Chapter 7

EU CHAPTER 7:
Savannah Marie's POV


Tahimik lang ako simula kanina nang dahil sa nangyari. Kahit sa sagutan nila ay nanatili akong tahimik. Hindi ko na muna gustong maki-alam sa nangyayari.

"They're so harsh." bulong sa'kin ni Sereena na alam ang nangyayari. Tumango naman ako sa kaniya. "Alam naman nilang wala pa ngang 24 hours simula ng dumating tayo dito eh tapos pipilitin nila siyang mag-adjust agad? Eh gago pala sila." patuloy niya.

"Nararamdaman naman kasi ang vibes na dala ni Nico. Even at first, she screams innocence. Sa lahat ng nandito, siya ang pinakamahihirapan mag-adjust sa lahat." Pagsabat ni Vivien.

Napa-angat naman ang kilay ni Sereena. "So that's why they're forcing her? Tsk, lahat naman sa'tin ay mahihirapan. But it doesn't give them the right to harshly treat her like that." Naiiritang gagad ni Sereena at saka inakbayan ang nananahimik na gaya kong si Zoey.

"Isa siya sa pinaka-bata. She needed that kind of talk." Vivien trailed off. Napa-tawa naman si Sereena ng mahina. Tumawa siya pero hindi naman siya natutuwa. She sounded sarcastic. "Bata din naman si Zoey pero bakit hindi niyo siya pinagsasabihan? Do you really wanna break Nico's heart?" sobrang badtrip na saad ni Sereena.

Vivien only looked away. "Well, Zoey looks matured enough."

Napasulyap ako sa kanya. "Sinasabi mo bang masyadong childish si Nico?" Tanong ko. Alam kong walang galang ang dating noon pero wala akong pake kahit mas matanda siya.

Halos dismayado akong napailing nang hindi siya makasagot. "Don't judge her and don't meddle yourselves too much." I said in a whisper but I know they heard it. They, dahil madaming nakikinig sa akin.

"Para naman yun sa kanya." Wala ng kaartehan sa boses ni Shairah nang magsalita siya.

Again, they were shot down by Sereena. "Shut up, no ones talking to you."

"I dont mean it like that Savie. Sadyang gusto lang namin maging handa si Nico kaya siya pinu-push ng ilan sa atin. It's obvious how much she stayed in her own comfort zone." Pahayag ni Vivien pero wala akong sinagot. Tinitigan ko lang ang maganda niyang mukha.

"Viv, stop na." pigil ni Desiree sa kanya. Ayaw kong magsalita ng masama kaya nanahimik nalang ako. Lalo pa at halata namang magkaibigan sila at kapag magkaibigang mga babae, mahilig kami magkampihan. That's our nature.

"Don't push her. Let her be. May mga kaibigan si Nico na umaalalay sa kanya. You all did something for her own good not knowing that instead of pushing her to save herself, you're only pushing her to a pitfall. Hindi niyo siya kilala. Hell, we don't know each other." Sabat ng isang panlalaking boses. At nang malingunan ko iyon ay napakurap pa ako nang makita si Ezekiel. His rugged look screams trashtalking.

"Huwag niyo siyang pakialaman. You're only breaking her heart. Pinaparamdam niyong iba siya at ayaw natin sa kanya." sabat ni Liam saka naka-pamulsang naglakad silang dalawa palayo.

Naiwan kaming tahimik. Nabalik lang ang atensiyon namin nang mapansing tahimik na sa kabilang mansion. Pagtingin ko'y wala na yung mga naka-all black ng suot. Iniwan nilang gulo ang mansion na parang dinaanan ng ipo-ipo.

"Matulog na tayo lahat. First day natin bukas." Basag ni Drake sa katahimikan at umalis siyang mag-isa. I keep on noticing how the males keep breaking the tension. Ang lakas ng loob nila sumabat na parang wala lang sa kanila. Maybe because they are not directly involved a while ago and they just don't let it affect them.

"Don't let this opposing opinion affect our team. Anyway, always be reminded to close your windows. Nakita niyo ba kung paano nila binasag ang bintana?" Adrian cleared his throat to get our attention. Nasa likod siya kasama sina Zaine, Keziah, Azmarie, Silver, Rebecca at Sofia. Nahuli ba sila? Nasa pinaka-likuran kasi namin sila ayaw ko man mag-isip pero parang magkakasama silang nagsi-datingan.

