Kabanata 30
Kabanata 30
I entered in a secret relationship with Gio. Sakto naman na naging kami no'ng midterms na. We were both eagered to start over as lovers this time.
"Hindi ko maintindihan, Paulene. . ." Gio casted his gaze downwards. He was obviously disappointed with my decision.
Agad ko naman siyang hinimas sa kan'yang likuran.
"Unti-unti naman natin sasabihin. Sa ngayon, sana tayong dalawa na lang muna ang nakakaalam, kung okay lang?"
Gio retraced his gaze back at me.
"Kinakahiya mo ba ako, Paulene?" tanong ni Gio, naga-astang bata.
Marahan akong umiling. Paulit-ulit upang makita n'ya na seryoso akong hindi gano'n ang intensyon ko.
"Hindi! Gusto ko lang na walang masyadong may alam. Lowkey lang tayo gano'n." pagkakaila ko sa sinabi n'ya.
Ang totoo n'yan ay ayoko lang talagang makarinig ng kung anu-ano galing sa iba. Alam ko naman na sasabihan akong 'jackpot', 'maswerte' o kaya'y magpapaturo sa akin paano makabingwit ng tulad kay Gio. And honestly, if I try to think it through, all of it sounds like backhanded. Para bang hindi ko deserve at para bang tinamaan lang ako ng kidlat ng kaswertehan kaya ako nagustuhan ni Gio.
"Ma-iba tayo, ba't ako may larawan sa 'yo na galing sa isang simbahan?"
Hindi ko na mapigilan ang tanungin siya habang naglalakad kami at naglilibot upang tumingin sa iba't ibang stalls. Nasa isang mall kami ngayon, malayo sa mall kung saan kami nakatira. We travelled far from home so no one can see us. Gano'n ako ka-ingat na walang makakita sa amin. Hindi bale na gumastos kami ng pamasahe na sobrang mahal basta ba't malayo sa tsismis at mata ng iba.
"Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ni Gio pabalik, tumulis ang nguso at halatang nagtatampo.
"Hindi e."
"Seryoso ba? Mula kasi no'ng nakita kita, hindi na kita nakalimutan. Tapos ako, hindi mo matandaan?"
"Ako lang ito, Gio. Hindi ka maalala." biro ko sa kan'ya kaya naman agad siyang pumalatak.
"Baka kapag pinaalala ko sa 'yo, malaman mo kung saan kahahantungan mo."
"Saan ba?"
"Sa simbahan, katabi ko, bilang isang San Pedro." He beamed, showing his infamous eye smile.
Agad na uminit ang pisngi ko sa sinabi n'ya. Marahan akong umiling dahil hindi ko talaga matandaan kung ano ang ibig n'yang sabihin. Pero hindi matanggal ang curiosity ko sa kung paano kami nagkakilala.
"Di mo talaga sasabihin?" pangungulit ko.
"Sasabihin ko naman kapag. . ."
He swallowed hard. "Kapag handa ka na sabihin sa iba na tayo na. Na boyfriend mo ako. Na mahal mo ako, Paulene."
Walang namutawing ingay mula sa akin. As much as I sympathized with him, ayoko talaga na ipagsabi ito sa iba. I prefer to be lowkey and it's not like my love for him will vanish if I kept everything a secret.
"Mahihintay mo ba ako?"
"Oo naman, kahit gaano katagal, basta alam kong balang araw ay maipagmamalaki mo rin na ako 'yong mahal mo, Paulene."
Gumuhit ang isang ngiti sa kan'yang labi. I felt his sincerity as those words slowly finds a way to be engraved in my heart. It was being written in invinsible ink, it might not be seen by others but I can feel it. I will believe in it.
He will wait for me.
"For how long?" Etienne shrugged off upon knowing that the two of us were dating. Agad akong bumuntonghininga.
Etienne knew because he saw Gio and I together. Niyaya ako ni Gio noon sa isang musical play at hindi naman namin inaasahan na makakasalamuha namin si Etienne. The worst part was Gio was kissing me on my forehead when he saw us.
