortable that I even shifted my weight. Yumuko ako para hindi makita ang mukha ko.

"Sa totoo lang, kung ako si G ay baka hiniwalayan ko na 'yong Paulene. Hindi naman maganda 'te. Para talagang ginayuma lang s'ya."

"Baka naman maganda ugali?"

"Huh? Maganda ba ang ugali na agawin mo 'yong gusto ng pinsan mo? Tapos sinirekto mo pa? Halatang gusto n'yang siraan si Mila. Baka nga ipapalabas n'ya na si Mila pa ang nangagaw. Kung sino pa talaga ang pangit, sila pa talaga ang makakapal ang mukha."

Napalunok ako dahil sa mga narinig. Sanay na ako makabasa ng mga hate comments pero parati ko na lang iniisip na hindi naman lahat ng nababasa ko sa internet ay totoo. Pero iba pala kapag narinig mo na sa totoong buhay. Kapag sinasampal na sa 'yo na wala kang kakampi.

I dialled Philomena's number. I need someone to talk to. Pero si Iscalade ang sumagot nito dahil abala si Philo sa kan'yang OJT. Nahiya naman ako kaya hindi na ako nagsabi pa at binaba ang tawag. I contacted Gio but his phone was off. Napabuntonghininga ako, I know that he's also busy. Bukod sa kailangan n'yang maghanap ng review center para sa CPALE, graduating siya ng Accountancy. Hindi rin biro ang kurso n'ya.

Tita Glory calling. . .

Napangiti naman ako nang tumawag sa akin si Tita Glory. Finally. Someone to talk to! Tita is full of wisdom and she never makes me feel less. Kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon.

"Tita! Kumusta po k-kayo?" my voice terribly spoke. Ni hindi ko inaasahan na ganito ang magiging boses ko. Tunog ng wala ng pag-asa.

"Paulene, pupunta ka ba sa mama mo ngayon?" she asked softly.

"Opo, Tita."

"Sasamahan kita, ha?" she said which made me feel relieved. Para talaga siyang si Gio. Sa kan'ya siguro nagmana si Gio dahil kuhang-kuha n'ya ang malambot nitong pakikitungo.

I can't help but feel the warmth of her voice and words. I didn't know it was possible to be soothe by someone's presence, that it was possible to see a sun in the middle of the night.

I texted her our house's location.

Hindi ako makapaghintay dahil alam kong baka ito na ang sagot sa mga problema ko. I paid for the food that I bought in the grocery store and immediately went to the parking lot.

Pero may mga humarang sa akin. Agad akong napaigtad nang palibutan ako ng grupo ng mga babae. They made me feel so small with their number.

"Tang ina! Sabi ko na nga ba! May ahas sa mall na ito!" Halakhak ng isang balingkinitang babae. She was with her group of friends.

Hindi ko mapigilan ang manginig at mapuno ng takot. I tried to avoid their way but they kept on harassing me by blocking my path.

"Paulene, 'di ba? Hindi ka ba nahihiya? Iba ka rin talaga 'no?"

The girl yanked my arm. Agad akong napalingon sa kan'ya. She was taller than me. I felt intimidated with her presence.

"Feeling maganda lang 'te? Ang kapal ng mukha mo na paiyakin si Mila! Ikaw kaya paiyakin namin!" She growled at me. Agad akong napapiksi sa ginawa n'ya. In my defense, I removed her grip from me.

"Naku! Lumalaban pa talaga! Ang kapal ng mukha mo!"

Hinila n'ya ang buhok ko at para bang isang pelikula ay binalik ako sa nakaraan. Unti-unti akong binalik sa kung paano ako tratuhin ni Amber at Brittany. Kung paano ako iwanan ng mga lalaki na nagugustuhan ko para kay Mila. Kung paano ako ipahiya ni Mama.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko.

Kailan ba nila ako titigilan?

Wala naman akong masamang ginawa sa kanila. . .

Ano ba talagang gusto nilang gawin ko?

"Hala! Bakit umiiyak ka na agad? Wala pa nga kaming ginagawa sa 'yo!"

Halakhakan. 'Yon ang tanging tunog na pumalibot sa buong parking lot. It echoed at each corner. It was the only sound that resonated through me. And my beating heart, that can't stop pumping more pain for me to endure.

"Ganito na lang? Sasampalin ka namin isa-isa? Tapos okay na tayo? We'll video it too! Para naman justice served na. Para naman worth it ang pananakit mo kay Mila." ani ng kanilang leader. It made my stomach churned and made my entire system numb.

