Kabanata 29
TW: bullying
Kabanata 29
Gio gazed at them with livid eyes. Lahat ay walang imik dahil sa tono n'ya. His tone made us feel like he demands to be heard.
"Bakit? Mayroon ba? With that face and that attitude?" Amber sneered.
"Sa iyo nga may pumapatol, sa kan'ya pa kaya?" sagip ni Bea na hindi na rin mapigilan ang sarili na magsalita. "Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata."
"Someone likes her." Gio stated, without hesitation. "Because she's kind, she's thoughtful and she knows how to keep her feet on the ground. Sa sobrang bait nga n'ya, hanggang ngayon ay tinatrato n'ya kayong kaibigan."
"Who's that someone, then?"
"Ako," Gio responded, without any blather. Only his voice resonated in the room. "I like her. . ."
Hindi agad na nakaimik si Amber at Brittany. They looked at me with such disdain that I made my skin crawl. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa tingin nila sa akin.
"I like her too," Adren said, smiling in the process.
Napapikit naman si Gio at pinilig ang ulo dahil doon. Halatang nagpipigil siyang murahin si Adren. Gio's face contorted in annoyance, para gusto n'yang sapukin si Adren kahit mahina lang.
"'Tol, moment ko na 'yon e." Nilabi ni Gio at kinagat ang ibabang bahagi ng kan'yang labi. "Adren, moment ko na 'yon. . . Di naman kita inaagawan ng moment mo."
"I like Paulene too!" Melay cheered, following what the two said.
Natigalgal ako. My heart felt warmth. Nakita ko ang ibang mga kaklase ko na lumapit sa amin para bigyan ako ng suporta.
"Gusto ko rin si Paulene," Chaile clapped her hands. The rest followed with her. Para bigyan ako ng kaunting lakas na tanggapin na hindi ko naman kasalanan 'yon.
At napagtantuan ko nga na hindi naman talaga. I did my best. I even broke my own principles because I thought our friendship matters.
But a ship with only you in it cannot sail for a long journey. Hindi mo kakayanin isalba ang lahat ng ikaw lang.
So I also left that ship.
I didn't want to sink down on my own.
Lumipas ang araw na 'yon na puro lang kami pagco-comfort sa isa't isa ng mga kaklase ko. We realized that lifting each others' spirits won't depleted our glow, it will only make us illuminate brighter. A small light is still a hope to hold on after all.
Days after that, I was cornered by Amber and Brittany in the comfort room. Akala ko no'n ay hihingi na sila ng tawad pero nagawa pa akong kwelyuhan ni Brittany matapos kong gumamit ng palikuran.
"Alam mo bang dahil sa 'yo ay balak akong ipatapon sa probinsya ha?! Simpling pagsabi lang ng ibang set ay hindi mo pa nagawa!" singhal sa akin ni Brittany.
Napapikit ako. She held me on my collar and pushed me against the wall. I was about to scream but realized that Amber locked the door. Nasa pinakadulong comfort room pa naman kami.
No one will hear me.
At kung mayroon man. . .
Tutulong kaya sila?
Wala naman silang mapapala sa akin kung sakali. Baka madamay pa sila. Hindi ba gano'n naman ang tao? They won't care if it doesn't involve them.
Hindi ko maiwasan ang manginig sa takot. I know scenes like this. Pero hindi ko inasahan na mangyayari ito sa akin.
"Alam mo ba, Paulene? Hindi ka talaga namin gusto maging kaibigan. Ang taas kasi ng tingin mo sa sarili dahil pinsan ka ni Mila. Akala mo ba hindi namin mapapansin na iniiwasan mo kami?" Brittany snorted as she dragged me towards a used toilet bowl.
"Ang kapal ng mukha mo, sino ka ba sa tingin mo?"
"T-tama na. Ayoko na nga 'di ba? Hindi ba pwedeng putulin na lang natin mga u-ugnayan natin?" humagulgol ako.