Tinawanan lang kami ni Etienne. Gio was beyond pissed off. Hindi ko alam kung dahil ba sa naudlot na halik o dahil sa nalaman ni Etienne ang tungkol sa amin.
"Don't worry, wala naman akong balak sabihin sa iba. Besides, I'm currently busy with breaking someone's heart." matalinhagang pahayag n'ya no'ng kinakausap ko siya upang hindi n'ya ipagkalat ang tungkol sa amin ni Gio.
Etienne sat on the cemented table. He crossed his legs as the smile on his lips gradually widened.
Nasa evergreen garden kami ngayon at ito 'yata ang muling paguusap namin. I wanted Gio to feel secure with me, at hindi rin naman talaga kami sobrang close ni Etienne. Pero isa siya sa mga nakakausap ko tungkol sa mga bagay-bagay.
Philomena Gracia seems to be in distress nowadays, pero kapag kinakausap ko naman siya ay hindi n'ya ito sinasabi. Kaya naman si Etienne ang mas madalas kong nakakausap.
"Thank you. I hope you'll enjoy your grade eleven days. Malapit ka na mag-grade twelve." bilin ko sa kan'ya.
Gio and I are already dating for months. Ngayon nga ay inaasikaso na lang namin ang booth namin para sa foundation week kung saan magbebenta kami at ang mga papeles na kailangan namin para sa aming work immersion.
I sighed.
I'm not sure if we'll be in the same company, pero alam kong masaya ang magiging work immersion namin dahil pupunta kami sa iba't ibang kompanya para maranasan kung paano namin magagamit ang mga natutunan namin sa subject na ito. It's almost like the On the Job Training or the OJT part in college.
"Ate, you have to be careful though," Etienne tilted his head and slowly parted his lips. "They do say, the most insecure people are those who are in love. And you know that sometimes, insecurity kills a part of us in slow but certain way."
Hindi ko na pinansin ang huling pahayag n'ya. Gio wouldn't be insecure. He has everything. Gwapo, matalino, mabait at marami pang iba. What would make him insecure?
I was happy with him. Para akong parating nasa alapaap dahil sa kan'ya. His ways of making me feel loved was heavenly. Nagsisimba kami tuwing linggo, pumupunta kami sa mga charities kasama ang pinsan n'yang si Gabrijel.
"Kaibigan ka lang ba talaga ni Gio?" Gabrijel asked.
Nasa gitna kami ngayon ng paglalagay ng pancit canton sa mga styro na ipamimigay sa mga bata mamaya matapos ang programa na inihanda ng isang Pastor. Merienda na rin kasi kaya naghanda kami ng kakainin ng mga bata.
Napalingon naman ako sa kan'ya. Gabrijel has Gio's features but he looked tame. Sobrang bait nito at sobrang relihiyoso. Although, he never imposed his beliefs on us. At hindi rin n'ya pinagpipilitan ang mga paniniwala n'ya sa amin. Mas tahimik siya kumpara kay Gio.
Sa tuwing nagmumura si Gio ay hindi mapigilan ni Gabrijel na sawayin ito. Gio would feel ashame and immediately apologized for it. Isa kasi ito sa mga hindi maiwasan ni Gio, he couldn't stop himself from throwing a few curse words. Hindi ko naman siya masisisi, we do tend to cuss around just to show our feelings.
"Ah, oo. . ."
"He seems fond of you," aniya.
"Gano'n si Gio sa lahat."
"Gio might be kind to everyone but his treatment towards you shows how much he cares. . ."
Napatango naman ako. That's true, hindi kami naga-away ni Gio dahil parati siyang naga-adjust para sa aming dalawa.
Gio never pressured me to reveal our status although sometimes he gets too dramatic over it. Akala mo naman talaga ay sinasaktan ko siya. He really just wants our relationship to be broadcasted.
Hindi ko nasagot si Gabrijel nang araw na 'yon. The more that people get a hint about us, the more that my heart palpitates out of nowhere. Lalong tumutubo ang pangangamba sa akin. Sa kaba at sa takot na baka malaman ng iba.
