Kabanata 19
Bibingka — Ben&Ben
Kabanata 19
"Ano ba 'yan, makikita na naman kita next year."
Gio pinched Zafirah's cheeks. Agad naman itong winaksi ni Zafirah at kinurot n'ya sa ilong si Gio. The two of them were bickering because it's almost our christmas break.
"Akala mo naman gusto rin kita makita! Gagio ka." Halakhak ni Zafirah.
Hindi ko alam bakit natunton sila ng mga mata ko.
Zafirah is effortlessly pretty nowadays. Her red turtleneck shirt partnered with a denim skirt showed how intimadating she looked like. Madalas itong mapansin ng mga kaklase ko lalo na ng mga kalalakihan. Isa ito sa mga rason kung bakit walang sumusubok na ligawan siya.
She just didn't look like she wanted company.
I, on the other hand, was wearing a white cropped top and a purple high waist plaid skirt. Nakaterno ito sa hairclips ko na kulay purple rin. My white converse shoes were the final touch for my outfit. I prefer to wear clothes modestly. I couldn't pull off every outfit but I do know what makes me look less ugly. Ang hirap kapag pangit ka na nga tapos baduy ka pa manamit.
"Ang bilis naman, malapit na agad ang Pasko." ani Melay habang inaayos ang mga nakuha n'yang premyo kanina sa palaro.
I couldn't deny that fact. Grade eleven was just a blink of an eye, pagmulat namin ay malapit na agad kaming mag-grade twelve. I was expecting more because I thought the environment would be more intense. Pero para lang talaga siyang highschool na maraming gawain at halos sabay-sabay lang ang pasahan.
It makes my stomach churned while thinking about college. That's the real deal breaker. Pakiramdam ko sa college talaga ako masasampal ng katotohanan na mahirap mabuhay sa mundo. It will be a preparatory stage for the real life. Mas mahirap siguro ito.
Gio and I were closer when we're together. Pero iwas pa rin ako sa kan'ya tuwing maraming tao. I would only join him when no one's around. Gaya na lang ngayon na pauwi na sana kami nang makasalubong namin si Iscalade. I tried to hide but his eyes were sharp, napansin n'ya agad kaming dalawa.
He didn't seem to mind though. Sumabay lang siya sa aming paglalakad palabas ng school. Hindi na rin ako nag-reklamo dahil mas maganda ngang tingnan kung may kasama kaming iba.
That way, people won't mind me or maybe they'll think I have dugged the gold, my cheeks flushed in the shade of red.
"Naisip ko nga p're na kung gagawa ako ng invention, gagawa siguro ako ng time machine." pagbabahagi ni Iscalade. Seryoso ang kurba ng makapal n'yang kilay na tila pa seryoso rin ang sinasabi n'ya.
"Bakit na naman? Pero sige sali mo ako." kunyari'y iritadong tanong ni Gio. Kapag sila ni Iscalade ang magkausap, hindi ko talaga alam kung seryoso sila.
"Kasi 'tol, iaabot ko na lang 'yong buwakanang shit na mansanas kay Newton! Favorite ko ang physics pero malakas ba trip n'ya sa buhay? Siya rin pala 'yong nag-imbento ng calculus!" reklamo ni Iscalade at ginulo pa ang buhok.
He's animatedly showing how pissed he is by putting his hands on his waist. Pero lalo lamang nadepina ang pagiging gwapo n'ya dahil sa ginawa n'ya. He's probably athletic because his arms are just well toned.
"I mean, kung bored siya noon bakit naman n'ya kami dinamay? Gago, daan ka sa STEM minsan tapos kausapin mo sila— tingnan mo, shapes lang iniiyakan na namin." Halakhak ni Iscalade, his voice sounded very lyrical. Para bang kahit nagsasalita lang siya ay may tono pa rin. He must be good at singing.
"Daan ka rin sa ABM 'tol. Tingnan mo pati one plus one, ginagamitan pa nila ng calculator." bawi ni Gio, sumilay ang isang ngisi sa labi.
I laughed meekly. That was true, lalo na ang mga nasa grade twelve. Kapag may nakakasalubong kami, kitang-kita ang mga pighati sa kanilang mukha habang naglalakad na may dalang columnar pad. Parang akala mo parating judgement day sa kanila.
