Chapter 2
MAAGA akong pumasok naunahan ko pa nga sina Olivia at Emma. Ano kaya ang magiging reaction nilang dalawa?
"Emma nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni Olivia.
"Oo girl malinaw na malinaw kasinglinaw ng sikat ng araw," sagot naman ni Emma.
"Nasaan ang kaibigan natin si Cassy?" Habang kunwaring palinga-linga.
"Ay! Wala siya rito baka hindi pumasok." Natatawa ako sa mga pinaggagawa nila.
"Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa ako ito si Cassy." Sinuot ko ulit ang aking salamin para ma-confirm nila na ako nga. Nakasalamin kasi ako, naka-brace at ang buhok ko palaging naka-braid. Inalis ko lang ang braces ng ngipin ko, tinanggal ko na rin ang salamin at nilugay ang mahabang straight na buhok. Tapos naglagay ng light make up.
"Cassy ikaw nga! Anong nangyari bakit ka nag-transform?" usisa na tanong ni Emma.
"Hmm let me guess, dahil sa mga sinabi sa'yo ng Liam na iyon kahapon kaya binago mo ang sarili mo?" Tumango ako sa kanila.
"Cassy hindi mo kailagan baguhin ang sarili mo para lang sa lalaki. Mga wala silang kwenta physical ang mahalaga para sa kanila at hindi ang pagkatao," mahabang pahayag ni Olivia.
"Okay lang girls kagustuhan kong baguhin ang itsura ko para hindi na ako pagtawanan."
"Masaya ka ba sa itsura mo ngayon?" Tumango ako at ngumiti.
"Pero infairness lalo kang gumanda sabi ko naman sa'yo maganda ka. Kulang lang sa ayos pak ang beauty mo girl!" masayang sabi ni Emma.
Nagpunta kami sa basketball court dahil may practice sila. Kahit ayaw nina Olivia at Emma na samahan ako napapayag ko rin. Daming mga girls ang nagche-cheer lalo na sa kaniya. Bawat shoot niya sa ring napapasigaw ako. Nung time out nila lumapit ako at binigyan ko siya ng tubig.
"Liam water oh!" Nagulat siya, gumana nga ang pagpapalit ko ng anyo. Ang saya ko dahil mapapansin na rin niya ako.
"Thanks," iyon lang ang sabi niya at agad ginala ang tingin sa score board. Bakit gano'n wala pa rin pagbabago?
"Wow! Ikaw ba iyan Cassy hindi kita nakilala ang ganda mo pala!" Puri sa akin ni William. Bakit siya napansin niya si Liam dinedma lang?
"Ah oo napagod na kasi ako sa dati kong look kaya binago ko." Pagpapaliwanag ko pero ang totoo para kay Liam ang pagbabago ko.
"Pero for me mas gusto ko iyong dati mong look," wika naman ni Noah.
"Alam niyo mga bro kahit baguhin ang look niya o magpaganda wala pa rin pagbabago. Still she's nothing!" Naiiyak ako sa sinabi niya pero pinipigilan ko. Habang nakahawak sina Olivia at Emma sa likod ko.
"Stop Liam! Nakakasakit ka na babae siya kaya dapat mong respetuhin!" ani Noah. Nagagalit siya sa inasta ni Liam.
"Wow! Bro kung makapagsalita ka parang hindi mo rin gawain. Huwag kang magmalinis diyan!" Susuntukin sana niya si Liam pero pinigilan siya ni William. Ayokong nag-aaway silang magkakaibigan para matapos na ang gulo umalis na ako. Tumatakbo habang umiiyak sinusundan ako nina Emma at Olivia pero pinigilan ko sila. Napadpad ang aking mga paa sa may hardin ng aming school kung saan may fountain. Dito mare-relax ka, tuloy pa rin ako sa pag-iyak ng may nag-abot sa akin ng panyo. Tiningnan ko ito at si Noah pala.
"Bakit ka narito? 'Di ba hindi pa tapos ang practice niyo?" tanong ko na humihikbi.
"Hayaan mo sila pagod na rin akong maglaro," sabi niya.
"Pagpasensyahan mo na si Liam hindi niya alam ang mga sinasabi," sabi niya habang nakatingin sa fountain.
"Ayoko na nag-aaway kayo dahil sa akin," malungkot kong saad.
"Wala iyon konting away lang mamaya bati na rin kami." Nakangiti habang sinasabi niya.
"Bakit mo pala alam na nandito ako?" tanong ko sa kaniya.
"Alam ko na rito ka pupunta." Tiningnan ko siya na parang nagtataka.
"Nakikita kasi kita rito palagi. Favorite place mo yata rito." Pagbibiro niya at tumawa. Pero infairness natawa ako.
"See! Mas gumaganda ka kapag ngumingiti kaya tama na ang iyak sige papangit ka." Palabiro pala siya.
