Chapter 4
Chapter 4
I'll have to do lot of things dahil malapit na ang pasukan. Simula noong malaman ko ang section ko at malaman na mga kaklase ko pala sila Erika, Peter, Grace at 'yong dalawang babae na nabunggo ko pero kung maka-asta sila pa 'yong nasaktan. Masyado lang atang mataas ang mga pride lalo ni ate horse.
Nandito ako ngayon sa National Bookstore para mamili ng mga gamit ko sa pasukan. Maaga akong namili para hindi makaistorbo sa akin kapag malapit na ang pasukan dahil kapag nagkataon ay magkakaubusan naman ng gamit. After kong mag-ikot ikot ng mga notebooks, ballpens and such na kailangan ko ay tumungo naman ako sa section ng mga libro. Ito na ang the best feeling na pinupuntahan ko kapag nasa bookstore ko, kung pwede nga lang mag-stay dito ng buong araw at titigan lang sila. Dito na lang ako pero hindi. May bayad at mall hours sila kaya hanggang hawak at titig lang sila.
Kahit na 'yong mga nabibili ko naman na libro ay hindi ko mabasa ng agad agad pero kapag nakikita ko naman sila sa shelf ko ay halos hindi ko na mapigilan ang mga ngiti dahil para ko na silang babies. Because I'm a loyal reader of lovestories, dystopian novels ay sinusubukan kong magre-search research for something new na ako ang gagawa.
Yes, someday I want to be an author. Just like, John Green, Veronica Roth, James Dashner and so other author and especially, ang online author na binabasa ko ang works niya na si Jonaxx. They are my inspirations kaya naiisip kong gumawa rin ng story kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Haay.
"So you're a bookworm." Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko at nang makita ko si Erika sa tabi ko ay agad akong lumipat ng pwesto pero hindi niya talaga ako tinantanan kundi sinundan niya lang ako. "Teka Jacob, may nakakahawa ba akong sakit para layuan mo? I don't get you. You talk to the other students but me, hindi, namimili ka ba ng kinakaibigan mo? Tell me." Diretsyo nitong tanong sa akin.
"No, not what you think, maybe I can't still get what you want."
"Wait? 'Yon lang ba..." natawa siya ng sandali, "edi okay, paulit ulit ko na nga sinasabi eh, I want to be my friend! Mahirap bang intindihin 'yon?"
Umiling ako, "but you always following me."
"Kasi nga sa iba, mabilis kang makausap."
"Pero nagkakamali ka, iniiwasan ko rin sila."
"Kasi?"
"Kasi ano..."
"What?"
"Nahihiya ako." Napayuko na lang ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa sinabi ko kasi totoo naman. Nahihiya ako. Wala akong guts sa mga tao, even sa mga relatives ko din na kapag nandiyan sila ngiti lang nila ang nakukuha nila sa akin. Akala nga nila, pipi ako pero that's me, ewan ko na lang kung magbabago pa in the near future. Siguro, oo. Malay natin. No one can predict what will happen, tomorrow or in another day.
Bumuntong hininga naman ako at dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita ko siya.
"Bakit hindi ka tumatawa? Bakit hindi mo ko inaasar? Bakit hindi mo pa ako kinakantyawan? Sige, go lang. Tanggap ko naman." Buntong hininga ko pa.
"Alam mo..." naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko at halos halo halong ekspresyon ang bumalot sa mukha ko dahil sa ginawa niya. Dapat ang ginagawa niya ngayon ay tinatawanan niya ako, inaasar pero hindi 'yon ang inaasahan ko.
Tama nga siya, iba siya sa mga taong nakasalamuha ko na ang gusto lang ay mang-trip at manghusga ng kapwa.
"Bakit ka ganyan? Bakit ka iba sa kanila?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo Jacob, hindi naman lahat kasi ng tao na nakikita mo pare-pareho. Ginawa at binuhay tayo ni God sa iisang katawan which is ang maging tao pero sa pagiging tao natin doon naman natin makikita kung sino ba talaga ang nagpapakatao o hindi. Makikita mo naman sa mga kilos at salita nila 'yon Jacob. Ako? Pinagdudahan mo ako diba?" tumango naman ako sa kanya. "You judge me by the way you know but knowing what is really she intended. Mahirap sa isang tao, Jacob, na huhusgahan mo na lang siya ng basta. Hindi mo alam nakakasakit ka na." aniya.
