Kabanata 25

Kabanata 25

"Gio, sorry."

Ilang beses na akong humihingi ng paumanhin sa kan'ya at kada hingi ko ay tinutumbasan lang n'ya ng 'okay lang' at isang ngiti sa kan'yang labi.

I nibbled on my lower lip. Kumawala ang isang buntonghininga mula sa akin.

Hindi ko alam paano babawi. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa iba na nililigawan n'ya ako. Alam ko rin naman na may mga kaklase akong nagkakagusto sa kan'ya. Siya kasi 'yong tipo ng tao na makakalimutan mo ang blockcest na salita kapag nakilala mo siya.

"Halos isang linggo ka na 'yatang tulala, Paulene." Mila pointed out, pagod itong lumingon sa akin. Kauuwi lang n'ya galing sa isang taping para sa isang travel vlog.

She went to Hongkong Disneyland with a famous celebrity. Nagkaroon kasi siya ng kaibigan na isang sikat na artista no'ng birthday n'ya. I met that actress during her debut and she was really pretty with a nice personality too. Binayaran 'yata ng artista na 'yon ang gala nilang dalawa, a full expense paid trip.

Lucky her. Talaga.

Kaharap n'ya ngayon ang vanity mirror n'ya samantalang nasa kama naman ako at iniisip kung paano ako babawi kay Gio. I cleared my throat and dismissed Mila's concern.

"Okay lang ako."

"Boy problem?" she asked, tinanggal n'ya ang lid ng kan'yang mascara at naglagay sa kan'yang pilikmata.

"Hindi naman. Just. . ."

Pumikit ako nang mariin bago ito imulat muli at napatayo mula sa pagkakahiga.

"Do you have insecurities, Mila?"

Natigilan si Mila sa tanong ko. I notice her shoulders stiffened. Unti-unti siyang lumingon sa akin.

"Bakit mo natanong, Pau?"

"Wala lang. Para kasing nasa iyo na lahat? Ang ganda mo, ang talino mo, tapos mayroon ka pang mga talento. You almost have everything. . ."

That I don't have. I halted those words from being spoken out loud.

"Insecurities don't choose their victims, Paulene. It's a silent predator who preys on everyone. Even the most confident ones have insecurities, they just choose to love their refined areas more."

"Kahit ikaw?"

"I. . ." Mila sighed hesitantly. "I always wanted a complete family."

Natigilan ako. Napagtantuan ko na masyadong malalim ang pinaghuhugutan ng insecurity n'ya. She was abandoned by her parents at a young age. Hindi pa nakatulong na halos may mga pamilya ng iba ang mga ito. She was a fruit of a failed love story. Hindi rin siya pinanindigan bilang anak.

"S-sorry," saad ko. Puno ng pagsisisi sa naging tanong.

Ngumiti lang si Mila.

"It's okay. Iniisip ko na lang na hindi ko naman kawalan 'yon. I also have you as my family. I couldn't ask for more."

"Still, I was insensitive on that part."

"You were just sharing your thoughts, Paulene. You don't have to say sorry for everything. On the other hand, I want to say sorry for not defending you when it comes to Tita. . ." she said, full of remorse.

Bakas sa kan'yang mukha ang pagsisisi. I realized why she couldn't talk back. Mama is her mother figure, kahit naman ako ay takot sumagot pabalik kay Mama. Alam ko naman na walang kinalaman si Mila sa mga trato sa akin ni Mama. Mama just have her own prejudice against those who are not attractive enough. Nagkataon lang na isa ako roon.

"Okay lang din 'yon. Hindi mo kasalanan, Mila."

The two of us shared stories with each other. Hindi kailan man pinakita sa akin ni Mila na angat siya sa mga kwento n'ya. She also listened to my stories, never interrupting me or making me feel less.

Maybe even if I deny that I wasn't projecting my insecurities on her, hindi naman pala ito totoo. Siguro ay hindi ko namamalayan na sinisisi ko na siya dahil sa mga katangian na mayroon siya na hindi makita sa akin.

I don't hate her, alright. Yet, her entire presence is like a thorn on my skin. It makes me feel uncomfortable. Hindi naman n'ya deserve 'yon.