Nakakainis nga itong si Gio dahil kapag may nakakasalubong kami na gano'n, nagbibitaw siya ng pahayag na nakikita na raw n'ya ang future namin. As if being completely terrified of a subject is a futuristic scene to anticipate.
"Anong balak n'yo sa Pasko?" Iscalade dropped a question. Lumingon pa siya sa amin at binigyan ako ng isang tingin.
"Uh, walang kami. . ." I vaguely answered which make Gio choke. Bigla siyang nagpanggap na parang inaatake sa puso, parang Gagio talaga! I playfully smacked him on his arm.
"Ang layo naman ng sagot."
"Ang ibig kong sabihin ay wala kasi kaming plano dahil wala naman kaming gagawin."
Totoo naman! Obviously, Gio would spend his holidays with his family and I will spend mine with my family as well. At saka, wala talaga kaming binubuong plano.
That was the initial idea. Pero dumaan ang bakasyon na halos tatlong araw pa lang ay wala na agad akong magawa sa bahay. I tried to cut off some time in social media. I was currently staring at the ceiling while thinking of the possible things that I can do. Nakahiga ako ngayon sa kama ko matapos ang paglilinis sa bahay.
Although, I could reactivate my fangirl life since it's my vacation. I just don't feel like it would help to ease my boredom. Baka lalo lang ako mainggit sa mga kayang pagsabayin ang pagiging fangirl at ang pagiging estudyante nila. I feel left out, that's why I opted to ask if I can hang out with anyone.
Pero wala naman kasing available ngayon. All of them have their own lives and by asking them to be with me it seems like an inaudible burden.
I listed the possible companion that I could ask.
Mila is busy with vlogging, Philomena Gracia is most likely not allowed to go out, Brittany and Amber are also out of the options.
Bumuntonghininga ako.
Buong araw akong nakatunganga. Malapit naman na ang Pasko, malapit na rin maibsan ang boredom ko.
Paulene:
Hello, kamusta ka?
Gawa mo?
Gio:
Crush mo ba ako
Bakit mo ako tini-text?
Agad na kumulubot ang noo ko dahil sa sagot n'ya. I was about to countered back when he retreated his answer.
Gio:
Joke lang!
Na-screenshot ko na, pwede mo na i-delete. Haha
I'm preparing for Simbang Gabi. Maaga ako bukas. ✨
Napatingin ako sa kalendaryo. It was already the 7th night. Hindi namin naging ugali ang mag-simbang gabi kaya naman naninibago ako pero alam ko naman na siyam na gabi ito bago ang Pasko. Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin kay Gio maliban sa gusto ko talagang makaalis ng bahay ngayon. I wanna unwind and take a breath for a while.
Paulene:
pwedeng sumama?
Kinabahan pa ako sa tanong ko. Hindi ko kasi alam kung pupwede bang mag-simbang gabi na hindi mo nasimulan sa unang araw. I do attend the church every sunday but events like this one aren't part of my Christmas ritual.
Gio:
😳 totoo ang himala.
Sure ka? Papayagan ka ba?
Paulene:
Pwede naman ako. Hindi naman siguro aabutin nang sobrang gabi 'yan. Madaling araw naman e.
Gio:
If you're not comfortable with just having me, yayain mo si Philo o kaya'y yayayain ko si Zafirah para may kasama kang babae.
Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa aking labi. He's really solicitous, it's not even about his big efforts but his small thoughts. Naisip n'ya 'yon? Napansin n'ya na baka hindi ako maging komportable na siya lang ang kasama ko at lalaki pa siya. . .
It materialized a smile on my face.
Nagmistulang kamatis ang aking mga pisngi nang maisip ko na parang date pala ito— no it's not! My mind firmly denied. It's only the two of us going to church. Hindi ito date pero bakit ang lakas ng kabog ng puso ko? It felt like I ran a mile!
Paulene:
gusto ko sana sumama. >\\\<
Gio didn't respond immediately. Pero isang maikling 'okay' lang ang sinagot n'ya sa akin. Agad naman akong bumaba para magpaalam kay Mama. Papa wasn't always around because of his work, kaya palaging kay Mama ang paalam sa mga lakad namin.
