Kabanata 1

Kabanata 1

I wonder who invented the word 'beautiful' and how it should be conveyed. Nang ginawa niya kaya ang salita na ito, meron siyang iniisip na tao? A certain type of face? A certain type of body? A certain type of skin color?

Kahit ilang beses ko titigan ang sarili ko sa salamin, hindi ko magawang mabigkas ang salitang maganda. I didn't have the perfect almond eyes that most people admire. Medyo singkit ang mga mata ko at hindi pa ito singkit na parang haponesa, parang ja-fake lang gano'n. Most people prefer fair skin pero halos morena naman ako. I wasn't slender too. There were extra skin on every part of my body.

Ngumuso ako at kumuha ng isang barette para ayusin ang bangs ko. Agad akong natigilan nang makita ang maliliit na pimples na tumutubo sa noo ko. Lalo lamang kumuyumos ang mukha ko dahil dito. Hindi bagay ang bangs sa akin hindi tulad kay Mila.

Bumaba na ako para kumain ng umagahan sa hapagkainan. Si Mama ay nandoon at nilalagyan ng sinangag ang plato ni Mila. Babati sana ako kay Mama nang bigla niyang pinilig ang ulo n'ya sa direksyon ko.

"Ano ba 'yan, Paulene! Anong oras ka na naman bumaba! Hindi mo gawing ugali ang maagang gumising! Kaya ka tinitigyawat e!" asik ni Mama at nagawa pang umirap. "Mahiya ka naman kay Mila!"

"Uh, wala naman sa akin 'yon. Okay lang naman po, Tita." Mila looked at me, full of remorse. Kinuha n'ya ang mga kubyertos at unti-unting hinati ang longganisa sa kan'yang plato.

"Hindi kasi gumaya sa 'yo, ewan ko ba sa batang 'yan. Sana kasi tinuturuan mo rin, Mila. Para kahit papaano naman ay matutong mag-alaga ng sarili n'ya."

Umiling-iling si Mama at bumalik siya sa kusina upang kumuha ng orange juice.

Tahimik na lamang akong umupo sa harap ni Mila. Agad siyang bumuntong hininga at tumingin sa akin.

"Sorry, Pau."

"Uy, hala. Wala 'yon! Baka pangit lang ang gising ni Mama. Sanay naman na ako sa kan'ya..." I dismissed her apology and she immediately smiled. Pero ramdam ko ang pagkurot sa aking puso.

Ang hirap kapag araw-araw pinapaalala sa 'yo na pangit ka. Para bang kasalanan mo na hindi ka naging maganda. At hindi mo naman sila masisi dahil alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawa para maging maganda sa paningin nila. Kung meron man, palaging parang kulang.

"Paulene, mag-commute ka na lang. May deliveries sa likod, hindi ka na kasya." suhestiyon ni Mama nang matapos ko ilagay ang mga box ng glutathione sa likod ng sasakyan.

The car was a sedan but an old model. It's a four seater car, pero ang dalawang parte sa likod ay okupado na ng mga binibenta ni Mama na glutathione.

"Kasya pa naman 'yan, Ma. Kaunting usog lang sa mga box —"

"Edi malulukot pa 'yung mga box! Baka hindi bilhin dahil pangit na ang packaging! Mag-commute ka na nga lang, dadagdagan ko na lang ng bente ang baon mo para sa pamasahe..." angal niya sa akin.

"Si Mila po ba 'yung nasa shotgun seat?" tanong ko nang mapansin na nakaupo na 'yata si Mila roon. She was texting on her phone, a latest model from her favorite brand.

"Oo, mas maganda kasi na maaga siya makapasok dahil alam mo naman na unti-unti na siyang nakikilala at baka pagkaguluhan kung sasabay sa mga ibang tao."

Napalunok ako. Pinilit na kinubli ang nararamdaman gamit ng isang ngiti.

"Sige p-po! Salamat sa bente, Ma!"