Naging abala ako sa paga-asikaso ng paglipat ko ng school. Ayoko man iwan ang UJD, hindi na kaya ni Mama na dalawa kaming naga-aral ni Mila sa prestihiyosong paaralan. I have to give way for her.
"Business Administration ang kukunin ko sa college, major in Marketing."
Ikinuwento ko kay Gio ang sitwasyon habang nakahiga siya sa aking binti. He pursed his lips and directly gaze at my eyes.
"Hindi ka sa UJD maga-aral?" mahinang tanong n'ya.
Umiling at malungkot na ngumiti habang pinaglalaruan ang buhok n'ya. Ramdam ko ang dismaya sa kan'yang titig.
"Lilipat ba ako ng school?"
"No, mas okay na siguro na malayo tayo sa isa't isa. That way, people would not get suspicious about us."
"That's not true. Mas magtataka sila kung pumupunta ako sa school mo kung wala naman akong ganap doon. . ." Gio reasoned out. At agad naman akong tumango dahil nakuha ko naman ang punto n'ya.
"I don't want you to change your plans, Gio. Girlfriend mo ako. Ayoko magbago ang mga plano mo dahil sa akin."
I don't want our love to make him feel like he's restricted to pave paths and create plans for himself. Ang pagmamahal ay malaya at makulay, hindi dapat nito kinukupas ang mga kakayahan ng tao bagkus mas pinatitingkad pa.
So I transferred to a state university. Halos isang oras ang biyahe mula sa UJD papunta sa school na pinili ko. Mas malayo ang eskwelahan ni Philomena sa akin kaya naman malimit pa rin kaming magkita. Still, we are still bestfriends.
Kaya naman naniniwala ako na wala sa distansya ang pagmamahal sa isang tao. You could be from afar, but the feelings can still be vividly felt.
We graduated senior highschool without anyone knowing that we're together. Our classmates didn't have any clue about it. Masaya ako para sa mga kaklase ko dahil isang yugto na naman ng buhay nila ang nalampasan nila.
The hardest goodbyes are the ones that makes you feel nostalgic. It's when you're being beguiled to think that the past is utterly completely better than the present or even the future.
Akala ko noon ay sobrang haba ng mga taon. Pero kapag pala masaya ka ay mapagtatantuan mong ang taon ay mayroon lamang tatlong daang mahigit na araw, at ang mga araw na 'yon ay binubuo lamang ng bente kwatro na oras.
I was currently on my second year as a marketing student. Matataas naman ang grado ko pero walang-wala ito sa president's lister ni Gio at pagiging batch representative n'ya. It somehow makes me feel bad for thinking that Gio might leave me because I'm not as accomplished as him.
Tama nga si Etienne. The most insecure people are those who are in love. We tend to think that we could be replace and the feelings will fade once they see our flaws.
"Niyaya tayo ni Philomena at Iscalade. Uhm, double date raw." bulong ko kay Gio habang nakahilig siya sa akin.
Nasa bahay nila kami ngayon na semestral break. Tita Glory knows me and she's really nice, amoy sampaguita ang buong bahay nila Gio at kawangis nito ang mga bahay sa probinsya. It was old fashioned but homely.
"Alam na ni Philo?" Gio excitedly broadened his droopy eyes. Halatang pagod dahil sa mga sinasagutan nilang transactions sa accounting. He pursued accountancy in college.
"H-hindi pa," sagot ko at umiwas ng tingin.
Agad na nawala ang saya sa kan'yang mata at unti-unti s'yang tumango. He gets excited when someone knows about our relationship. Pakiramdam n'ya kasi ay mas nagkakaroon na ako ng kompiyansa na aminin sa iba na kami na.
"Isang exclusive gig? Anagapesism?" I gulped while my eyes broadened in amazement.
Ang balita ko ay hindi na tumutugtog ang ang Anagapesism sa mga mainstream media. They don't host concerts and gigs just for any one. Sabi nga ng mga nasa media outlets, may sariling mundo ang Anagapesism. Kaya naman mas maraming naiintriga sa kanila.