Ano ba kasing ginawa ko sa kanila? I've done nothing but kindness to them! Ni hindi nga ako nagre-reklamo kahit natatapakan na nila ako. Tinitiis ko na nga lang lahat pero sa dulo ay ako pa rin ang mali. Ako pa rin ang tanga. Ako pa rin ang tinatratong parang tae! Ang dali-dali lang nilang tapakan ako!
Bakit kailangan nila akong i-trato nang ganito?
Pinapaluhod n'ya ako sa harap no'ng palikuran. I refused but she became more aggressive. Hanggang sa tuluyan na talaga akong napaluhod.
Namutla ako roon dahil mukhang nakalimutan itong i-flush. Nangangamoy pa ito nang masangsang kaya naman agad akong napaigtad ngunit hinila n'ya ako at pinaluhod sa harap nito.
"Alam mo saan nababagay ang mukha mo? You look like shit, Paulene. Dito ka bagay sa nga kapwa mong mukhang tae."
Inilapit n'ya ang mukha ko sa inidoro habang mangiyak-ngiyak ako dahil hawak ako ni Amber sa kamay. Hindi ako makapalag sa kanila. I was shaking while trying to remove their hands on me. Iniiwasan ko ang mukha ko pero patuloy lang n'ya akong tinutulak patungo rito.
Patuloy na dumadaloy ang mga luha ko sa aking pisngi. My chest deflated in defeat as I can feel my head slowly being pushed against the toilet bowl.
A continous set of loud knocks made Amber and Brittany froze in their spots. Natigilan sila sa ginagawa nila sa akin. Habang ako naman ay nanginginig sa takot at dahil sa pag-iyak.
I took a deep breath to calm myself. I took it from my nostrils to make sure that I won't be experiencing more pain. Nakasalampak lang ako sa basang sahig habang hawak ni Brittany ang buhok ko.
"B-bawal ka rito," rinig kong angal ni Amber. Pero patuloy at diretso lang sa paglalakad 'yong babae, she even wash her hands on the faucet. Not minding Amber's protest.
"Ikaw lang ba ang babae rito?" the girl asked. Napalingon siya sa direksyon ko. Kumakabog sa kaba ang puso ko dahil sa tingin n'ya.
Si Lavy. . .
"No, but there are other comfort rooms here. May ginagawa kaming bonding kaya pwede bang lumipat ka na lang?" pakiusap ni Amber kay Lavy. Nakatitig lang sa kan'ya si Lavy na hanggang ngayon ay hindi maipinta ang itsura.
I was still trembling. Gusto ko tumakbo palabas pero nakabantay si Amber dito at hawak-hawak naman ako ni Brittany sa buhok, halos matanggal na ang anit ko sa sobrang higpit ng hawak n'ya.
"Inuutusan mo ba ako?" tanong ni Lavy habang nakataas ang isang kilay.
"Obvious ba? Well, ganito na lang. Pwede bang magpanggap ka na lang na wala kang nakita?" Amber asked, sweetly. Napangisi naman si Brittany.
Lavy laughed but her face immediately contorted in amusement. "Sinasabihan mo ba ako na walang mata?"
"Umalis ka na nga—"
Natigilan si Amber nang lapitan siya ni Lavy. Lavy puts her hand on Amber's shoulder and squeezed it painfully because Amber yelped. Nawala ang ngisi ni Brittany dahil sa nakita.
"Pwede ba? We women take too much shit from shitty men already, pwede bang bumawas naman kayo sa problema sa mundo?" ani Lavy at unti-unting binitawan si Amber.
"How dare you —"
"Huwag mong hintayin na sa pisngi na dumapo ang kamay ko. Kung hindi ka pa nakakatikim ng sampal, I'll gladly take the honor to slap the heck out of you." Lavy said, darkly. Mukhang seryoso siya sa banta n'ya dahil tinatanggal n'ya ang bracelets n'ya.
Natigilan si Amber at Brittany dahil sa sinabi ni Lavy.
"Why are you even ganging up against your fellow girl? Please don't tell me it's about a boy," Lavy sighed and held on her temple as if she's disappointed.