Walang isyu sa akin ang mag-commute kahit pa sa totoo lang ay medyo masakit sa paa dahil bago ang mga sapatos ko. Malayo ang nilalakad namin para sa sakayan ng mga jeep sa lugar kung sana kami nakatira. Pakiramdam ko ay magkaka-paltos ako dahil sa biglaang lakad na ginawa ko.

My feet were hurting, ramdam ko ang pagdikit ng balat ko sa sapatos. Ngumiwi naman ako sa sakit pero nagpatuloy pa rin. Nakasakay na rin ako ng jeep at naging mabilis ang biyahe. I went to the waiting shed beside the gate. Medyo maaga pa naman at ayoko naman mauna sa classroom. I decided to go to our groupchat.

Friendshizt

Amber:
Kakagising ko lang girls!

Brittany:
Same sis!

Mila:
Ingat kayo! :( baka ma-late kayo. Pau, nasa school ka na ba?

Paulene:
Yep! Hintayin ko na lang kayo, Amber saka Brittany. Nasa waiting shed lang ako. 😄

Kaklase ko naman sila kaya naman walang mali na hintayin ko sila para sabay-sabay na kami. Nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbilang sa mga taong dadaan upang pumasok sa school.

Lalong dumaplis ang sakit sa aking paa dahil sa tagal kong nakatayo. Medyo nangangalay na rin ako pero hindi ko pa rin sila namataan. Papasok pa ba sila? I sighed and decided to leave a message. I felt guilty because I cannot wait for them anymore.

Paulene:
Girls, sorry. Una na ako, okay lang ba? 😣

They didn't reply. They left me on read. Lalong lumalim ang guilt sa puso ko. Baka mamaya ay ilibre ko na lang sila para makabawi. Lugmok na sana ang mararamdaman ko pero may nakita akong isang mensahe galing kay Philomena.

Philomena:

Hi Paulene! Ingat ka po mamaya sa classroom n'yo. Sana makadaan ka sa amin. I brought you some cookies! Goodluck on your first day po! 😅💕

I replied back with a smile on my face. Unti-unting nawala ang inis sa sarili.

Todo ang bawat tibok ng puso ko habang pumapanhik sa ikalawang palapag ng ABM building. Hiningal ako dahil sa pagmamadali, damang-dama ko ang hapdi ng paltos sa mga paa.

Ayoko talaga ito tuwing unang araw! Palaging masakit ang paa ko dahil sa bagong sapatos. Hindi pa nakatulong na naglakad ako para sumakay ng jeep at naghintay habang nakatayo.

Kinakabahan ako dahil wala akong kakilala bukod kay Amber at Brittany. Sumilip ako at nakitang halos puno na ang classroom. The dread was eating me as I step my feet inside.

Nakita ko si Amber at Brittany na nagtatawanan. My heart sank. Nandito na sila?

Unti-unti akong lumapit sa kanilang dalawa. Tumikhim pa ako para kuhanin ang kanilang atensyon.

"H-hello..." bati ko.

Agad na lumingon si Amber, she looked shock. Si Brittany naman ay pinigilan ang tawa.

"Bakit ngayon ka lang, Pau? Late ka na!" Halakhak ni Amber.

I bit my lower lip. Kanina pa sila nasa classroom? E, kanina pa ako naghihintay sa waiting shed?

Mahirap bang mag-reply na nandito na sila?

I took a deep breath before smiling.

"Hinintay ko kasi kayo kaya..." I trailed off. Naputol ang sunud-sunod na tawanan nila. Pinukaw ang aking damdamin ng isang nanantyang tingin ni Amber.

"Sinisisi mo ba kami, Pau?" Amber asked, there was malice on her voice.

"E, hindi naman namin sinabi na hintayin mo kami?" dugtong ni Brittany, she even let out a sigh.

Napalunok ako. Hindi ko naman gusto makipag-away. Sila na nga lang ang kilala ko rito tapos mukhang itatakwil pa nila ako.

"Pero hindi naman," I chuckled, nervously. "Hindi naman sa gano'n...Kasalanan ko talaga, sorry na. May tinabi ba kayong upuan para sa akin?"

