Kabanata 11

Kabanata 11

I wasn't good at confrontations and being guileless. Lumaki ako sa isang pamamahay kung saan mas tinitingala ang maganda, matalino at may talento. Hinanap ko ang puwang ko sa tatlong aspektong 'yon ngunit wala ako sa nabanggit. Kumbaga sa multiple choice, ako ang D. None of the above. The last resort and the only option when you're not sure why you even existed.

Iniisip ko kung may mawawala ba kung sakaling wala ako sa mundo? Mawawala ba ang balanse nito o kaya'y may maapektuhan kaya kung sakali na hindi naman ako nage-exist?

It makes me wonder how will I serve my purpose in this world when I don't even know if I have a purpose in the first place?

Napatingala ako habang unti-unting pumapatak ang mga butil ng ulan sa aking pisngi. Inangat ko ang aking palad para maramdaman din ito sa aking kamay. It was lukewarm, siguro dahil wala namang madidilim na ulap at kung tutuusin ay maaliwalas ang kalangitan.

"May kinakasal na tikbalang," bulong ko sa kawalan. I sighed and went to a shaded area.

Kinasal na nga lang sila ay hindi pa nagawang mang-imbita o kaya'y sabihan man lang ang mga news reporters! Edi sana ay may payong ako ngayon. Lalong lumalim ang inis ko nang lumakas ang buhos ng ulan. Ano? Honeymoon na ba nila?

I scoffed at myself. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil uwing-uwi na ako. Marami pa akong kailangan tapusin pero wala akong payong.

Ang bigat kasi nitong bag ko at marami pa akong revisions na dala. Nasa akin kasi ang kopya ng black and white draft ng research paper namin. Uulitin ko ang pag-print nito dahil inaayos ni Zafirah at ibang mga natirang miyembro ang nilalaman. Ayaw kasi pumayag ni Zafirah na sa ibang miyembro ibigay ang pag-print. Gusto n'ya ay ang mga tumulong din talaga sa laman nito para kami lang talaga ang may grade.

May naramdaman akong presensya sa aking likuran. Unti-unti ako nitong nilagyan ng payong para hindi ako mabasa, ito ang nagsilbing silong ko sa malakas na ulan. Umangat ang tingin ko rito at nadatnan ang nakangiting si Jeremy.

"Paulene," he smiled. "Hatid kita sa sakayan?"

Hindi ko alam kung dahil ba sa sadyang takot ako sa komprontasyon kaya naman mas minamabuti ko na lamang umiwas, magtago at hindi na lang ulit siya kausapin. I didn't feel like he needed a reason for my sudden distance.

"Thank you," I hesitantly agreed.

Matangkad si Jeremy kaya naman mas mabilis s'yang maglakad kumpara sa akin. His legs were longer so it makes sense. Pero dinadahan-dahan n'ya ang bawat hakbang n'ya kaya naman hindi s'ya nauuna maglakad sa akin. I appreciate that, he's very thoughtful.

"Kamusta ka?"

"Okay lang, tinadtad lang kami ng requirements." sagot ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako.

Totoo naman na marami kaming gagawin ngayon pero palagi akong may oras sa landi, nagkataon lang na ayoko sana isipin na pinagpalit n'ya ako kay Mila. It wasn't my intention to do that — ang bigla na lamang s'yang iwasan.

"Ah, kami rin." Jeremy gulped and scratched his nape. "Pau, sorry pala no'ng nakaraan. Hindi tayo nag-sabay kumain."

"Hala, okay lang!" Umiling-iling ako at winagayway ang aking mga kamay para ipakita na walang kaso 'yon sa akin.

Akala ko hanggang sakayan n'ya lang ako ihahatid pero laking gulat ko dahil umabot kami hanggang sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ngiting-ngiti ako habang bitbit n'ya ang file folder bag ko. Hindi rin siya naubusan ng mga ikukwento sa akin.

Huminto kami sa gate ng aming bahay. Unti-unting nawala naman ang ulan habang nilalakbay namin ang patungo rito kaya naman hindi ko na kailangan ng payong.

"Thank you, Jeremy." Ngumiti ako. "Ingat ka sa pag-uwi."

