Kabanata 15

Kabanata 15

I deactivated my account. Para mawala rin ang messages namin. Para akong may ginawang krimen nang pumasok ako kinabukasan. Dahan-dahan pa ang pagpasok ko sa classroom namin. I obviously didn't want to explained that it was me behind that account. Sana lang ay hindi na ito pansinin ni Gio.

Namataan ko si Gio na nakahilig sa desk n'ya. He looked comfortable in his seat. Hawak-hawak n'ya ang phone n'ya at mukhang may tinitingnan.

I bit my lower lip when I saw him smiling at his phone. Ibinaba ko na ang bag ko sa aking desk pero hindi matanggal ang tingin ko kay Gio na mukhang may sariling mundo sa kan'yang upuan. He was smiling oddly. Kahit si Adren na madalas n'yang ginugulo ay napansin ito dahil nakatutok din ang mga mata ni Adren sa kan'ya.

"Kausapin n'yo nga si Gio baka may nakikita siyang hindi natin nakikita," ungot ni Melanie nang mapansin ang tila tahimik na Gio. She even crossed her arms across her chest.

"Ngumingiti mag-isa." dugtong ni Zafirah na nakakunot ang noo at ang mga mata'y nakatuon kay Gio. "Gagio, malala ka na."

"Sintomas ng may jowa." Melanie prompted which made me cough because of my own saliva.

"Baka may nakita lang na memes?"

"Memes pero halos gusto na halikan 'yong cellphone n'ya? Papatayuan na nga 'yata ng altar, tingnan mo!" Melay countered back. Natupi naman agad ang bibig.

Hinahaplos kasi ni Gio 'yong screen ng cellphone n'ya at biglang nangingiti. Namula naman agad ako. Ano ba kasing meron sa cellphone n'ya?

Buong araw na sobrang saya ni Gio na kahit 'yata sapakin mo siya ay baka siya pa ang humingi ng pasensya. My classmates noticed this too and teased him for hours. Siya na nga parati ang nagbubura ng mga nakalagay sa board. Pinagbubuksan n'ya pa ng pinto ang mga teacher namin.

He was obviously inspired for some reason! And I probably know that reason. I bit my lower lip.

"Baka may jowa?"

"Duda ako riyan. Hindi naman nagtatago ng jowa si Gio. Sobrang proud kaya siya kapag ano. . ."

Ang mga bulungan ay lalong nagpalalim ng kaba na nararamdaman ko. I mean, marami naman ang Army rito sa room e. Pero hindi ko sigurado kung sa mga kagrupo ko ba ay may iba rin na Army. I could always deny it! Oo, kayang-kaya ko naman itanggi 'yon.

Pagdating ng lunchbreak, agad kong inaya si Gio para kausapin siya. I even heaved a breath before finally having the courage to talk to him about it. Kaya ko naman itanggi pero sa tuwing naaalala ko ang mga ngiti n'ya. I can't help but feel more guilty. Sumusunod lang siya sa akin. He wasn't even questioning why I had to dragged him somewhere else.

"Gio, uhm. . ." saad ko kahit ang mga mata'y hindi makatingin sa kan'ya nang diretso.

"Ikaw si rippedseokjins 'di ba?" kompronta n'ya agad habang may maliit na ngiti sa labi.

He knew that it was me. At mukhang kahit itanggi ko ay hindi n'ya ako tatantanan. I gradually nodded but gave him a stern look. Para malaman n'yang hindi ko gusto na malaman ng iba ang tungkol sa stan account ko. It is also my rant account and I know most of those who knows me personally that I don't like letting others know of my thoughts.

I feel bad when I opened up to others. Madalas iniisip ko na sana ay sinarili ko na lamang ang mga iniisip ko. Most of the time, they use my vulnerability against me. Madalas kasi ay para bang imbis na makatulong ay lalo lang nilang pinapalala ang mga iniisip ko. They even mock me for it.

Kaya tinatago ko na lang ang mga nararamdaman ko. Inaalagaan sa loob ko at araw-araw na pinapanalangin na sana'y hindi ako sumabog dahil dito. My thoughts are my own nemesis; it is the one that makes me feel unwanted and replaceable. Kaya naman hindi ko alam kung paano ito malalampasan.

"Oo. . ."

He swallowed hard. Ilang beses pa siyang kumurap na para hindi siya makapaniwala na umamin ako.

"Bakit may pangalawang account ka?"

"Stan account 'yon. I obviously just don't want others to know that side. I prefer to have my own space for fangirling."

That was one of the reasons. Pero ang ang pinaka-rason talaga kung bakit gumagamit ako ng stan account dahil doon walang may pakialam kung anong itsura mo. You can use your bias' pictures or any pictures that you can find in Pinterest. Wala rin namang sapilitan ang selca day namin at madalas kahit ano pa ang itsura mo ay pinupuri ka ng kapwa mong fan.

I just don't have the confidence to post my pictures! Kaya hindi ako sumasali sa selca day. Lalo na kapag nakikita ko ang mga kapwa kong Army na ubod ng ganda. May isa pa ngang kamukha ni Lily Collins! Si Lily Collins! Mabuti na lamang at hindi kami pareho ng bias kung hindi baka namatay na ako sa inggit.

"Bale, ikaw talaga 'yon?"

"Oo nga!"

"Bale, ikaw rin 'yong nag-I love you so much sa akin?"

"Oo — sandali! Gano'n lang talaga sa stan twitter! Malalambing lang talaga mga tao roon kaya naman wala lang sa amin 'yong ILYSM!" depensa ko sa kan'ya.

