Kabanata 27
Kabanata 27
Gusto ko sana ibalik 'yong mga album na binigay n'ya sa akin. It was supposed to be a joke, hindi ko naman inaasahan na magiging totoo ito sa kan'ya. I know I have rich classmates but not on that extent.
Hindi naman sila bigla-biglang manglilibre ng mga album! Hindi naman lahat ng nasa school na ito ay sobrang yaman. I, for an instance, I'm on a half scholarship. Nandito lang naman ako dahil kay Philomena at Mila. Hindi dahil sa kaya talaga ng mga magulang ko ang tuition ng school na ito.
I waited for the right chance to talk to Gio but there wasn't any chances given for us to talk together. His absence from yesterday made him busy for today. Marami siyang hinahabol ngayon dahil sa isang absent lang n'ya. Ika nga nila, isang araw na absent mo lang ay katumbas nito ang tatlong araw na hahabulin mo. That's why I rarely took absences from classes despite being unmotivated from time to time.
"Sorry, pero hindi ko 'to kaya bayaran." hinaing ko habang pinapanood ang patuloy na pagkuyakoy ni Etienne sa kan'yang upuan.
I went to his classroom to bring the albums back. Ayoko isipin ni Gio na tinanggap ko talaga ito. Alam ko na sayang pero ayoko naman lalong sumama ang loob ni Gio. Although, I know he'll understand. Ayoko lang talaga na isipin n'ya pa ang tungkol dito. I'd rather give it back to him.
Tamad lang akong sinipat ni Etienne. His grey eyes only made me feel tense. Napalunok pa ako dahil sa katahimikan n'yan.
"Don't you think it's rude to return a gift? Mali ba ang pinabili ko?" tanong n'ya.
"Hindi naman, pero hindi naman ito pera mo kaya. . ."
"Who said it isn't my money?"
Hindi ako nakasagot agad. I forgot that some rich kids already have investments in their young age. Baka isa si Etienne sa mga gano'n.
Ngumisi si Etienne.
"Bakit mo ba ibabalik? Someone got jealous?"
"Huh?"
"Gio, isn't it?" Etienne asked. Hindi ko alam bakit nilamig ako sa tono na gamit n'ya.
How did he know?
"Kung sa gan'yan pa lang ay nagseselos na siya, paano pa kaya sa hinaharap? Will you always need to adjust base on his jealousy? It's just a gift, Ate Paulene. Bakit siya magseselos doon?"
Hindi ako umimik. What he said was kind of true. Pero alam ko naman na hindi gano'n si Gio. Hindi naman siya sobrang seloso, he isn't even possessive and his jealousy only made me feel that I don't give enough adsurance to him.
I bit my lower lip. Oo nga naman, hindi ko pa nga siya sinasagot. At wala nga naman talaga siya pinanghahawakan. It is basically my fault for making him feel that he's not enough.
I sighed. Mukhang hindi madaling kausap si Etienne. Minabuti ko na lamang tanggapin ito at umalis na ng classroom nila.
"Do you want me to explain it to him?"
I was stunned for a second. Hinabol pala ako ni Etienne sa labas. I immediately shook my head. That's not needed. Baka lalo lang sumama ang timpla ng mood ni Gio.
Akala ko talaga ay 'yon na ang huling pagkikita namin. . .
Pero lumipas ang nga araw ay lalong naging mas kapansin-pansin ang presensya ni Etienne sa buhay ko. He would even treat me to lunch since sometimes our time would get entangled together.
Hindi ko alam paano tumanggi. I have always just ran away from it or find an excuse when things are not going in my favor. Pero parati akong nahaharangan ni Etienne. He knows exactly how to find me.
"Gwapo no'ng lalaki," anas ng isang estudyante nang makita kami ni Etienne.
"Beauty and the beast 'yata," nakakarinding halakhak ng kausap n'ya.
In my annoyance, hinaltak ko na si Etienne para mas bumilis ang lakad namin. Agad naman itong sumunod sa akin na parang bata. Geez, hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha ang balita na 'yon!
Etienne was obviously too young for me. Oo, isang taon lang pero hindi ko siya makita bilang ka-relasyon! It seems off somehow or maybe I just really don't like him.
Binitawan ko na siya nang makapunta kami sa building ng ABM. Etienne slowly puts both of his hands on his pockets.
"Bakit mo ba ako sinusundan?" iritadong tanong ko sa kan'ya.
He shrugged off his shoulders, seemingly not minding my mood.
"You're interesting. . ." tipid n'yang sagot. It earned a quick frown from me.
I'm interesting? What the hell?
"Interesado ka sa akin?"
"No, I'm more interested on how things would unfold. . ." he responded, not even blinking.
Hindi ko siya maintindihan. The way the words came out of his mouth made me feel like I was inside a maze. Anong sinasabi nito? Hindi pa nakatulong na mukha siyang seryoso.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Look at your left," he stated and as if there's a hypnotizing spell, I look at my left direction.
Namataan ko si Camila at Gio na naglalakad sa main hallway. May mga hawak silang papel at nagu-usap sila. Although Gio's pace of walking is evidently faster than Mila's. Agad akong napatda at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. I'm not aware if they know that we're here!