And maybe that's how insecurities produce enemies in a blink of an eye. We are constantly reminded that we cannot be as great as someone, it makes us feel worthless and undeserving. Kaya imbis na sarili natin ang sisihin natin, sinisisi natin ang taong 'yon dahil sa nararamdaman natin. When it's not your fault for being flawed and it's not their fault for being great at where you lack.

We tend to think that their downfall will be our time to rise. When in fact, it's both destruction for both people. We forget about our morals and our own self worth when we are eaten by our desire to destroy others to make ourselves feel superior.

Hinintay ko ang lunes upang kausapin si Gio. Pero nagulat ako dahil ang mga kaklase ko ay may ginawang kalokohan.

"Gumawa kami ng fanpage n'yo ni Etienne! Malay n'yo naman na kayo ang susunod na ZafiThiel!" Hagikhik ni Allen. Sinundan naman ito ni Melay ng palakpak.

No.

Wait.

"A-ano?" tulirong tanong ko.

Natanggal 'yata lahat ng muta sa mata at antok sa sistema ko dahil sa naging pahayag nila.

Fanpage? Kami ni Etienne?

Kumakabog sa kaba ang puso ko at agad na umiling. I wasn't aware of that! Ayoko ng gano'n!

"Oo! Ang dami ngang likers agad e!" Melay gushed. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya at pinakita sa akin.

The edits were good and there were even photoshop pictures of us! Naka-wedding gown ako at nakapang-groom naman si Etienne. Agad akong namula dahil sa kahihiyan.

Lalong nanglaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko sa mga naka-like.

Primo, Chaile, Lea Camille, Etienne Soteiro and 3,451 others like this.

Ni-like niya?! Ano bang trip n'ya sa buhay n'ya? This will fuel more attention to us! My lower lip is almost bleeding because I kept on using my teeth to suppressed my feelings.

"Tingnan mo, Paulene!" tili ni Melay at pinakita sa akin ang isang post.

Etienne Soteiro shared your post.
Pa-like po.

Namutla ako dahil sa nabasa ko. Lalo nang makita ko na dumarami ang mga nagl-like ng mismong page. My classmates were the perpetrator but Etienne is also an accessory to this crime.

May nakita akong comment na lalong nagpakunot ng noo ko.

Etienne Soteiro
Pa-like Lavy Reverio
|Lavy Reverio Huwag mo ako utusan.
|Etienne Soteiro
Bagay kami so much.
|Lavy Reverio
Ulol ka so much.

Bumalik lang ako sa wisyo nang may naramdaman akong presensya na kapapasok lang sa classroom. Agad ko itong nilingon at nakita na si Gio ito. He looked worn out, halatang wala sa mood. Nakasalpak sa tenga n'ya ang airpods n'ya, tinanggal n'ya ito at agad na nilapag ang bag sa kan'yang desk.

He didn't greet anyone. Ang madalas n'ya talagang gawin ay batiin ang mga nasa classroom na at makipag-kulitan. Lumabas lang siyang muli at mukhang pupunta sa opisina ng SSG dahil nakita ko siyang bumulong sa elected class president namin ngayong grade twelve. Umakyat ang kaba sa aking puso dahil sa katahimikan n'ya.

Alam na kaya n'ya?

Napalunok ako nang wala sa oras. I should go after him and tell him that it wasn't planned. Wala talaga akong kinalaman doon.

Without further ado, I sauntered my way towards him. Hinanap ko pa siya pero agad ko siyang namataan malapit nga sa office ng SSG. I calmly tapped him on his shoulder.

"Good morning, Paulene." He greeted, sluggishly.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Tungkol saan?"

"Sa atin?"

"Ah, may sa atin?" Gio chuckled scath​ing​ly. "Na-like ko na 'yong fanpage n'yo. Buti pa siya tanggap ng iba para sa 'yo. . ."

I felt a pang on my chest. Hindi ako nakaimik agad. It is unfair to him. Si Etienne ay tanggap ng mga kaklase ko pero siya ay nahihiya akong ipagsabi na nililigawan n'ya ako.

"Wala akong kinalaman doon, Gio."

He sighed. "I know, wala ka naman dapat sabihin. Alam ko naman."

