Kabanata 24
Kabanata 24
Hindi ako makapaniwala sa pangyayari na 'yon. Hindi na rin naman nagpakita muli sa amin si Etienne dahil halos kinaladkad siya ni Adren para makapagusap sila. Gio on the other hand was silent althrough out the day. Hindi rin siya nag-text sa akin no'ng kinagabihan.
Hindi tuloy ako mapakali ngayon. I know Gio is probably bothered, kahit naman ako ay baka mag-isip ng iba kung gano'n ang bubungad sa akin.
Ang lakas lang ng trip ng Etienne na 'yon!
I huffed to myself. Pabalik na sana ako ng classroom dahil katatapos lang ng lunchbreak namin nang may nakabanggaan ako dahil sa pagmamadali ko. Medyo malakas ito kaya naman muntik pa akong matumba. I quickly regained my balance and face the person that I bumped into.
I was about to apologized when I saw a pair of grey eyes bore into mine. Agad akong nasemento sa aking kinatatayuan.
"S-sorry," I uttered. Yumuko pa ako at aalis na dapat nang masakal ako. I glanced at him and notice that our id laces were entangled together.
Gumapang ang tingin ko sa id lace namin na magkabuhol. Instead of removing it, he gently pulled it too. Kaya naman napa-abante ako sa kan'ya.
Ginawa akong aso?!
"Sandali, aalisin k-ko lang." I slowly walked towards him. Mainit ang ulo ko pero inayos ko na lang ang kwelyo ko at patuloy na tinitigan ang mga id lace namin para hindi magtagpo ang aming mga paningin.
Hindi siya umimik. Tahimik n'ya lang ako pinagmamasdan kaya naman namumuo ang pawis sa aking noo. His stare was too intense. Paano pa kaya kung nakipagtitigan ako sa kan'ya? I'll surely melt! That's for sure!
Naka-ilang kalikot na ako sa lace namin pero ayaw talaga. Nanginginig pa ako habang tinatanggal ang pagkakabuhol nito pero hindi ko alam kung saan ang umpisa at dulo ng buhol.
Etienne Nealcail Soteiro
GRADE 11- STEM 1
I bit my lower lip as I read his name in my mind. Ang ganda ng pangalan n'ya pero sobrang wirdo.
His candle like fingers trace mine as he helped me untangled our id laces. Natigilan ako dahil sa ginawa n'ya. He guided my hand to the tangled laces and gently removed it. I was trembling because his hands were freezing. Pero hindi ito magaspang. Halatang anak mayaman dahil sobrang lambot ng kamay n'ya.
"That's how you do it, Paulene. . ." he insinuated as he lets go of my hand. Matapos no'n ay inayos n'ya ang kan'yang id lace bago ako tuluyang iwanan.
Kabado man ay ipinagsawalang kibo ko na lamang ito at pinagpatuloy ang pagpasok sa aking klase. His entire presence is indeed something else.
"Gio, tuturuan mo ako sa accounting 'di ba?" bungad ko sa kan'ya nang makita na nagbubuklat siya ng accounting notebook.
I took the initiative to talk to him. Hindi ako sanay na tahimik si Gio kaya naman alam kong may bumabagabag sa kan'ya.
Umangat ang tingin n'ya sa akin at agad siyang tumikhim. He shifted his weight on his armchair.
"N-ngayon ba?"
"Oo sana," I smiled. Umupo ako sa tabi n'ya at hindi inalintana ang mga maaaring makakita.
It's not really special. Madalas talaga takbuhan si Gio ngayon lalo na dahil sa FABM na subject namin. Siya kasi ang halos parati nakakakuha ng mataas na marka pagdating sa subject na ito. Dagdag pa na parang hindi siya nahihirapan sa computation at analyzation ng mga accounts.
"Pwede naman," pilit n'yang ngiti. Agad naman akong bumusangot dahil sa sagot n'ya. He really looks weary.
"Ano bang gusto mong tanungin?" tanong n'ya. Hindi inaalis ang mga mata sa bawat lipat n'ya ng pahina ng kan'yang notebook.
"'Yong sa lesson kanina?"
"T-Account?" he boredly repeated. Wala talaga siyang gana ngayon.
Tumango ako. "Oo."
"It's the simplest form of an account, Paulene."
"Uh, oo nga. Pero hindi ko kasi maintindihan si Sir Castro kanina." Napakamot ako sa aking noo. Ang totoo ay hindi talaga ako nakikinig kanina, I was preoccupied thinking about how Gio feels about what happened.
"Uh, accounting is based on a double entry system kasi, Paulene. Kaya may T-Account para rito. Since it's a double entry system, if there's a debit side entry then there must also be a credit side entry. Lets say, for every transaction, there should be an account debited and an account credited. At 'yong mga transaction na 'yon, it should be balance. The total debit of an transaction should be equal to the total credits." paliwanag n'ya sa akin sa kalmadong tono.
Nakakapanibago kapag ganito si Gio. Mas sanay ako na magaslaw siyang kumilos kesa sa ganito siya katahimik.
"T account can guide you from assessing these accounts. Tatandaan mo lang na, the account is debited when it's on the left side of the T account and an account is credited when it's entered on the right side."
He demonstrated what he said by drawing a capital T and putting a 'Dr' on the left side and 'Cr' on the right side.
Tumango naman ako sa kan'ya. That was easy, hindi naman siguro ako malilito roon. Sana.
Humagikhik ako.
"Gio, tingnan mo ito." I called his attention. Sinulat ko ang pangalan ko sa notebook n'ya.
Pauletta Jayne Angeles S —
It got cut off when someone pulled the notebook from me. Agad akong napatayo dahil sa pag-baltak ng kwaderno sa aking kamay.
