Kabanata 26

Kabanata 26

Sa sinabi nya ay mas tumindi ang nararamdaman kong paninibugho sa katauhan ni Mila.

It opened the wounds that I tried so hard to conceal.

Tuwing may reunion o kaya'y kapag pupunta kami sa dalampasigan para lumangoy bilang isang pamilya, parati kong piniliping hindi sumama kapag nandoon si Mila sa kinukuhang larawan.

She can flaunt her body with two piece suits while I always prefer to use oversized shirts to hide my figure. Kahit ang ibang mga kamag-anak ko ay gandang-ganda kay Camila. Everything about her screams beauty and perfection.

Hindi ko talaga hinahayaan na nasa iisang larawan kami ni Camila. I don't care if I'm being branded as standoffish by others, mas okay na 'yon kumpara sa parati kong makikita ang kaibahan namin ni Mila.

It's because she stands out. My eyes are easily fixated on her. Everyone has all their eyes on her. Nagmumukha akong alikabok kapag nandiyan siya. I learned it the hard way when my relatives would praise her for almost doing nothing. Basta ba maganda siya, hindi na n'ya kailangan patunayan ang sarili n'ya sa mga kamag-anak namin. Samantalang ako, palagi akong pinapaalahanan na mag-aral nang mabuti para raw may marating ako sa buhay.

Maybe because that's where I'm good at. No, I'm sure I'm not even good at academics. Hindi pa nga ako sobrang angat pagdating sa mga grado ko sa eskwelahan. I was above average but definitely not a topnotcher.

Hinatid ko si Mama sa kwarto dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa kalasingan. Hiniga ko siya sa kan'yang kama at dahan-dahang sinara ang pinto.

Dumiretso ako sa banyo at doon umiyak nang umiyak na para bang wala ng ibang araw para sa mga luha ko. Nakaupo ako sa palikuran habang pinapalis ang mga luhang gumugulong sa aking pisngi.

I bit my palm to suppressed my screams. I wanted to cry out loud but I didn't want to worry them. Lalo na si Camila, ayoko malaman n'ya na ganito ang nararamdaman ko sa kan'ya. I don't want her to feel like she did something wrong.

Napapikit ako nang mariin.

Nga naman, kung si Camila ang anak n'ya, she will be proud of her. So damn proud of her.

Maganda. Matalino. Mabait. May talent. Gusto ng lahat.

Tang ina talaga.

Ang sakit-sakit na ni isa sa mga 'yon ay walang mas nakaka-angat ako. Her personality fits for more people, I wasn't that friendly. She can dance, sing and even act. Ang mga 'yon ay hindi rin ako kagalingan. Mas mataas ang mga grado n'ya sa akin. Even way before, she was always on top compare to me.

Kahit sino naman sa sitwasyon na ito, si Camila ang pipiliin. It was a no brainer, she's the perfect fit for everything.

Natulog ako nang dahil sa bigat ng talukap ng mga mata. It wasn't even because I was somnolent but it was because my eyes are just too tired. Napagod ito sa pag-iyak at paglabas ng mga luha.

Dumating ang umaga na parang walang sinabi si Mama sa akin. Pinapalabas ko na ito sa tenga ko pero dumiretso ito sa aking puso. Her words, that statement, it caused severe pain to me. An affliction I couldn't heal from. Para itong sirang plaka na paulit-ulit.

"Paulene, may ice bag ako na maliit na nasa fridge. Gamitin mo." bilin ni Mila habang nagsusuot ng hikaw. She was getting ready for school.

"B-bakit?" namamaos kong tanong. I can't open my eyes widely. Naniningkit ito dahil sa pamamaga.

"Your eyes. . ." mahinang saad n'ya. Itinuro pa ang mga mata.

"Use it, para maibsan ang pamamaga n'yan. You can always talk to me, Pau. Kung mayroon kang problema." aniya.

I gradually nodded.

