Chapter 6

EU CHAPTER 6
Nico Illyana's POV


Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa labas. Dapat nagpapahinga na kami ngayon pero heto, naghihintay kami sa pagbabalik ng ibang kasama namin.

Kahit si Ma'am Aleya ay umalis din kanina eh.

"Maupo muna kayo." Usal ni Akira. She looks calm. Pero nang pasadahan ko siya ng tingin kanina ay napansin ko ang sobrang tense niyang muscles. Ang kamay niyang nakakapit sa bisig ng kapatid niya ay bahagya pang nanginginig.

"Tingin ko, ikaw dapat ang maupo." Si Rex na nakasandal sa pader sa gilid ng sala. He's staring at us calmly. Nilalaro pa ng lalaki ang lighter niya.

Muntik na akong ngumiwi nang matanto ko kung para saan ang metal lighter ng lalaki. He smokes, unfortunately.

"Padating na sila! I can see them!" si Yvonne na pababa sa mahabang hagdan. Mukhang nakita niya sila sa bintana nang magsara siya nun.

Kanina kasi ay nautusan kami lahat na magsarado ng pinto, i-check ang bintana, at ang buong mansion. Miski ilalim ng kama ay hindi nila pinalampas at sinuyod namin lahat. Para siguraduhing hindi kami nalooban. They kinda panicked. We got afraid. That someone might kill us in the middle of our sleep.

"Gather up, guys." Ang salubong na bati sa amin ni Ryker. He's face was scrunched like he just saw something aweful in all of his life.

Nagsisunuran kami at naupo kung saan saka pumwesto sa malapit. Huling pumasok sa mansion sina Silver na agad sinara ang malaking double doors naming pinto. Sa sobrang bigat pa nun ay tig dalawang tao ang nagtulak sa bawat panig niyon. Ganun kabigat. Hindi rin namin maiwasang punahin ang multiple locks na in-activate nila.

"The sophomores are on the move." Ma'am Aleya said. Halatang simula kanina ay hindi na siya natutuwa. Gone was her sweet smile. Napalitan iyon ng galit at walang kangiti-ngiting reaksiyon.

"Ano na pong gagawin natin ngayon?" nasulyapan ko si ate Laureen. Ate, dahil mas matanda siya sakin ng halos apat na taon.

Ma'am Aleya took a seat in front of us. An indication that we will talk long.

"I will try to make our orientation short then we'll start debriefing on this matter. Please listen closely and take in what I will tell you. Raise your hands for any questions, okay?"

Nobody uttered a word. Just simple nods. Halos lahat kami nakatingin lang at nag-aabang.

"First, our subjects. Gaya nga ng sabi ng mga Heads, normal subjects pa rin ang i-tatackle niyo. Walang magbabago dun. Kadalasan, sa classroom natin sa Black Building ang klase. Pero may exceptions gaya ng Computer Room, Lab, Garden area, Experiment Room, Gym and others. You will have different teachers. Most of them will just be civil and professional but avoid interaction because some are cunning. Regarding your combat and physical subjects, may nakatalaga kayong teacher dun. Maaring ma-sort kayo depende sa fighting styles niyo. Pero wag kayong mag-alala. Hindi man ako ang teacher niyo, sasamahan ko pa rin kayo as an observer." She said.

"Bukod sa subjects, may extra curricular activities din kayo na dagdag points. Aside from that, the people you will get acquainted will be your assets. Pwedeng popularity, protection, and comrades even from different years and class. Gaya sa normal na paaralan, may clubs tayo dito. Everyone is required to join. Sport clubs, Reading, movies or any interest and hobby that can be created as a club. Even Gangs, Sororities and Pacts are allowed here. So as much as possible, socialize and interact to gather allies. However,be wary and dont give your trust easily. Club recruiting will start next week but anyone can join the club they want after 3 days." Pagpapatuloy ni Ma'am. Hindi na namin siya inistorbo at hinayaan siyanv magpatuloy.

"We also need to settle your abilities and responsibilities. May tinatawag tayong Daily Task kung saan may ipapagawa ang system ng school. Isesend yun sa inyo sa kahit anong paraan. You can be notified in your Student phone, a letter, or by a teacher. Successful in doing the daily tasks can be rewarded by points or any valuable items. However, failing to do so have penalty or punishment. I don't need to elaborate anymore. Kaya lagi kayong magsabi sa mga housemates niyo para makahingi ng tulong at makagawa ng task. I guess that's it for the orientation since nauna ko na kayong nakausap tungkol sa ID and Student phone niyo." Mahabang salagsay ni Ma'am.

