Chapter 3
EU Chapter 3:
Vivien Sky Conception's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali kahit na halos lahat sa amin ay naglalakad na papunta sa 'Freshman Building' also called Black Building.
I almost died out there.
Wala naman akong malalang injury bukod sa mga mababaw na cuts. I managed to protect myself. I know a bit of self defense. Pero masakit yung kamao ko. I kinda punched alot of those weirdo's kanina.
Halos lahat sa amin ay parang gloomy kaya naman mas lalong naging creepy ang lugar na ito. This place looks heavenly dahil sa sobrang ganda pero sino ang mag-aakalang pinamumugaran pala ang lugar na ito ng mga demonyo. Ang sama nila. I saw how they killed the people a while ago. And I dont want to think what they're going to do with those many lifeless body.
Hindi dapat ako basta basta magtiwala. Looks like wala na talaga kaming paraan para tumakas. I can feel that we are in the middle of nowhere. More likely in the foresy but surrounded with high gates na siguradong mahirap akyatin dahil kasing taas ito ng 3 storey house.
Paano ko nalaman na wala kami sa siyudad? Wala ang nakagisnan kong maingay na paligid. Wala ang normal na mga dumadaang ingay ng sasakyan, sigawan ng mga tao, mga pag-chichismis, at syempre, hindi polluted ang hangin na nalalanghap ko.
Napadapo naman ang paningin ko sa isang kulay itim na building na super ganda at may nakalagay pang malaking "Freshman Building" sa harap. Bulag nalang ang hindi makakakita nun. Halos ipagsigawan na ng sign eh. Pumasok na rin ako at nilapitan ang unang classroom saka chineck kung nasa listahan ba ang pangalan ko. Halos lahat na ng classroom ay napuntahan ko kaya sigurado akong dito sa huling classroom ako nakatalaga. Nasa Top most floor kami, 3rd floor and room 5. Inuna ko kasing tinignan ang room 6 kanina eh.
Huwew. Ibang level talaga ang school namin!
Halos nasa labing lima palang kami kaya hinintay muna namin ang iba pa. Umupo ako sa gitnang row. Two chair in the line from the front para hindi ako mapalayo masyado. Ilinagay ko na rin ang mga gamit ko.
Seriously... Ang dami naming mga bitbit na maleta, trolley, at travelling bag. Sana naman ay nagmagandang loob na ang school na ihatid sa tutuluyan namin ang mga gamit namin ano?
Makalipas ng ilang minuto ay halos lahat kami nandito na at okupado na rin ang lahat ng upuan. Perfect 50 chairs.
Napalingon kami sa pinto nang may pumasok na babae. She looks like in her early 30's. Umayos kami ng upo lahat sa takot na baka kapag hindi kami nakinig ay bigla nalang siyang maglabas ng kung ano at masaktan pa kami. She smiled as she scanned us. Sympathy is visible in her eyes.
I don't trust her.
"I know that most of you is tired but please lend me your ears. You can slouch or rest. I am Miss Aleyandra Mendoza. I will be your adviser for the whole 4 years you'll be staying here. Consider this class as your family. This room will be your sanctuary and believe me when I say there are only selective people you can trust and I suggest you start trusting me and the people in this class." Simula niya. Halos lahat ng mata ng mga kasama ko ay nakatutok sa kanya at tahimik na nakikinig. We remained silent and waited for her to continue.
"Call me ma'am Aleya. In this school, every minute and every second is important. I am here to guide you. Between me and everyone in this class, to be compared to everyone outside, we are much safer here. Masyadong delikado sa labas. Ang mga schoolmate niyo at mga kabatch niyo ay magiging kaaway niyo. Tutulungan ko kayo sa abot ng makakaya ko. I can't promise I can keep everyone safe but I will do my best to protect each one of you. Ako ang magiging adviser niyo at ang magiging magulang niyo. Therefore I have the concern on everyone." She sighed and paused. Ang haba kasi ng sinasabi niya. Baka hiningal na siya?
"I'm very sure na mainit ang mga mata sa inyo ng ibang batch ngayon. Sa mga higher batch ay ang pinakamatagal na nag-aaral dito. As you noticed, it's not per age and grade but per batch ang pagkakahati. Ang pinakamatagal na nag-aaral dito ay ang mga 4th years or also called as Seniors. Sa taong ito ay wala na kayong seniors because everyone was wiped out and they did not survive. Ang mga 3rd years ay tinatawag na sophomores halos kalahati nalang ang pinaka-madaming bilang nila per section. Most of them are only 10-25 per house. But that doesn't mean na hindi na sila threat. They are here for years, delikado sila kasi may experience na sila sa pakikipaglaban. Next ay ang mga 2nd years, dumating sila last year, their called as Juniors. Same numbers rin. 10-30 per house. Lastly, ang may pinakamababang rank, kayo, na tinatawag na mga Freshman. Bago lang kayo kaya mas madaling target. You need to fight to live. I can only assist and help you get stronger. It is not impossible for this section to be wiped out. Mababawasan kayo. Now listen carefully for this is a matter where one wrong move and decision can lead to an immediate death." Seryosong sabi niya.