Halos puno na kasi ang classroom. May mga available pang upuan pero halos nasa gitna kaya nahihiya akong kuhanin. Tumaas ang isang kilay ni Amber.

"Binilin mo ba sa'min, Pau?" Amber laughed. "Ginawa mo pa kaming utusan, girl."

"Hindi sa..." umaakyat ang kaba sa aking puso. I hate confrontations, hindi ako sanay makipagusap nang ganito.

"Dapat kasi sinabi mo, Paulene. At saka, bakit ka kasi nagpa-late." Brittany sniggered.

"Ah," napalunok na lamang ako at pinilit ang sarili na ngumiti. Pinipigilan ang mapanglaw na damdamin.

"Maghahanap lang ako ng upuan..." I slowly drifted from their side. Agad ko namang inikot ang paningin upang makahanap ng upuan.

I spotted a chair near the door. Nagi-isa na lang ito kaya naman dali-dali akong pumunta roon upang kuhanin sana at i-tabi kina Amber. My hands stopped midair because someone dropped their bag on the chair furiously. Ramdam ko ang galit dahil sa padabog niyang paglagay ng kan'yang bag.

I took a glimpse at her and my mouth immediately parted. She was pretty. Her hair was tied in a neat ponytail, it emphasized her sharp features and made her look fierce. Lumiliyab sa inis ang titig niya sa akin, agad naman akong umatras.

"Uupo ka ba?" mataray niyang tanong. Her voice sounded bossy too! Pero pakiramdam ko kahit sigawan niya ako ay okay lang dahil ang ganda n'ya!

I nodded but quickly retreated by shaking my head incessantly.

"Hindi na, n-nandoon din kasi sa kabila mga kaibigan ko. Bye. Ganda mo. Bye ulit! " I awkwardly left but I heard her cursing.

"Nakakainis! Nakakainis talaga! Nakakahiya ka, Zaf!" she cussed as she collapsed down on her chair. She even covered her face. Ano kaya ang nangyari sa kan'ya? Is she angry because she's almost late too?

Napanguso ako. Great, wala na talaga akong upuan. Siguro naman pwede akong humingi sa maintenance staff dito? There's nothing wrong with asking.

Medyo nararamdaman ko na ang hapdi ng bawat paltos sa aking paa. Ngumiwi ako dahil sa bawat daplis ng balat sa sapatos, pakiramdam ko ay nagtutubig pa ito. Ang sakit talaga!

I stopped traipsing infront of the doorway when someone towered over me. Agad na umangat ang tingin ko para tingnan kung sino ito.

"Hi, pisces girl." He smiled and even tilted his head on the side. His smile was formed in a crescent shape, making it look like it reaches his eyes.

My lips parted.

Kaklase ko siya?!

"Gio, kilala mo agad?" kalmanteng tanong ng katabi niya. This was a different guy from before. Napalingon ako rito at napagtantuan na — ako lang 'yata ang pangit sa classroom namin.

The guy beside Gio looked expensive. Pareho lang naman kami halos ng mga uniporme pero nasa tindig niya 'yata ang kan'yang social status. The simple rolex on his wrist makes me want to asked if he can adopt me. Kailangan ko lang talaga ng pang-merch sa comeback ng mga paborito kong grupo.

"Pisces girl, pasukan pa lang pero bakit pauwi ka na? Dala-dala mo pa ang bag mo..." Gio asked, genuine confusion on his face. Namula naman ako, dala-dala ko pa kasi ang bag ko dahil hindi ko naman ito maiwan sa kung saan lang at baka magalit din sila Amber kung ipapabantay ko.

"Are you okay?" the other guy asked, even offering a hand. Napansin niya 'yata ang iika-ika kong lakad.

"Uh, maghahanap lang ako ng upuan." I gulped, not looking at them. Ayoko magpatukso at gusto ko lamang mag-aral nang matiwasay.

I also need to hurry, nasa ground floor pa 'yata ang maintenance department. Medyo malayo pa ang lalakarin ko kung sakali.

"Ako na lang —" Gio offered but the other guy cutted him off.