Just listening to it makes me tired. Hindi ba nauhaw si Maam sa sinabi niya? Huwew.

Ezekiel raised his hand languidly. "How about the matter a while ago."

Natahimik kami sa sinabi niya. My gosh, Ezekiel, I mean kuya! How could he say that casually? Buti nalang walang iniinom si Ma'am kung hindi ay baka nasamid na siya.

"About that.. Kayelin's body was taken by a janitor. Wala akong nagawa ng sapilitan nilang kinuha ang bangkay niya. We didn't even got the chance to bury her. Pero, kahit noon pa man ay laging kinukuha ng janitor o kung sino man ang mga bangkay. Hindi na namin yun nakikita." Halos bulong na sambit ng guro.

Parang nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni maam. Naiisip ko palang na baka kung saan lang nila tinatambak ang mga bangkay ay... Yieee! Nangangaligkig ako!

I grabbed Chalamity's arm and hugged it. Parang koala akong lumambitin at kumapit sa braso niya. Pero ang babae ay wala man lang ekspresyon na nanatiling nakikinig kay Ma'am Aleya. Parang hindi siya apektado.

"Siguro oras na para pagplanuhan ang hakbang na gagawin natin laban sa mga Sophomores." pikit matang hayag ni Adrian. Nakikita ko pa ang naka-benda niyang mga kamao dahil sa nangyari kaninang madaling araw pero heto na naman sila at mukhang naghahanap ng away.

"I agree. Start your plan. Defense should be your priority as of now. But don't provoke them as much as possible." Pagbibigay komento rin ni Ma'am. Nakikinig lang siya sa talakayan namin.

Even Desiree nodded. "Tama. Although we avoid fights, we should show them that we are not pushovers. Make them see our claws."

"Uhuh." ang tanging gagad ni Zaine. Doon ko lang napansin na siya pala ang nakasalampak sa baba ng sofa'ng kinauupuan ko.

"What happened a while ago, should never occur again." Silver said.

"It's a mistake, never to be repeated. Starting today, magtatalaga tayo ng makakasama niyo lagi." Azzie also noted. Halatang hindi siya nasisiyahan sa nangyari kanina.

Sumunod na nangyari ay nag-usap kami lahat tungkol sa schedules namin at mga classes. Halos masuka pa ako sa takot nang makita na may klase akong magtatapos ng 10:30 sa gabi! That's already the start of the Darkest Hour!

"Tandaan niyo ang mga kalapit niyo ng schedules. Don't wander around alone. Kahit dalawa pa kayo o tatlo. Make sure madami kayo. Lahat din tayo may mga late classes. Ang magkakalapit ng classroom ay magsabay na sa pag-uwi. Huwag niyong hayaan na maiwan kayo. The Darkest Hour starts at 10 and some of us have classes beyond it. Make sure to be prepared." Azzie added. Sa katabi niya ay nakikinig si Keziah at tumatango pa.

"How about the Sophomores? Yung salarin." Bernadette bawled. Her voice laced with anger. I don't even need to check the others. Just by mentioning what happened, our eyes reflected the same anger she had.

"Oh, dont worry about them. Babawi tayo sa kanila soon. I got some names up because of Savie. We will lie low for the meantime." She quipped, shrugging.

"Palipasin muna natin ang oras." Dagdag pa ni Xiuh na nakikinig.

"Calm. Wait for the right time. When the prey gets comfy, that's when the hunter strikes." Si Travis naman iyon.

Seryosong seryoso kaming nakikinig sa pagpapalitan nila nang salita. Pero may naamoy kami. A familiar scent I have known my whole life. Unti unti iyong kumalat sa buong sala at naagaw ang atensiyon ng lahat. Nanaig ang katahimikan dahil nag-focus na kami sa amoy.

Sunod ay narinig namin ang pagtunog ng mga plastic na parang ipinasada sa styrofoam. Then a chewing and gulping sound. Nagpatuloy lang yun. Oblivious to the things around it.

Nang makonpirma ko asan yun nagmumula ay agad akong lumingon sa likod namin lahat. At mukhang hindi lang ako ang nag-iisang tumingin.