Pero bakit sila magkasama? Sa Supreme Student Government din ba? That's not it, sobrang busy ni Mila para roon!
"I heard they're the campaign managers for the leading representatives in this coming elections of our SSG officers. Hindi mo alam? Probably, you're busy with me e." Etienne's lips formed a grime smirk before putting his arms across his chest.
"Kung hindi mo ako kinukulit, edi sana alam ko!"
"You kept on entertaining me, Paulene. Hindi ka marunong humindi. And that's where you're wrong. There's a reason why 'no' was created in the first place, we have to use it when the situation requires it."
"Kung di mo sana ako niyaya—"
"Pwede ka naman humindi, pero hindi mo ginagawa." sabat n'ya sa akin pabalik.
I let out a weary sigh. What he said was true. Hindi ko kaya mag-sabi ng hindi. Because even the word no is a privilege for those who are better when it comes to anything than me. Kapag humindi ako, ano'ng karapatan ko na hindi pumayag? When I'm not in the same level as them.
"Etienne," seryosong tawag ko sa kaniya. "Gusto ko talaga na magka-ayos kami ni Gio. We're not talking ever since you came."
"And that's my fault, because?" hindi n'ya napigilan ang magtaas ng kilay sa akin.
Ginugulo mo ako! I wanted to say. Pero hindi ko naman mai-a-alis na nagpapagulo rin naman talaga ako.
Pinilit kong hindi isipin 'yong nakita ko. I trust Gio and Mila doesn't even know that's courting me. Ayoko rin naman malaman n'ya.
Bumaba ang araw nang hindi kami nagpapansinan ni Gio. He was busy while I was trying my best to prepare the proper words to say to him. Once was enough, this was too much already. Pero sa totoo lang ay hindi ko naman talaga gusto si Etienne kaya hindi ko alam bakit apektadong-apektado siya.
But maybe, we have insecurities that are considered to be trespassers. Mga bisita na hindi natin inaasahan. Kumakatok at pilit tayong binubulabog. We can have it all but stil have insecurities that will make us feel less even if we don't know where it came from or why they kept on knocking in our lives.
Okay ka na e. Tapos ipapaalala sa 'yo na hindi ka kailanman naging 'okay' dahil hanggang diyan ka lang. Hindi mo kayang abutin ang naaabot ng iba.
I sighed.
Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Etienne sa bahay namin. Nagulat din ako sa rason kung bakit n'ya ako pinuntahan. Pinapasok ko siya sa bahay dahil madilim na at marami na rin ang mga tunatambay na lamok sa labas. Anak mayaman pa naman ang isang ito.
"I want to be your friend." pambungad n'ya sa akin.
"Ano?" Agad na lumukot ang mga linya sa aking noo.
"Ang sabi ko, I want to be your friend." He said, not even blinking. He sat down on our couch. Agad siyang ngumiwi dahil baka naramdaman ang mga strings sa loob nito.
Hindi ko napigilan ang umismid. Mayaman nga talaga.
"Bakit ako?"
"I told you, you're interesting." Ngiti n'ya.
Tuluyan nang nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Namilog ang mga mata ko.
"I'm interested in you," ulit n'ya. This time, he emphasized each word.
Hindi ako agad nakakilos nang mapansin ang unti-unting pagbukas ng pinto. Pumasok si Mama at Camila sa loob at agad na nanglaki ang mga mata nang maabutan si Etienne sa sala.
"Nagdadala ka na ng —"
Natigilan si Mama nang may ibulong si Camila habang ang mga mata'y na kay Etienne. Etienne on the other hand, played with his fingers by cracking them. Hindi n'ya pinansin ang pagpasok nina Mama. He didn't seem to be rattled by that fact. Parang ito pa ang mga bisita.
"H-hijo, you're a Soteiro?" Mama asked, she's obviously shock.
Ngumiti lang si Etienne kay Mama at winagayway ang kan'yang id na nagpapakitang isa siyang Soteiro.
My Mom who was about to yell at him acted like a faithful servant. Nagulat ako sa bilis ng pagbabago ng pagu-ugali ni Mama. At hindi rin ako makapaniwala na iba ang trato n'ya sa akin sa gabing ito.
She seems to be a lot. . . Nicer.
"Paulene, baka gusto mo ng juice? May binili kami ni Mila nang sunduin ko siya kanina. . ." malambing na yaya sa akin ni Mama. She even held me on my waist.
"Halika anak, dito kayo sa may electric fan. Mainit d'yan sa sala." yakag n'ya sa aming dalawa ni Etienne.
Etienne covered his mouth using his hand. Para siyang nagpipigil ng tawa. I ignored that gesture.
Ilang beses pa akong kumurap sa inakto ni Mama. Niyaya niya ako? It felt surreal to hear those words from her. Anak. Parang hindi kapani-paniwala. Pero ang sarap pakinggan.
"Huh? Uh, ako na po. . ."
Mama wouldn't budge. Hindi niya ako hinayaan kumilos at pinagsilbihan pa ako. Lalo tuloy akong tinubuan ng kaba sa buong sistema.