Akiro nodded. "Retractable windows." He said. Siniko ito ni Akira pero hindi nagsalita ang kapatid niya kaya hinampas niya ito sa braso saka humarap sa amin. "We need those removable to also use it for escape in any situation at hand." Dagdag niya pa na nagpatango sa amin.

"Ah.." sagot pa ng iba.

Hindi nga nagtagal ay nagsi-balik na kami sa sarili naming mga kuwarto. We were all tired and weary the whole day.

Sa buong araw ay pinilit ko ngumiti, makihalubilo at tumawa. Pero masama ang pakiramdam ko. Mas sumama pa ang mood ko matapos ng pangyayari kanina sa Market Area. Nawalan na ako ng ganang magsalita pa. Hindi ko man gusto pero nag-uumpisa ko ng makita ang kagaspangan ng ugali nila lahat, pati na rin sa sarili ko kahit ito palang ang unang araw.

They said that no person knows theirselves better than their own. Pero nagkamali ako. Hindi ko pa pala lubusang kilala yung sarili ko. I thought I'm a timid and shy girl but there is now more to me. Even my dark side is showing and it's surprising me because I myself didn't know that part of myself too. Alam kong maraming magbabago. Mas lalabas nag totoong kulay namin at lalabas din siguro ang natatago kong kasamaan. Umpisa palang yung kanina.

"Ate, dont think too much." may kalakasang pukaw ni Zoey sa atensiyon ko. I got startled on my seat. Nakaupo na kasi ako sa kama namin.

Lumapit din si Sereena at hinarap kami habang nagsusuklay siya ng buhok. "Nakatulala ka lang. Wag ganiyan, kasi tinatakot mo kami." balewala niyang sinasabi sa'kin.

Ngiti nalang ang isinagot ko sa kanila at humiga na rin matapos ang nightly routines ko. Pero sa unang paghiga ko ay dumulog sila sa aking dalawa.

Mas lumawak pa tuloy ang ngiti ko. "Wag niyo sabihing magtatabi tayong tatlo?" pabiro kong tanong. Pero sa gulat ko ay muling bumangon si Sereena at malakasang itinulak ang kama niya padikit sa akin.

"Oh ayan, kahit gumulong tayong tatlo, kasyang kasya tayo." She said. Dala-dala ang kanya-kanya nilang unan ay pumwesto na sila at napapagitnaan ako. My satin pajamas felt good in my skin. At kahit walang aircon ay ramdam ko ang lamig na para bang nasa 4 seasons akong bansa. Humiga siya ng nakatihaya at may eye mask pa siyang suot na may nakadilat na mata, maloko talaga! Sa kabila ko naman ay si Zoey, hindi kagaya namin ni Sereena na nakatihaya, nakatagilid siya paharap sa'kin. Naka-cotton terno pajamas naman siya. Yung bananas in pajamas at hindi lang yun, pati ang niyayakap niyang unan ay bananas in pajamas din. Don't get me started with her lamps and blanket, obvious na. I gazed at her peaceful face, but I know she's still awake.

"Siguro mas maganda kung may glow in the dark tayong ilalagay sa taas, para may tignan tayo kapag gabi." Hindi ko na mapigilang mag-komento. Nagmulat ng mata si Zoey at humilig sa akin. "Oo nga po. Gusto ko yung mga stars na iba't iba yung kulay. Yung parang magmumukhang galaxy ang tanawin sa harapan." Bahagi niya pa.

"Sa susunod nalang, bibili tayo sa market tapos ikakabit natin sa weekend." halos bulong nalang ni Sereena kasi inaantok na siya. Halos sabay kaming pumikit muli ni Zoey.

Akala ko pa nga ay maninibago ako sa kama at mama-mahay ako ngayong gabi pero naging mahimbing ang tulog ko. Sa amin ay si Zoey ata ang hindi mapakali sa paghiga kaya maya't maya'y tinatapik ko ang hita niya para muli siyang mahimbing. At kahit nagmu-multi task ako kagabi ay masarap pa rin ang tulog ko. Sa sobrang himbing ay halos tanghaliin kami ng gising.

"Tulog pa ba kayo? Gising na! Girls, pinapagising na kayo!"

Halos mapabalikwas ako ng bangon sa sunod sunod na katok sa pinto. Muntikan na pero may nakayapos kasing braso at hita sa katawan ko.

"Saglit lang!" sinigaw ko yun sa pinto, hoping na marinig ng kung sino man. "Buti naman bumangon ka na! Gisingin mo na sila at kakain na! May klase pa tayo!" balik na sigaw ng kung sino man ang nasa pinto tapos umalis na rin.