Natigil sa pagkain si Zoey at Savie kasama sila Sereena, Shane at Caleb na nakiki-kagat din ng burger saka dumadampot ng fries.

Zoey had her spoon inside her mouth while looking at us. Savie looked so horrible being still. Naka-awang ang bibig niya at naka-posisyon ang kamay niya na animo'y susubo sa kutsarang naka-umang sa bibig niya.

Sereena was chewing, nakayuko ito at dikit ang mata sa kinakain. Caleb looks hilariously terrible with smudge sauce of Spaghetti and french fries.

Sa huli, si Shane ang bumasag sa titigang nagaganap sa amin na audience nila. Kasalukuyang umiinom nang coke ang lalaki nang mabilaukan siya.

Hinampas ni Shane ang dibdib niya. Sunod ay umagos ang coke at iba pang pagkain sa ilong niya.

"Ewe."

Dali daling tinakpan ng lalaki ang ilong at nagtatakbo sa lababo. Nakasunod sina Zoey at Caleb na may dampot pang tissue habang inaalalayan ang lalaki.

"Looks like it went down the wrong pipe." Balewalang komento lang ni Drake.

"It looked like it hurt." Walang emosyong sabi ng katabi ko na titig na titig kay Shane. Hiyang hiya ang lalaki. Pero mukhang mas nangingibabaw ang sakit sa nangyayari sa ilong at esophagus niya. Parang may nose bleed ang lalaki pero coke nga lang ang lumalabas. Like, sumusuka siya pero sa ilong lumalabas.

"Kadiri!" maarteng asik ni Bianca.

"Pero kawawa naman. Masakit yun panigurado." si Charlotte na nirarasunan si Shane.

Pero kapansin pansin ang panghihinayang ni Krystal. She was looking at the styro'd Jollibee. Oo ang sikat na bubuyog na commercial ang kinakain nila. Kaya ko nasabing nakalak'han ko dahil halos simula noon ay jollibee na ang favorite fastfood ko.

I mean, what child didn't grow up with jollibee? Naalala ko pa noon na may membership card pa nga ako ng Jollibee noon eh. Loyal costumer kaya ako. At nasisiguro kong sa amin na nandito ay hindi ako nag-iisa. Madaming nanggaling sa middle class family ang narito na malamang sa alamang ay naging paborito din noon si Jollibee the red bubuyog.

Pero kailanman ay hindi ko na maiwaglit yung imahe kanina ni Shane na may coke na umaagos palabas ng ilong niya.

Yiieeeehhh! Table manners kasi eh!

Napailing nalang si Chalamity Snow sa tabi ko. "Kung ayaw mong mangyari yan sayo, huwag kang maging masiba." She told me pa. Pero alanganin nalang akong napangiti. Ayaw ko naman na mangyari yun sa'kin.

"Ayan, mga buraot kasi kayo." untag ni Keziah. Si Azzie naman ay napailing nalang sa nasaksihan habang si Ma'am Aleya kasama ang ibang kaklase namin ay napabunghalit na sa tawa.

Papalo palo at hampas sa ere pa si Ma'am habang tumatawa. "Hah, tama na yan at baka karmahin din tayo! Mabuti pa at magsikain nalang!" siya.

Naramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Just by the mention of food made me aware of my rumbling tummy.

Sumugod ako sa mesang may nakahandang pagkain. Hindi ako nag-iisa. May mga kasabayan pa ako. May sumigaw sa amin. Like a battlecry, we charged the dining table.

What can I say? Isa din akong buraot. A proud buraot.

... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ...

Ang sakit ng tiyan ko (╥﹏╥)

Sumama ata yung tiyan ko pagkatapos ko kumain. Huhu!

"Ugh..." ako.

Pinagpapawisan na ako. Humihilab yung tiyan ko... Parang tubig na ata nilalabas ko. Jusko! Ang sakit!

Halos umungot ako. Nagpunas ako ng pawis gamit yung toilet paper. I groaned again. Sinapo ko yung tiyan ko. Namilipit yung paa ko. Kahit ang mukha ko nalukot, at yun, umungot ulit ako.

Nang magbawas ulit ako, hinihingal na ako sa sobrang sakit. Ang sakit talaga! Halos maiyak na ako. Kayo readers, nasubukan niyo na ba magka-LBM? Or kahit anong klase ng nagtatae? As in?

