Kabanata 13

Kabanata 13

The household that I lived in is actually engrossed with lookism, a term used to describe the social prejudice against those who are not deemed attractive enough in the eyes of society. It is when those who are attractive are treated with rewards while those who are not attractive enough are disregarded.

Nakakapanlumo dahil kabilang ako sa ganitong klaseng pamamahay at ito ang ikot ng mundo. Bawat hibla ng buhok ay kinikilatis at kahit ang pinakamaliit na pimple ay pinupuna. The way everything is centralized on how someone should look in this world makes me feel sick.

I decided to snapped out of it. Tahimik akong naglilinis ng sala nang dumating si Mila na halatang pagod galing sa kan'yang taping. She looked worn out but still pretty. Para bang hindi man lang dumapo ang hangin at alikabok sa kan'yang mukha. She still looked fresh and radiant despite being tired. Hindi 'yata siya nagiging haggard.

Tapos ako ay nandito lang naman sa loob ng bahay pero parang nakipag-away ako sa mga spartans.

"Mila, tubig ka ba?" tanong ko.

Napalingon siya dahil sa akin. Hinawi n'ya pa ang kan'yang buhok dahil naging sagabal ito upang makita ako.

"Hindi?" Mila frowned at what I've said and looked at me with confusion. Natawa naman ako at agad na umiling para itanggi ang kan'yang naisip.

"Ano, ibig kong sabihin ay kung gusto mo ba ng tubig?" ulit ko at binaba ang walis sa gilid ng hagdan.

"Okay na ako, Paulene." Her lips formed a small smile, I can't help but notice how naturally pink her lips were and it was plump too. Para talaga siyang bida sa isang teleserye. Parating maganda kahit 'yata bugbugin ay maganda pa rin.

"You should rest too," ani Mila nang mapansin na pawisan ako. Inabot n'ya sa akin ang face towel n'ya na galing sa kan'yang handbag. Agad ko naman itong pinangmunas at nalanghap ang mamahaling amoy ng isang pabango. It smells like petals of roses.

I took a glimpse of her flawless hand. Kahit 'yata ang mga ugat nito ay parang nilapag nang hindi ito mukhang inuugat. The veins on her hand wasn't that visible despite having fair skin. Her hand was small and smooth to hold too. Sa akin ay medyo magaspang dahil sa paglalaba at sa paghuhugas ng mga pinggan. I know she also does these chores but her hand is much alike the skin of a baby.

"May handcream ka ba na ginagamit?"

"Wala, Paulene." sagot n'ya habang nagtatanggal ng sandals. Umangat ang tingin n'ya sa akin.

My shoulders squared. Right. Lahat naman sa kan'ya ay natural. She was just pretty without any effort. Ngumiti lang ako at babalik na sana sa paglilinis nang tumikhim siya. Agad na bumalik ang tingin ko sa kan'ya. She looked like she wanted to ask something but the hesitation on her eyes tells me that I won't like to hear it.

"Bakit, Mila?"

"Uh, nangliligaw ba sa 'yo si Jeremy?" tanong n'ya. Napansin ko ang pamumula ng kan'yang mga pisngi. Oh.

Gusto n'ya 'yata si Jeremy.

My heart clenched as I try to form my answer. I was expecting this. No, of course not! Akala ko ay hindi n'ya magiging tipo si Jeremy dahil hindi naman sya nagbibigay ng interes sa kahit sino. Even the more good looking ones! They're not on par with her.

"Hindi."

"Ah, okay." She dismissed, lalong nagkaroon ng guhit sa kan'yang noo.

"E 'yong. . ." she halted her words. She bit her lip as she looked away. "Kasama mo?"

My stomach churned at what she was trying to impart. I can feel my adrenaline being spiked because of what she asked. Bakit gano'n? Hindi ko masagot ang simple n'yang tanong.

"Sino?" patay-malisyang tanong ko. Mila would be too shy to ask for his name. Hindi gano'n si Mila e, she would never ask for a boy's name.