"Pangit kasi si Paulene. Kailangan n'yang matanggap ang katotohanan bago pa lumaki ang ulo n'ya at isipin na mas nakakataas siya sa amin."
Umismid si Brittany matapos ang pahayag na 'yon.
"Sobrang babaw mo, naiirita ako sa 'yo." Lavy snickered mockingly. "Pangit ka rin sa paningin ko pero may ginawa ba ako sa 'yo? Wala naman 'di ba?"
Nalaglag ang panga ni Brittany sa sinabi ni Lavy. Hindi siya agad nakasagot. Alam ko kung bakit.
Maganda si Lavy. Kaya naman hindi sila makasagot sa kan'ya. They feel that she's superior to them. Hindi tulad ko na pangit para sa mga paningin nila.
"I'll contact the guidance," Lavy announced. "Umalis na kayo rito kung ayaw n'yong maging totoo ang banta ko na sampalin kayo."
"As if we're scared of you!" atungal ni Amber. "Sino ka ba sa tingin mo?!"
"Solstice Lavender Reverio. Pero mas kilala ako bilang mananampal sa 'yo kung hindi ka pa titigil. If I were you, aalis na ako ngayon din."
Lavy sounded dead serious. Walang bahid ng kahit anong biro sa sinabi n'ya. Brittany gradually let go of my hair and went towards Amber, may binulong siya rito bago sila muling tumingin sa direksyon namin. Hinila na ni Brittany si Amber palayo sa comfort room. They were finally gone. Ako naman ay nanatiling hindi makapaniwala na muntik na akong makipaghalikan sa dumi ng tao.
I cried after realizing that. Mas lalong lumakas ang hagulgol ko nang mapagtantuan ang ginawa nila sa akin. Naninikip ang aking dibdib dahil wala na naman akong nagawa.
Ang hina-hina ko. Bakit ba hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?
"Hey, wala na sila. Kaya mo ba tumayo?" Lavy went towards me and help me stand up. I was still trembling, ramdam pa rin ang pangamba na baka balikan nila ako.
"S-salamat," I sobbed. "S-sorry sa abala, ha?"
"Please tell this to our guidance counselor. Hindi biro ang muntik na nilang gawin sa 'yo."
Tumango naman ako. I was scared too. Sana lang talaga ay matulungan ako ng guidance. My heart kept on hammering against my chest. Paano kung natuloy nila ang gusto nilang gawin? I shook my head profusely.
Lavy gently puts her hand on my shoulder and rubbed it.
"Huwag ka matakot, ha? Wala kang ginawang masama. Kung may dapat man matakot, sila 'yon. You're a victim here, hindi ka naman dapat mahiyang magsumbong." She even caressed my hair.
"Thank you, L-lavy. . ."
Suminghot pa ako. She laughed and helped me to clean myself. Hindi siya nanghinayang sa panyo n'ya at pinunasan ang mga nadumihang bahagi ko.
"Alam ko na baka hindi makatulong pero gusto ko lang sabihin na maganda ka." ani Lavy habang pinupunasan ang luha ko.
"H-hindi naman 'yan totoo. . ." I laughed dryly, napagtantuan na namamaos na pala ako dahil sa kakaiyak.
"Well, a beautiful girl knows how to spot another beautiful girl. Nagagandahan ka ba sa akin?"
I nodded my head. Lavender smiled.
"Nagagandahan din ako sa 'yo, Paulene." Lavy complimented me. Agad na uminit ang aking pisngi.
"You can't always change the perspectives of other people, but you can change your own perspective. Kaya kung hindi ka maganda para sa kanila, edi dapat maging maganda ka sa sarili mo."
Dahan-dahan ang bawat punas ni Lavy sa mga putik na napunta sa binti ko. I can only look at her. Walang namutawing salita mula sa aking bibig.
"If you really need validation from someone else's opinion, remember that you are someone and you have an opinion — get that validation from yourself." She patted me on my head after helping me clean myself.
"May klase pa ako sa Pre Cal, Paulene or Ate Paulene. I have to go. Please don't forget to report this to the guidance counselor."