Aalis na sana ako nang hawakan n'ya ako sa pulso. It was a K-drama thing — the exaggerated slow mo twirl that makes your heart beat raced.

"Paulene, sa ano pala. . ." Jeremy casted his gaze downwards. Kinakabahan 'yata siya pero agad din naman n'ya itong binawi. Umangat ang tingin n'ya sa akin.

"Pwede ba tayo sumabay kumain sa lunes?"

"Ha? Sure ka ba?"

"Oo naman. Nahihiya rin kasi noon na hindi ako nakasipot sa 'yo. My blockmate told me you even went to our room. I'm sorry, Paulene."

The sincere tone made my heart warmed. Hindi ko magawang magalit o mainis dahil kung tutuusin ay hindi naman talaga n'ya kasalanan. Wala dapat s'yang ipagpaumanhin.

That was the whole reason why my mood can't be tamed. Hindi matanggal ang ngiti ko dahil sa pagyaya sa akin ni Jeremy. Kahit dumating na ang lunes, sariwa pa rin ang mga salita n'ya sa akin.

"Kita mo 'yon? Ayon crush ko," turo ko kay Jeremy na payapang naglalakad patungo sa building nila. Pakiramdam ko destiny talaga na malapit lang ang building nila sa amin.

Nasa HUMSS talaga ang true love!

"Para kang tanga," sumimangot si Gio at parang batang hindi napagbigyan ang mukha n'ya ngayon. Kunot na kunot ang kan'yang noo at halatang badtrip.

"Bakit? Pogi naman crush ko, ah?" I muttered after taking a quick sip on my tetra pack juice. Matangkad, moreno tapos mabait. Hindi rin sobrang habulin at mukhang may respeto sa kababaihan. I couldn't ask for more.

"Alam mong crush kita tapos papakita mo sa akin 'yong crush mo na di hamak na mas bagay naman ako sa 'yo." He snorted which almost made me burst out laughing. Nakahilig s'ya ngayon sa railings at pinapanood din si Jeremy. Nangliliit ang mga mata ni Gio habang nakatanaw kay Jeremy.

"Di mo pa rin ba titigilan?"

"Ang?" maikli n'yang tugon. Napalunok naman ako, hindi ako sanay sa seryosong tono ni Gio. Naririnig ko lang naman kasi ito kapag nagr-reporting kami. Madalas ay mapagbiro talaga s'ya.

"Ang kalokohan mo! Feelings feelings ka d'yan! Ang dami kayang magaganda sa room. Crush mo si Zafirah, 'no?"

"Hindi 'no! Hindi nga ako torpe, Paulene. Crush nga kita, ang kulit mo naman parang di tayo paulit-ulit!" naririnding ungot n'ya at lumingon sa akin. He beamed like a kid. "Crush kita, crush kita at crush kita!"

"Bakit kasi ako?!" I snapped.

"Sa 'yo tumitibok puso ko e," nagkibit siya ng kan'yang balikat.

"Edi pigilan mo ang tibok ng puso mo!"

"Pinatay mo naman ako no'n!" reklamo n'ya at unti-unting namuo ang isang nagtatampong ekspresyon sa kan'yang mukha. Ang mukha n'yang busangot at ang magulo n'yang buhok dahil sa hangin ay binigyan ako ng rason para bumilis ang pintig ng puso ko.

My heart fluttered again at that sight. Hindi naman ako tatanggi na di hamak na mas gwapo si Gio kay Jeremy. Hindi lang sa pisikal na itsura kung hindi pati na rin sa ugali at baka nga pati rin sa katalinuhan. Pero parang ang layo ng agwat namin, pakiramdam ko marami ang magtataka kung sakali na. . .

I shook my head.

Sana mabangga si Gio sa pader para magising na s'ya! Hindi pwedeng ako ang mag-isip na pwede kami. Imposible kasi 'yon! Kaya sana lang ay tigilan na n'ya ako.