I was wearing a white track jacket with a violet crop top underneath it. Isang white skirt ang tinerno ko. Si Gio naman ay naka-polo lang na puti at pants na itim, he looked good in minimalistic styling.
Gio enfolded his arms across my waist. May mga dumaan kasing mga babae na tumitili habang may mga suot na id pass. That's probably for the meet and greet.
"Paulene!" Philomena hugged me and I returned it earnestly. Nakipag-fist bump naman si Gio kay Iscalade. Both of them were wearing an anagapesism shirt. Halata na planado nila ito.
"Okay lang po ba na niyaya namin kayo?" Philomena asked, concern lace on her face.
Napatango naman ako. I miss her so much! Walang nagbago sa kan'ya, pumayat lang siguro at medyo mas pumuti. Pero halatang blooming.
"Oo naman, wala naman kaming ginagawa ni Gio."
"Friendly date lang naman po kung sakali." Philomena pouted. Iscalade chuckled and pinched his girlfriend's cheek.
"Dali na! Miss ko na si baby ko! O, 'yong mga magka-ibigan. Stay friends forever!" pasaring ni Iscalade at nagawa pa kaming taas-babaan ng kilay.
"Ang kapal no'n! Parang hindi na-friendzone for two years?! Nauna pa nga tayong dalawa kaysa sa kanila!" Gio hissed as he watched Iscalade and Philomena walking towards the entrance of the venue.
Nakayakap si Iscalade kay Philomena. Napalingon ako kay Gio na kitang-kita ang inggit dahil alam n'yang hindi ako papayag ngayon dahil marami ang nakakakita.
Napalunok na lamang ako. I gradually held his hand and intertwined our fingers secretly.
Agad namang napawi ang inggit ni Gio sa dalawa. He smiled at me when he saw me doing that. Napangiti naman ako. Mababaw lang talaga ang kasiyahan ng isang ito.
Naubos ang boses ko kakatili sa gig ng Anagapesism. All of them were goodlooking and good at their instruments. Lumulundag ang puso ko sa bawat kalabit nila ng mga instrumento nila. I can't help but scream and sing a long even I only heard of them now.
I'm definitely a fan!
"Go baby! Go Kile!" sigaw ni Iscalade. Nakita mo na napatingin sa direksyon namin 'yong bassist.
I gasped. Kumalma ka, Paulene! May jowa ka na! Katabi mo pa! I remind myself as I saw his enthereal face. Agad din naman bumalik ito sa pagkalabit ng kan'yang gitara at iniwas ang tingin sa amin. Sungit!
Philomena softly giggled. Si Gio naman ay seryosong nanonood. Ako ay patuloy ang talon at tili habang nagpe-perform sila ng bagong set.
Ang ticket na binigay ni Philomena sa amin ay may libreng meet and greet. Hindi na nagpapirma si Philomena, Iscalade at Gio ng id pass nila. Pero hindi ko naman ito pinalampas. Gusto ko silang makita nang harapan.
"G-Gio, ang gagwapo nila." I was trembling in anticipation. Nanginginig ang mga binti ko.
"Takpan mo mga mata mo, ha? Pito na 'yong kaagaw ko, Paulene. 'Wag mo na dagdagan."
Natawa ako sa pakiusap ni Gio sa akin. I nodded and immediately took a deep breath as I go near towards them. North, N, Enoch and Kile. Tinandaan ko ang pagkakasuno-sunod nila.
"Kamusta? Anong pangalan mo?" North smiled at me immediately. I smiled back, even if my lips were quivering.
Mahina talaga ako sa mga magagandang nilalang!
"Paulene. Paulene pangalan ko p-po. . ." I stuttered and he laughed. Pinirmahan n'ya 'yong id pass ko.
"Salamat, Paulene. Hiraya Manawari. Sa muling pagkikita natin sana ay hindi ka na kinakabahan."