"Edi tatambay na lang din ako sa stan twitter kung gano'n!" Gio pursed his lips, some of the strands of his hair was falling on his forehead. Para siyang batang nagmamaktol.

"Gusto ko rin ng ILYSM araw-araw!"

"Wala ka naman 'yatang ini-stan e. Bakit ka pupunta sa stan twitter?" I snorted in annoyance.

"Uh, kasi nando'n ka?" he looked like a lost child. Kinakapa ang mga isasagot n'ya. I smiled at his innocence.

"Gagawa ka lang ng stan twitter kapag gusto mong ipakita 'yong pagmamahal mo o suporta mo sa isang tao o grupo. That's why I created one in the first place. Para ipakita kung gaano ko kamahal 'yong pitong miyembro ng —" I was cut off because I saw Amber and Brittany approaching in my peripheral view.

Agad akong natigalgal at hinila si Gio palayo para makapagtago. Once they saw me with Gio, they'll immediately conclude things. Maybe even form rumors about me! Baka isipin pa nila na si Gio naman ang puntirya ko. I don't want to taint Gio in any way. Sobrang bait nito e at baka isipan pa ng masama nila Amber.

"Pansin mo bang lumalayo si Paulene sa atin?" ani Amber habang naglalakad papalapit sa amin.

Nagtago kami ni Gio sa isang maliit na pasilyo kung saan nakalagay ang mga lumang lockers. I covered my mouth and also Gio's mouth to suppressed the possible noise that we could create.

I could feel his lips on my palms. Sobrang lambot nito kaya naman napabalikwas ako dahil nakiliti ako bigla. Gio knotted his forehead and tattled a 'why'?

Umiling naman ako at binalik ang atensyon sa dalawang kaibigan.

"So? Baka nasaktan na naman." Brittany sighed as if she's exhausted.

"She's so sensitive. Totoo naman na hindi siya maganda para mag-inarte." Umirap si Amber at tumawa lang nang mahina si Brittany.

My heart sank upon hearing that from them. Bakit ba kahit anong gawin ko ay hindi pa rin sapat? I feel like even if I do things that could please them — it simply won't. At hindi ko rin gusto ang paraan kung paano nila iparamdam sa akin na naiiba ako.

I know I'm not pretty but is that enough reason to make me feel less? To make me feel that I'm not good enough?

"Pau," bumulong si Gio. "Alam mo ba na tinanong ko si Melanie kung anong pinakamagandang katangian mo?"

"H-huh?" I was caught off guard with the sudden question.

"Sabi ni Melay sa tuwing ngumingiti ka raw ay lalong sumisingkit ang mga mata mo, chinita 'yan?" he chuckled and pointed the side of my eyes. Agad naman akong napakurap sa sinabi n'ya.

"Chaile told me that you always compliment others, pero hindi mo raw alam na nagagandahan s'ya sa 'yo." seryosong saad ni Gio habang ang mga kamay ay lumalakbay patungo sa aking buhok. He gently brushed my hair using his hands.

"H-hindi naman ako maganda. . ." I diverted my eyes. Kumakabog ang dibdib dahil sa mga sinasabi ngayon sa akin ni Gio.

"Maganda ka raw sabi ni Chaile. Primo likes your eyebrow shape, parang parati raw itong inaahit. Sabi ni Zafirah ay maganda raw ang maliit mong ilong dahil lalo kang nagiging cute tingnan! Hindi ka naman pango, Paulene! Cute size lang ang ilong mo!" litanya n'ya.

"Gagio ka ah!" inis kong saad.

"That's not a backhanded compliment. It's true! You're cute!"

He even laughed, his broad shoulders were shaking. Natawa ako dahil sa kan'yang tawa. He has a contagious laugh. He pinched my nose which made me winced. Agad naman akong napailing at ngumuso.

"Alam mo ba kung ano pinakagusto ko sa 'yo, Paulene? You can see the beauty of others despite of your own insecurities. . ."

"It's hard to see the beauty of others without feeling that it is quite unfair, but you can always choose to appreciate their beauty and not hate them for it. You're that kind of person, Paulene."

His comforting voice became my anchor against the raging waves of criticisms and image shaming. Parati, palagi at hindi nagsasawa. Nanatili siyang naniniwala sa akin I looked at him in the eyes and mumbled a quick 'thank you'.

I appreciate him so much. I don't think I deserve the adoration that he is giving towards me.

"It's hard to see the beauty of others, Paulene. Yet, it is harder to appreciate yourself too because you don't always see yourself in your most beautiful moments. You don't see how you smile, how you lighten someone's day and how others feel lucky to have you."

Nagkatitigan kami. He slowly smiled at me, his eyes forming an almost crescent shape. His infamous eye smile. Napangiti na rin ako at dinama ang bawat haplos ng kamay n'ya sa buhok ko. His way of comforting always works for me.

Umuwi ako na magaan ang pakiramdam. Natapos ang klase na hindi lang si Gio ang hindi matanggal ang ngiti sa mga labi. I have my smile on my way home too. Kahit na hindi ko na nalaman kung anong mayroon sa cellphone n'ya.

I decided to reactivate my account knowing that Gio is a safe person. He wouldn't tell my account to others and I trust him. He's that kind of person to me, the one who won't break my trust even if there's an opportunity.

Pero nagulat ako dahil may nag-follow sa akin. My hand was trembling as I read the name and I automatically clicked it's profile. Wala pa itong icon at header. Halata na kakagawa lamang nito!

ILYSM @allforpaulene
a stan account dedicated to Pauletta Jayne Angeles! 💕🥺🤲

Nalaglag ang panga ko at halos napatili nang makita ang tweet na 'yon.

Who the heck?!

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top