Kase ako, oo. At ang sakit!

Habang nagpu-push ako eh may kumatok. "Nico, ayos ka lang ba? Kinuhanan ka na ni Chalamity ng loperamide!" sigaw ni ate Yvonne.

"Kaya ko pa! Lalabas na ako mamaya!" sigaw ko pabalik. Pero nang natae ulit ako ay naitakip ko yung kamay ko sa bibig ko nang impit ako napasigaw.

Pinaparusahan ba ako? Ang sakit naman, lord! Tama na po!

"May nangyayari sa labas tara!" parang narinig kong sigaw ng isang lalaki na biglang sumilip sa kwarto namin.

Ha? Anong nangyayari sa labas?

Ano ba naman yan! Bwisit na tiyan! Kawawang pwet ko! Pero hindi ko mumurahin yung kinain ko! Hindi ako nagsisisi! Mamamatay akong busog at satisfied, masaya na ako! Kasibaan ko talaga! Huhu!

"Nag-aamok ng away ang mga Sophomores at Juniors! Tara na!" mas malinaw kong narinig ang boses. Si Mikael Chance pala yun! At naririnig ko rin si Tyrone, yung pinsan ni Yvonne.

"Mamaya na kami! Hindi pwedeng iwan mag-isa si Nico!" tanggi ni Ate Yvonne. Naalala ko tuloy yung insidente kanina sa cr. Mukhang talagang nagtatanda na kami lahat.

Pero saglit! Humihilab pa tiyan ko! Ngumiwi ako at nanlalatang umabot ng tissue.

I wiped my bum and stood. Medyo nanlalambot pa ang paa ko pagkatapos ng nakakadiring kaganapan sa cr. I pushed the flush button. Halos gumapang na ako palabas ng cr pero hindi ko kinalimutang maghugas ng kamay.

"Saglet... Hintayin niyo ako!" Parang bulong nalang ang nagawa ko nang nakaluhod akong gumapang palabas sa pinto ng cr. Pero imbis na tuwa ay sigawan ang umalingawngaw sa kwarto namin.

Ang una kong nakita ay si Shane na nasa pinto mismo namin. He shuddered then released a powerful scream. Halos hindi ako naka-react lalo pa nang maramdaman kong may tumama sa akin.

"Hala wag!" Sigaw din ni Thea na nakakita sa nangyari. Ps, nag-aayos siya ng gamit para lumipat sa binakanteng kama ni.. ni Ate Kayelin. 21 na kasi siya, halos 5 years ang gap namin.

Sa sobrang hilo at kawalan ng lakas ay plakda akong bumagsak sa sahig. Nakadapa ako at sumubsob ang mukha ko. Halos maiyak na ako, bakit andaming mapanakit? Bakit naging battered character ata ako?

Sunod ay si Chalamity na hinawakan ako para itayo... Grabe naman sila! Narinig ko pa si Yvonne na hinahampas si Mikael Chance at Tyrone na siyang nagbato ng unan at ang masakit ay isang leather bag sa ulo at likod ko kasama na ang batok. Tinamaan ako sa ulo ng unan kaya sumubsob ako kanina. Pero ang masakit talaga ay yung full force na bag na gumulong ata sa likod ko.

"Bakit niyo siya binato!" Reklamo ni Yvonne saka hinampas ulit ang mga lalaki.

Mag-aaway pa sana sila pero nakarinig ako ng sigawang nag-aaway tapos may nakita akong lumilipad na itlog sa labas. Hala, sayang yung pagkain!

I pushed my self to stand up. Tapos tumakbo ako palabas ng kwarto saka nagsisigaw. "Gusto ko rin makita! Anong nangyayari?!"

Nang makita ang kumpulan sa sala namin ay nagsumiksik ako na parang sardinas sa dagat ng tao. Wala lang, gusto ko makichismis eh.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa katabi ko na coincidentally ay si Xiuh, katabi ko lang din ng kwarto. We're basically housemates and magkapitbahay ng kwarto.

"May nambabato ng mga itlog at kamatis sa atin. Bukod dun ay may sumubok akyatin ang kwarto nila Desiree." Sagot niya.