Ako naman ay sabay na niyugyog sina Sereena at Zoey. Sa pinagpasalamat ko ay mabilis kong nagising si Sereena. Agad kaming naghilamos at nagmumog saka inayos ang higaan namin. Tapos ay hinila ko na si Zoey papunta sa hapag. We settled down and I was relieved to see that there were breakfast already prepared.

"Maupo na kayo at magsikain." utos ni Ate Laureen na nakita kaming kakarating lang. Nakakahiya. Ang iba sa kanila ay gising na gising saka tapos ng maligo.

Agad akong sumandok ng kanin ko. Sa dami namin ay baka maubusan nga talaga kami. Matapos ay si Zoey naman ang kinuhanan ko kasi papikit pikit palang siyang nakaupo sa tabi ko. Hindi ko naman kailangang alalahanin si Sereena kasi siya na ang nag-aasikaso sa sarili niya. Habang kinukuhanan ko si Zoey ng sunny side egg ay nakipag-agawan pa ako ng hotdog para sa kanya. Nasulyapan ko pa si Nico na hindi nalalayo ang itsura kay Zoey. Napailing nalang ako.

Ako pa mismo ang nagpahawak kay Zoey ng kutsara niya. "Sige na, kumain ka na." untag ko pa.

She nodded and started eating. Ganun din ang ginawa ko. Sa pinagpasalamat ko pa ay parang mga waiters na rumuronda sina Sofia at ang mga kasama niya saka tinatanong kami kung anong gusto naming inumin. Wala pang tatlong minuto ay nakahanda na ang kape na hinahanap ko. Coffee completes me. Caffeine energizes and awaken me.

"Dapat iniwan mo na yung unan mo Zoey." Pakli ni Sereena habang kumakain pa rin. Sinulyapan ko ang mga hita ni Zoey kung saan nakalapag ang bananas in pajamas niyang unan. Kaloka, ang batang ito!

Zoey just shrugged her shoulders and continued eating. Even Nico is earnestly drinking her hot Chocolate.

Matapos kumain ay nagsibalik kami sa kwarto. Mabilis akong pumasok sa bathroom at naligo agad. Since Sereena is very open-minded and liberated, it didn't bother her on sharing the bath with Zoey. We only have two luxurious bathrooms. Ako lang mag-isa kasi di ako komportableng may kasabay habang nagsasalitan sila ng ligo sa kabilang cr.

We also avoided the bath tub. It looks so good but I'm afraid it would take me longer if I enjoy it.

Paglabas ko ng cr ay nakita kong may mga wrapped clothes ng plastic na naka-hanger sa kama namin. It's our uniform. May nakasaad pa dun na schedule and sa bawat uniforms, may nakalagay pang pangalan kahit pa nakalapag na yun sa kanya-kanya naming kama.

I picked it up and brought it to my walk-in closet. Sigurado nilagay yun ng isa sa mga kasamahan namin. Hindi pa naman ata namin ni-lock ang pinto kanina. We have different sizes so the school provided or uniforms individually.

I have three dress-like uniforms. The skirt, the inner-shirt, neck-tie, and its blazer. Kulay black ang lahat ng iyon maliban sa neck-tie na kulay puti. White symbolizes the Freshman where we show purity. Kulay sky-blue sa Juniors, Red sa Sophomores at ang kahuli-huling kulay ay silver para sa Seniors.

Iba rin ang gym uniforms namin. We have these gym shorts, super ikli na parang pekpek shorts kung tawagin ni Sereena. Then yung oversized na t-shirt na may print at logo ng academy. Still, black ang shorts at shirt maliban sa kulay puting print ng logo at letterings. Pero sa dulo ng t-shirt at short ay parang may stripe na kulay puti, again, it symbolizes us, freshman's. Lastly, to my relief, may university jacket kami na itim rin at may logo pa rin. This time, wala na siyang stripes.

To my thankfulness, hinahayaan nila kaming mamili ng sapatos. Pwedeng normal school shoes or sneakers. Pero as much as possible, dapat black socks daw.

Dahan dahan kong sinuot ang underwears ko. Then my inner short. Tapos ang strapped sando na suot ko sa loob ng inner shirt ko. Matapos yun ay sinuot ko naman ang top na pormadong sando din sa loob ng mahabang inner polo. Hindi po coat ang pang-labas na suot namin. Its a blazer. Nakapa-ibabaw sa inner shirt namin.