But I nodded.

Para lang makapunta ako agad kina Mama at Tita Glory. Hinihintay na nila ako. Kailangan ko na agad umuwi.

And so, they began slapping me. Ang nauna ay dahan-dahan pa. Halatang nanunuya. Ang sumunod ay parang pasapak na. Hanggang sa ang bawat dumating na dapo ng palad nila ay pasakit nang pasakit na para bang sila mismo ang sinaktan ko at malaki ang naging atraso ko sa kanila. They were five individuals, mukhang magka-kaibigan at nagkataon lang na namataan nila ako.

"Ako na ba ang last?" saad no'ng babae na kanina pa may hawak sa akin. Tumango ang mga kasamahan n'ya.

She wiped her hand on the wheels of a car. I can only blink. Wala akong nagawa nang sapilitan n'ya itong pinahid sa mukha ko bago ako tuluyan sinampal. Her slap was the most detrimental. Buong parking lot ang nakarinig nito.

Walang tumulong sa akin. I saw some passerbys but they only bowed their head and immediately went to their vehicles. Halata ang takot at pagiging balisa nila. Napangiti naman ako. That's right. No one would help me.

Pinakawalan na nila ako. They told me that I should be careful the next time that I went out. Baka raw mas dumami lamang sila. That I deserved each slap that I've received.

That sentence alone traumatized me. Agad akong tumawag ng Grab para sunduin ako. Dumating naman ito agad at nagmakaawa ako na 'wag na tanungin kung anong nangyari. My face was dirtied and my dignity was tarnished. I was crying the entire ride.

Inabutan lang ako ni Manong ng tissue at tubig.

"T-thank you, Kuya. . ." napapaos kong saad habang pinupunasan ang mukha ko. Puno ito ng dumi galing sa gulong ng kotse.

Hindi sumagot si Manong, malamang ay nahihiya rin sa akin. I can only smile at him for a bit. Bumaba rin ako sa bahay namin, I was expecting Mila to be there but she wasn't. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Tita Glory," I cried when I saw her on our sofa. Agad na gumuhit ang pagaalala sa kan'yang mukha. She went to me and gently wipe my face.

"Paulene, anong nangyari sa 'yo?" she asked, worriedly. Wala man si Gio pero ramdam ko ang presensya n'ya dahil sa kan'yang ina.

"Okay lang ako, Tita Glory." I smiled. She caressed my hair and signalled for me to seat down beside her. Ilang minuto lang ay dumating na si Mama na nagpupuyos sa galit.

"Bwisit kang bata ka! Humingi ka ng tawad kay Mila!" Mama hurled at me. Hindi pinapansin si Tita Glory na mukhang nasaktan sa kan'yang pananalita.

"Please, calm down. We can fix this in a calm manner," Tita Glory pleaded. Agad naman na tumahimik si Mama at umupo sa harapan na upuan.

"Tinawag kita rito dahil gusto kong humingi ka ng tawad kay Mila. A public apology. Alam mo bang dinadayo rin ako ng mga fans n'ya?! Na para bang kasalanan ko na masahol ang ugali mo?" hiyaw ni Mama sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kan'yang galit dahil mukhang mapuputukan na siya ng ugat.

"M-ma, hindi mo man lang ba hihingiin kung ano ang side ko? Paano kung wala naman akong kasalanan? Boyfriend ko si Gio, Ma. Tulungan mo na lang na magka-ayos kami ni Mila." I sobbed, agad kong pinalis ang mga luhang bumagsak sa aking pisngi.

"Hindi deserve ni Mila ng isang traydor na pinsan, Paulene. Kinahihiya ko na gan'yan ka lumaki sa amin. Para bang hindi kita tinuruan!"

"Please don't shout at your child like that," awat ni Tita Glory kay Mama. "Both children are suffering from this. Anak mo rin si Paulene. Please be more sensitive with her."

"Wala akong anak na ipapahiya ako! Ilang araw na hindi umuuwi rito si Mila. Paano kung tuluyan na siyang bumukod? Tandaan mong hindi ako magdadalawang isip na itakwil ka Paulene!"

"Ma, ako ang anak mo!" angil ko.

"At sana nga na si Mila na lang ang naging anak ko dahil wala kang kwenta! Wala kang mapatunayan sa akin! Sana si Mila na lang ang naging anak ko, Paulene! Sana siya na lang!"

I almost broke down but Tita Glory supported my back and gently helped me regain my stance. Agad akong humikbi pero agad na nagpasalamat sa kan'ya.

