Chapter 2
EU Chapter 2:
Nico Illyana Yazawa's POV
Hi guys. Just call me Nico coz only those who are close to my heart are allowed to call me Illyana. Charot lang! Masyado lang mahaba yung Illyana eh haha.
Im walking straight to the door the lady said. Pagkapasok namin ay kaniya kaniya kami ng tayo at hanap ng pwesto para hindi magkabungguan. Imagine? All of 1,000 enrollees can fit here! Pano ko nalaman na may 1k enrollees? Aba, may form number kami eh tapos pang-969 ang number ko over 1000. Unbelibabol rayt?
Back to the story.
Pagkatapos ko makahanap ng pwesto ay saka ko tinignan ang paligid. I tensed when I finally observe where we are. Nasa isa kaming parang dome at may malaking wall na nakapaikot sa amin. We are trapped and the only door we can access is closing. My heart pounded. I don't feel good about what's happening. We are in a big arena! May malaking elevated part doon kung saan may mga nanonood sa amin at may isang part na may chairs at parang mga judge silang nakaupo at pinagmamasdan kami.
"Welcome everyone. The mechanic of your exam is simple.. Survive and we will say who is deserving to enter our school. Whoever remains alive will pass the entrance exam." the person said.
Dahil sa sinabi niya ay napuno ng mga bulungan ang kinaroroonan ko. The whole arena was filled with noises. I can even hear some people banging the door, trying to open it. But to no avail, they cant.
"What if we refuse to take that so called exam?" tanong ng isang lalaking mukhang maangas. May mga katabi rin siyang mga lalaking mukhang gangsters. It's like they're a squad.
"Nope, you can't do that. Once you enter the school, there's no turning back." nakangiting sagot ng lalaking nakaupo sa pinakaharap na parang mga royalty. Nakangiti rin ang mga kasama niya at tila pa ay naaaliw sila samin. Smug lang na nakapaikot at nakatingin yung mga parang audience namin at walang pakealam. Some held interest while others just dont care.
"Hey, there's no rule like that!" a girl from the back shouted.
"Well there is now sweetie. So be a good girl and obey us." ngisi ng isang babae. They really look like judges. Gazing at us with those creepy eyes.
"That's not fair!" another person shouted. Until someone shouted too and followed by another. Almost everyone protested and it seems that those judges up on the arena did not like the noise. Naningkit ang mata ng iba sa mga kasama niya. Some of them lost emotion and simply stared at us blankly.
"Silence! We are the rule here! We're the boss so you listen to us!!!"
Natahimik kami nang sumigaw ang isang lalaki na mukhang galit sa mundo. Walang nagsalita sa takot na naramdaman namin. Those judge seemed please and they smiled again. Not an ordinary smile but a triumphant smug smile. Another lady motioned something.
Nagulat kami nang biglang bumaba ang mga pader na nakapaligid sa amin. Not walls its like a secret passageway that revealed a way underneath that elevated audience part where they are but it didn't collapse.
May mga tao dun na armado ng iba't ibang delikadong armas at sandata. What the?! Pinagtitripan ba nila kami?
Di ko maiwasang matakot sa mga nasa harap namin. They look like they're ready to kill. Hindi ko na napigilan ang paghakbang ko paatras. Halos matumba ako nang may naatrasan akong tao sa likod ko. Bago pa man may makagalaw sa amin ay bigla na lamang na may tumalon sa harap namin. Sa sobrang gulat ay di ako nakapag-react. May babaeng may hawak na parang kutsilyo pero mas mahaba at malapad ito sa normal.
Ito na ba ang katapusan ko? I just didn't know my life will be shorter than I thought. I still have dreams to fulfill but my end is faster. Napapikit na ako. I waited for any pain.
But I was startled when somebody gripped my arm and dragged me out of the place where I was standing.
"What do we have here?" sabi ng isang babae. Parang magkalapit lang ata ang edad namin o di kaya'y mas matanda siya ng isa o dalawang taon sakin. There's a big grin on her face that makes her very intimidating and it makes me want to avoid them. Her aura doesn't also help because it's like whispering danger to my senses.