"Gio?" her voice made my heart feel like it was tampered with thorns. Kahit sinatinig n'ya lang naman ang pangalan ni Gio ay pakiramdam ko sinapak na agad ako.

"H-hindi rin. Ano ka ba? Sikat 'yon sa room namin k-kaya bakit naman n'ya ako liligawan." I laughed, nervously. Napakamot pa ako sa aking ulo dahil sa kan'yang paratang.

"Hindi ba n'ya talaga ako kilala?" Mila asked, her voice turning low. Marahil nahihiya dahil unang beses n'yang magtanong ng ganito.

"Hindi siya nanonood ng vlogs e. Pero mabait naman 'yon si Gio! K-kung gusto mo ipapakilala kita." Lumunok ako dahil sa aking huling pahayag. Nasanay kasi ako na nilalayuan ko na lang 'yong mga tao para lang hindi na ako umasa.

Maybe this way, I would just accept things easier. Mas matatanggap ko na isa lang akong tulay papunta kay Mila. That I will always be just a way to get closer to her.

"No," Umiling-iling si Mila, puno ng pagkakaila ang mukha. "Hindi ako interesado sa kan'ya."

"T-totoo ba?"

"I find him too loud and obnoxious. Ilang segundo pa lang ay naiirita na ako sa ingay n'ya. Masyado siyang maingay." Mila scoffed which me feel relieved somehow. Pero hindi naman ako papayag na gano'n ang tingin n'ya kay Gio.

"Gano'n lang 'yon talaga pero mabait 'yon." giit ko naman. I just don't like her tone. Para kasing minamaliit n'ya si Gio.

"Whatever," Mila shrugged off, obviously displeased. Pumanhik na siya sa kan'yang kwarto matapos ang aming usapan.

It offered a little relief to me that Mila isn't interested in Gio. Pakiramdam ko kasi kapag naging interesado siya kay Gio habang nagkakagusto ito sa akin, I'll feel bad if Gio decided to pick Mila instead. It would only make me feel worst if Gio is just like the others too.

Sa mga sumunod na araw, mas naging malapit ako kay Gio. He would often tease Zafirah and hang out with Adren. Kahit gano'n ay minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin pero hindi ako nilalapitan.

"Crush mo pa rin ba si Jeremy?" Brittany asked while sitting on Melay's chair. Nasa loob kami ng room ngayon dahil komokopya sila sa akin sa Statistics and Probability.

"Hindi ko alam." sagot ko. "Crush ko lang siya tuwing nakikita ko siya pero kapag hindi. . ."

Hindi ko rin siya crush.

I don't know how to express how I feel. Pero para bang nagkakaroon lang ako ng feelings sa kan'ya kapag nakikita ko siya. It isn't the type of crush that lingers or makes you feel sleepless because you kept on thinking about him. Parang casual crush lang.

"Bakit hindi ko gets?" naiinis na saad ni Amber. Tinuro n'ya pa ang kan'yang notebook.

I sighed because it's actually easy. Fundamental Counting Principle pa lang 'yan 'te. Nakinig ba talaga siya sa stats and prob?

"Oo nga, mathematics tapos may magtatanim ng puno?" dugtong ni Brittany na lalong nagpakunot ng noo ko.

Huh? Kailan pa kami magtatanim ng puno?

"Tree diagram ba?" Ngumiwi ako. That's a graphic organizer that you can use to distinguish relationship of events through branching connecting lines. Bakit naman ginawa n'yang literal na puno?

Brittany nodded which made me groaned in frustration. Baka kulang lang sila sa tulog o baka di lang talaga sila nakikinig.

I watched them as they copy my answers. Wala naman ito sa akin dahil magka-kaibigan naman kami. At saka, baka magalit pa sila kung hindi ako magpapakopya.

"The Fundamental Counting Principle was created because gamblers asked mathematicians if they can find a way that would improve the chances of winning when it comes to game of cards and dices. . ." I explained to them because after checking our assignment, baka magkaroon kami ng recitation.