Napapikit si Tita Glory. "Please stop. This isn't fixing anything."

"Bakit ka ba nandito ha? Sino ka ba, ha?" tanong ni Mama kay Tita Glory.

"I'm Gio's Mom and I'm here to know the story," saad ni Tita Glory. "I'm here for Paulene too."

Muli ay naiiyak na naman ako. Swerte talaga ako kay Gio at sa kan'yang pamilya. They're a great support system. Buong-buo ako dahil sa kanila. I can't help but feel grateful.

"I'm here to ask you to take away Paulene from Gio." ani Tita Glory sa seryosong tinig.

Nabingi 'yata ako.

Wala akong marinig kundi ang pagpipiraso ng puso ko.

Para akong pinaulanan ng mga bala. Sa isang iglap ay parang pinatay ang lahat ng pagasa na nananatili pa sa akin.

"Ano?" ulit ni Mama.

Napalingon ako kay Tita Glory at nakitang seryoso siya. She had a stern look on her face.

"Your family is disturbing. Akala ko pa naman ay madadaan pa ito sa maayos na paguusap. Pero mukhang wala na talagang paraan para maayos pa ito. I was hoping that Paulene can fix this scandal because it's affecting my family." Tita Glory said without blinking.

"Sinasabi mo ba na magulo ang pamilya ko?" galit na tugon ni Mama.

"Yes, unfortunately. Tahimik lang kami ng pamilya ko. We're not part of the spotlight and we're very honorable. Maganda ang reputasyon ng pamilya ko at ayokong masira ito dahil lang sa inyo."

"T-tita Glory. . ." naiiyak na saad ko.

Tita Glory smiled at me sadly and held my hands, gently squeezing it.

"I'm sorry, Paulene. You're such a nice girl. . ." she softly caressed my face assuring me that it's not my fault.

"But you're not good enough for Gio."

Et tu, Brute? Even you, Tita Glory? Kahit ikaw ay ganito ang tingin sa akin? Nanginginig ako habang humihikbi, mas mariin at mas matindi pala ito kumpara sa mga sampal na natamo ko kanina.

Alam ko naman 'yon. That I'm not good enough for Gio. Pero ang sakit dahil akala ko may pamilya na tanggap ako. That I don't have to achieve things for them to accept me. . .

"Actually, despite of your underwhelming traits and achievements, I tried to love you for my son. Mahal ka ni Gio, Paulene. Pero hindi ka talaga maganda para sa kan'ya. He's going to be a CPA lawyer soon, and what about you? Tuwing tinatanong kita kung anong plano mo, wala kang masabi. You're from this kind of family too. I don't really see anything special about you, Paulene. I'm really sorry."

Sa naging pahayag ni Tita Glory ay para akong nawalan ng ulirat. Agad akong lumabas ng bahay at tumakbo nang palayo sa kanila.

Gusto ko tumakbo nang tumakbo. I don't care if I have to run as many miles as I can. I want to escape from this pain. This agony. This world. Gusto ko na lang takasan ang lahat.

Mabilis ang takbo ng mga kotse habang nasa highway ako. Nakaabot na pala ako rito. This was the dead end. It made me feel numb all over. I cried in anguish as I saw the cars passing to the next lane.

Was this the sign?

Is this the sign to just fucking end it all? Ito ba talaga ang gusto ng lahat?

I ran in the middle of the cars because I just really wanted to run away from them. I was reckless. I was clouded by my thoughts. I just want to escape. . .

Gusto ko na lang matulog nang mahimbing at walang iniisip na sakit pag binuksan ko ang mga mata ko.

Continous tones of beep made me stop my thoughts. Agad akong natigilan nang biglang tumigil ang isang kotse sa harapan ko. Namutla ako dahil sa nangyari.

Natigilan ako nang may huminto sa harap ko. The car opened its door and a man slowly got out from it. Napasalampak ako sa semento sa panghihina ng mga tuhod. I was almost hit by a car. I almost died because of trying to escape from pain. Agad akong umiyak dahil sa napagtantuan. I didn't want to die. I just want peace. I just want to have some serenity within me. Bakit parang kailangan na pantay na ang mga paa ko para makuha 'yon?

Napalingon ako sa bumaba sa kotse. I was still dazed and scared because of what happened.

A guy with silvered hair and familiar set of silver orbs grinned at me. Nag-squat siya sa harap ko at agad na naglahad ng kamay.

"Years passed, ang pangit mo pa rin umiyak, Paulene."

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top