Chapter 4
EU Chapter 4:
Nico Illyana Yazawa's POV
Nagkatinginan kami lahat bago nagsilapitan sa isa't isa. Hindi sinasadyang napalingon ako sa pinakalikod namin. Nakita ko tuloy yung babaeng humila sa akin kanina. Napangiti ako, I should say my thanks to her since I forgot earlier. Binagalan ko ang aking paglalakad hanggang sa napag-iwanan na ako ng mga kasabayan ko at tuluyan kaming nagpang-abot ng babae. Tinanguan niya lang ako at sinabayan.
"Uhh... Thanks nga pala sa ginawa mo kanina." saad ko pa sa kaniya. Aba hindi naman ganun kakapal ang mukha ko noh. Nakakahiya kaya ang nangyari kanina. (~.~) haist.
She mumbled a soft 'welcome' that made me pout. Ano ba yan. Ang ikli ng sagot ah. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat eh yung napapanisan ako ng laway sa sobrang katahimikan.
Ano nga pala yung pangalan niya? Nabasa ko yun kanina eh. Tsk. Ang ulyanin ko talaga.
"I'm Illyana, Illya for short. Ikaw?" panimula ko. Ang awkward naman nito. Tahimik much lang teh? Mukha pa naman siyang cold at snob. In fairness, nag cool ng dating niya.
"Chalamity Snow." maikli niya lang na sagot sa akin. Medyo nahiya naman ako ng slight kasi ako lang ata yung nag-iingay. Tahimik lang kasi lahat habang naglalakad, sinusundan nila yung mga nangunguna sa'ming may dalang map. Malaki talaga siguro ang school na ito noh to the point na kailangan pa ng map para hindi maligaw. Halos half kilometer din ang agwat ng bawat building eh. So spacious. Baka adik sa space yung nagpagawa ng school hehe.
Ang ibang parte ng lugar ay walang lamp post, kung meron man ay papatay-patay naman ang ibang ilaw. May iilan ding matatayog na puno at mga bushes or flowers. I can also clearly see na pwede itong pagtaguan sa gabi lalo na at madilim saka bihira lang ang lamp post kaya tiyak na sinadya ang mga ganitong lugar, though delikado pa rin sa labas magtago. Kung sa umaga naman ay talagang maganda pagmasdan kasi halos puno iyon ng makukulay na bulaklak na magaan sa mata at relaxing.
I can't help but imagine those flowers and bushes stained with blood.... I... I-i..... I cant imagine it. (T_T) sayang yung ganda nila.
"Hey, andito na tayo. Ayos ka lang ba?" napamulat ako nang marinig si Chalamity sa aking tabi. The next thing I knew, she was already holding me close, with her hand resting on my shoulder.
"Ha?" I absent mindedly asked.
"I said, we're here. Let's just go." Sabi pa niya. Nagpahila nalang ako sa kaniya. Doon ko napansin na nasa isang 3-storey house kami. I bet this is where we will live.
Malaki, nice nice. Sa bungad ng first floor ay isang malawak na sala at mini Chandelier na nakadisenyo sa taas. Ang lalaki ng mga couch at sobrang lambot. Andami pa, tiyak na kasya kami lahat. Sa left side ay may napakahabang dining table na parang yung nasa mga royal family or sa movies ng mga pang mayaman. Malaki din yung Kitchen Area na kumpleto sa mga supplies at equipments. Sa may gilid naman ay dalawang cr, then laundry area complete with automatic dryer.
Nag-gather kaming lahat sa sala according to someone pagkatapos namin magtititingin sa first floor. Buti nalang at carpeted ang nakapaligid sa sala kaya may ibang sumalampak lang ng upo. Patingin tingin lang kami sa bahay at sinusulyapan ang isang parang grand staircase.
Susko... Ke-laking bahay nakakatakot ihh.. Buti nalang hindi ito antique. May kwento pa naman noon na ang mga antique daw na bahay ay tinitirhan ng mga multo. Lol.
"Hello everyone!! I'm Princess Azmarie Zamora. Just call me Azzie, age 19. Dahil mukhang walang gusto magstep up sa atin ay ako nalang muna ang mamumuno for the mean time. Alam kong mahirap ang nangyayari ngayon. Siguro loading palang sa inyo ang mga kaganapan pero wala na tayong magagawa. Nandito na tayo eh. Gaya nga ng sabi nila, there's no turning back. We need to survive and the best thing we should do is Act as One. Dapat may teamwork tayo. Not just an alliance. We are a family starting today after all so let's help each other." saad ng babae. Dahil sa kaniyang sinabi ay nabuhayan ng loob ang iba naming kasama na halatang nag-aalala sa mga nangyayari.