Sunod ay inayos ko ang knee-socks kong itim at ang converse shoes ko na kulay itim. Bumagay siya sa uniform ko. Its black and white design and its normal lenght. Meron kasing medyo mahabang length ng converse at mayroong mababa na hanggang buto lang ng paa, yung sa gilid. The bone that's protruding from the side ankles.

I also fixed my hair. Dahil basa pa ay hindi na ako nag-abalang itali pa yun. Pero hindi ko kinalimutang magdala ng panali. I wore my silver watch that actually matched my uniform and the silver earrings. It's shaped like a heart and diretso pacircle ang lock niya na parang magnet. Hindi masakit sa tenga at di madaling mawala.

After this, I grabbed my prepared school bag. Syempre alam naming diretso klase na agad ang tungo kaya bago pa kami pumasok ay nagsi-bili na kami noon ng sariling school supplies na kailangan.

Paglabas ko ng walk-in closet ay napatingin ako sa mga kasama kong kakalabas lang din.

Pareho ng suot ko si Sereena pero may black collar choker siya sa leeg. Yung right hand niya naman ay may suot na parang gloves na itim. Pero ang kapansin pansin ay ang lacy stockings niya na bumagay sa suot niyang stilleto na itim. She looks so hot and beautiful. She really looks like a mature college HRM student with her heels and aura.

Kabaliktaran ni Zoey. Natural lang itong school girl. Isang may kanipisang pambisig na relo ang suot nito tapos magkapares na hello kitty earrings at necklace na parehong silver. Ang suot niyang medyas ay hindi ganun kahaba pero hindi din ganun kataas. It was above her ankle but lower than her knees. Yung sapatos niya ay yung simpleng makikita mo lagi sa mga middle schooler na black shoes na pang-paaralan talaga. Halos one inch lang ata ang taas. Then her color yellow, Minion school bag. Maybe she's fascinated on cartoons? I noticed that she likes merchandise and accessories of Minion, bananas in pajamas, hello kitty and maybe there's others.

"You look good." Puri ni Sereena kay Zoey. Ang nakababata naman naming roommate ay ngumiti lang. "Ang sexy mo po." Komento naman ni Zoey. Maikli kasi ang skirt namin na kalahati ng hita namin. Kung hindi kami mag-iingat sa pag-upo ay siguradong masisilipan kami nito. At dahil matangkad si Sereena at long legged, mas na-emphasize ng maikling palda ang legs niya.

"You look casual but nice too ate. I like the way you dress." baling naman ni Zoey sa'kin. I only smiled.

Agad ko na silang hinila palabas sa kwarto namin at baka matagalan pa kami. It's 7:23 and 8:00 am ang simula ng klase namin. Maglalakad pa kami papunta sa buildings ng school. Sa laki ba naman kasi ng paaralan eh.

Our mansions are on the lower left side. Then nasa Higher Left ang mismong classrooms and buildings na ginagamit namin.

"Okay na ba? Sino pang hinihintay? Aalis na tayo." I saw Keziah on the sala talking and checking. Napagkasunduan nga pala naming pumasok ng magkakasabay. Well, as much as possible and as much as our schedules would permit us. Good thing is magkakapareho kami lahat ng schedule sa umaga.

After 5 minutes, we are all ready. I found our whole group walking on a stone path which will lead us to the school buildings. Nilalampasan namin ang ibang puno at hindi na pinapasok ang nadadaanang gubat.

While walking together, other freshmen also passed. It really looked like a normal first day of school. Kaba at excitement ang nakikita ko sa iba.

May mga grupo pa nga ng Juniors ang nakasabay namin eh. It looks like they came from the forest. Nag-short cut ata sila doon galing sa mansion nila. Nalaman ko lang ang year nila dahil sa suot nilang neck-tie na kulay sky-blue na litaw sa itim nilang uniporme. I can see everyone wearing the given uniforms. Istrikto pa naman daw ang paaralan pagdating sa attendance, uniform and grades. Punctuality is also important.

When we found the Black Building, we all settled in different seats again. Nahati kami at basta nalang nagsipili ng upuan nila. Nakakapagod pala kasi nasa 3rd floor ang silid namin. Nakakahingal akyatin ang hagdan! Kawawa naman kung sakaling may late at tatakbuhin pa ang hagdan diba?

Finally, natanaw naming nagsipasok na ang iba dahil parating na daw si Ma'am Aleya. The chatterings a while ago died down and turned into murmurs. Unlike other schools, hindi na kailangan ng Flag ceremony dito. But still, of course we have large pole in the middle of the school with the Philippine Flag.