"You can seat on my chair if you want to, for the meantime..." the other guy smiled at me. He looked angelic as the smile spreads on his lips. Mukhang mabait ang isang ito tapos gwapo pa. Medyo natigalgal ako dahil sa sinabi n'ya.

"Adren naman," Gio gently nudged him and he immediately furrowed his brows at him. " Sapaw ka naman, dude..."

"H-hindi na, okay na ako..." I could feel my heart leaping out from my chest. "Kaya ko naman."

"Hiramin na lang natin 'yung sa kabilang room," Gio suggested, agad siyang umalis para kumatok sa kabilang section.

"Ade! Grabe naman kayo sa amin, pati upuan tinatago niyo pa. Hindi na kayo naawa—" Gio kept on blubbering gibberishly. He acted too dramatic. Nagulat ako dahil may lumabas na lalaki at akmang ibabato sa kan'ya 'yung upuan pero agad naman itong bumawi nang pabiro.

Pagbalik niya ay may bitbit na siyang upuan. My jaw dropped as I watched him striding towards us. Medyo napalunok pa ako nang huminto siya sa harap namin.

"Saan ka ba dapat naka-pwesto?" tanong n'ya.

"Pwede ba 'yan? Kumuha ka lang sa kabilang section?"

"Oo naman," he replied while his tongue touched the side of his cheek. "Angas naman nila kung ayaw nila. Ano sila, gangsters?"

"Kilala mo na rin pati 'yung kabilang section?" Adren, from what I've heard, frowned at Gio.

"Syempre naman! Sino ba tatakbuhan natin kapag naubusan tayo ng papel sa room? Sila rin naman." Gio chuckled.

Tinulungan niya ako na ilagay 'yung upuan sa gilid ng classroom. Napatingin sa dako namin sina Amber at Brittany. An uneasy feeling rise in my chest, making me bit my lower lip in the process. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Okay ka lang diyan?" tanong ni Gio. I looked at him and I can't help but notice his features. His thick eyebrows, expressive eyes and the way the side of his lips rose. It is not even his entire face but his glow that makes him more attractive.

"Oo, thank you. Uh..." I hesitated because I didn't want him to assume that I already know his name. Kahit totoo naman.

"Giorgion," banayad niyang saad, making me feel ease. "Pero Gio na lang. Ikaw ba?"

"Paulene..." sagot ko. His face perks up, pero agad siyang hinila ni Adren dahil dumating na ang adviser namin.

There wasn't really anything new. Akala ko pa naman ay magkakaroon nang mas mature na enviroment dahil sa senior highschool na kami. Pero halos parang junior highschool pa rin pala, my classmates are still playful and they remind me of my junior highschool friends.

Nagpakilala lang ang adviser namin na si Miss Lourdes. She's our reading and writing professor, mukha naman siyang mabait dahil nagawa niya pang magbiro habang nagpapakilala. She also didn't pressure us and told us we could introduce ourselves tomorrow since this day will only served as the day where we'll get our schedules and such.

"Hi, pwede bang makihiram ng sharpener?" I asked my seatmate. Nawawala kasi sa bag ko ito at balak ko sana na lapis muna ang ipangsulat para hindi marumi tingnan ang mga index card na pinapagawa sa amin. Mabuti na lang at may nabasa ako na kailangan ng mga index cards para raw sa mga professors namin kaya may dala ako.

"Sure," isang chinitang babae ang katabi ko. She looked aloof but nice at the same time. "Bea nga pala. Ikaw?"

"Paulene!" I beamed at her. She only smiled back and returned her gaze to her index cards. Inabot niya muna sa akin ang sharpener niya at binalik ko naman ito.

Buong araw ko 'yatang tiniis ang hapdi ng paltos ko. I texted Mama if she can pick me up since I'm not sure if I can still walk.

Mama:

Arte mo naman, Pauletta Jane. Ikaw naman may gusto ng bagong sapatos 'di ba?

Paulene:

Ma, Pauletta JAYNE po. At saka, sige na. Ngayon lang naman e.