Pumayag naman si Mama nang sabihin ko na magsisimbang gabi ako, she really didn't pay any attention. Nagluluto kasi siya ng hapunan nang magpaalam ako sa kan'ya. Hindi naman siya tumanggi basta raw ay diretso uwi na matapos ang Misa de Gallo.
Muntik na akong di makatulog dahil sa mga iniisip ko. I rolled over my bed for a few hours before finally having a blink of sleep. Agad naman din akong bumangon nang tumunog ang alarm ko ng alas kwatro nang umaga. Pumunta ako sa banyo habang humihikab.
Pumungas-pungas pa nga ako habang nagmumumog. I took a quick shower and did my morning routine. I was brushing my teeth when Gio texted me.
Gio:
Good morning.
HAHAHAHAHA
BAKIT AKO KINAKABAHAN SA 'YO?
FIRST TIME KO 'TO SHET 😭
HALA SORRY NAGMURA AKO
I stopped brushing my teeth, inipit ko gamit ng aking ngipin ang toothbrush para makapagtipa ng isasagot sa kan'ya.
Paulene:
Heh! Naga-ayos na ako.
Gio:
Nakabihis na po ako. 😳
My eyes darted towards the wall clock. Agad akong nagtaka dahil masyado pang maaga. He was too early or am I too late? Sobrang aga ba talaga ng simbang gabi?
Binilisan ko tuloy ang paga-ayos. I opted for a modest look as always, a lavender chiffon long sleeves shirt and white pants. I partnered with my doll shoes. I used pearl clips to finished my look. I grabe my phone and texted Gio that I was ready.
Paulene:
Hi Gio! Morning!
Sa simbahan na lang tayo magkita.
The church wasn't that far from our house. Ewan ko lang kung gaano ang distansya ni Gio mula rito pero sabi n'ya ay kahit sa malapit na simbahan na lang daw sa amin para hindi raw hassle sa akin.
He was always willing to adjust.
Namataan ko si Gio sa labas ng simbahan malapit sa isang pader na gawa sa stucco. He was dressed quite well, sa isang long sleeves polo at itim na pants ay nag-mukha na agad siyang sikat. Madalas na dumadaplis ang mga tingin sa kan'ya ng iilang kababaihan dahil seryosong-seryoso siyang nakatitig sa cellphone n'ya.
I texted him that I was already in the gate. Tiningnan ko ang reaksyon n'ya, mula sa isang seryosong mukha ay agad itong napalitan ng isang masayang ekspresyon; lumawak ang kan'yang ngiti. As if arriving on time is everything for him.
Tumikhim ako at pinagpag ang aking pantalon. I tightly held on my small body bag and proceeded on walking towards him. Agad na umangat ang tingin n'ya sa akin nang marinig ang mga yapak ko.
"Pau!" he cheerfully greeted. Natawa naman ako. Pumasok na kami sa simbahan nang may tumunog na kampana. It's probably about the start.
Taimtim kaming nakinig sa Pari habang ito ay nagbabahagi ng mga salita, inaantok ako kanina sa bahay pero ngayon ay gising na gising ang diwa ko. I could smell the burning candles and the sweet fragrance of sampaguitas. Ang kulay kahel na mga ilaw ay lalong bumuhay ng madilim na paligid. The sun was still nowhere to be found, tanging ang malamig na simoy ng hangin lamang ang nagpaparamdam.
Sa pagkanta ng Ama Namin ay naglahad ng kamay si Gio. Agad naman akong napatingin sa kan'ya. Nanglaki ang mga mata ko. Agad akong napalunok bago unti-unting kinuha ang kamay niya.
His warmth transferred through me. Ang kan'yang malambot na kamay ay nagbigay ng kakaibang paru-paru sa aking tiyan. His hand was big but soft. The butterflies in my stomach were calmly making me feel his presence. While I was subtly singing the lyrics of the song, I was containing my feelings.
Napatingin pa ako sa harap para lang mawala ang nararamdaman ko. Hindi po ako nandito para lumandi.
For the whole mass, it was hard to contain the emotions I held for too long. Sa simpling hawak n'ya lamang ay nakaramdam ako ng pahinga sa lahat ng emosyon na matagal ko nang tinatago. His mere touch made me feel the solace that I needed.