Paano ko ba sasabihin na isa siya sa mga problema ko? Kahit wala naman siyang ginagawa? That is unfair to her. I hate how my heart makes me feel that way.

"Baka nakagat lang ng ipis. Magpalit ka na kasi ng punda mo, pati ba naman 'yon ay tinatamad ka pang gawin?" humikab si Mama at nilapag ang kape sa lamesa.

"Aalis na po ako," paalam ko sa kan'ya nang umupo siya nang tuluyan.

Ayoko siyang makasabay ngayong umaga. Petty, I know. Pero ang sama talaga ng loob ko sa kan'ya. I deserve some space to absorb her words. Sa ngayon, hindi ko pa kayang makisalamuha sa kan'ya.

I went to school feeling gloomy, mabigat ang bawat hakbang patungo sa classroom. Kakausapin ko na lang si Gio para mawala ito. He's my stress reliever, he alleviates the pain that I feel.

Pero hindi pumasok si Gio ng araw na 'yon. He was absent and he only texted me after our classes, nag-send kasi ako sa kan'ya ng mga powerpoint na ginamit namin kanina para di siya mapag-iwanan sa lessons.

Manok ni San Pedro:

Hi, last text ko muna ito ngayong araw. Nilalagnat kasi ako :(

Paulene:

Puntahan kita?

Manok ni San Pedro:

Grabe, sabi ko last text ko na e. Di talaga kita matiis. Huhu pero 'wag na. Ayaw rin ni Mama na may mahawa sa akin. Papagaling naman ako kasi sasagutin mo pa ako 'di ba.

Paulene:

E paano kung hindi kita sagutin? :P

Manok ni San Pedro:

Sana ikaw na lang nilagnat.

Joke lang! HAHA.

Sinabi ko lang 'yon para alam mong hot ka.

Baliw talaga ito! I smiled because of his statement. See? Nawawala ang lungkot ko kapag kausap ko siya.

Tumambay muna ako sa bonanza area. Mas gusto ko muna na nasa school dahil sa bahay ay talak lang ni Mama ang maririnig ko.

I decided to scroll on my Facebook feed. Nagulat ako dahil bungad ang isang post na galing kay Mama.

It was a photo album full of Camila's pictures. Mula sa mga tapings, sa sets, sa mga backstage at halos lahat ng mga ganap ni Camila ay nandoon siya.

Parang pinupunit na naman ang puso ko sa sakit. Para itong pinipilas-pilas nang puro. I bit my palm to suppressed my sobbing. Patuloy pa rin ang mga hikbi ko kahit na halos magmarka na ang aking ngipin sa aking palad.

Hindi ko namalayan na halos pinagtitinginan na ako ng mga tao na dumadaan. Agad akong lumipat ng lugar para naman hindi ako gambalain sa pag-iyak ko.

Pumunta ako sa evergreen garden at nilasap ang hangin mula rito. The breeze of the wind partakes with the smell of the blooming flowers.

Umupo ako sa isang bench habang pinupunasan ang mga luha sa aking mata.

"Paulene?"

My sight retraced towards the deep voice. Agad kong nakita si Etienne na nakahalukipkip at sinisilip ako. His entire expression is almost blank.

"Etienne," I called back.

He ambled his way towards me. Umupo siya sa tabi ko, crossing his legs in the process. Muli ay sinilip n'ya ang mukha ko.

"Ang pangit mo umiyak," aniya.

Agad naman na kumunot ang noo ko. My lips pulled apart from each other, gusto ko sana siyang sagutin pero ang inosente ng mukha n'ya! Like he didn't tell anything offensive.

"May maganda ba umiyak?" Umirap ako.

"Sabagay," Etienne tilted his head. "Bakit ka ba umiiyak?"

I hesitated. Hindi kami magkakilala pero ayoko naman isipin n'ya na isnabera ako. I cleared my throat and answered him.

"Just insecurities, hindi naman gano'n kalaki ang problema ko." I sighed.