"Bakit kasi parang kasalanan ko?" I asked, my voice getting smaller. Nararamdaman ang bara sa aking lalamunan.

His tone is making me feel guilty of a crime I didn't commit. Oo, nagkamali ako. Pero pilit ko naman itong tinatama.

Ayoko lang naman mahusguhan siya ng iba. He's Giorgion San Pedro for pete's sake. At sino naman ako? I'm no one compare to him!

"Hindi kita sinisisi, Paulene. It's just. . ." he bit his lower lip and tilted his head on the other side.

"Bakit kapag siya, okay lang? Tapos kapag ako, takot na takot kang malaman nilang malapit ako sa 'yo? Hindi ako sanay na tinatago ako, Paulene. Pero pumapayag naman ako 'di ba? Wala rin naman akong karapatan mag-reklamo kasi nangliligaw pa lang ako."

"At kahit naman sagutin mo ako, palagi ko namang rerespetuhin ang desisyon mo." anas ni Gio. Ang boses ay pilit na pinapatatag.

"Etienne isn't close to me. I swear! Wala ka naman dapat ipag-selos sa kan'ya."

"He's exactly your type, Paulene. Paano ako hindi magseselos?" he pursed his lips and once again he lets out a tired sigh.

"My type?" Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. I don't have a particular type!

"Mukha siyang Kpop!" sumbong n'ya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko.

"Kailan pa siya mukhang genre?" I tried joking around. "Besides, he's not really that. . . Okay, sige! He looks like an anime character. Okay na? Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay gusto ko na siya!"

"May kamukha nga siya sa mga iniidolo mo e," aniya sa tonong nagtatampo.

"Hindi nga, mukha nga lang siyang anime!"

"Edi sana kung mukha siyang anime, nandoon na lang din talaga siya! Sa AOT sana, bwiset." He scoffed. Tumawa naman ako! That's beyond harsh! Sa Attack On Titan talaga?

"E tayo? Kung nasa anime tayo? Anong anime?" tanong ko, looking at him with curiosity. I'm trying to divert his feelings.

Agad naman siyang tumingala at ngumuso. Biglang umaliwalas ang kan'yang mukha.

"Sa ano...." he chuckled, mukhang nakalimutan kanina na masama ang loob n'ya. "Sa wait, ano..."

He kept on laughing. Kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa? Parang gagio talaga 'to!

"Sa wait?" ulit ko. Namilog ang mga mata ko dahil may napagtantuan. Sa wait? Sa hintay? Sa hen— Gagio 'to ah!

Agad na hinampas ko siya sa kan'yang braso. It backfired because his arms were well toned. Namula agad ang mga pisngi ko dahil doon. Lalo lamang lumakas ang tawa n'ya.

"Sa wait kasi, Paulene. Sandali! Nag-iisip ako." Inosenteng saad n'ya. Kaya naman agad kong pinalobo ang aking mga pisngi.

Ang labas tuloy ay parang ako pa ang marumi ang pagi-isip! Of course, he doesn't know! Hindi ko na lamang sinabi sa kan'ya na naisip ko 'yon.

Tuluyan nang nakalimutan ni Gio ang sama ng loob n'ya sa akin. I promise him not to drag Etienne ever again in our conversations. At hindi naman kami nagkikita ni Etienne sa kung saan-saan lang. I don't even know him that much.

"Sorry, kung nagseselos ako." Gio rested his forehead on my shoulder.

Nasa isang tagong pasilyo kami. I'm still pampering him to make up for the words that I've said. Dumapo ang kamay ko sa kan'yang ulo at unti-unti itong hinimas para iparating sa kan'ya na wala 'yon sa akin.

"It's okay. Naiintindihan ko naman. Sorry rin kung binigyan kita ng rason para mag-selos."

Gio and I patched things up after that. Madali lang naman siya kausap. Pero hindi ko naman inakalang kay Etienne siya mag-se-selos.

Umuwi ako nang masaya dahil maayos na ulit kami. He kept on texting me details of what happened during the time we detached ourselves from each other. Parati raw siyang sinasama ni Gabrijel sa simbahan at sa ibang mga charity works para malibang. Muntik pa nga raw siyang isabak sa choir pero sintunado raw 'yata siya. I chuckled at that.