She prepared our dinner. Hindi ako makapaniwala na hinandaan n'ya pa si Etienne para lang dito. Habang nasa hapagkainan kami, halata ang titig ni Mama kay Etienne.
Mama interrogated Etienne while we were having dinner. Ang dami n'yang tanong dito tulad ng kung saan ito tumira no'ng bata siya, ilan taon na siya at kung anu-ano pa. I learned that he lived in the States during a period of time in his life.
"Nililigawan mo ba ang anak ko, hijo?" tanong ni Mama na ikinabigla ko.
I almost spit out my drink. Nabilaukan pa nga ako dahil sa biglaang tanong ni Mama.
"Pwede naman po," Etienne smiled, his smile reached his eyes. Agad na nanglaki ang mga mata ko.
"Oh wow, that's good. . ." Mila smiled too. She looked genuinely happy. Lumingon pa siya sa akin.
Marahas akong umiling para itanggi 'yon. I even nudged Etienne who looked offended as he glance at my direction.
"H-hindi po, Ma. Nagbibiro lang siya."
"Bakit naman hindi? Kayo talagang mga lumaki sa ibang bansa ay mahihilig sa exotic beauty, ano?" Mama chuckled.
Etienne immediately frowned.
"Wow, didn't know that the culture here actually clothed insults with flowery words? Exotic beauty? What the fuck is that. . ." Etienne gradually smiled in a satiric way. Para bang gusto n'yang matawa.
Tumawa lang si Mama. Hindi alam na nainsulto na si Etienne sa sinabi n'ya. Camila on the other hand was obviously stunned. Agad siyang napainom sa kan'yang tubig.
Sa huli ay tuwang-tuwa si Mama sa akin dahil nakabingwit daw ako. I hate how she makes it sound like I was a gold digger. Pero hindi ko siya kayang sawayin dahil sa buong buhay ko, ngayon lang siya natuwa sa akin.
"Bagay kayo, Paulene." puri sa akin ni Mila. Agad akong umiling.
"Kaibigan ko lang siya," giit ko.
"D'yan naman nagsi-simula ang lahat," she knowingly smiled at me. Pumanhik na siya sa kan'yang kwarto matapos n'ya sabihin ito.
Kinausap ko si Etienne para humingi ng pasensya para sa ugali ni Mama. Ayaw ko isipin ni Etienne na habol ko sa kan'ya ay pera n'ya. He was more than his wealth, even if he's weird most of the time.
"Pasensya na sa inakto ni Mama," saad ko.
"Sanay na ako. Don't apologized for it. Ikaw ba? Sanay ka na rin na gano'n? She belittled you. . ." Etienne asked, concern laced on his deep voice.
"Oo, gano'n naman talaga e. Depende sa itsura ng tao kung paano siya mag-trato. . ." mapait akong ngumiti. "Kaya nga pangarap ko gumanda e. Baka sakaling maging maganda ang trato n'ya sa akin."
"Don't aspire to be beautiful, Paulene. Aspire to be rich." Etienne shrugged off.
"Sabagay, mas maganda nga naman talaga ang trato sa 'yo kapag may pera ka, ano? Pero hindi naman gano'n kadaling yumaman." I sighed.
Etienne looked at me innocently. "Madali lang, ah."
"Paano? Teach me, master." biro ko sa kan'ya.
Ngumisi siya. "Asawahin mo ako."
"Gago ka ba?!" singhal ko sa kan'ya. Loko ba ito?!
"Oo nga, tapos mag-divorce rin agad tayo. Ayaw mo 'yon? Easy money." He beamed, mirthfully.
Binatukan ko nga! Agad siyang umiwas sa akmang batok ko sa kan'ya.
"You know, Paulene. People would treat you a lot nicer when they can get benefits from you. Gano'n ang ikot ng mundo. It's a way to ensure survival. . ."
Nagulat ako nang dahan-dahan n'yang hinawi ang iilang tikwas ng buhok ko. My feet felt like it was cemented on the floor. Sumabay ang malamig na ihip ng hangin habang unti-unting nilapit ni Etienne ang mukha n'ya sa mukha ko. He looked directly in my eyes while smirking.
"That's why we should use each other this way, you get the adoration and respect you've always crave for while I can get the love that I've always wanted. . . Don't you want that?"
He left me there, rendered speechless. Pumanhik na rin ako papunta sa kwarto habang bumibilis ang pintig ng puso.
Anong ibig n'yang sabihin?
I don't get him.
I'll never understand Etienne Soteiro. Wala 'yatang tao ang nakakaintindi sa trip n'ya sa buhay.
"Pau, pwede na ba?" Mila giggled. Nagulat ako dahil sa pinakita n'ya. It was her Instagram story. A short video clip of Etienne and me, ito 'yong oras na siniko ko si Etienne.
Mila added a caption in that post.
MilaAngeles congrats na agad sa inyo 💓haha sana kami rin ni G. char not charot 😆
G? Sa letrang 'yon ay namutla ako at parang pinagbagsakan ng semento sa buong katawan.
Sino'ng G ang tinutukoy n'ya?
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top