Ayon ang huling habilin n'ya bago ako iniwan. And as if I was struck by a sudden realization, I realized why they kept on making me feel like shit.
Because I let them.
Hinahayaan ko sila.
Kaya naman malaya nila akong tinatapaktapakan.
I reported the incident to the guidance after that event. Pinapunta si Amber at Brittany doon para bigyan ng parusa ayon sa student handbook. Agad silang nagsisi at humingi ng tawad sa akin.
"P-paulene! Joke lang naman 'yon e." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Amber.
"Para namang di ka namin kaibigan." Brittany uttered even if her lips were trembling in fear.
Sinipat ko sila at agad na nagbigay ng isang ngiti.
"Pinapatawad ko na kayo."
Umaliwas ang kanilang mga mukha pero agad itong napawi nang marinig ang sunod kong sinabi.
"Pero deserve n'yo 'yan. Sana matuto na kayo sa susunod. At saka, hindi ba sinabi ko na? Hindi n'yo na ako kaibigan. I treated you as my friends but you treated me like trash. Mas bagay siguro kung. . . Ibabalik ko sa inyo kung paano n'yo ako tinatrato." I said, coldly as I turned my back on them.
Patuloy lang sila sa pagsigaw ng pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin pa. Ano ang hatol sa kanila? Probably expelled. I don't know and I don't really care anymore.
I realized cutting ties shouldn't always make you feel bad. Not all ties are made for me to keep you secured, some are made as hindrances for your growth.
"Gio," I pinched his cheek. Agad naman siyang napalingon sa akin.
"Bakit ba? Miss mo na ako?" Ngumisi si Gio at agad naman akong humalakhak.
"Paki-unpinned no'ng tweet."
Hindi agad nakasagot si Gio. He took him a few minutes before it dawned to him what I meant by unpinning a tweet.
"Totoo ba?!" he almost squealed. Tumawa lang ako. He almost jumped in joy. Halatang kinikilig dahil hindi mapakali.
He immediately type on his phone. Sinilip ko ang nakalagay sa stan account n'ya at napangiti dahil sa nakita.
Pau's BF @allforpaulene
Boyfriend na n'ya ako. Pinned tweet ko na ito. 🥺😭💜
Pau's BF @allforpaulene
Dahil d'yan, ilalabas ko na ang mga pre-debut pictures n'ya. 😆😉😋
Napawi ang ngiti ko dahil sa nabasa.
Pre-debut pictures?
Namilog ang mga mata ko nang makita ang mga pictures na nilabas ni Gio.
Puro throwback! Gagio talaga! Manggagaya na nga lang sa mga stan account ay talagang ito pa ang naisip na gayahin! Namutla ako dahil ang papangit ko roon! Halatang wala pang-glow up na nangyayari sa akin.
Pau's BF @allforpaulene
1/3 Paulene Angeles inventing fashion in the 2000s 😁
Isa itong larawan kung saan nakasuot ako ng pambahay na may cartoon character. Mukha pa akong bagong gising. Talaga nga naman.
Pau's BF @allforpaulene
2/3 Paulene Angeles being beautiful ever since she was born. Aw, baby ko. 🥺
Ang kasunod na larawan naman ay picture ko no'ng baby pa ako at madungis ang mukha dahil may kinakain na baby food.
Pau's BF @allforpaulene
3/3 Lastly! Paulene Angeles in a church. Tandang-tanda ko pa ito. Ang ganda mo rito, muntik pa akong pagalitan dahil sa 'yo pero worth it naman. 😁😍😋
I froze. Bumibilis ang pintig ng puso sa nakitang larawan. Agad na natutop ang bibig ko.
I don't remember this picture. Pero kuha ito sa isang binyag na mukhang dinaluhan ko at mukhang nasa grade seven pa ako nito.
Gio and I met before?
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Happy Birthday, Gio! July 7 is Gio's birthday. Thank you so much for reading po!
Ayan na, hehe. Masaya na sila. 😋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top