Dahil sa narinig ko ay humulas ata ang dugo ko sa aking katawan. Namutla ako at pinagpawisan sa sobrang takot.
It would mean that the Junior and Sophomores will be preying us. They will target us kasi mga bago at mahina pa kami.
With that thought, my heart thumped so hard.
________________________
Teacher Aleyandra Mendoza's POV
Kitang kita ko ang pagbakas ng matinding takot sa kanilang mukha. Hindi ko sila masisisi dahil dapat lang na mabatid nila ang totoong nangyayari sa impyernong ito. There is no room for sympathy and fear here. Mauunang mamamatay ang mahihina. Nakakaawa lang at sa murang edad ay nararanasan nila ang mga ganitong bagay.
I should not baby them. This is their fight and I can't do anything but provide my support and guidance only.
However, as I stare at them, I can feel sadness spreading inside me. Look at them. These teens are just 18. May mukha pang 16 at 17 sa kanila. Ang babata pa nila para makaranas ng ganito.
Batid ko ang mapanuring tingin at mapanghusgang mata nilang nakatitig sa akin. Hindi dapat ako masaktan dahil inaamin ko sa aking sarili na parte na rin ako ng malademonyong gawaing naisasagawa dito. Oo malaking halaga ang sinasahod namin ngunit hindi nun matatabunan ang aming konsensiya. Na sa bawat estudiyante naming nalalagas ay wala man lang kaming magawa.
We can't even back out in this job because like them, when we entered this place, there's no turning back. They will kill us regarding of our status and wealth. Hindi kami pwede magsumbong. One word from us, ililigpit nila kami.
Ang tanging paraan para matulungan namin ang aming estudiyante ay turuan silang lumaban at protektahan ang kanilang mga sarili.
Everyday, guilt is eating me alive. Ewan ko lang sa ibang guro. Kasi ang mahalaga lang sa kanila ay pera. Wala silang pakialam sa mga estudiyante nila. Mga demonyo ang namamahala dito. Wala man lang silang maramdamang ni katiting na konsensiya sa daan daang estudiyanteng mamamatay sa kamay nila bawat taon.
Mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaan. At some point, there will be times of betrayal. Teachers included.
Iyon ang isa sa pinakamasakit na nakikita ko bawat taon na nandito ako nagtuturo. Pinanonood silang nagpapatayan. Na kahit labag sa loob ay walang pagpipilian. Ngunit, may ibang demonyong estudiyante rin dito. Natuto silang maging mamatay tao at minahal na nila ang bahaging iyon.
Hinarap ko ang klase na magiging Advisory Class ko. I just hope they survive this.
"Okay everyone, eyes and ears on me. I know all of you are tired but please have some cooperation." Pagsusubok kong kausapin sila. Subalit halos sampu lang ata ang nakikinig sa akin. Most of them ay tulala lang. Kung hindi naman ay merong natutulog na halos, nakaubob sa mesa, nakayuko at nakapangalumbabang nakatitig sa akin pero parang lampas sa akin ang titig.
>.<
They are not listening at all. Haist. Whatever. Alam kong nasa state of shock pa sila. Maybe mamaya ko nalang sila kakausapin at hahayaan muna silang magpahinga.
"I understand that you are all tired. Magpahinga na muna kayo sa House niyo. Mag-usap nalang tayo mamayang alas-kuwatro ng hapon. Ako na mismo ang bibisita sa assigned House niyo." - Me.
Nakakaawa rin naman kasi sila eh. I also have a heart. Halos lahat sila ay tumayo na. Lalabas na sana sila nang may maalala ako.
"Lock everything. Watch each others back. Protect one another." I reminded them. Saad ko na ikinaharap nila lahat sa akin at tinanguan ako. Habang naglalakad ay paika-ika yung iba at halos lahat sila ay may sugat na iniinda.
I sighed as I stared at their backs. Kumpleto pa sila. A total of 50... Pero ilan na nga bang mga likod ang pinanood ko? First year is a crucial stage. Ilan sa mga Section ang nakita kong naubos na agad sa kalagitnaan palang ng unang taon nila. For the past two years, I witnessed a whole class being wiped put on their first year in EU. It's the most dreading.
Pinilig ko ang ulo ko at pinagmasdan ang paglabas nila hanggang sa wala na ngang natira.
Lumabas na rin ako sa classroom namin. Unlike them, hindi ako magpapahinga. Pupunta muna ako sa main Building kung nasaan ang office namin at ang Office ng mga founders at Heads. As always, madilim ang paligid kahit may mga lamppost naman na nakapalibot sa University, but still, may mga blindspots pa rin na pwedeng pagtaguan.