"Uh huh, insecurities. . ." he mumbled, pinikit n'ya ang mga mata n'ya at hindi ko maiwasan mapansin na ang haba ng kan'yang pilikmata.

This kid is obviously too goodlooking for his own good. At tama nga si Gio, he looks like a kpop idol. Sa palagay ko, he'll get scouted immediately if he wanted to be an idol. His features were both manly and feminine. Hindi ko masisisi kung magiging habulin ang isang ito.

"Ikaw ba? You have insecurities?" tanong ko dahil curious din ako sa kan'ya.

"Wala," he shrugged.

"Totoo ba?"

I find it suspicious. Wala siyang insecurities? E, kahit si Mila nga na halos perpekto na ay mayroon.

"Well, siguro? I have one or even none? I'm not bothered by it. I don't find ecstacy in finding faults to myself when I know I have things that people don't have."

"Paano naman 'yon? Sabagay, gwapo ka naman kaya siguro. . ."

I was cut off when he groaned scathingly.

"What the bloody hell," he looked at me with disbelief. His tongue touching the roof of his mouth showed how annoyed he was with me.

"Is self-deprecation your fucking talent?" he asked, sarcastically. Nagawa pa n'yang mag-kuyakoy sa harap ko.

"No —"

"Then stop acting like it is. You should love yourself more." he said, sounding irritated.

I smiled bitterly. Right.

"People always say that," my lips quivered as I feel the tears flowing once again. "Na dapat ay m-mahalin mo ang sarili mo para mahalin ka rin n-ng iba."

Like that's freaking easy. Para bang isang iglap lang ay mahal mo na ang sarili mo. It is as if there's no process when it comes to loving yourself.

They expect you to love yourself when they can't love you.

Para bang ang dali-daling mahalin ang sarili kung ikaw mismo alam mo kung ano ang pangit sa 'yo. Alam mo sa sarili mo na hindi ka naman talaga kamahal-mahal kumpara sa iba. That you have flaws that others don't have.

Naninikip ang dibdib ko habang iniisip 'yon.

"They say, you should love yourself so others can love you too. . ." I chuckled, scornfully.

"E p-paano kung di ko kayang mahalin 'yong sarili ko?" nanginginig kong tanong. I almost hiccuped but I repressed it.

"Hindi na ba ako kamahal-mahal no'n? Why do people expect that it's e-easy to love yourself when you're imperfect. When there's someone better! When others won't freaking hesitate to choose another one because you're not. . . G-good enough?" umiiyak ako habang tinatapunan siya ng mga tanong.

Hindi ko napigilan ang mga hikbi ko habang nanginginig ang katawan. My chest felt heavy, like there was solid rocks in it. Pinilit ko ang sarili ko na kumalma. I wanted to think of happy thoughts but all I can think of is how everyone wants to Camil because she's better than me.

I was trembling because of resentment. I hate myself. I hate how everyone can mistreat me but I have to understand them! Dapat ay intindihin ko na kaya nila 'yon ginagawa dahil hindi ko kaya tapatan ang gusto nila! That I will forever disappoint them because I'm not good enough. . .

I can't be good enough.

"Chill," Etienne snickered and laughed playfully. "Who said you need to love yourself for others to love you? That's not how it works. You can love yourself by not expecting others to love you. You can love yourself without needing anyone's approval."

My sight once again entraced towards him. May ngiti sa kan'yang labi na para bang natutuwa pa siyang nakikita akong nagb-break down.

Ano bang mayroon sa loko na ito?!

"Your insecurities will always be there. But maybe instead of pointing out your flaws, why don't you embrace your assets instead? There's nothing wrong with appreciating yourself once in a while." makahulugang sabi n'ya bago tumayo at humarap sa akin.

He was taller than me, he's even taller than Gio. Medyo mas payat lang siya kay Gio at halos mamutla sa puti at kinis ng kan'yang kutis. He was like a living doll.