"I heard may nanilip daw sa kanila eh, sakto pa namang nagbibihis sila." Dugtong ni Bianca. Katabi naman niya ng kwarto sina Desiree kaya alam niya.

"Anong gagawin natin?" tanong ni ate Laureen na nasa gilid din. Pero mas naagaw ang atensiyon namin sa sigaw ng mga chismosong kasama namin.

Winawagayway pa ni Luke ang kamay niya habang nakahinto sa gitna ng daan saka kami sinigawan at tinawag. "Hoy, sa taas tayo! Makinood tayo sa 3rd floor sa nangyayari sa kabilang mga mansion!"

Syempre, curious at chismoso kami kaya sinunod namin ang sinabi niya. Halos lahat kami nagsitakbo paakyat. Sumama nga rin ako eh pero nakasagap ako ng chika kaya huminto ako sa 2nd floor.

"Walang lalabas sa atin." rinig ko na boses ni Sofia? Parang kay sofia. Sumilip ako para maki-chika.

"Did you guys do a double or even triple check for the locks?" Pagtatanong ni Keziah. Tumango naman sina Silver.

"I got it handled. After school, uumpisahan na agad natin gumawa ng retractable grills and security alarms." I saw Akiro without his sister. May hawak itong tablet at parang may ni-note down siya? I don't really know.

Sa kumpol nila ay nakita ko namang nag-angat ng kamay si Zaine at Adrian. "Tell us the needed materials and supplies. We'll gather and provide it. Kung wala dito, gagawan namin ng paraan at isusubatsa." aniya nila. My mouth formed an 'O' shape to what I'm hearing.

"That can be illegal. We can get caught." a hushed voice denoted. It was Krystal. Wait, when did she joined these serious group? Mas lumapit na ako para marinig ang pinag-uusapan nila.

Sa harap ay nakita ko sila. Napangisi si Silver Gray at tumaas naman ang sulok ng labi ni Azzie.

"It's void from the rules. Wala tayong nilabag at matatakasan natin yun. Doing these can be part of the rules of survival." Azzie remarked with confidence. I also nodded, she have a point.

"We can contest it to the headmasters at headmistress. We can get away." Zaine concluded. I agreed.

All the while, Azzie and Silver was smiling. Na para bang alam na nila ang ginagawa. "Don't worry too much. Uutakan at uutakan natin ang lahat. Even if they're the teachers, students or the Head." Azmarie assured us.

"Anyway, dapat bumalik na kayo dun. Our whole class won't mind what's happening. But other people may speculate this team for something clever. Hindi dapat kayo masyadong nagsasama lagi. Break this up and blend in with the crowd." I added. Dahil sa pagsulpot ko ay napatingin sila sa'kin na parang gulat na gulat.

I looked at them and smiled. "What? It's just me, Nico."

Napahinga sila ng maluwag. "Tara na nga sa itaas!" Luke retorted. Mas nauna itong maglakad na nakapamulsa. Sinundan ko naman ito ng tingin.

Tapos syempre umakyat na din ako. Tutal mukhang tapos na sila mag-usap, aalis na rin ako. Wala ng chismis eh. Saka nasa taas yung mas interesting na happening. Hindi ko yun dapat ma-miss.

Pag-akyat ko sa 3rd floor ay nakisilip na ako sa mga bintana. Nakakita ako ng mga naka-itim. Yung ulo nila or mukha ay natatakpan or balot ng panyo, mask etc. Pero hindi yun ang kina-gulat ko. It's like, they're ransacking the other freshman's! Yung kagaya namin na katabing mansion lang! Oh may gherd!

Napa-o pa yung bibig ko nang makitang may nagtalsikang dugo sa 3rd floor nila. Sa fourth floor naman ay may nakita akong nagtalunang grupo saka nagtatakbo palayo na hindi naman hinabol. Magkakasama siguro sila sa isang kuwarto.

I gasped as I observe the unknown people behind those masks. They're raiding the mansion. Pero pili lang ang pinapatay nila na para bang may target sila. Nakakapanghinayang din na makitang walang ginagawa ang iba nilang kaklase at tila ba'y nagtatago rin sila sa kani-kanilang mga kuwarto.

"How could they just leave them be? How can they let their classmates die?" Naibulong ko.

Pero tinapik ni Bianca, I mean, ate Bianca, ang ulo ko. "They're divided. Hindi sila nagkakaisa. Kulang sila sa pagkakaisa at teamwork." biglang sagot niya sa akin. Pero hindi naman iyon konektado sa tanong ko ah?

