Chapter 12
HABANG nagdri-drive ako tinawagan ko si Karen. Tinanong ko kung may available time ako sa aking schedule para kitain ko sina Olivia at Emma. Buti na lang at mayroon tomorrow na ulit. Tinawagan ko sina Olivia at Emma na magkita kami sa may LA Bar at nag-confirm naman sila.
Makalipas ang ilang minuto naroon na raw silang dalawa ako na lang ang hinihintay. Kaya pagdating ko sa bar pinark ko ang aking sports car. Pagpasok ko pa lang ingay ang bumungad sa akin halos lahat sa akin nakatingin. Marami akong naririnig pero hindi ko sila pinapansin diretso ako kung saan naroon sina Olivia at Emma. Unang pagkikita namin magmula nang umalis ako.
"Hi girls!" Bungad ko sa kanila. Pagkakita nila sa akin nagtilihan agad at nagyakapan kami.
"Musta na kayo?" tanong ko sa dalawa.
"Ito maganda pa rin," sabi ni Olivia.
"Ako always happy," sagot naman ni Emma.
"Pero girl ikaw look at you ang laki ng pinagbago mo kilalang kilala ka na ngayon," manghang sabi ni Olivia.
"No girls kung ano man ang natamasa ko ngayon ako pa rin ito still Cassy sa inyong dalawa," nakangiting sabi ko.
"Oky ka na? Naka-move on na?" tanong ni Emma pero nakita kong siniko siya ni Olivia.
"It's okay Olivia tapos na iyon nagising na ako. Naka-move on na and I'm happy," sabi ko habang tinataas ang kamay.
"Mabuti naman akala namin forever ka ng magiging tanga," sabi ni Emma habang umiinom.
"No never again at iyong bastard na Liam na iyan who you siya sa akin ngayon." Tumatawa ako habang sinasabi.
"Basta ang mahalaga ngayon be happy and let's party!" masayang sabi ni Olivia at panay pag-inom namin ng alak.
3rd Person Point of View
Sa LA Bar nandoon din sina Liam. Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng time para mag-bonding dahil halos busy sila sa mga business. Nag-iinuman ang dalawa habang si Liam tinitingnan ang mga pictures ni Cassy na kinuhanan. Parang ayaw niyang i-approve dahil nakakaakit ang kuha. Natigil siya ng punahin ni Noah.
"Bro akala ko bonding bakit nagdala ka pa ng work dito?" tanong sa kaniya ni Noah.
"This is not work tinitingnan ko lang hindi kasi ako satisfied." Alibi niya pero ang totoo hanga siya sa photographer na kumuha.
"Let me see," sabi ni William. At tiningnan ang mga kuhang pictures.
"Are you not satisfied bro as professional photographer like us masasabi kong job well done ang kumuha nito see shit! Ang ganda ng kuha ni Cassy dito bro tingnan mo maaakit ka!" Pagmamalaki na pinakita niya kay Noah.
"Liam bro huwag mo itong i-approve marami ang makakita iyan lalo na mga kalalakihan." Pag-aalinlangang sabi niya.
"Ano naman ngayon kung makita ng mga lalaki?" tanong sa kaniya ni William.
"Bro ayokong pagnasahan si Cassy at ayokong may manligaw sa kaniya!" malakas na pagsabi niya at nagulat ang dalawa.
"Bakit ba over protective ka sa kaniya?" tanong ni Liam.
"Bro usapang lalaki wala ka talaga gusto kay Cassy eversince 'di ba?" tanong niya kay Liam. Hindi siya sumagot kung hindi nakatingin lang kay Noah.
"Bro desidido na ako magtapat kay Cassy. Chance ko na ito pinagsisihan kong hindi ko nasabi sa kaniya dati. Ngayon na bumalik siya hindi ko na pakakawalan!" masayang sabi niya.
"So are you saying na sasabihin mo sa kaniya that you like her?" tanong ni Liam kay Noah.
"Yes bro matagal ko ng gusto ko si Cassy college pa lang tayo ngayon hindi na ako naduduwag," desididong sabi niya.
"Goodluck bro I'm happy for you," sabi ni William kay Noah. Inakbayan niya nito pero si Liam tahimik lang na nakatingin kay Noah ang lalim ng iniisip. Habang umiinom ang dalawa hindi mapakali si Liam kaya sinenyasan niya ang dalawa na may pupuntahan lang. Pagdaan niya sa may dance floor nagulat siya. Nakita niya si Cassy na sumasayaw at wala sa sarili dala ng kalasingan at may lalaking namboboso sa kaniya. Sa inis hinigit niya sa braso at pinaharap sa kaniya.
"What are you doing you're so drunk," sabi niya kay Cassy pero kinikilala ni Cassy kung sino iyon.
"You bastard I hate you so much," sabi niya habang gumegewang-gewang.
"And you!" turo niya ro'n sa lalaki na namboboso.
"Back off or I'm gonna kill you!" sabi niya sa lalaki pero hindi ito natinag.
"Sino ka ba ah sinira mo diskarte ko," sabi ng lalaki na malakas ang loob.
