Chapter 9
Chapter 9
Tamad akong bumalik kahapon para balikan 'yong naiwan kong libro sa library kaya pinagpalipas ko na lang ng isang araw. Alam ko naman na matatabi 'yon do'n, kasi library nga 'yon, siguro malalagay lang sa ibang shelf 'yong libro pero may tiwala naman ako sa librarian namin at safe ang libro ko doon. Papasok na rin naman ako sa school ngayon, actually kasabay ko si Erika ngayon, as usual naman na ganito na ang routine namin araw araw. Ang sunduin niya ako tuwing papasok kami at sabay sabay kaming uuwi.
Noon feeling ko kinakaibigan lang talaga nila ako for some reasons pero hindi eh, sa bawat araw na 'yon doon ko nari-realize na, gusto talaga nila makipagkaibigan, gusto nila maka-gain ulit ng friendships mula sa ibang tao at alam nila na kapag nakipag-friends sila sa ibang tao na medyo opposite sa kanila ay madami sila matututunan doon.
Gaya ko, dahil sa iba iba ang personality nila ay marami akong natutunan kahit na minsan ay puso katuwaan lang ang ginagawa nila. Si Erika na maka-diyos na kapag may nagloko daw sa amin ay ipagdadasal niya daw niya ng buong araw tapos ito namang si Peter may pagka-ambition talaga sa pagiging dancer niya dahil ang mga galawan niya ay tipong sasayaw pa. Kukunin na lang 'yong ballpen na hiniram sa kanya ay kung ano ano pang kendeng ang gagawin. Si Grace naman na moody. Minsan masayahin, minsan snob at minsan hindi ka talaga papansinin so ang gagawin mo, lalayo ka sa kanya dahil baka ikaw pa ang mapagbuntunan niya ng galit.
"Saan ba tayo pupunta?" angal kong tanong kay Erika dahil papasok na lang kami kung saan saan pa kami dumadaan. "Hoy, ano, magka-cutting ka?"
"Baliw! Kila Grace daw muna tayo, para sabay sabay daw pasok natin."
"Talaga?"
"Oo!" tawa pa nito.
Hindi na rin naman ako nagsalita. Medyo malamig pa ngayon kasi hindi pa naman sumisikat ang araw kaya may lamig pa sa paligid. Ilang saglit lang din naman ay narating namin ni Erika 'yong bahay daw ni Grace. Tinawag namin mula sa labas si Grace pero hindi si Grace ang nagpakita sa amin kundi si Peter kaya tumuloy na rin kami papasok sa loob.
"Nasaan na siya?" tanong ko dahil si Peter lang nasa sala na nanonood ng tv.
"Nagbibihis pa lang." nguso pa nito.
"Ano, male-late na kaya tayo?" sabi ni ni Erika.
"'Yon nga eh, no'ng pagkadatin ko tulog pa siya at five minutes, ayon nagmamadali na siya."
"OMG lang." tugon pa ni Erika.
Hindi na rin naman ako sumabat. Napansin ko lang kay Grace na hindi siya ganoong aware sa kapaligiran niya. Alam naman siguro niya na may pasok kami at nakakaraan lang din ang minuto nang dumating si Peter so ang ibigsabihin, habang naglalakad kami papunta sa bahay niya ay naliligo pa lang siya. Nanghihinayang naman ako sa kanya. Siguro, 'yon ang defective sa kanya, lagi siyang nagpapahintay pero siya lagi ang active sa grupo pero nga kapag tinamaan ng ka-moody-han ay talo talo na.
"Sa wakas!" iritang sabi ni Peter dahil natapos na rin sa lahat lahat mag-ayos si Grace.
Kahit ako ay naiirita na sa kanya. Alam kong dapat may mabahala kanya kung ganito parati ang magiging wake up call time niya, siguro kailangan niya ng alarm clock para magising one hour before class hindi 'yong 10 minutes before class. Pabalik balik ang tingin ko sa relo ko habang sina Erika at Peter ay abala sa kanilang mga cellphone. Si Peter inaaliw ang sarili niya sa mga music siya phone niya habang si Erika naman ay kay Pou abala.
Lumabas na rin naman kami ng bahay ni Grace at less than 2 minutes na lang ay sobrang late na kami at mabuti na lang dahil malapit lang ang school sa bahay ni Grace so kaya naman naming takbuhin 'yon.
Naabutan naman namin 'yong first subject teacher namin na papasok na sa room namin atleast naunahan namin siya bago siya ang pumasok sa room namin. Hingal na hingal at tagaktak kami ng pawis dahil sa sobrang pagmamadali namin. Ikaw ba naman umakyat ng third floor pa.
"Hindi na ulit ako sasama sa inyo kapag ganyan." Sabi ko kay Erika ngunit pabulong lang 'yon. Ayoko kasi paulit-ulit na mangyayari 'yon dahil masisira ang attendance namin kapag kaganyan si Grace. May magagawa naman 'yang paraan alam ko 'yon, pero siguro tamad lang gumising ng maaga kaya ganyan.