Naagaw ang atensiyon naming lahat sa babaeng pumalakpak ng tatlong beses na para bang kinukuha ang atensiyon namin. Let's all call her Azzie according to her din naman.
I don't know pero lahat kami napatango sa kaniyang sinabi. Halos lahat sa amin ay nagkatinginan at unconsciously, napangiti nalang sa isa't isa. Waaaahhh her leadership is good. Azzie is convincing and believable for some reason. Makikita talaga sa mata niya ang sense of responsibility and sincerity. Also, nararamdaman kong mapagkakatiwalaan siya.
"And since family na tayo, icheck natin ang kung sino pa ang wala. I will announce the name, whoever I mention will tell us about his/her self. This is our getting to know stage." - Azzie.
She takes a look at the folder she's holding. "First up, Akiro Natsumi Adachi." Dugtong pa niya.
Whoaaaaa.... Cool name! Mukhang may lahi ang lalaki. Tumayo siya at pagkakita ko palang ay alam kong foreigner siguro. His name sounds like those that came from the anime Im addicted to. Ang singkit ng mata. Matangkad at medyo may konting muscle kahit payat siya. Typical japanese or korean boy.
"Ah, call me Akiro. 20, half Filipino and half Japanese. Im good at deciphering codes and techies." Akiro daw. Nagkamot ng ulo yung lalaki at agad na naupo.
Ang galeng! Codes daw oh. Nakaka-dugo kaya yun ng ilong.
>_>
<_<
"Hmm... Mukhang kukulangin tayo sa oras. Let's just get to know the names nalang muna. Raise your hand then stand up nalang para makita namin ang mga pagmumukha niyo." - Azzie. Nakangiti siya habang nakatayo na binubuklat ang folder namin.
"Also, you. Kung tatayo ka, sa may gilid nalang kuya. Kawawa naman yung babaeng halos maging giraffe na sa kakandahaba ng leeg makita lang yung nasa harap." Saway ni Azzie.
"Ay sorry. Sige uupo nalang ako." A tall man said. Sumalampak nga siya sa Carpet na ginaya ng iba. Malinis naman eh tapos tinanggal rin namin ang mga sapatos namin kanina.
Wew, so much for being tall. 6 footer si kuya eh.
Ayun at isa isa na nga kaming tinawag. So far ay maayos naman ang lahat. Kompleto naman kami.
"That's all of us now." - Sabi pa ni Azzie matapos tawagin lahat ng pangalan.
Hmm, andami namin ah. Pero I'm sure na hindi naman kami lahat mabubuhay. Mauubos kami. Pero di ako pwedeng mamatay. I'll make sure to stand on the winning side.
"Pansin ko lang, madami sa atin ang magkaka-apelyedo ah. Yung totoo? Magkapamilya kayo?" Savannah asked. Ewan ko kung yun ba talaga ang pangalan niya. Anyway, pareho pala kami ng iniisip in fairness.
"Akiro is my older brother. Call me Kira guys." Saad ng babaeng all smiles. May bondage siya sa noo na halata masyado. Parang normal na nga sa kaniya ang nangyari. But we don't know. Pangiti-ngiti lang siguro siya but deep inside ay natatakot din siya gaya ko.
"Me and nathan are twins. Call us Nathan and Ethan. Although he is just 3 minutes and 40 seconds older than me, he is still the eldest." Ethan stated.
Wow they really look alike. Identical twins. Good thing nakikilala sila agad dahil sa magkaiba nilang hair color. Ethan's hair is black as coal while Nathan's hair is Brunette. Pareho silang may brown tantalizing eyes. Cool, gwapo nga nila eh.
Correction lang. Hindi ito pagiging malandi. Marunong lang talaga ako maka-appreciate ng gwapo.
"Wow. How about you Tyrone? Same family name din kasi kayo ni Yvonne eh." Hmm what's her name again? Cyrene? Mylene? Selene? Basta sounds like that. Pero tama siya, pareho nga sila ng family name.
"I'm not actually sure but sa pagkakaalam ko kasi ay di kami related. Maybe she's a far relative?" Tyrone. He have this boyish grin like he's planning something bad. All in all, gwapo rin itong si Tyrone. Although lahat kami ay gwapo at maganda. Wala naman kasing pangit sa amin dito eh.