"It's quite easy. If there are two decisions to make, and there is p ways to make the first decision and q ways to do the second decision then the product of p and q determines how many outcomes there is in the entire process." dugtong ko pa.

Amber and Brittany only shrugged me off. Kaya naman no'ng natawag sila sa recitation ay hindi sila nakasagot. They blamed me for it. Nasa hallway kami ngayon at pupunta na dapat ng cafeteria kaso ay tinatalakan ako ni Amber at Brittany.

"Bakit gano'n, Pau? Gio answered it with such ease! Mas madali pa nga ang paliwanag n'ya! All you have to do is multiple both numbers to each other!" asik ni Amber sa akin. I told her that but she didn't listen!

"Sinabi ko 'yon," giit ko.

"Hinabaan mo siguro para di ko matandaan 'no? Gan'yan ka ba ka-ganid sa grades, Paulene? Kaya wala kang nagiging kaibigan bukod sa amin dahil sa ugali mo na 'yan." Dinuro-duro ako ni Amber. Lalo akong nangliit sa ginawa n'ya.

Sinabi ko naman talaga sa kanila ang sagot. Hindi ko alam bakit nila ako ginaganito. Bakit palaging dapat maintindihan ko sila. Just because they're more prettier than me. Gano'n ba 'yon? Kapag maganda ka? May free pass ka na para mangmaliit ng kapwa?

"Hindi kasi kayo nakikinig," naiinis kong sabi. Natigilan sila at kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. I was about to apologize when Brittany snickered.

"Attitude ka, Paulene. Hindi ka naman maganda."

Umirap si Brittany matapos banggitin ang pahayag na 'yon.

That was my final stroke. My lips quivered as I find the right words to apologize again. Pero nandidilim ang paningin ko. I had enough. Sobra-sobra naman na 'yata ito.

"S-sinabi ko naman sa inyo e." I bit my lower lip to suppressed the anger inside of me.

"Paulene, sana sa susunod ay huwag ka na lang tumulong kung 'yong tulong mo ay isusumbat mo rin. . ." ani Amber.

"Pakitang tao ka kasi," Brittany added. "Sana man lang bumawi ka sa ugali kasi hindi ka naman kagandahan."

Stop.

Please.

My chest tightened. Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat namutawi sa aking bibig. I should apologized but for how long? Hanggang kailan ba ako hihingi ng tawad sa kasalanan na hindi ko naman ginagawa?

Hindi ko naman kasalanan na pangit ako e.

Hindi ko naman 'yon ginusto.

Amber and Brittany left me alone. Pinanood ko ang mga tao habang naglalakad sila sa hallway. I was all alone while looking for a reason to go back to our room. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Hindi ko gustong dalhin ito sa room. I know that once they see me without Amber and Brittany, they'll immediately conclude something.

"Sa gate ka po magbantay kasi wala ka namang sweldo kapag dito."

Umangat ang tingin ko at nakita si Gio. He immediately wipe the upcoming tears that was about to roll onto my cheeks. Pinunas n'ya ito sa hawak n'yang bimpo.

Ngumiti ako sa kan'ya.

"K-kapag ba iniwan ko sila, willing ka ba maging kaibigan ko?" I asked Gio. Halata ang pagkabigla sa kan'yang mukha.

"Hindi." agad na sagot n'ya.

Natanggal ang ngiti ko. Of course, he have better friends. He won't need someone like meas his friend. Ano naman ako kumpara kay Zafirah na maganda at matalino? Kay Adren na gwapo at mayaman? I was nothing.

"Full slots na kasi," he grinned. Ang kan'yang ngiti ay umaabot na naman sa kan'yang mga mata. It made my heart skip a beat.

"Pero kung sa syota, huwag ka magalala. Naka-reserved lang 'yon para sa 'yo. Parating naghihintay kung kailan ka magiging handa."

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top