Nagkaroon kaagad kami ng grouping kung saan kailangan ng three members sa isang group. So ang mga naging ka-group ko naman ay si Erika at Peter so naiwan mag-isa si Grace na wala pang member.
"Ang daya niyo naman!" nguso pa nito. "Ma'am! Bawal ba apat?!" suhestyon pa ni Grace pero hidni siya pinagayan n gaming guro. "Kainis kayo." Irap pa nito sa amin.
"Grace, dito ka sa amin! Kulang kami ng isa, 'wag ka na diyan, walang batbat 'yan." Napatingin naman kaming tatlo sa nagparinig na naman na si Elaine pero hindi na lang din namin pinansin dahil papansin kuno nga ito pero nang tingnan namin si Grace ay nangingibabaw ang ngiti sa mga labi nito.
"Sige, Sali ako!" excited itong pumunta doon sa grupo nila Elaine at Sarah.
Napakibit balikat na lang ako dahil parang mas gusto pa ni Grace na mapabilang siya doon kaysa dito sa amin. Napansin ko naman na wala pa rin palang ka-group si Rosefe pero nang tanungin ko sana ay siya na ang nagkusa sa sarili niya. Atleast ngayon, hindi na niya kaharap 'yong phone niya na parang iuting ay baby niya.
So nagkaroon ng kami ng groupings .
"So, poster making ang gagawin niyo at individual naman ang slogan making. So kumuha na lang kayo dito ng cartolina at siguro naman ay may art materials kayo diyan. Kaya go, all groups have 1 hour para gawin 'yan. Sa oras ko lang at kapag natapos ang oras ko, pipili ako ng sasali sa contest at plus grade din 'yon sa record ko." sabi pa ng biology teacher namin.
"Jacob, kuha ka na doon." Utos nila sa akin.
Tumayo naman ako at pumunta doon sa table ng teacher namin at kumuah ng cartolina. Nakasabayan ko pa si Elaine na kumuha.
"Anong tinitingin mo diyan?"
"Ang assuming mo."
"Ako pa?" ngisi pa nito. "Ito sayo." Kinuha niya 'yong isang cartolina doon at pinunit ang ibabang part nito at binigay sa akin. Nakangiti pa ito nang makatingin sa akin. "That's what you want, you have it." Saka niya ako tinalikuran pero pinatid ko siya at doon nagtawanan 'yong mga kaklase namin. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ng teacher namin at tahimik naman akong bumalik sa upuan ko.
"Jacob, you've messed with the bad girl." Sabi pa ni Erika sa akin.
"Ha? Bakit naman?" taka kong tanong sa kanya at inabot ang cartolina sa kanya habang si Peter ay abala sa mga art materials na aming gagamitin.
"Maldita 'yang babae na'yan, you can see her as a girl but she is heartless, she's careless and provoke bad image."
Pero kinibit-balikat ko na lang ang sinabi niya sa akin. "Ano naman kung awayin niya ako, hindi na ako 'yong Jacob na magpapa-api na lang Erika. Kung sa tingin niya, mahina ako. Nagkakamali siya, mabilis lang siyang tumakbo dahil kabayo siya pero hindi ako papayag na ibaba niya ang isang katulad ko."
"Bahala ka diyan, Jacob." Buntong hininga pa ni Erika sa akin. "Sige na! Tara na!"
Nagsimula naman kaming mag-sketch ng aming poster. Kung ano anong idea na lang ang pinagdo-drawing namin dahil pasok naman iyon sa theme na binigay sa amin. Si Erika at ako ang taga-skecth at lahat naman kami nagbe-brain storm para sa maging swak ang kalabasan ng aming poster at nang matapos kaming mag-sketch ay si Peter naman ang nag-trace ng sketch lines para maging malinaw ang images nito. Nagbura naman kami after at kinulayan na pagkatapos.
Peor natagalan lang kami sa pagkukulay dahil medyo makalat 'yong pastel na nagamit namin kaya bura dito, ulit kulay ang ginagawa namin. Naunahan pa kami magpasa.
After ten minutes nang matapos namin ang pagkukulay sa poster namin ay nagpasa na kami. Halos magkanda-talon talon kaming tatlo dahil ang ganda ng finished product namin. Halatang binigyan ng effort 'yon.
"So, mamimili na ako." Sabi ng biology teacher namin.
Lahat kami ay nakatuon sa kanya dahil sa sinusuri talaga nito ang mga drawing. Kung pasok ba sa theme at malinis ang pagkakagawa.
"So, ito pakikabit sa blackboard." Sabi ng teacher namin at nang madikit sa blackboard 'yon ay nagdiwang naman bigla sila Sarah, Grace at Elaine dahil isa sila sa mga napili para ilaban din. Ang mga kasunod pa ay na-ignore na ng guro namin hanggat sa kami na ang sinusuri nito. "Paki-post din ito." Halos mangisay naman kami sa tuwa dahil isa rin kami sa napili.
"Gaya-gaya lang naman." Rinig naming sabi ni Elaine pero pinagalitan siya ng guro namin. Buti nga sa kanya.
"Pero atleast ah, maganda..." rinig naming sabi ni Grace.