"Wag kang tatanga-tanga kung ayaw mo pa mamatay." napabaling naman ang atensiyon ko sa taong humigit sa akin. Siya yung taong naatrasan ko kanina. I did not answer her but I followed what she said. Hindi na nga namin pinansin ang paligid kahit sobrang ingay na. I alerted my senses and focus.
"Enough talking! Lets fight till death!" ngising sigaw niya at mabilis na umatake na parang hayok sa dugo at laban. So barbaric.
Sinalubong siya ng babaeng humila sa akin at mabilis ding gumalaw. Hindi ko masyadong masundan ang galaw nila but I immediately made a big distance to the two of them to avoid getting caught up. Tumakbo ako sa pintong pinasukan namin kanina nang makita kong bumukas na iyon ng bahagya pero bago pa man ako makalapit sa pinto ay may pumulupot sa paa ko na parang mahabang tali at sa dulo nito ay nakahawak doon ang isang lalaki.
Napaigik ako ng bigla niya akong ibalibag sa lupa. Its not a rope. Isa itong latigo. Halos mapasuka na ako ng dugo sa lakas ng pagkakabalibag niya sa akin sa may dingding at hinila niya ulit ako pababa kaya mas lalong sumakit yung katawan ko dahil pagkatapos niya ako ihagis gamit yung latigo sa taas ng kisame at sa mga dingding ay hihilain niya ako pababa kaya full impact ang talagang bagsak ko.
"Tsk. Yan lang ba ang kaya mo? Ang dumaing sa sobrang sakit? You're weak! Boring, no challenge at all! You're nothing but ordinary." panglalait niya sakin at binalibag niya ulit ako sa ere.
Dumudugo na ang labi ko sa mariing pagkakakagat ko para magpigil na huwag mapasigaw sa sakit.
Bakit ba kasi ang hina ko? Wala man lang akong magawa para matulungan ang sarili ko.
Halos hindi ko na mapigilang mapaiyak kaya iniyuko ko nalang ang ulo ko upang itago ang mukha kong tigmak ng luha. And because of that, I saw a little knife not far away from me. Aabutin ko na sana ito nang binalibag niya ulit ako.
Nahigit ko ang hininga ko nang tumama yung bewang ko sa matigas na bagay sa kisame na pinaghagisan niya sa akin. Parang nabalian ata ako. Pagkalapag ko sa lupa ay hindi na ako nag-dalawang isip na abutin ang kutsilyong hindi kalayuan sakin kahit magsumigaw na ang sistema kong huwag gumalaw at manatili sa aking kinalalagyan.
I'm sweating bullets. I cant breathe properly. My whole body aches.
Napasigaw na ako nang ibalibag niya ulit ako. Pero nasa ere palang ako ay agad akong umuklo at inabot ang tali saka ko agad na pinutol. I made a loud thud as I descended from the air. Buti nalang na-anggulo ko ang aking sarili sa pagbagsak kaya nakapaghanda ako. But that doesn't mean there's no pain. However, because I anticipated it, the pain became bearable.
I muttered a curse under my breathe while trying my best to stand up. I immediately searched for my enemy and faced it.
One lesson learned: Everytime you encounter an enemy, don't remove your eyes on him. Stay focus and alert. Tignan mo yung pwede niyang gawin.
Tulad ko, mukhang nabigla siya sa pagkakaputol ng latigo kaya malakas siyang napasalampak patihaya dahil sa sobrang force na bumalik sa kanya. Umayos din agad ng tayo ang lalaki at sinamaan ako ng tingin.
May hinagis siyang limang kunai sa tantiya ko kaya naman ay tumakbo ako pagilid para iwasan ang mga kunai. Straight direction kasi ang pagkakahagis. Pero hindi ko napansin agad na naghagis ulit yung lalaki ng tatlong kunai.
Napayuko ako para iwasan ang dalawang nauna. I stilled on my position. Habang sinangga ko gamit ng aking kutsilyo ang panghuling kunai na siyang pagkakamali ko dahil nawala ang atensiyon ko sa lalaki at nagawa niyang makapaghagis ulit ng isa pa.
Napasigaw ako sa sakit nang bumaon sa kaliwang balikat ko ang panghuling kunai.