"Paulene, gusto mo ng bibingka o puto?" tanong ni Gio habang binabagtas namin ang palabas sa simbahan.
I halted from my tracks as I saw families, friends and even lovers exiting the church. Sa bawat daan nila sa aking paningin, mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Unti-unti na rin sumisikat ang araw kahit ang hihip ng hangin ay malamig pa rin sa balat.
Wow. The church and the power that it holds. It might not be the ideal place for others but you can't deny how it becomes a rope that tights a relationship.
"Pwede naman," pagsangayon ko. Pumunta kami sa isang maliit na stall kung saan may usok na galing sa lutuan ng bibingka. I was amazed to see that they create them freshly.
Nakikita ko pa lamang ay natatakam na ako.
Gio ordered for the both of us. Bumili rin siya ng mainit na kape para sa aming dalawa. Hinintay na lamang namin ito sa gilid ng simbahan. Inayos ko ang buhok ko at tumikhim dahil sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Hinipan-hipan ko pa ang usok na galing sa mainit kong kape. I glanced at him immediately when he called for my attention.
"Alam mo ba, Paulene? Isa sa mga kinakatakutan ko talaga ay baka hindi pa rin pala ako sapat," he said in a low tone.
"Huh? Ano?"
He didn't answer me directly but only smiled. Tumingala siya at ngumiti sa kalangitan. Unti-unting pumikit. I can see his adam's apple moving.
"Sometimes, I feel like I'm not worthy of His love because I commit mistakes that I'm not aware of and sins that I'm aware of. Alam ko sa sarili ko na hindi ako kailan man magiging perpektong ehemplo para sa Kan'ya."
"You're more religious than me. Pakiramdam ko nga ay maganda 'yong pananampalataya mo."
"Still, I'm a sinner. Baka nga hypokrito ako sa mata ng iba dahil nakakagawa pa rin ako ng kasalanan. . ."
"We are all sinners, Gio. . ." I cooed.
"And He still loves us 'no? He still believes in us despite of our sins and our imperfections."
Binaba n'ya ang tingin sa akin. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa kan'yang titig na parang nangungusap. The way his eyes sparkles with hope and love, makes me feel how deeply he wanted his faith to be transmitted to others.
"Lucky are those who can find that kind of love, Paulene. The unconditional one, the one that promises you eternity and the one that doesn't have doubts in you. We are lucky when we embraced His love for us."
Natigalgal na lamang ako. I wasn't expecting this from Gio. He's really playful, it makes me wonder if he's always like this when it comes to his faith.
Inuwi namin ang bibingka dahil marami siyang binili. He even bought some bibingka and puto bumbong for my family and for some reason, it warmth my heart. Sobrang bait ni Gio.
"Sayang, hindi ko nabuo 'yong siyam na gabi." Ngumuso ako habang nilalakad ang patungo sa kalye namin. Kasabay ko si Gio dahil ihahatid n'ya ako.
"Huh? Bakit?"
"Kasi 'di ba, matutupad daw 'yong pinagdadasal mo kapag nabuo mo 'yong siyam na gabi?" tanong ko kay Gio. It's a superstition but it might be true.
"Sa tagal kong nagsisimba, hindi ko alam kung totoo 'yan e. Pero ang alam ko ay nakikinig naman Siya kapag 'yong pinagdadasal mo ay para sa 'yo talaga." He gently smiled at me.
"Pero ano ba 'yong pinagdadasal mo?" I asked, curiously.
"Hm, ika-pitong gabi pa lang ngayon pero tinupad na N'ya. Baka para ka talaga sa akin. . ." he responded with such ease and confidence, no ounce of shyness in his tone.
My mouth slightly moved in a shock expression. Medyo natigilan pa ako dahil sa pahayag n'ya. It slowly sinks in. . .
He was praying for me?
Napangiti naman ako.
Next year, plano ko na makumpleto ang siyam na gabi ng Simbang Gabi kasama rin si Gio. Sa buong buhay ko, ang tanging hiniling ko lang naman ay taong kaya akong mahalin kahit hindi ako kasing perpekto ng iba; that even if my flaws are more visible than the others, it doesn't make me any less of an amazing person.
❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top