Binalik n'ya sa akin ang id pass ko. Napatango ako sa kan'ya. At inabot naman sa kasunod ang id pass. The guy didn't say anything because he had a mask on. Pero alam ko na nakangiti siya sa akin. His built was small compare to the other three, siya ang pinakamaliit sa kanila.
"Thank you, N!" sabi ko sa kan'ya. He only waved his hand.
Sumunod naman ay ang drummer nila. Ngayon ko lang napagtantuan na gwapo rin siya tulad no'ng mga nasa harapan. Nasa likod kasi siya kanina kaya hindi ko masyadong hagip ang mukha. Tumikhim ako dahil pinaglalaruan n'ya ang sharpie sa kan'yang kamay. He was spinning it like a drumstick.
Umangat ang tingin n'ya sa akin at nagbigay ng isang tipid na ngiti.
"Yes? Your name is?" pumalatak siya.
"P-paulene," for the second time, nanginig na naman ang boses ko.
Alam ko na si Gio ang pinaka-gwapo sa paningin ko pero hindi ko alam bakit naaapektuhan pa rin ako sa mga ganitong nilalang. Mga masyadong biniyayaan!
"Paulene," Enoch smirked. He bit the lid of the sharpie to open it and slowly wrote my name on my id pass. Sabay binigyan n'ya ito ng isang lagda.
"Do you prefer to be called as Pau? Paulene?" tanong n'ya.
"K-kahit ano naman. . ."
"So, if I call you mine, you won't mind?" Enoch chuckled. I bit my lower lip. Shet ka! Nandiyan boyfriend ko! Bawal ako kiligin!
"Nah, I'm kidding. Thank you, Pau." Enoch gave my id pass and my hands were shaking.
Agad ko itong inabot kay Kile. I suppressed my squeal. I'm not gonna lie, siya talaga ang bias ko sa mga ito. He seems to be the most enigmatic.
"Paulene," I said and he just nodded. Hindi ko maiwasan ang mapansin na ang gaganda ng piercings n'ya.
"K-kile, a-ano ang gaganda ng piercings mo. Ang dami pa n-nila, bagay sa 'yo." puri ko sa kan'ya. Bumagay ang mga piercings n'ya sa tenga.
Natigilan si Kile at umangat ang tingin sa akin. Ngayon ko lang na napagtantuan na siya nga ang pinaka-gwapo sa kanila, sa malayuan kasi ay parati siyang nakayuko o kaya'y natatakpan ng buhok n'ya ang kan'yang mukha.
"Thank you, Paulene."
His voice was deep but sounded almost like a salve. Kinilig ako dahil sa binanggit n'ya ang pangalan ko. Para bang iilan lang ang mga salita na kaya n'yang banggitin, or maybe he's selective to people that he talked to?
Bumalik ako kay Gio at Iscalade na seryosong naguusap. Philomena was taking pictures.
"Okay na!" I squealed.
That's how our date ended. I also kissed Gio secretly that night so that he won't think that I replaced him. Kinikilig lang ako sa iba pero si Gio ang mahal ko 'no!
I had a hard time during my third and fourth year in college. Nakakapasa naman ako at mataas naman ang mga marka ko pero hindi ito tulad ng achievements ni Gio. I was falling short compare to him. Pagod si Gio pero parati naman itong natutumbasan ng achievements n'ya.
Hindi tulad ko na hindi pa nga sigurado kung ano'ng trabaho ang haharapin ko pagkatapos ng kolehiyo. I was uncertain of my future, I didn't know if I even have a future to begin with.
"Fourth anniversary na natin," Gio beamed. "Sa Korea tayo 'di ba? Tuloy ba ang plano?"
I smiled at him and nodded. Nag-ipon kaming dalawa para mag-travel sa Korea sa fourth anniversary namin. It was also our reward to ourselves for surviving college. Hindi ako makapaghintay na matupad na ni Gio ang mga pangarap n'ya.
"Bibili lang ako ng snacks, Pau!" paalam n'ya sa akin. Nasa food court kami ngayon dahil katatapos lang namin bumili ng mga pang-winter na damit. We planned our trip ever since I told him I wanted to travel abroad.