"You dummy! I was just away for a couple of years and now you're telling me you don't have any idea who I am?! Is this how you welcome your dearest cousin, Klein?" - Yvonne.
Grabe antaray ni ate, abot hanggang langit ang kilay sa sobrang taas.
"What the hell? Kate, is that you?" Gulat na gulat si koya oh. Mukhang may reunion pa atang magaganap eh. Anyway, if looks could kill, baka matagal ng bumulagta si Tyrone sa sobrang sama ng tingin ni Yvonne sa kaniya.
Ang tawag nga pala nila sa isa't isa ay ang second name nila. Klein from Tyrone Klein Chua and Kate from Yvonne Kate Chua.
"Tch. Obvious ba? Malamang ako 'to. Tita Tyra told me that we are both studying in the same school." - Yvonne.
Hay naku, kaloka sila. Ano naman daw ang ganap namin dito? Dakilang audience?
"Prrrrrrrttttttt" - Whistle ni Azmarie. Whistle yan ah, whistle! Sound effects sana. Sorry wala kasing budget si author eh.
"Okay, that's enough. Pag-usapan na natin ang mga rules ng school and syempre maglagay na din tayo ng rules sa bahay. Gusto ko rin sana ayusin ang schedule natin." Azmarie continued. Ang cute ng name niya. She really have that president and leader-like aura.
"Oki guys, we heard her. Let's start on the school rules. Obeying them and following their orders can be a little tricky but we can oblige. Now, the part on protecting ourselves will be hard. It would be us against the other section and the higher batch. As of now, there are 50 of us. I would like to know your strengths and weaknesses." His name is Silver Gray. Weird name but he told us to call him Silver. He can really be of help on Azzie. He also have that air in him that's like telling us to listen. He can be our Vice President.
"I like that.. I'm Stephen. I'm good at handling close combats. I practiced on hand to hand combats and I also took some self defense training. Im kind of bad at any brainy tests." His name is Stephen Michael De Guzman.
Matangkad siya and yung built ng body niya ay sobrang kapansin-pansin. He's very tall. Nagsusumigaw ang mga muscles niya sa braso at kamay. Obvious na obvious ang pagiging talented niya sa suntukan.
Nagtanguan lang kami lahat as a sign of response. Tapos next na agad.
"My brother and I are both good at technology especially in Computer stuffs. We know how to hack and all those computer geeks thing. We are both good in sports and nagma-martial arts training kami. My brother is afraid of heights while I'm afraid of high level water." Kira said. As usual ay tahimik lang ang kuya niya na katabi niyang nakaupo.
"Call me Savie. A nickname from Savannah Marie. I'm bad at any combat related stuff. But I'm a member of the Track and Field. Im also skilled in Cooking. I'm claustrophobic so please help me." Kyaaaahhhhh she's so adorable. She looks very shy.
"That's great Savie! I also love to cook so Im expecting that we can help each other in the kitchen. I'm Desiree everyone. Not desire but desiri. I learned taekwondo when I was 8. I'm willing to lend my strength and help anyone. I'm a black belter. I can use Arnis and Martial arts stick. I'm afraid of reptiles especially snakes." - Desiree.
Desiree Allyanah Fuentes. To be honest, akala ko ay puro ganda lang siya kanina at daldal. But now, I can clearly see how confident she is with her mastery.
"That's pretty good. I'm Ryuu. Also a taekwondo black belter but I excel in using guns. I'm also bad at mind games." Ryker Ryuu. Sana all marunong sa Taekwondo.
"Anyway, to make things shorter let's sum it up." RJ or Rafael John. Medyo may pagka-mainipin si Kuya.
"Someone will tell their specializations and if you guys are the same, just raise your hands. I'll start. Hmm, basic self Defense training?" Xiuh said and we raised our hands. Kasama ako.
Madami dami rin pala kami.
Ang nagtaas ng kamay ay kami nina Xiuh, Akiro, Akira, Zaine, Ryuu, Drake, Chance, Caleb, RJ, Hiro, Ethan, Nathan, Tyrone, Shane, Karen, Vivien, Chalamity at Azzie. Halos puro lalaki. Sabagay, most school and organizations offer a basic self defense training. Even on symposiums, they really utilize it.
"How about taekwondo?" - Andrei.
Ang nagtaas lang ng kamay ay sina Ethan, Nathan, Ryuu, Serene, Desiree at Stephen.
"Judo?" This time ay nagtaas ng kamay sina Travis, Zaine, Drake, Xiuh, even Serene and Ziah.
