Kabanata 23
Kabanata 23
The thing about insecurities is you don't know where they came from. You don't know how they manifested into an entity that slowly consumes you as your flaws become more evident to the eyes of others.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga. Pinanood ang mga kaklase ko na maunang pumasok sa classroom. Pasukan na naman namin, we're already in grade twelve. For some reason, time really goes fast when things are enjoyable. Mabilis ang paglipas ng bakasyon.
Umupo na ako sa upuan malapit kina Melay at Bea. I officially detached myself from Amber and Brittany. Hindi rin naman na nila ako ginugulo. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o hindi dahil mukhang kinalimutan na rin talaga nila ako nang tuluyan.
My sight wandered around the room, halos lahat ay nagkaroon ng glow up. Ang iba ay bagong gupit, may pumuti, may tumangkad at ang iba ay halatang blooming lalo na si Zafirah. Samantalang ako. . .
I'm insecure but I never project my insecurities to another person. Kadalasan, hindi naman nila kasalanan kung bakit may mga naiinggit sa kanila — maliban na lang kung sila mismo ang gumagawa ng dahilan para mang-inggit.
Isa sa mga labis kong iniisip ay bakit ba ako nagkaroon ng insecurities? Saan siya nagmula? Hindi ko lubusang maisip kung ano'ng dahilan para magkaroon ako ng kakainggitan.
My daydream got cut off when Bea was called by our prof. Agad akong nagpanggap na nakikinig baka kasi tawagin din ako.
"We had principles of marketing during our grade eleven po," sagot ni Bea nang i-tanong sa kan'ya kung alin ang mga subjects na nakuha na namin no'ng nasa grade eleven pa kami.
I shifted my weight. Ilang beses pa akong luminga-linga dahil takot akong matawag para sa isang recap ng mga pinag-aralan namin noon. Nagpanggap pa nga akong may naiintidihan gamit ng pagtango tuwing may sumasagot.
I gulped in disbelief. Galing ako sa bakasyon! Mukha ba akong nag-re-review sa bakasyon?!
"What did you learn in principles of marketing?" Sir Cuenca asked, lifting a brow. Nakahilig pa siya sa kan'yang desk.
He's intimidating, alright. Hindi naman siya mukhang masungit pero nasa kilos at galaw n'ya na nagbibigay siya ng mababang marka. It's in his presence.
"SWOT Analysis po," maikling sagot ni Bea. She's not even blinking but I could feel her tension. Tuwid na tuwid ang tayo n'ya.
"How did you apply SWOT analysis in terms of marketing?" patuloy ni Sir Cuenca.
Hindi agad nakasagot si Bea. May ibang sumagot galing sa mga kaklase ko. Halata sa amin ang pagiging bihasa dahil katatapos lang ng review rin namin sa Fundamentals of Accountancy, Business, Management or FABM as we call it.
"Class, actually what everyone said is true. Principles of Marketing is one of your specialized subjects and I was asking about it because I want to know," Sir Cuenca paused before grinning. "Do you apply what you learn?"
Hindi kami nakasagot. Sir Cuenca took that as a cue to start speaking again.
"SWOT analysis, different marketing strategics and such. Lahat naman 'yan ay pinag-aralan n'yo naman talaga. Pero nakikita n'yo ba ito sa araw-araw n'yong pamumuhay? If yes, then how? How do you apply marketing in your daily lives?"
Although some answered the question, Sir Cuenca wasn't satisfied. Kitang-kita na hindi n'ya mahanap 'yong sagot na gusto n'ya.
"Sir? Can I try?" Nagtaas si Gio ng kamay at agad na tumayo nang pinahintulutan siyang sumagot.
"I think an example that we can use is whitening products. Marketing is clearly seen when it comes to product that involves beauty."
"How so? At paano naman na-apply ang buhay ng isang tao sa marketing na gan'yan?" Sir Cuenca probed.
"Whitening products tend to make it seem that having fair or tan skin is actually a flaw or something that needs to be fix," Gio pointed out. "When in fact, there's nothing wrong with that kind of skin color. Hindi naman po talaga pangit ang pagiging morena o moreno, para lang mabenta 'yong produkto nila, ipapakita nilang mas gusto ng iba ang maputing kutis o mas kaaya-aya ito sa mata ng marami. Kahit ang totoo ay depende naman ito sa tao."
Tumaas ang kilay ni Sir Cuenca.