Nakakakilabot din yung mga kakaibang hayop na nasa outer wall ng University. Nakakapanayo ng balahibo ang mga kaganapan dito kapag Darkest Hour kaya kahit ako ay hindi rin naglalalabas. May dormitory din kasi kaming mga teachers. One room na parang kwarto namin na may mga kwarto pa sa loob. May kompletong kusina at bathroom saka bedroom. Isang malaking working table ko na nakapwesto para makapagtrabaho pa rin ako sa bahay.
Halos lahat kami ay may kaniya kaniyang kwarto. Like I said, everyone is required to stay here. May mga kontrata kaming pinirmahan.
Nang makita kong malapit na ako sa Main Building ay nakahinga na ako ng maluwag. Lumiko ako sa may pasilyo at halos napasigaw ako nang may makasabay ako at halos magkagulatan kamin
"Ano ka ba Aleya! Halos takasan ako ng kaluluwa ko dahil sayo!" Sermon ng kapwa ko teacher dito. But unlike me, mas matagal na siya dito ng tatlong taon kesa sa akin. Teacher siya sa isa sa mga adviser ng Sophomores.
Yes we know each other but I don't trust her. She's cunning and manipulative. Nabalitaan ko na siya mismo ang pumatay sa sariling estudiyante niya 2 years ago nung hindi nito sinunod ang inuutos niya. Ginilitan niya ito ng leeg sa harap ng Advisory class niya mismo.
"Hehe, sorry po Miss Bakstuber." Sagot ko nalang at nauna na sa kanya. Ayoko nga siyang sabayan. Mamaya saksakin ako nun patalikod gaya ng pangalan niya.
She is Miss Plustik Bakstuber. Age 35. Haha yun talaga ang pangalan niya. Kahit mga estudiyante niya ay tinatawanan siya pero palihim lang syempre. Takot lang nila.
Mas bata naman ako. I'm still 30, pangatlong taon ko na ito sa EU bilang guro. Napansin ko na mas priority ng EU kumuha ng teachers sa edad na 27, those with experience and is at their prime. Hindi rin naman pwedeng kumuha ng mga gurong matanda na o di kaya'y malapit na magretire. Edi uugod ugod na sila? Kawawa naman kung sakali.
Pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad ko at hindi na siya nilingon pa. Tahimik akong naglakad sa corridor na puro mga pinto ng iba't ibang office. Yung iba nama'y para sa mga files at sa mga meetings at mga Secret Room na hindi namin pwede pasukin.
Hindi ko rin balak silipin. This school is already full of demons but I know there is a much deeper secret laid in this school. I can't pinpoint exactly what is it but I know in skin that something dangerous is hidden.
One of the reasons I survived here is because I'm careful with my actions. The more I know, the more I get involve in deeper shit and the more dangerous it is.
Pagdating ko sa 5th floor kung nasaan yung office ng mga Heads ay naabutan ko yung mga kapwa ko guro sa Freshman Year. Nandirito kami lahat at mukhang pare-pareho ang ipinunta namin.
Nauna pumasok si Sir Pader na nasa early 50's at nagsisunuran naman kami. Naabutan namin ang mga Heads na kumportableng nakaupo sa kanilang mga swivel chair na para bang hinihintay kami. He motioned us to sit in the long couch na agad naman naming sinunod.
"Ano ang ipinunta niyo dito?" Malambing na tanong ni Headmistress Saccharine. Just like her name, she's so sweet but deep within her lies a dangerous monster.
"We want to start the class tomorrow and reschedule the orientation later. Masyadong napagod ang mga estudiyante. We suggest to let them take a rest first and give them time to settle." Mabait na tugon ni Sir Kul Angots A. Pader or simply Sir Kul. Tunog Cool daw kasi. Ayaw niya sa whole name niya.
"Of course dear... Do as you please. Hindi muna kami makikialam sa inyo." Headmaster Stone-face said.
Don't ask. It's their codename I guess. Their codename depicts their attitude and who they are.
"Make sure to advise them tomorrow about the clubs and organizations. Also, you should check their wounds. Baka hindi pa nagsisimula ang pasukan ay may patay na agad. Sayang naman." Malambing na payo ni Headmistress Saccharine.
"Very well. We shall take our leave now." Paalam ni Ma'am Shine. She's a batchmate of mine but we are civil. Close kami pero as much as possible, hindi namin pinapakita sa iba. It can be a reason for us to be terminated. Bukod sa amin ay pwede pang madamay ang mga estudiyante namin.
We all stood and bid our thanks and goodbye's. Nagkatinginan pa kami ni Miss Shine at saka nagtanguan sa isa't isa.
Agad na akong lumabas at nagkanya-kaniya kaming punta sa tinutuluyan namin. I should rest and preserve my energy for later. I have to do my best.
To help them....
======================
(End of Chapter 3)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top