"If they can't even organize and help each other, how can we work with them? We don't build an alliance with people who can't work together. Tandaan mo Nico, nakataya ang buhay natin. They can ruin our teamwork if they are like that." Seryosong paliwanag ni Stephen sa akin. Nakatayo lang siya at nanonood sa kanila.

I bit my lip. "So hindi natin sila tutulungan?" I probed. To my surprise, everyone nodded. "Pero, paano sila?" hindi ko mapigilang dugtungan ang tanong ko. Me and my madaldal na mouth!

"They should get by alone. No one expects to help them and we should not expect anyone to help us. That's the purpose of the entrance exam, to make us realize that we will survive with our own skills. If you are not capable of fighting, then you die." Rebecca said knowingly. She even stared at me, but her eyes are cold.

Napahinga ako ng malalim at tahimik na nanood na lamang. Pinanood ko kung paano ginilitan ng isang nakaitim ang kawawang babaeng may yakap na teddy bear. She looks younger than me, younger than Zoey! My heart ached as I saw her limp body fall and create a pool of blood. At kahit hindi ako lumapit, alam kong unti unti na siyang namamatay.

Tumalikod na ako sa tanawin nang hindi ko na kayanin. Aalis na sana ako pero may humawak sa braso ko. "Don't run away. Dont avoid the truth. No turning back. This is reality and you need to accept this." mariin ang titig ni Travis nang lingunin ko siya.

Nangilabot ako sa sinabi niya. I gulped. "I know and I accept this." I tried to fight his stare. Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Tanggap mo na? But you need to get accustomed to this too. You will see this. Hindi pwedeng ganito ka palagi." He said. Malaman ang sinasabi niya at alam kong para yun sa ikabubuti ko. Hindi lang siya. Ganun din ang pinaparating nina Ate Bianca, Stephen at Rebecca nang magsalita sila. They're doing these for my own good.

I sighed heavily. Wala na akong maisagot. Hindi lang yun. Ramdam ko rin ang titig ng ibang kasama namin. I'm gathering attention. Hindi magandang nabibigyan ako ng special treatment at napagsasabihan pa.

"Tama na. Alam niya na yun. She can deal with this on her own and she doesn't have to be alone, sasamahan ko siya." Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at tabihan ako sa pagkakatayo.

Ang hindi ko matagalang tingin nila ay sinalubong ni Chalamity Snow. She gave them her Ice cold freezing stare. Saka niya ako hinila paalis doon at papunta sa kwarto namin.

"Halika na. Matutulog na tayo." pagsasalita niyang muli habang hila ako sa kamay. I know I should be happy that Chalamity Snow us expanding her energy and talking to me but that didn't make me feel any better. Kasi alam kong nagsasalita siya para sa akin. Ginagawa niya ito para sa'kin. And I'm not one bit happy na kailangan nila akong kausapin kasi aware ako sa sarili ko. Alam kong bini-baby ako sa sarili kong bahay at sa dati kong school. Pero wala na ako sa dati kong buhay.

Nasa reality na ako. Ang masama pa dun, sinapak na ako ni Reality sa mukha na hindi totoong ang buhay ay puro sunshine and rainbows lang. Kasi ngayon, for the first time in my life, nararamdaman kong maging unwanted. Wala ng nangso-spoil sa akin. At halatang hindi na ako ang favorite ng bagong mundong ginagalawan ko.

Luck is not on my side now and I don't know when will I get it back.

Humiga ako sa kamang para sakin at binalot ang kumot sa katawan ko. Pati na ang paa ko para masiguradong walang monsters na hahawak at hihila dun kapag mahimbing na ang tulog ko.

May hinihintay pa ang katawan ko pero pinilit kong ipikit ang mata ko. Panibagong paalala na naman sa buhay ko na hindi ito yung kinagisnan ko. I need to sleep now. Kasi wala namang maghahatid ng milk sa'kin at ipe-pet ang pwet ko para antukin ako.

Alam kong pagod ang katawan ko kaya hindi na ako nahirapang matulog. Pero alam ko, kahit nakapikit ako. Ramdam ko yung mainit na butil ng luhang tumakas sa nakapikit kong mata.

========================
(End of Chapter 6)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top