"Aikido?" - Karen. Nagtaas naman ng kamay si Laureen at Caleb.
"Taichi?" Riyosuke. Sadly walang nagtaas ng kamay. Ryuu and Riyosuke are different people.
"Spear? Glaive? Scythe? Anything long and pointed?" Si Hiro, Luke, Sam, at Azmarie lang ang nagtaas ng kamay sa kanila.
"Hand to hand Combats? Boxing?"
This time, halos lahat ng lalaki ay nagtaas ng kamay habang sina Azzie, Karen, Desiree, Katherine at Rebecca lang ang mga babaeng nakitaas ng kamay.
Marunong sumuntok si Rebecca? Oh hindi halata.
"Bow and arrows?" I asked. Nagtaas ako ng kamay kasama si Zoey. Hmm, mukhang kami lang ang marunong ah.
"Any daggers, knife, sai user?" Si Troy kasama sina RJ at Ezekiel ang natatanging nagtaas. Hay I'm worried.
" Katanas and swords?" Chalamity asked. Wow himala oh. Nagsalita siya. Akala ko tatahimik lang siya sa tabi ko the whole time eh. Ang nagtaas ay sina Liam, Ezekiel at Hiro. I honestly did not expect she knows those kinds of stuff. Just wow.
"Who knows how to use guns people?" Energetic na sigaw ni Tyrone at madami naman ang nagtaas mg kamay kahit papano. Puro lalaki at ilang babae..
"Anyway, magpapabitin ba ang mga magagaling sa mind games? Logic? Anyone whose weapon is their brain? Raise your hands guys!" Sofia said.
Naku mukhang ayaw din nila magpahuli ah. Nakitaas ako ng kamay kasama sina Sofia, Azzie, Vannie, Desiree, Samantha, Tracy, Zoey, Serene, Shai, Akira, Charlotte, Karen, Vivien, Keziah, Bianca, Akiro RJ, Akira, Akiro, Stephen, Silver, Zaine, Drake, Ryuu, Xiuh and Hiro.
Madami kami. Halos lahat nagtaas ng kamay. This is already expected. This is still an Elite school anyway. Having them as my new family is not that bad.
"I guess it's all set. Ang sunod naman nating pag-usapan ay ang mga rooms. Kailangan ayusin natin kung sino ang magkakaroom mate. Lets start, shall we?" Azzie said. Saka niya binalingan si Ziah or Keziah. Mukhang magkakilala na sila noon pa ah.
"Just call me Ziah. Ako ang inatasan ni Azzie na inspeksiyunin ang mga rooms kaya sasabihin ko sa inyo ang observation ko. The house have three floors. 1st Floor is Sala , Dining, Kitchen, Laundry, and two bathrooms. 2nd and 3rd floor are the rooms. Ang bawat floor ay binubuo ng 8 rooms. Which means 3 person per room. Walang kaso sa magkakapatid kasi ayos lang kung magkakasama sila sa isang kwarto pero gagawin natin itong civil. Girls only sa isang kwarto at boys only sa isang kwarto. Sa floor naman ay mix. Just in case." Ziah explained.
"Wait! You said there are 8 room per floor. If 3 person sleeps in a room, then that would mean 24 person in the second floor and 24 person in the third floor. How about two persons? Kulang tayo ng two bed guys." Sabat agad ni Sofia.
Whoa, no wonder. She said she's smart and she truly lives up to what she said. How sharp. Paano niya naisip agad yun? Oh well, sadyang hindi lang ako nabiyayaan ng talino sa math.
" Actually, I thought about that already. Wala na kasing available na two extra beds kaya how about magtabi nalang ang kung sino mang willing na magtabi? You know, our beds are separate. Hindi siya double deck or something. Mayaman kasi ang school. Sa isang kwarto ay may tatlong separate na queen size bed kung saan kasya ang tatlong tao sa isang kama. May dalawang luxurious bathrooms tayo, complete with Toilet, bath tub, shower area, sink area etc. Oh how heavenly! Also may tatlong walk in closets pa. Super lawak nang icheck ko. Super engrande pa nga eh kasi may malalaking own study table tayo individually, a beauty mirror kung saan pwede maglagay ng abubut na pampa-ganda, pampa-gwapo ek-ek. A bedside table and three plug sa tabi ng bawat kama and lamp. Also the rooms are well ventilated and associated with sliding windows pa nga pero wala tayong terrace. No terrace but we have large full windows." Ziah.