"So bakit ka nga nandito pa? Bakit pinipilit mo na maging kaibigan ako?"
"Kasi, I find somewhere in you na iba ka rin."
Napataas kilay naman ako sa sinabi niya, "ano namang ibig mong sabihin?"
"Mabait ka. The way you looks tapos wala ka pang kaibigan. Nakikita na kita dati pa kapag nagpupunta ako sa canteen or library. You always have yourself lang. Wala kang kasama. Everytime na nakikita kita, gusto kitang lapitan pero 'yong guts ko na gusto kitang lapitan nawawala bigla kasi I have the feeling na lalayo ka sa akin at hindi naman ako nagkamali doon kasi noong nagkaroon ako ng chance na lapitan ka, you ran and don't look back at me."
"Pasensya na..." nakayuko ko pang tugon sa kanya. "Sige, mauuna na ako."
"Wait, magbabayad ka na ba?" nilingon ko siya at tinanguan. "Pasabay na rin ako nito." Then she handed over her few notebooks at ang pambayad niya. "Hintayin kita sa labas ah?" ngiti pa nito sa akin.
Nagmadali naman akong pumunta sa counter at doon ko binayaran ang mga binili kong school supplies. Hindi ko pa rin alam na may stalker pala ako. 'Di joke lang pero hindi ko rin siya gets. Why does she have to spare times para makausap ako. Wala talaga akong balak na makipagkilala o makipagkaibigan dahil noon naisip ko na hindi ko naman sila kailangan pero ngayon sa mga sinabi sa akin ni Erika ay doon ako tinamaan. Bawat salita na binitawan niya ay mapapaisip ka na lang.
Tama ba na naging manhid ako biglang tao? Bilang isang tao.
Sa tingin ko hindi naman. Hindi lang talaga ako friendly. Mahina lang din talaga ako makipag-usap sa mga tao.
Nang matapos na mabayaran ang mga binili ko ay lumabas na ako ng bookstore at nakita ko naman doon si Erika na nakatayo. Nakangiti naman ito ng makita ako. Inabot ko naman sa kanya 'yong paperbag na may laman ng binili niya at binigay ang sukli niya.
"Sige, salamat, mauuna na ako."
"No!" pigil nito sa akin na hinawakan pa ako sa balikat, "treat kita."
"Ha?"
"Friends na tayo diba?"
"F-friends?" nauutal ko pang sabi sa kanya.
"Oo kaya!" tawa pa nito. "So tara?"
Nagkibit balikat naman ako sa kanya at siya na itong naghigit sa akin patungo kung saan man niya ako ili-libre. Narinig ko na naman ang salitang friend. Sinabi niya 'yon sa akin at gano'n na nga daw kami.
Friends.
So ano naman kung friend na ang tawag niya sa akin? May mababago ba doon? May mawawala ba sa akin? Wala. Actually, hindi ko inaasahan na masaya pala magkaroon ng kaibigan.
Ilang saglit lang ay mahinto kami sa harap ng starbucks.
"Ay, hindi okay lang sa akin, Erika, uuwi na lang ako."
"Ano ka ba! Treat ko naman eh!"
Kahit anong pilit ko na wag na lang at uuwi na ako ay hindi rin siya nagpatalo kundi pinilit niya pa rin akong umorder doon kahit na medyo mahal. Okay lang naman sa akin kung bibili ako ng para sa kin, afford ko naman pero lilibre niya ako?
"Hindi, Erika, ito bayad ko."
At sinarado niya ang palad ko at inurong ito pabalik sa akin, "hindi na Jacob, alam mo ba, ang magkakaibigan, naglilibrehan?"
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Kung ako sayo, ako muna manglilibre tapos sa susunod ka na, deal?"
Napangiwi naman ako sa kanya, "eh, di ko alam."
She rolled her eyes, "sige, basta, maupo ka na lang doon."
"Okay."
Edi sabi niya ay naupo naman ako doon at hinintay ko siya. Ilang saglit lamang ay natungo na siya sa kinauupuan ko din at inabot sa akin ang mocha frappe na nilibre niya sa akin.