Nagsimula agad si Ma'am Aleya magturo. Our first subject is about literature and such. Kaka-umpisa palang pero napansin ko na agad ang kawalan nila ng energy. Natatanaw ko sa harap ang pangangalumbaba nina Katherine at nina Tyrone. Kasalukuyan namang tulog si Ezekiel at Kazuma. Nilalaro lang nina Desiree at Vivienne ang hawak nilang mga ballpen, kung di ako nagkakamali, parang may mini sword fight sila at ballpen ang gamit na sandata. Dont get me started with the others. Kumakain ulit sina Nico, Shane at Caleb. Nag-aabutan sila ng pagkain at pasimpleng sumusubo. Hindi ko alam pero nagce-cellphone sina Rebecca. Nag-kukwentuhan sina Tracy, Shaira at Bianca.

Busy naman si Sereena sa kaliwa ko na kini-kindatan ang isang Junior na nasa harapang field lang ng building namin. Nakatingala ang lalaki at magka-titig sila. Buti nalang ay abala si Zoey mag-take note sa sinasabi ni Ma'am. Ako naman? Nakikinig din naman pero gumagala ang mata ko sa paligid.

"Pagkatapos ng klase natin ay break time muna. Magsikain kayo. Matapos ang tatlumpong minuto, sa Gym naman tayo para sa Health Examination and Physical Assessment niyo." Nakangiting bilin ni maam at lumabas na siya.

Mabuti nalang at maganda naman ang daloy ng nakaraang subject. Kahit naamoy na ang kinakain nila Caleb ay nagpatay malisya lamang si Ma'am Aleya na patuloy sa pagtuturo. Natawag din ang ilan sa amin para sa konting exchange information sa lessons saka nagka-recitation din pero tinatawag lang ang mga willing na mag-participate.

Nang makalabas sa building namin ay may nakita kaming mga street vendors sa field at sa gilid gilid ng mga buildings. Salamat at akala ko ay kailangan pa namin lakarin ang Market side. Malayo kaya!

Nakuntento na ako sa kinaing sandwich tapos juice. Si Zoey ay nagka-interes sa pinagbebentang tusok tusok sa gilid kasama si Sereena. Mabuti nalang at klase klaseng food truck ang nandito saka food stalls na naka-set up lang sa gilid. Buti nalang talaga kasi mas mabilis.

Nang magtanong pa ako kay Manang na pinagbilhan ko ng sandwich ay madalas sila lahat dito sa Left side ng School bukod sa Market place. Tambay ang mga food stalls and trucks dito para sa estudiyanteng nagmemeryenda. Hanggang alas-sais sila dito tapos babalik daw sila sa Market area. Hindi nila pinaliwanag pero pakiramdam ko, iniiwasan lang nila magabihan dito at madamay sa pagsapit ng Darkest hour.

"Savie, magdala kayo ng tubig bago pumasok sa gym, just in case." bilin sa akin ni Samantha nang madaanan niya ako. Mag-isa ito at siguro pinapasabi lang yun nina Azzie.

As we entered the gym, I exhaled when I saw that kahit may ibang Freshmen kaming kasabayan ay malayo sila sa amin. Sa sobrang lawak ng gym ay may mini-space ng court pang hinati hati. The other sections were far from us but everyone is curious as they take a look at each other.

Pinulong kami at sa kinangwi ko ay nag-umpisa silang kunin ang height at weight namin. Sunod ay pinapila kami para kunan daw ng dugo para i-test, just in case may sakit kami o kung ano. Matapos nun ay nagsimula silang ipagawa sa amin ang kung ano.

Halimbawa, nag-basic plank kami, long jump at high jump. Pinatakbo rin nila kami, 100 meter dash, hexagon jump, sit-ups, push-ups, zipper test. There were timer. Mayroon pa ngang weight lifting. Sa kinatakot ko ay nag-umpisa silang maglaro ng volleyball. Yun daw ang unang sport namin sa ngayon.

Pinaglaro nila kami isa isa at tinignan ang gagawin namin kahit hindi namin alam.

To my horror, isa ako sa unang isinalang. Wala ng usapan pa, diretso laro agad ang nangyari. Sa kabilang team ang iba kong kaklase, halo kami na babae at lalaki.

Tinapik ako ni Katherine na siyang kasama ko sa grupo. Sa kabilang net ay may ibang kagaya ko rin na kabado. "Kaya natin ito!" Katherine said and pumped her fist.