Hindi na siya nag-reply. I sighed, mukhang mapipilitan 'yata akong maglakad nang may dumudugong paa ngayon.

Iika-ika akong lumabas ng classroom habang binabagtas ang daan patungo sa gate. Hindi ko kasabay si Brittany at Amber dahil may lakad pa sila samantalang gusto ko naman na umuwi. Bukod kasi sa masakit na ang paa ko, masyadong mataas ang takong nito. I also texted Philo that I'll go to her next time. Ang sakit na kasi talaga ng mga paa ko.

"Pau," someone called my attention. "Paulene..."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Medyo natigalgal pa dahil sa hindi ko inasahan na siya pala 'yung tatawag sa akin.

Lumapit siya sa akin habang may tinataas na supot. Sa loob ng plastic ay merong tsinelas.

"Nagt-tsinelas ka ba?" tanong ni Gio.

"Oo naman..."

"Magpalit ka muna. Kanina ka pa hindi komportable sa suot mong sapatos. Pauwi naman na..." bilin niya sa akin, a concern expression on his face. Medyo umalma naman ang puso ko.

Illegal talaga ang mga gwapong mababait. Hindi sila pwede sa mundo dahil rare species sila at kailangan na silang itago. I gulped at that thought.

"Binilhan mo ako ng tsinelas?"

"Oo e, kanina ka pa iika-ika sa room. Para ka ng lasing maglakad, tipsy ka girl?" panga-alaska niya. Agad naman akong nahiya at tumingin sa hawak niyang tsinelas.

He bended his knees, para tuloy siyang naka-squat ngayon. Nahihiya man ay tinanggal ko ang sapatos ko at siya mismo ang naglagay ng tsinelas sa aking mga paa.

"Ingat ka pauwi, Pau." Ngiti n'ya at inabot sa akin ang plastic kung nasaan nakalagay ang sapatos na ginamit ko kanina.

I watched him as he jogged over to his friends. Pakiramdam ko mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kumpara sa bilis ng pagdaan ng mga jeep sa aking gilid.

I went home, still dazed that someone actually noticed me. Pero hindi ko naman pwede ito bigyan ng meaning, Gio is probably just friendly and kind. Parang si Philomena lang, gano'n. Gusto kong tuldukan ang kung ano mang naiisip ko tungkol kay Gio.

He's far from attainable. Gwapo saka mabait? Feeling ko talaga sa kaibigan lang ang magiging bagsak ko.

Umuwi ako at naabutan ko si Mila sa kusina habang kumakain ng oatmilk. Agad akong tumango sa kan'ya bago umakyat sa kwarto ko. Sinundan niya ako ng tingin pero hindi ko na lamang ito pinansin.

"Pau," Mila went to my room as I massage my feet. Agad naman akong ngumiti sa kan'ya.

"Kamusta ang shooting?" I asked her. She had a TVC shooting today. Para sa isang kilalang brand ng skin care.

Unti-unti na talaga siyang nakikilala. She's almost a million subscribers in just five months. Dinadagsa rin siya ng mga offers na maging artista pero palagi niyang tinatanggihan. Her pretty face is almost rampant on every social media's newsfeed.

Ang sarap siguro maging maganda. I looked at my feet as I try to contain my inner envy.

"I have spare shoes. Mas maliit ang takong at hindi ko pa nagagamit. You'll get hurt if you keep on using those shoes," Mila advised. She sighed as she handed me a Hydrocolloid dressing, probably to ease the pain and help my feet recover.

"Thank you, Mila..." I thanked her and she only smiled. I can't help but admire her bare face. Parang hindi kailan man dinapuan ng kahit anong dumi sa mukha. She had the glass skin that everyone is trying so hard to achieve.

Habang patagal nang patagal, lalo lamang siyang gumaganda. Samantalang ako ay patuloy lang ang glow down.

Napapikit na lamang ako. At least, hindi ko na siya kaklase. Hindi ko na kailangan palaging i-kumpara ang sarili ko sa kan'ya. Or so I thought.

❛ ━━━━━━・❪보라해❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top