"Ito Erika, bayad ko, nakakahiya kasi." Sabay abot ko sa kanya ng pera pero tinanggihan niya ito.
"Ang kulit mo din pala ano, Jacob, libre nga diba?"
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya, "sige, salamat."
Ilang saglit ng katahimikan ang namagitan sa amin dahil sa nahihiya akong makipag-usap tapos itong iniinom ko pa ay libre niya. Hindi ko kasi alam kung anong mafi-feel ko ngayon, nilibre niya ako, tinawag na niya akong kaibigan. Kakaiba ang mga nangyayari ngayon.
Simula nang matapunan ako ng juice, nagbago ang lahat.
"Mahilig ka pala magbasa?" tanong nito sa akin na agad ko namang tinanguan. "Pansin ko nga." Hagikgik pa niya. Napakunot noo naman ako sa kanya. "So, anong binabasa mo ngayon?"
"The Death Cure by James Dashner." Sagot ko sa kanya.
"Maganda?"
I nodded to her, "yes, it is a dystopian novel with spice of science fiction. Ikaw nagbabasa ka ba?"
"Oo naman!" ngiti pa nito sa akin. "Ito oh, may ibibigay ako sa'yo." Saka siya may kinuha sa bag niya at mayamaya lamang ay kinuha niya ang kamay ko ay nilagay sa kamay ko ang isang bibliya. "Ayan ang madalas kong basahin, Jacob."
"Nice, kaya rin pala no'ng nakita kita, bible ang binabasa mo. You're a God Princess."
Ngiti pa nito sa akin, "you can say that." Hagikgik pa nito. "Basahin mo rin 'yan ah? Everyday na gigising at matutulog ka, magbasa ka lang ng ilang verse alam kong may magandang magagawa 'yan sa'yo. It's a word of God."
"Oo nga, Erika, salamat, dami mo nang binigay, babayaran ko na lang lahat 'to."
Saka siya natawa, "no, hindi ko 'yan pinagbibili. Lahat ng binigay ko sayo ay for free, ibigsabihin bigay kaibigan lahat 'yon. No fees. Hindi ako gano'ng tao pero may times na gahaman din ako." Tawa pa nito.
Ilang sandali lang ay kailangan ko na rin umuwi at nagpaalam na rin naman ako sa kanya.
Syempre hindi ko nakalimutang magpasalamat sa kanya.
Nang makauwi na naman ako ay inayos ko na ang mga binili kong gamit sa study table dahil kailangan ko pang bumili ng panibagong bag dahil nasira 'yong pinaka-bitbitan niya.
Habang inaayos ko ang mag ito ay may napansin akong ibang gamit sa mga pinamili ko.
"Hindi akin 'to ah." Tukoy ko sa ballpeng nasa study table ko.
At nang buksan ko naman ito ay may lumabas na kapirasong papel na nakasuksok doon.
Kinuha ko naman ang kapirasong crumpled paper na iyon at binuksan ko at binasa ang napakaliit na sulat ngunit malinis.
"Hi Jacob! Happy friends! –Erika."
Ewan ko pero natawa na lang ako sa nabasa ko.
Masarap nga sigurong magkaroon ng kaibigan.
Mayamaya lamang ay may nagpop sa facebook ko at nakita ko na naman ang friend request sign doon. Napakunot noo naman ako hanggang sa buksan ko ang list na 'yon at bumungad sa akin ang kanyang pangalan.
Friend Requests
Sarah Ginina Fran
2 Mutual Friends
Confirm || Delete Request
Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong school mate ko na 'yong kaibigan ay nakabangga ko at 'yong sinabihan akong eww. Pero kung natatandaan ko pa, ibang iba itong Sarah na 'to sa kaibigan nitong babae.
Hindi ko alam kung ia-accept ko tutal hindi ko pa naman siya lubos na kilala.
Stand-by ka na lang muna diyan.
In-unblock ko na rin si Erika at friends na ulit kami. Hindi ko alam kung magiging social active ako ngayon sa social media kung nagsisimula na akong magkaroon ng tinatawag nilang group of friends.
Totoo nga kaya sila o sadyang nilalamangan lang talaga nila kung ano lang kaya ko.
Sana hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top