"I honestly feel bad for making you cry. But at least, you vent it out. How can I make it up to you?" tanong n'ya sa isang mababang tono. He even squat infront of me, he's treating me like a kid.

"Lahat ng albums ng BTS lang siguro magpapasaya sa akin ngayon," I joked while wiping my tears.

He only had a ghost of smile on his lips before departing from me.

What he said makes sense. I focus on my flaws too much that I forgot I have some assets that I could love. Pero hindi ko pa nahahanap ang mga 'yon.

I'm still in the process of finding it.

Kinabukasan ay hindi ako makapag-hintay na makausap si Gio. He was finally okay! He texted me last night. Napagod lang daw siya no'ng tumulong sila sa isang orphanage no'ng sabado at linggo kaya naman nilagnat siya.

I was even hopping because I cooked shanghai for him! Matutuwa 'yon panigurado!

Pero laking gulat ko nang halos magtilian ang mga kaklase ko nang makapasok ako ng classroom. All eyes were on me.

"Paulene! Ang swerte mong babaita ka!" tili ni Lea, which immediately made me frown.

Umawang ang labi ko nang may makitang mga set ng albums sa ibabaw ng lamesa ko. It was even sealed and was put into a fancy box.

Ilang beses pa akong kumurap dahil hindi ako makapaniwala. I took a deep breath before reading the note attached to it.

thanks for entertaining me. pangit mo pa rin umiyak. — E. Soteiro

His penmanship was refined and neat. Parang praktisado. Napalunok naman ako dahil hindi ko inakalang gagawin n'yang totoo!

"Paulene! Tingnan mo ito!" Melay yanked my arm. Ipinakita sa akin ang isang picture galing sa kan'yang feed.

PauTienne 4Ever
Spotted our couple!
#FirstMeeting
# Neverlulubog
# AlwaysAngat
# AlwaysSikat

Kumakalabog ang puso ko sa kaba nang makita ang larawan na 'yon. It was obvious that it was taken without our consent! Tapos ay parang nagd-date pa kami dahil magkaharap kami sa isa't isa. Hindi pa nakatulong na nakatawa ako sa angle na kinuhanan.

Halong kaba at guilt ang namumunga sa puso ko ngayon. Sinuyod ko gamit ng tingin ang mga tao sa loob ng room at nakita si Gio na namumutla habang nakatingin sa kan'yang phone. He stood there like a statue. Hindi maipinta ang mukha.

No.

Shit.

"G-gio," I mumbled softly.

His eyes found mine and I can't help but forced myself to gulped the lump on my throat. Bigla akong nawalan ng lakas para humingi ng 'sorry' sa kan'ya. I told him that I won't go near to Etienne again, ang sabi ko ay hindi na kami muling magkikita pa.

Pain and betrayal crossed his eyes as it landed towards the albums on my desk. Agad siyang nag-iwas ng tingin pero kita ko na nanginginig din siya.

Lalo lamang akong na-guilty nang makita ko na pinupunasan n'ya 'yong gilid ng mata n'ya.

No. . .

My lips quivered. I could explain, I just need to wait for my classmates to calm down. Lahat sila ay tumitili at kinakatyawan ako.

"Paulene, ang swerte mo na roon! Gwapo na nga, tapos alam mo bang nag-top 'yon sa entrance exam nila? And he's a freaking Soteiro!"

"The heir of the most advance technology corporation in our country! Gaga, pahingi kami ng ganda!"

"Bagay kayo, Paulene! From rags to riches! Parang isang story mula sa isang libro!"

I didn't know where to focus my attention. Sa mga kaklase ko na ngayon ay pinapansin ako dahil kay Etienne o kay Gio na napatda sa kan'yang kinatatayuan at halos gumuho ang mundo dahil sa nagawa ko.

Kakagaling lang sa sakit ni Gio, pero mas nasaktan ko 'yata siya ngayon.

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top