"Baka gusto mo palabasin kita rito sa bar ko!" galit na sabi ni Liam.
"Ang yabang mo bro fuck you!" Dahil sa sinabi ng lalaki kay Liam uminit ang ulo niya at agad niyang sinuntok ang lalaki. Bumagsak ito at agad niyang tinawagan mga bouncer na palabasin ang lalaki. Lahat sa kanila nakatingin dahil sa gulong nangyari. Sinenyasan niya sina Noah at William na bantayan ang mga kaibigan ni Cassy dahil mga lasing na rin.
"And you hard headed woman come with me," sabi niya kay Cassy.
"Let me go bastard bwisit ka! I hate you so much sana hindi na kita nakita pa muli go away from me!" Wala sa sariling pinagsasabi ni Cassy. Si Liam natatawa lang dahil sa kinikilos ng dalaga. Paglabas pa lang nila sa bar sinalubong siya ng bodyguard niya.
"Boss gandang babae iyan ah jackpot," pagbibirong sabi niya kay Liam.
"Fuck you! Dave clear the area," utos niya at sinunod naman ni Dave.
"Clear boss," sabi niya at nag-tumbs up pa. Sinakay niya si Cassy sa kotse niya na nakatulog na yata at pinaandar.
Pagdating nila sa penthouse ni Liam hiniga niya si Cassy sa kama na pagewang-gewang pa rin. Dahil sa nawalan ng balance ang dalaga nahatak niya si Liam at nagkadikit ang kanilang mukha. Namumugay na tiningnan ng dalaga si Liam.
"Ikaw! Bakit ka ganyan sa akin? Ano ba atraso ko sa'yo?" sabi niya habang papikit-pikit ang mata. Kaso nakatitig lang ang binata sa kaniya habang nagsasalita. "Ang gago mo bwisit ka naiinis ako sa'yo ng sobra. Lahat ginawa ko pero sinaktan mo pa rin ako!" Patuloy sa pagsasalita si Cassy na lumuluha. "Hindi ko alam kung deserve mo ang mga luha kong ito. Wala akong ginawa kung hindi mahalin ka pero sinaktan mo lang ako ang gago mo I hate you so much!" Sinasabi niya habang dinuduro si Liam at nakatulog na.
Kinaumagahan nagising si Cassy na masakit ang ulo at ginala ang mata dahil bago sa kaniya ang lugar. Nagulat siya ng makita si Liam na lumabas bagong ligo at tanging tuwalya lang nakatakip sa pang ibaba niya. Namangha si Cassy sa hubog ng katawan nito. Kung g'wapo na ito nung college sila mas lalo siyang gumwapo ngayon. May eight abs packs at halatang alaga sa gym.
"Baka matunaw ako niyan," pang-aasar ni Liam.
"Hoy! Ikaw nasaan ako?" tanong niya sa binata.
"Nandito ka sa penthouse ko," maikling sagot niya.
"Pero bakit ako nandito anong ginawa mo sa akin manyak ka!" Turo niya kay Liam. Lumapit si Liam papunta kay Cassy na halos magkadikit na ang kanilang katawan.
"Tu es belle comme jamais Cassy," sabi ni Liam habang titig na titig kay Cassy.
Translation: You look beautiful as ever
"Manyak na agad wala pa ako ginagawa sa'yo kung tutuhanin ko na lang kaya," pang-aasar na sabi niya ulit.
"Anong pinagsasabi mo alam ko french iyan pero konti lang alam ko. Kaya huwag mo ako ini-alien na salita lumayo ka sa akin manyak ka!" At tinulak niya si Liam.
"Tinulungan kita kagabi tapos ganyan ang isusukli mo sa akin." Nagtataka si Cassy sa sinabi nito.
"Hoy! Para sabihin ko sa'yo hindi ako humihingi ng tulong sa taong katulad mo I hate you! Bakit ba kasi ako nandito?!" inis na sabi nito.
"Nalasing ka kagabi bago ka pa maghasik ng kaguluhan inuwi na kita. Baka pati image ng company namin masira." Sobrang nainis si Cassy sa sinabi ni Liam.
"Hoy manyakis! Bakit hindi mo ako inuwi sa hotel ko?" tanong nito.
"Tumatawag ako sa manager at PA mo kaso hindi nila sinasagot. Kaya no choice rito kita dinala don't worry wala akong ginawa sa'yo." Sinasabi niya habang tinitingnan niya si Cassy ng nakakaloko. "Oh baka gusto mo ituloy na lang natin iyong dapat kong gawin sa'yo ready na ako," nang-aakit na sabi nito.
"Manyak ang bastos mo nakakasuka ka makaalis na nga!" sabi niya at naggayak na siya para umalis.
"Hatid na kita," sabi ni Liam.
"No thanks! Kaya kong umuwi mag-isa!" mataray na pagkasabi nito.
"Ok take care sweetheart," pang-aasar na sabi ni Liam.
"Manyak!" sabi ni Cassy at umirap.
Umalis na siya pero rinig niya na tumatawa si Liam.
================================
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top