Tumunog ang doorbell kaya naman napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Si Mila ay nasa banyo dahil nags-skin care siya. I decided to check who is ringing the doorbell. Sinilip ko ito mula sa bintana at nakita si Mama na pagewang-gewang sa labas ng gate.

Agad akong bumaba para salubungin siya. Right, pumunta nga pala siya sa isang reunion. Malamang ay lasing siya ngayon.

Napalunok ako habang bumababa sa hagdanan. When I reached the gate, agad na gumapang ang agam-agam sa aking dibdib.

"Ano ba 'yan," reklamo ni Mama. "Ang pangit ng bungad."

I didn't hear that. Ngumiti na lamang ako.

"Pasok ka na, Ma. Maghahanda ako ng tubig para maibsan ang nararamdaman mo."

I don't know what to give to someone who's drunk. Hindi naman ako palaging umiinom at minsan lang din naman uminom ang mga nakatira sa bahay namin.

Pumasok na kami sa loob. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig at siya naman ay padabog na umupo sa sofa. Rinig na rinig ko ang buntonghininga n'ya mula rito.

She's upset. Aakyat na lang siguro ako agad para hindi n'ya ako mapaginitan.

"Ang kapal talaga ng mukha ng babaing 'yon," Mama groaned. Inabot ko sa kan'ya ang tubig pero sinalubong n'ya lang ito ng isang matalim na tingin.

"Wala bang juice?"

"Tubig lang, Ma. Pero ipagtitimpla na lang kita —"

"Huwag na! Wala ka talagang silbi! Bibigyan mo na nga lang ako ay hindi mo pa sinagad! Isang walang lasang tubig pa!" she growled. "Nakaka-pesteng buhay ito!"

"Ma," I cleared my throat. "Gagawa na lang ako ng juice. Hindi mo naman kailangan magalit."

"Hindi ko kailangan magalit?!" she turned her head to me furiously. Umuusok na ang tenga at ilong dahil sa galit.

"Paano ako hindi magagalit kung bibigyan na nga lang ako ng anak ay naging isang tulad mo pa?!"

I kept my mouth shut. Umakyat ka na, Paulene. Please. Umakyat ka na. I wanted to run upstairs. I wanted to dodge her sharp words.

But she didn't let me.

"Tang ina ng kapatid ko! Nasa kan'ya na ang lahat! Akala ko pa naman porke't hindi sila nagkatuluyan ng ama ni Mila ay miserable na ang buhay n'ya! Hindi! Nasa poder siya ng mayayaman at may pamilya! She's living the best of her life! Tapos ang kan'yang anak naman ang tumutulong sa atin makaahon sa buhay! Hindi pa naging sapat na sinira na n'ya ang buhay ko noon, hanggang ngayon ay pinapamukha n'ya sa akin na angat siya!" Mama cried out.

Hindi man siya umiiyak ay kitang-kita ang hinagpis n'ya. My shoulders slumped because of that. Hindi man kami palaging magkasundo ay ayoko naman na ganito siya.

"Ma, n-nandito naman kami para sa 'yo. Hindi man kasing ganda ang buhay mo tulad ng sa kan'ya, nandito naman kami at mahal ka. . ." I consoled.

Napalingon sa akin si Mama. Her eyes started to produce tears. I smiled at her perseveringly. Lumapit ako sa kan'ya at kahit puno ng takot ang puso ay niyakap ko siya.

She hugged me back. I can feel her warmth for the first time. Kahit ako ay naiiyak na rin dahil ganito pala ang nararamdaman n'ya.

Maybe, she was being eaten by her insecurities too. Tulad ko ay kinakain lang siya ng insecurities n'ya. Siguro hindi naman n'ya sinasadya ang pagiging malupit sa akin. Mahal pa rin n'ya ako.

"Paulene," she cried and I hugged her tighter. It's okay, Mama. You can cry. I wanted to make her feel safe and loved.

Unti-unti niyang hinilig ang ulo n'ya sa aking balikat at nagsalita siyang bigla.

"Sana si Mila na lang ang naging anak ko." aniya.

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top