"Salamat Noah dahil pinagaan mo ang loob ko at pinatawa na rin." Tiningnan ko siya na nakangiti. Nagtama ang mga mata namin, kaya ro'n ko nakita ang kabuoan ng kaniyang mukha. G'wapo siya pero mas g'wapo pa rin sa akin si Liam.
"Wala iyon maliit na bagay," sabi niya.
"Ito na pala ang panyo mo salamat sa panghihiram." Binalik ko sa kaniya kaso hindi niya tinanggap.
"Hindi sa'yo na iyan binibigay ko na alam kong magagamit mo ulit iyan," sabi niya at tumawa ulit. Masayahing tao ito.
Napagpasyahan kong puntahan si Liam para humingi ng sorry. Kasi nag-away sila ni Noah dahil sa akin. Nasa library daw siya kaya nagmamadali akong pumunta roon. Nung nakita ko siya dahan-dahan akong lumapit.
"Liam nandito ako para humingi ng sorry kasi nag-away tuloy kayo ni Noah dahil sa akin." Tumawa siya at tumingin sa akin. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Huwag ka assuming Cassy hindi kami nag-away dahil sa'yo. Sino ka ba para pag-awayan namin?" Maging matatag ka lang Cassy, sabi ko sa aking sarili.
"Gano'n ba pero sorry ulit." Humarap siya sa akin at inabot niya ang notebook at ballpen. Aanhin ko ito?
"Sige para mapatawad kita sagutin mo itong assignment ko sa physics. Matalino ka kaya sisiw lang sa'yo kailangan ko na iyan mamaya," sabi niya.
"Pero Liam may quiz ako sa algebra ngayon hindi ako pwedeng ma-late." Paano ito hindi ako puwedeng ma-late?
"Hindi ko na problema, kung gusto mo patawarin kita gawin mo iyan!" Magsasalita pa sana ako pero umalis na siya. Sinagutan ko na lang para makahabol pa ako sa quiz ko.
Pagdating ko sa room nagsasagot na sila buti at nasa kalagitnaan pa lang.
"Oh! Ms. Tyler buti at umabot ka pa," sabi ng aking prof.
"Sorry sir may ginawa lang po," sagot ko sa kaniya.
"Take your seat and answer this." Pagkasabi niya inabot sa akin ang test question. Pagkaupo ko ang dalawa kong kaibigan nagtatanong ang mga mata kung saan ako nagpunta. Sinenyasan ko sila after ng quiz saka ko na lang ikwekwento. Tumango lang silang dalawa.
"Hoy babae! Saan ka nagpunta at late ka na pumsok? Alam mo naman na may quiz 'di ba?" Panenermon sa akin ni Olivia. Sa aming tatlo siya ang pinakamatapang sasabihin niya kung ano gusto sabihin. Kahit makasakit man ito ng damdamin.
"Pinuntahan ko si Liam." Nagkatinginan ang dalawa.
"Para saan at bakit mo pinuntahan?" tanong ni Emma. Siya naman medyo tahimik lang pero ayaw ng inaapi.
"Para humingi ng sorry kasi nag-away silang magkaibigan dahil sa akin," sabi ko habang nakayuko. Ayoko silang tingnan dahil alam ko na ang mangyayari.
"Ay tanga lang girl! Bakit ka magso-sorry sa kaniya? Kung tutuusin siya ang dapat ang mag-sorry sa'yo dahil sa kabastusan na pinagsasabi masakit iyon ah!" Tama nga ako, nabatukan lang naman.
"At saka pinasagutan niya sa akin iyong assignment nila sa physics. Gawin ko raw para mapatawad niya ako." Naku, nanlilisik na ang mata ni Olivia kaya ayoko minsan mag-open.
"Ay wala na tinagurian pa namang matalino sa school bobo pagdating kay Liam nauto ka na naman!" Mahal ko eh kaya lahat gagawin ko para sa kaniya sabi ng isip ko.
"Alam mo Cassy matalino ka minsan gamitin mo. Hindi porket mahal mo siya eh lahat ng pinag-uutos sa'yo gagawin mo. Pinaglalaruan ka lang naman niya!" Ouch! Ang sakit naman ng sinabi ni Emma malay mo baka magbago rin ang ihip ng hangin. Ipakita ko lang na matiyaga ako.
"Tama huwag ka boba at hindi lang siya ang lalaki sa mundo marami pa diyang iba!" singhal ni Olivia.
"Alam ko girls pero siya lang talaga ang mahal ko," sagot ko sa kanila.
"Basta ito lang Cassy ayaw namin nasasaktan ka. Kaya huwag mo ibigay lahat magtira ka rin para sa sarili mo," sabi ni Emma habang tinatapik ang balikat ko.
================================
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top