"Ano ito?" Amber smirked. Binabasa ang sinulat ko. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. "Pauletta Jayne Angeles S? S for what? San Pedro?"
"Hala? You guys are dating? No way!" Halakhak ni Brittany na kasunod lang ni Amber.
Agad na napalingon ang mga kaklase ko sa amin. Wala pa ang iba dahil nasa lunchbreak pa siguro pero ang iilan ay agad na nagbulungan dahil sa isiniwalat ni Brittany at Amber.
"H-hindi," tumanggi ako.
"Girl? Si Gio lang naman ang may S sa apilyedo rito!" panga-akusa ni Brittany. "Kailan pa kayo? Totoo ba? Pinatulan ka ni Gio?"
"Hoy —" umangal na si Gio pero agad ko siyang pinigilan tumayo. He glance at me with disbelief. Lalo tuloy naging bubuyog sa ingay ang mga kaklase ko lalo na ang mga tsismosa.
"Si Gio at Paulene?"
"Totoo ba? Kailan pa?"
"Gagi, Si Paulene? Hala. . ."
"Wala bang taste si Gio?"
"Sayang si Gio."
Sari-saring bulungan ang narinig ko. Lahat ay inaalala ko. Lahat ay tumatak sa isipan ko. I knew it, people won't believe it. The possibility of us being together seems to be impossible.
I took a deep breath before facing Amber and Brittany. Nilakasan ko ang boses ko para marinig din ng iba kong kaklase.
"Hindi si G-Gio. Nagbibiruan l-lang kami kasi kilala n'ya 'yong c-crush ko." Nanginginig kong sabi. Umangat ang isang kilay ni Amber dahil sa sinabi ko.
"Kung gano'n? Edi sino? Who's the letter S, Paulene?" Brittany mocked, naka-pameywang pa siya.
Wala akong mahagilap na pwedeng sabihin. I could create one but knowing Amber and Brittany, they'll figure it out that I was bluffing. Napalunok ako at hindi ko masyadong pinag-isipan ang binanggit ko.
"Si Etienne S-Soteiro. Si Etienne 'yong crush ko."
Hindi ko inakalang posible pala 'yon. Hindi ko lubusang naisip na maaari palang marinig kung paano mabasag ang isang puso ng isang tao. Nabagsak ni Gio 'yong mga gamit sa armchair n'ya sa gulat o sa sakit.
Napalingon ako sa kan'ya. He only looked at me with pure confusion until it turned into a pained expression. Agad siyang umiwas ng tingin at ngumiti nang malungkot.
"Okay lang," he mouthed, gradually nodding his head.
"Sanay na ako."
I bit my lip and I wanted to apologized on the spot. Pero napansin ko ang titig ni Brittany at Amber sa akin.
"You like who? Soteiro? That . . ."
Nagulat ako dahil tumahimik si Brittany. Namilog ang mga mata n'ya at agad siyang namutla. Amber looked at her and immediately asked something. Bumulong sa kan'ya si Brittany, tumahimik din si Amber bago lumingon sa akin na halos nagpipigil ng inis.
"Wala ka namang pag-asa roon," hirit ni Amber bago tuluyang umalis kasama si Brittany na ilang ulit pang tumingin sa direksyon ko.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa pag-alis nila. Lumingon ako kay Gio pero naga-ayos na pala siya ng gamit. Hindi ako kinikibo marahil nasaktan dahil kanina.
"Gio, Wala naman 'yon Mahirap kasi kapag nalaman nila —" panga-alo ko ngunit agad n'ya itong itinaboy.
"Okay nga lang, Pau. Wala rin naman akong pinanghahawakan kaya okay lang. . ." he said, still not looking at me.
I gulped the lump on my throat. I can't get emotional right now. Dapat intindihan ko siya dahil nasaktan siya sa sinabi ko. Pero mas okay naman 'yon kumpara sa asarin siya na may pangit na nililigawan. He doesn't deserve that.
"K-kaya naman kitang mahalin nang patago, Gio." I assured him in a small voice.
He stopped and looked at me. Ang mga mata ay nagsusumamo at halos magmakaawa. Iginawad n'yang muli ang isang ngiti na pumunit din ng puso ko. It was obvious that he got hurt that I denied him. That I choose someone else infront of others.
"H-hanggang patago lang ba ako, Paulene?"
Hindi ako umimik dahil doon. I couldn't find the right answer for him. Hindi inalis ni Gio ang tingin sa akin. Hindi na n'ya natuloy ang pag-ayos sa kan'yang gamit dahil sa titigan namin.
"Kung sa paraan na gano'n mo ako kayang mahalin, okay lang naman. Basta ako 'yong mahal mo. Okay lang talaga kahit patago, Paulene." He smiled but it didn't reach his eyes.
Hindi ako nakakibo at pinanood lang siyang tapusin ang ginagawa n'ya. Hindi kami nagpansinan buong klase. Hindi ko rin magawang kamustahin siya sa chat o sa isang text dahil alam kong nagkamali ako sa ginawa ko.
It was wrong. It was hurtful. And I did it not to save him but because I was embarrassed that he might be disowned by others because he courted someone like me.
Nagpakawala ako ng isang buntonghininga habang pinapanood ang paglipas ng mga ulap sa kalangitan. May bukas pa naman para humingin ako ng sorry sa kan'ya.
I realized that day, we tend to please everyone that sometimes we already neglect the ones that matters to us. We even neglect ourselves to ensure their happiness. I forget that we can be happy for others without neglecting ourselves, that their happiness shouldn't result in our suffering.
Wala akong nagawa kundi tanggapin na sa araw na 'yon, sinaktan ko ang isa sa mga natitirang tao na naniniwala sa akin. Sa paraan na halos pino at hindi na kailan man mababawi.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top