"In retrospect?"
"We weren't born knowing that we are flawed — we were only told by others that we have ugly parts. We won't even know that we are flawed until someone points it out." sagot ni Gio at agad itong dinugtungan.
"Sometimes, people will use our flaws against us. Some people use our flaws for their own benefit and that's one of the cruel truths that we have to accept. Our flaws are being taken advantage of by others."
Nakita ko na bahagyang natigilan si Gio. His eyes casted downwards, mukhang nagi-isip ng idadagdag n'ya. Tumawa lang si Sir Cuenca at tinuro ang upuan ni Gio.
"You may sit down, that's enough. I liked your answer. Anyway, as stated by your classmate, marketing can be in that form. They will make it look like you need it or you want it when in fact you can actually live without it. That's marketing. This is a short recap because I want to know if you apply what you learn in your specialized subject."
Agad siyang kumuha ng whiteboard marker at nagsulat sa aking whiteboard ng code para sa Business Finance. Agad akong napalunok.
Math na naman.
Nabunutan lang ako ng tinik sa dibdib nang tumigil na sa pagtanong sa amin ang teacher namin sa finance. Isa ito sa mga specialized subjects namin sa ABM tulad ng sinabi n'ya sa amin. Sabi naman ni Sir Cuenca ay madali lang naman daw ang Finance, math lang daw ito na pinadali.
Isang kalokohan, iba pala ang ibig sabihin ng madali sa lengwahe ng finance.
"Sinusumpa n'ya pa 'yan last year tapos jowa na n'ya," Melay uttered upon seeing Zafirah with Sarathiel. Nakahilig kami sa railings habang tinatanaw ang dalawa.
Sarathiel really looked hot. Pero syempre mas gwapo si Gio! Pero hindi ko ipagkakaila ang pagiging gwapo ni Sarathiel tapos ang sungit n'ya pa. Parang sobrang exclusive ng atensyon n'ya.
"Mag-re-review ka pa ba, Paulene?" tanong sa akin ni Bea habang inaayos n'ya ang notes n'ya. She prepared notes for tomorrow. Ang sipag din talaga ng isang ito!
Umiling ako. May comeback kaya mamaya 'yong isang grupo na ini-stan ko! Hindi pa naman talaga start ng classes at saka pwede naman akong manghiram ng notes kay Gio kung sakali.
Gio's been courting me secretly as I requested. Balak ko naman siyang sagutin pero natatakot pa kasi ako. This will be my first relationship if ever. Tapos ang taas ng kan'yang status kumpara sa akin!
Paano n'ya ako ipapakilala kung sakali sa mga kaibigan n'ya? I was nervous that they won't like me! Si Zafirah baka pwede pa pero si Adren at ang iba? I'm not quite sure.
I received a short text from Gio. Agad kong tinago ang phone ko. I even changed his contact name to something else to make it less apparent.
Manok ni San Pedro:
Huhu.
Miss na kita?
May SSG pa kami pero di ko type si Czanne kaya 'wag ka masyado magseselos ha? Tatanggi naman ako rito kasi ayoko tumakbo baka talo na agad sila. 😔
Need mo ba picture ko???
Mags-send ba ako ng pic? Baka miss mo na kasi ako e.
Pau:
kapalmuks!
kita na lang tayo sa weekends! turuan mo ako ng accounting.
Manok ni San Pedro:
Nilagay ko na sa calendar ko at nag-alarm na rin ako.
Dadala rin ako ng mga review materials!
Ingat ka pauwi! Ayaw mo kasi ako kasabay. Hmp.
I smiled. Naalala ko na ilang beses n'yang tinanong kung pwede n'ya ba ako ihatid pero parati akong tumatanggi. Ayoko talagang may makakita sa aming dalawa.
Napadaan ako sa computer lab dahil napansin ko na iisang computer unit lang ang bukas. Wala pang tao sa loob at halos patay na lahat ng ilaw bukod sa unit na 'yon. I was concern so I went inside, sasabihin ko sana ito sa nagbabantay kaso wala rin ang tao rito.
I decided to do the initiative, ako na mismo ang papatay sa computer unit dahil sayang din kung hindi naman ginagamit. Tanging ang lamig ng aircon na lamang ang kasama ko.