Our other classmates got hyped up too while watching us. Kabila-kabilaan ang cheers at sigawan nila sa amin. Naririnig ko pa ang pang-eencourage ni Desiree sa akin nang isigaw niya ang pangalan ko kanina.

Nag-umpisa ang laro.

Kabilaan ang nangyari at ako? Pakiramdam ko nililipad ako ng hangin. Nagtatakbo sila pero ako lang ata ang nanatiling nakatayo, hindi alam ang gagawin. All I know is that in this side of the court, there were six of us and another six on our opposing team.

"Mine!" sigaw ng isang lalaking nasa gilid ko at natawa ako nang parang nagsquat siya. Naka-posisyon ang kamay niya sa harap at ang pwet niya ay talagang nakapaloob. Halos mamangha ako ng swabeng umangat ang bola sa ere. Sunod ay may sumalo sa bola at hinagis yun.

"Left!" another voice shouted. Pero hindi ko na sila nilingon dahil sinusundan ko lang ng tingin ang bola. Hindi ko mahiwalay ang tingin ko dun.

Halos madapa ako nang may bumangga sa akin."Block!" sigawan ng mga nasa kabilang team. Sa ikinahinayang ko ay naharang ang bola. Bumalik sa amin at halatang babagsak. Hindi man ako maalam sa volleyball pero alam kong kapag naibagsak ang bola s acourt namin ay puntos nila yun.

Pero biglang may nagdive sa mga kasama ko. He extended his hand and the ball was saved. Humagis ulit ito. "Nice follow, Hiro!"

"Sorry, cover for me!" Sigaw ni Hiro na siyang sumalo sa bola. Tapos bigla ulit may nag-squat. Humagis ang bola papunta kay Rafael na parang hinagis ito pataas gamit ang kamay niya. To my Shock, Katherine was there to spike it. Pero nahagis iyon sa team na nakahanda.

"Chance ball!" sigaw ng isang kalaban namin. Ang alam ko ay nag-squat ulit ito at sinalo ang bola. Kagaya dati ay naihagis iyon papunta sa isang teammate nila. Then a person spiked it flawlessly.

Katherine shouted my name along with the others. "Savie! Receive!" sigawan nila.

Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Nakapako lang ang tingin ko sa bola. Sa bolang papalapit sa akin. Halos natulos ako. The next thing I knew, malakas akong napahiga sa sahig, tinamaan ako ng bola sa mukha.

Hilong hilo ako. Nasapo ko ang mukha ko at may nahawakang basa.

"Savie! Ayos ka lang?" Dinaluhan ako ng mga kasama ko. Si Rafael ay agad hinawakan ang ulo ko para tignan iyon. I literally flew in the air. What's worse was after getting hit in the face, I landed on my back and my head. I seriously heard my self say "oomph" as I was sent flying like an anime character.

Halos hindi ako makapagsalita. I can't seem to pick myself up. I feel hazy and my head hurts so bad.

"A-ayos ka lang ba?" Sigaw ni Sereena para sa akin. Nagtatakbo pa si Sofia palapit at saka ko naramdamang may malamig na tuwalyang lumapat sa ulo ko. Inalalayan naman ako ng mga kasama kong umupo. Pero hindi nila ako pinilit tumayo.

"I'm really sorry. Ayos lang ba siya?" That was Ezekiel's voice. So I was hit in the face by him. Damn, sa laki at tangkad niya, no wonder why I feel like I'm super bruised.

Naramdaman kong may umaagos sa ilong ko. I immediately wiped it. Shit nakakahiya naman ito. "Wahaha, dont mind it! Ano ba yan! Tinamaan lang ako sa mukha, na-activate ata ang button para sipunin at uhugin ako!"

I laughed awkwardly. Agad kong tinanggal ang basang tuwalya sa ulo ko para ipunas sa uhog ko. The moment I bowed my head, I saw my fingers and hands. Halos natulos ako nang makita ang tuwalya at kamay ko.

"S-savie, hindi ka inuuhog... Dumudugo ang ilong mo." alinlangang puna ni Vivienne sa akin, isa siya sa mga lumapit na nasa kabilang team.

What the? Halos umikot ang pakiramdam ko. Pati mundo ko. Pero hindi ba at umiikot naman talaga ang mundo?

But never mind that. Because again, seeing blood knocked me unconscious. I'm sure I looked so lame as I fainted after seeing my bloody self.

Ugh.

========================
(End of Chapter 7)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top