"Naman, group effort 'yon eh." Ngiting wagas pa namin.
"Pero mas maganda 'yong amin." Ngisi pa niya.
Naasar naman kami bigla dahil sa sinabi niya at bumaling an lang muli sa teacher namin.
"So, itong tatlong poster lang 'yong napili ko," sabi ng teacher namin. May napili pa kasi siyang isa na sobrang artistic naman ang pagkakagawa na sa grupo iyon ni Kirby. "So don't worry sa mga hindi ko napili dahil may grade pa rin naman 'yon pero iba itong mga napili ko." she paused. "so kung sino man ang mapili ko, ilalaban sa other sections at kapag nanalo naman itong galing sa section niyo ay mas mataas ang grade syempre. So, ito ang gagawin natin, itaas niyo ang kamay niyo kung sino ang mapipili niyo, one vote lang class."
Kinakabahan naman kaming tatlo dahil sa baka walang pumili sa amin.
"Group of Elaine, Sarah and Grace. Raise your hands if you voted this poster." Sabi ng teacher namin at ilan din ang mga nagtaas ng kanilang mag kamay. Diniliaan pa ako ni Elaine na nag-sign ng Loser sa kanyang noo. "19 votes. Group of Jacob, Erika and Peter." At nagsitaasan naman muli sila ng kanilang mga kamay. "12 votes."
Napabuntong hininga na lang din kami dahil wala na, kulelat na kami. Wala nang laban 'yong votes namin.
"So, group of Kirby, Ilan and Manuel." At binilang naman ng guro namin ang mga nagsi-taas ng kanilang mga kamay. "24. So over 55, mas maraming pabor sa gawa nila Kirby! So sila ang lalaban."
Nagdiwang naman sina Kibry, Ian at Manuel dahil sila ang napili at syempre kaakibat na no'n ang high grade na makukuha nila lalo na malaki ang nandiyan si Kirby.
"Hay nako, Ian." Rinig naming sabi ni Peter na may kasama pang buntong hininga.
"Anong meron kay Ian?" tanong ni Erika.
Mabilis naman itong umiling sa amin, "w-wala."
"Di bale, babawi tayo sa susunod."
"Wala na kayong babawian, you're such a loser." Pinitik pa ni Elaine ang tenga ko at matawa-tawa pang lumabas ng room. Mabuti na lang ay nauna nang lumabas ang teacher namin kundi napagalitan na naman siya.
"Ang laki ng galit no'n sayo." Sabi pa ni Erika sa akin.
"Oo nga, maldita." Dagdag pa ni Peter. "Kabayo." Hagikgik niya. Just like you. Peter petra. Hala! Ang sama ko na.
"Si Elaine? Maldita? Hindi naman ah." Pagtatanggol pa ni Grace sa amin. "Kung iniisip niyo na maldita siya, hindi naman, naging classmate ko naman siya noon and you've seen the wrong Elaine in your eyes. Ang layo ng sinasabi niyo. Mabait siya at generous. You know that?"
Natulala na lang din kami sa sinabi ni Grace kay Elaine. Okay, kung 'yon ang gusto niayng ipuri kay Elaine. Wala akong magagawa do'n. Kung nakasama niya ng isang oras dahil diyan sa grouping at nakausap niya, imposible naman na magkaroon agad ng friendship sa pagitan nila lalo na't maarte si Elaine.
"H-hello Jacob." Napaigtad naman ako ng may lumapit sa aking classmate ko habang tinutulak tulak ito palapit sa akin. Nahihiya din ako bigla dahil sa ginagawa nila. Parang pinu-pwersa lang nila.
"A-ah, ano 'yon?"
"Para sayo..." saka nito inabot ang sulat na may heart shape saka mabilis na bumalik sa kanyang kinauupuan.
"Uy, may lovelife na talaga siya." Panunukso pa sa akin ni Erika.
"Patingin nga!" inagaw ni Peter sa kamay ko ang sulat na binigay sa akin ni Elijah. "OMG! Love letter from her."
Kumunot noo naman ako sa sinabi ni Peter at silang tatlo ay nagkumpulan para basahin 'yong letter at nang bawiin ko naman 'yong letter na 'yon sa kanila ay ako naman ang nagbasa.
Hi Jacob!
Alam mo bang crush kita? OMG! Nakakahiya 'to. Ako pa talaga nagsasabi sayo nito pero alam mob a, on the frist day I saw you. You took my heart away. OMG! Ang landi ko lang. Pero crush talaga kita. Hihi.
—Elijah Mañego
Shit! Ano 'to?
"Nuxx Jacob! Jalijah na ba ito?" Pang-aasar pa ni Erika.
"What? Seriously?" I sighed.
Ano ba 'to? Hindi ko rin alam kung anong mafi-feel ko ngayon, matutuwa kasi meron ng humahanga sayo maiinis kasi nakakairita kapag gano'n. Hindi ko alam. Pero no'ng tiningnan ko siya habang inaabot siya sa akin 'yong papel, napukaw ang mga mata ko ng mga ngiti niya.
Shit talaga, ang bilis kong ma-fall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top