Kinuha ko ang mouse upang i-power off na sana 'yong computer nang mapansin ko ang mga codes na hindi ko maintindihan. There were quite a lot of different words and numbers, halos nanglaki ang mga mata ko upang intindihin ito. Is this for computer science? Wala naman tinuro sa amin na ganito no'ng EmTech class namin.
"Ate, If I were you, I wouldn't do that." a wintry low voice tickled the back of my ear. I gasped as I moved backwards.
Agad akong napabalikwas. I almost yelp because of the sudden intruder. Napahawak ako sa tenga ko habang ang puso ko ay kumakalabog sa kaba.
The room was lightly dimmed so I couldn't see his entire face but only his built. Kinabahan ako dahil halata naman na lalaki siya dahil sa matipunong katawan.
"Ano'ng nakita mo, Ate?" he queried, making it seem like I purposely looked at the computer.
"W-wala, hindi ko rin naman maintindihan. Papatayin ko l-lang sana kasi sayang sa kuryente. . ." I gulped in horror. Wala naman siyang ginagawa pero halos naghuhumiyaw ang puso ko na tumakbo papalayo.
"I could pay for the entire bill po if that's what worries you," he said softly but there was authority laced on his voice. Ang mga kamay n'ya ay nasa kan'yang bulsa. His gestures are even refined, almost calculated.
Pansin ko rin na halos tuwid talaga ang tayo n'ya. Parang puno siya ng kompiyansa sa sarili. He went towards the switch of lights to turn it on. Doon ko nakita ang kabuuan ng mukha n'ya.
My jaw almost fell because he was familiar. He was the guy that I saw last year. His grey eyes looked so bored as he examined me with it. Napalunok naman ako.
Wow.
He looked ethereal. Almost like a prince. Parang talagang hindi siya tao. His grey eyes makes him look regal. Lalo na ang kilos n'ya na sobrang pino at parang bilang lang ang bawat galaw. Nagtama ang paningin namin kaya naman agad akong nag-iwas. His grey eyes are in fact, hypnotizing.
"S-sorry. Wala talaga ako'ng nakita. Aalis na lang ako."
I gathered myself and promptly walked towards the exit. Pawis na pawis pa ako nang lumabas ako. Pero agad akong natigilan nang may tumawag sa akin.
"Paulene?"
Agad akong napalingon dito. It was Gio and some of the SSG representatives, nandito rin ang ilan sa mga kaklase ko na sinama kay Gio.
"Bakit pawis na pawis ka? Galing ka naman sa aircon?" Gio laughed but his laughter halted when someone opened the door of the computer lab.
Lumabas doon 'yong lalaki at napalingon sa dako ng SSG representatives. Agad namang yumuko 'yong mga representatives sa kan'ya.
That's odd. Sino ba 'tong lalaki na ito?
Gio looked at me, shock written all over his face. Agad ko namang winagayway ang kamay ko na pa-krus.
"Walang nangyari! Ano, wala talaga!" I panicked. Lalong namilog ang mga mata ni Gio sa sinabi ko.
The grey eyed guy laughed softly. His laughter however, sounded like he was mocking me. Parang natutuwa pa talaga siyang nalilito ako sa sasabihin ko!
He moved towards me and decided to remove some strands of hair that's sticking on my face. Agad akong natuod sa aking pwesto.
"Paulene? Are you denying me? Grabe ka naman, after all we've been through?" the guy pulled a 'puppy' look by pursing his lips and his eyebrows were fused together.
Sinipat ko agad siya. Muling nagtama ang mga mata namin at sa pangalawang pagkakataon ay umiwas ako. His eyes are just so! Parang makakalimutan mo ang sarili mo kapag tumingin ka rito.
"Ha?!" marahan akong umiling sa kanila. Wala akong kinalaman dito!
Gio on the other hand went ghostly pale. Agad naman akong kinabahan. Papatayin ko lang naman 'yong computer unit! Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?
"Etienne," a calm voice called. Ang mga hakbang nito sa matunog na tiles ay agad na kumuha ng atensyon namin. Napalingon kami sa direksyon nito.
It was Adren with a serious expression. He clenched his jaw as he went near us. Etienne spreads an amused smile on his face.
Hindi ba siya takot kay Adren? Mabait naman si Adren pero isa ito sa pinaka-mayaman sa buong school. . .
Unless. . . He's richer than Adren?
"Hi Kuya Adren," Etienne uttered deridingly, tilting his head on the process. A bemused smirk placed on his lips, "Did you miss me?"
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top