I was excited to eat with Jeremy, halos hindi matanggal ang mga mata ko sa kamay ng orasan na hinihintay ang pagtunog ng aming bell para sa lunchbreak. May rason na rin ako para hindi sumabay kay Brittany at Amber kahit na halos hindi ko na rin sila sinasabayan. Humahanap ako palagi ng butas upang iwasan sila. Hindi ko kasi kayang sabihin ang nararamdaman ko. Mas kaya ko na lamang lumisan at umiwas kung sakali.

I cooked our food. Omelette lang naman ang niluto ko pero alam ko sa sarili ko na magugustuhan n'ya ito! I really learned a lot from tutorials in Youtube.

"Jer!" tawag ko sa kan'ya kahit halos hinihingal na ako. Tinakbo ko kasi ang patungo rito dahil sayang ang oras kung kukupad-kupad ako!

Nakita ko na binilhan n'ya pala ako ng fruit shake at may pagkain din siya na dala. Para talaga kaming may date. Lumapit ako sa table n'ya.

Umupo ako sa upuan na nasa kan'yang harapan. Jeremy immediately gave a small smile. Inusog n'ya 'yong fruit shake na para sa akin. Kinikilig ako habang naguusap kami tungkol sa paborito kong flavor. Hindi n'ya kinalimutan at naalala n'ya! Ibig sabihin ay binibigyan n'ya ang pansin.

"Jeremy."

Natigilan ako. Parang lahat ng mga sumasayaw na paru-paro sa akin tiyan ay namatay. That voice is familiar to me. Ang kan'yang boses ang agad na sumira ng magandang imahe sa aking isipan.

"Mila, hindi ka pa pala kumakain?" Jeremy smiled. Para akong binuhusan ng malamig na yelo dahil nanigas ako sa aking kinauupuan.

"Hindi pa." sagot ni Mila. I could hear her footsteps. Habang papalapit s'ya ay lalong nagiingay ang puso ko na para bang gusto ko na lang tumakbo papalayo.

"Hi Pau," Mila greeted using her sweet voice. "Sabay pala tayo ng lunchbreak ngayon?"

"Pwede ka naman sumabay sa amin, Mila." Jeremy stated. Napalingon agad ako kay Mila. Her sharp eyes made her looked like she was mad. Pero alam ko naman na normal ito sa kan'ya. Kapag pagod siya ay nagmumukha talaga s'yang mataray.

"I don't wanna be a bother," Mila shook her head as she declined. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Bakit ba ako kinakabahan kay Mila? She's my cousin!

"Hindi naman. Paulene doesn't also mind," agap ni Jeremy. Agad na tumingin sa akin si Mila.

"Ah, y-yes." I smiled awkwardly. "Wala namang kaso sa akin 'yon."

"That's good, I'll bring my tray here." Ngumiti si Mila at agad na nawala ang nararamdaman kong masamang aura sa kan'ya.

Nakahinga ako nang maluwag. She's not mad, right? Wala namang namamagitan sa kanila ni Jeremy? Kasi kung meron, maiintindihan ko ang inis n'ya.

Bumalik si Mila sa amin. We were talking about our fruit shakes but the topic turned into another direction. Umabot sila na naguusap tungkol sa mga specialized subjects nila.

"You mean, maga-aral tayo about religions?" Mila asked after drinking on her protein shake.

"Yup," Jeremy bobbed his head.

Ako naman ay nanatiling tahimik. Wala akong ambag sa paguusapan nila! ABM ako! Wala akong alam sa HUMSS!

I almost gave up upon hearing the both of them laughing. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang topic nila. Para tuloy akong saling-kitkit sa usapan.

A hand touched my shoulder which made me immediately looked up to that person.

Natigilan ako. Si Jeremy at Mila na kanina ay nagtatawanan ay tumigil din para lingunin kung sino ang lumapit sa amin.

I looked at Mila, and for the first time in my life, she flinched.

She flinched at the sight of a guy. Madalas ay wala siyang reaksyon sa mga lalaki. Sa ganda n'ya ba naman, she didn't need to make any move for guys to notice her. Kaya naman lalong pinatungan ng kaba ang puso ko.

"Hello, pwede ba sumabay?" Gio asked in a polite manner. Nakangiti siya at umaabot ito sa kan'yang mga mata.

Napalingon ako kay Mila.

Oh no.

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top