I pulled it out and using my left hand, I covered it to put some pressure on my bleeding wound. Without raising my head, I rolled to the ground to avoid the whip. Malakas iyong humampas sa dating kinahihigaan ko. Tumakbo ako palayo at pinulot ang pinakamalapit na bagay sa akin; isang katana.
Hindi na ako nag-alangan pa at agad ko iyong hinagis sa direksiyon ng lalaki. The man stood unmovingly while trying to deflect the katana.
Habang abala siya ay tahimik akong nagpunta sa gilid niya. Like a dart, I throw my knife directly at him. Dahil distracted siya sa katana ko ay di niya nakita ang atake ko sa gilid. Hindi siya gumagalaw kaya tinamaan agad siya.
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko nang tamaan siya ng kutsilyo ko sa leeg at dilat ang matang bumagsak siya. Dead.
I killed him! Oh my god , I just killed someone! Alam kong labag yun sa kalooban ko. Oo pinagtangkaan niya akong patayin pero hindi iyon sapat na dahilan para pumatay din ako!
Parang tinakasan ako ng lakas sa nangyari at napaluhod ako. I covered my face with my hands. My hands were covered with blood. I grew scared seeing my bloody hands.
Hindi ko matanggap na nagawa kong pumatay para sa sarili ko. Isang makasariling gawain at hindi katanggap-tanggap na kadahilanan.
"Stop! Those who are still standing are the ones who are entering the school. You may now go get your things and wait for us again back in the hall you were in. We will discuss the rules and you will be introduced to your Class and Adviser." Saad ng isang boses. It was full of Authority. It's cold and menacing. Para bang hindi na sila tao.
Napailing ako sa sarili. Of course they're not humans! Walang taong gagawa ng ganito kasama!
Ibinaba ko na ang kamay ko at tahimik na tumayo. Kung kanina halos umabot kami ng isang libo, ngayon ay nasa humigit kumulang tatlong daan na lamang kami na natira. I went straight to my seat awhile ago. Hindi na ako nag-abalang makipag-kilala sa iba at bumalik sa dati kong kinauupuan. Ang seats kasi namin sa auditorium ay elevated kaya kita naming lahat ang harap. Not to mention, the front stage is just too big. May wide screen pa na pinapakita silang nasa harap para sa sira ang mata.
"Katulad ng ibang school ay mag-aaral pa rin kayo. The teachers here are also High classed professionals than the average normal school that's why I'm sure you will all learn. We have many rules that you must obey." Sabi ng speaker.
Lahat kami taimtim na nakikinig. We need to listen closely. Ayaw ko mapahamak kapag may nalabag akong rules na hindi ko alam.
"Break the rules and I will break your neck. Got it? We have three main rules here. Rule 1, obey us. Rule 2, Follow our orders. And Rule 3, learn to protect yourselves. Sound easy but its not." - Headmaster.
"Because everyone of you is a freshman, I'll give you one tip. KILL IN ORDER TO LIVE. That's your only choice. Mamili ka. Buhay mo o buhay ng iba? Also, make sure you lock your doors and windows. Every night, the darkest hour starts at 10 pm until 3 am. It will be the longest and most dangerous 5 hours for all because killing is allowed between those hours. Make sure to trust no one or you'll end up getting killed. You will be assigned in your designated Rooms and your classmates will be your housemates too. Your subjects will be the same as the outside world but you will have additional Physical Trainings and such. You will also pick your clubs and organization. Not joining one or participating in events means total Termination or simply death. Your class will start on 8 in the morning and some of your last subjects will end in 9:30 pm. Proceed to the Black building with 3 floors everyone. That is called as the Freshman building for all of you. In every floor, there are 2 rooms composed of 50 students each. Find your names that is posted in every class near the Room's door. That's all and also, be careful on your Seniors and Sophomores. They will be dangerous." Mahabang salaysay ng babaeng nakangiti na kasama sa mga heads. She's smiling so sweetly like she's doing a normal orientation.
Everyone on the Platform stage stood up and went in different directions. Tumayo na rin kami at hinanap yung building na sinabi nila.
Total Termination huh? This is tough. Kabado akong nagyuko ng ulo at sinapo yung sugatan kong balikat at ang nabugbog kong bewang.
Elites University? Bakit di nalang nila tinawag na Death University?
Tsk.
=======================
(End of Chapter 2)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top