Napatango kaming lahat at namangha sa kuwento niya. Wews, nakaka-excite. Sana malambot yung bed ko uwaa! Haha masarap kaya matulog kapag super lambot ng kama yah know!
"It's settled then. Guys, choose your roommates na agad. Tandaan, mix ang genders sa floor ah!" Azzie.
Nagkagulo na agad kami para maghanap ng ka-roommate. Umingay na nga rin eh. Para kaming nasa sabungan.
"Saglet!" Angal ni Sofia.
Nagtataka tuloy kaming napatigil sa riot. Oo riot. Halos super ingay namin eh. Ang gugulo namin hayst.
"Guys, marunong ako manggamot. Bago kayo mag-ayos ng gamit, magbihis muna kayo at gamutin natin lahat ng sugat niyo. Puro dugo ang damit niyo." Sofia said.
Sa gulat ko ay nilapitan niya pa ako.
"Ikaw, sobrang halata sa damit mo yung sugat. That handkerchief is merely not enough." Saway niya sa panyo na itinali aka diniin ko sa kaliwang balikat ko. It was my injured shoulder. The one that was hit by a Kunai a while ago.
"Baka lagnatin ka. Or worse, ma-infection pa." Gulat na saway ni Charlotte. Nakita niya kasi ang lalim ng sugat ko.
"You're right. Guys linisin muna natin ang mga sugat niyo tapos magpalit na kayo ng mga damit pam-bahay." Silver said.
Nagsisunuran na kami. Sa gulat ko pa ay ako ang pinakauna niyang nilinisan na sugat. Nalaman pa namin ang sobrang pamamaga ng bewang ko. My back was also severely injured. Hala malay ko? Hindi ko na naramdaman ang sakit eh. Maybe I got numbed...
Tapos ayun at nag-ayos na kami ng gamit. By the way, ang stairs nga pala na galing sa 1st floor papuntang 2nd floor ay isang engrandeng stair case sa gitna. Buti hindi ganun kahaba, maybe mga 20-30 steps. Tapos may mga chandeliers pa sa taas.
Saka walang windows sa alley or even sa gilid ng daan sa 2nd floor at third floor. Ang bintana ay sa loob mismo ng mga kwarto na super lawak. Para bang may isang maliit na bahay ka na 100 meters sa bawat kuwarto. Ang hagdan naman na papunta sa 3rd floor ay sa pinaka-gilid magsisimula. Sa 8th room ng 2nd floor so sa gilid na siya.
They also decided na sa 2nd floor si Silver saka si Azzie naman sa 3rd floor.
Ganito ang setting.
2ND FLOOR
Room 1 (Sa pinakagilid ng Kaliwa or Left in english)
- Stephen Michael, Troy Sherwin, Rafael John
Room 2
- Shaira Mae, Bianca, Tracy Anne
Room 3
- Adrian Waine, Hiro, Liam
Room 4 (Stairs is positioned in its right side.)
- Luke, Drake, Travis Eleazar
Room 5 (Stairs is positioned on its left side.)
- Silver Gray, Ethaniel Blaze, Nathaniel Blake, Akiro Natsumi
Room 6
- Karen Faith, Vivien Sky, Desiree Allyanah.
Room 7
- Rebecca, Bernadette and Kayelin
Room 8
- Charlotte, Krystal Mae, Sofia.
3RD FLOOR
This time ang stairs ay nasa right most part na galing sa room 8 or pinakadulo ng right. Then aakyat sa pinakadulo ng Right na siyang Room 9 at papuntang left.
Room 9
- Princess Azmarie, Keziah, Katherine
Room 10
- Akira Nozomi, Samantha, Laureen
Room 11
- Savannah Marie, Sereena Serene, Zoey
Room 12
- Xiuh Alexander, Ryker Ryuu, Zaine Gabrielle
Room 13
- Tyrone Klein, Shane Alexis, Mikael Chance
Room 14
- Nico Illyana (me) , Chalamity Snow, Yvonne Kate, Althea
Room 15
- Caleb, Andrei Kyle, Ezekiel
Room 16
- Kazuma, Rex Riyosuke.
=========================
Nixzelle's Note:
Alam ko pong hinihintay niyo ang action but please wait wait wait muna tayo coz mauuna munang ipakilala ang mga characters.
Introductions muna kumbaga para mas maintindihan niyo ang story.
Eyntendies?
=======================
Nixzelle's Note:
Congratulations! We entered top 130 in Thrill category by luck. Sana magtuloy tuloy na. Thank you for reading.🖤
_______________________
(End of Chapter 4)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top