Hinalikan n'ya ako bago siya pumunta sa isang stall.
Four years of dating, Gio valued my permission when it comes to kissing and other intimate expressions of love. His kisses were never forceful. Never too hungry. Never painful. Palaging ma-ingat at puno ng pagmamahal. He was never careless with his touch. I like that a lot. I like how he shows that he's not after physical intimacy only.
I waited for him and decided to watch videos to keep myself entertained. I laughed at random videos but stopped when it was a clip from Mila's vlog.
Isa itong school tour. Mila was smiling on the thumbnail, may nakalagay rito na 'Farewell, College life!' at nasa background n'ya ang UJD.
Napalunok naman ako. Pinanood ko ito. I missed my previous school. Mas lalo itong gumanda. Alam ko pa rin ang mga lugar na pinakita ni Mila. Natigilan lang ako nang ipakita n'ya ang isang building na pamilyar sa akin.
"College of Accountancy! So, like how I told you guys, nandito 'yong crush ko for the past four years? Grabe, loyal ko naman!" She chortled and even covered her mouth. "So G is from here, and I plan on confessing to him before the school year ends! Comment down your thoughts on how I should confess to him!"
"I might, you know, do a public confession!" Mila giggled.
Namutla ako nang pinagtagpi tagpi ang mga sinabi n'ya. College of accountancy, letter G at sa UJD naga-aral.
Napamura ako.
I clicked other videos and saw that sometimes she will involve side views of Gio who's not aware he's being filmed. Napatiim bagang ako. It's confirmed, si Gio nga talaga. Hindi ko lubusang maisip na mahigit ilang taon na n'yang gusto si Gio.
Nang makauwi ako ay naisip ko na 'wag bumalik ng dorm at dumiretso sa bahay namin. Nilakasan ko ang loob ko. I'll confront her. I'll tell her that Gio and I are dating. Ang huling vlog n'ya ay nagsasabing baka mag-public confession siya, ayoko madamay si Gio dahil alam ko na hindi ito papayag. Ayoko ma-bash siya ng mga fans ni Mila.
"Mila," I called her. Agad niya akong nilingon.
"Paulene!"
Niyapos n'ya ako nang mahigpit. I didn't hug her back and she immediately look at me.
"Kamusta ka? Ngayon ka na lang ulit umuwi rito," aniya. That's true, nasa isang dorm na ako tumitira nang lumipat ako ng school. The less that I see Mama, the better. Mas hindi ako nakakakuha ng insecurities.
"I s-saw your vlog," panimula ko.
"The school tour? Na-miss mo ba ang UJD?"
"The confession. . ."
Umawang ang labi n'ya. She looked thrilled.
"Hala, oo nga pala. Kaklase mo nga pala si Gio! Tutulungan mo ba ako? Did you know that I have a crush on him for four years? Nahihirapan lang ako na kausapin siya dahil hindi ako sanay mag-first move—"
Naputol ko na agad ang sasabihin n'ya. I took a sharp breath before dropping her the truth.
"Boyfriend ko si Gio, Mila."
Natigilan siya. She looked at me, with disbelief. Ilang beses siyang napakurap.
"Ha? M-may boyfriend ka? Si Gio? Kayo?" her lips quivered.
"We've been dating for four years now, Mila." Pag-amin ko.
Marahan na umiling si Mila. Napahawak pa siya sa kan'yang noo.
"T-teka, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? I don't get it? You should have told me that he's off limits —"
"It's because I think you're going to get him from me!" himutok ko, hindi na napigilan ang nararamdaman. I have kept this for years now. Sumabog na ako nang tuluyan.
She didn't say anything. Nanatiling nakatikom ang bibig n'ya. Yet her eyes made me feel the depths of my words, it looked like it was betrayal.
I hurted her with my own words. I didn't use any knife but I could see the sharp cuts that my words made on her pained expression.
"S-sorry, Mila. I t-think you're a really nice person, I swear. Pero parati na lang, halos lahat na lang, napupunta sa 'yo. I feel like everything I have, you want it too. Wala ka nang tinitira sa akin. I can't let you have Gio, M-mila. . ." hinaing ko, unti-unting bumalisbis ang mga luha sa pisngi.
"Mila, si Gio na lang ang mayroon ako. Nasa iyo na si Mama, m-mas maraming nagmamahal sa 'yo, a-at kahit sino ay kayang-kaya ka mahalin. . ." nagsusumamong pahayag ko. "Kahit siya na lang s-sana, 'wag mong kuhanin sa akin. . ."
Mila didn't say anything. Only her tears made it clear that she was also hurt. Agad n'ya itong pinalis at tumawa siya.
"All this time. . ." Mila was shaking, napapaos ang boses. "G-gan'yan ang tingin mo sa akin, Paulene?"
"M-mila. . ."
"I treated you like a sister, Paulene." Mila calmly said. Ang mga luha ay dumadaloy din sa kan'yang pisngi. "Hindi man naging h-halata o hindi ko man naipakita pero nir-respeto kita. . ."
"H-hindi naman sa gano'n. . ."
She kept on crying like she was extremely wounded.
"You know what? Akala ko, may kakampi na ako sa 'yo e. You think my life is happy, Pau? Who wants an a-abandoned child? Alam m-mo ba ilang comments ang nababasa ko na s-sinasabihan akong anak sa labas? Maganda lang kasi maputi? Family reveal? Aanuhin mo ang ganda kung w-wala n-namang nagmamahal sa 'yo?"
"Mila, sorry. . ." hikbi ko at akmang lalapitan siya nang agad niyang winaksi ang kamay ko.
"S-sana sinabi mo agad, Paulene. I always asked you about your boys because I know it might hurt you. You always say it's okay. You always say na wala lang. Tapos malalaman ko na gan'yan na pala ako sa paningin mo? The only person that I t-trusted and I thought l-loved me truly. . ."
My chest felt heavy. Punong-puno ito ng mga emosyon na pilit kong kinukubli noon.
"Akala mo mahal ako ng Mama mo? I can only provide, Paulene. That's why she acts as if she loves me because I give my earnings to her! Your Papa loves you, Paulene. You have genuine friends! My friends are only with m-me because I have something t-they need, Paulene. . ." hagulgol n'ya, napayuko siya at kitang-kita ko ang hinagpis sa bawat salitang lumalabas sa kan'yang bibig.
I didn't have the strength to answer back.
All this time. . .I misunderstood her.
It occurred to me.
The jealousy that we had for someone can manifest negative thoughts that can form a distorted image of the person inside our heads.
Totoo nga naman, wala siyang ginawang mali sa akin. I wasn't projecting my insecurities on her but I was clearly seeing her in a negative light. Just because I was insecure of her.
"A-akala ko, Paulene. May pamilya ako sa 'yo." Hinagpis n'ya, patuloy na umiiyak. "Ikaw na lang i-inaasahan ko na totoo sa akin e. Ingat na ingat ako sa 'yo kasi a-ayoko na mag-iba 'yong trato mo sa akin. Tapos m-malalaman ko? Mangaagaw ang tingin mo sa akin?"
"M-mila," bulong ko. Napapikit siya at ngumiti.
"Please, layuan mo m-muna ako." She wiped away her tears. "I c-can only take this much, Paulene. P-please, let me breath for a while."
Pumayag ako sa pakiusap n'ya. Umuwi rin ako ng dorm no'ng araw na 'yon. Natulog ako dahil sa kaka-iyak.
Gio:
Pau, punta ako ng dorm mo? Dadalhan kita ng bibingka! Gumawa si Mama e.
Pau?
Paulene?
Pauletta Jayne? Mahal?
I didn't respond to any of his messages. Nanghihina ako sa nangyari kanina. I hate confrontations because I know I can't handle them.
I was about to message Mila and asked her if we could reconciled. Pero namutla ako nang makita ang isang announcement n'ya.
Camila Angeles uploaded HOW TOs #47: How to Avoid Betrayal and Fake Friends
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top