Chapter 3

Chapter 3


What to expect? Last day of school this year. Kuhaan na rin ng card this next week at after no'n, enrollment kaagad. Mabilis lang talaga ang panahon, so why don't you just enjoy everything you have right now. Kaya ako, kahit wala akong mga kaibigan nagagawa ko naman lahat ng gusto ko, nakakatawa ako kahit walang kaibigan, walang problema, kaya ko naman talaga mag-isa kasi there's a family you had when you will go home. Maraming bagay para sumaya ka pero sabi nila...

  When you with your friends, all you had to do was to laugh and enjoy everything because you had no reasons to be afraid and lonely being with them. Pero hindi ko naman pinaniwalaan 'yon, bakit masaya naman ako kahit wala akong kaibigan. I had the best way to escape the reality is to read books. That's the best way.

  Ngayon ay dahil wala na rin namang ginagawa sa school ay minabuti ko na lang din naman na sa library na lang tumungo. Tahimik at libro lang ang magiging kasama ko. Nabili ko na rin pala 'yong na gusto ko, 'yong libro na nabasa dahil sa orange juice ay hindi ko na natuloy basahin dahil nawalan na talaga ako ng gana kung pwede ko nga lang ipa-palit 'yon sa bookstore na pinagbilhan ko ay ipupunta ko na kaagd 'yon doon pero syempre hindi nila gagawin 'yon at baka makakuha pa ako ng sagot na, 'Ang careless mo kasi kaya natapunan 'yan ng juice.' Hindi man 'yan ang magiging sasabihin pero siguraod ako gano'n din ang kakalabasan kaya no choice kund bumili na lang ako ng bagong babasahin.

  "Hello, Jacob." Nanlaki ang mata ko dahil narinig ko na naman ang boses niya.

  Nang dahan dahan ko naman siyang nilingon ay nakatingin siya sa akin na nakangiti pero agad akong umiwas nang tingin sa kanya at niligpit ang lahat ng gamit ko, at tumayo sa kinauupuan ko at tutuloy na sana palabas ng library pero sinusundan talaga niya ako.

 "Jacob, ano ba? Bakit k aba lumalayo?" napahinto naman ako sa sinabi niya at humarap ako sa kanya.

 "Don't come near me, so you won't get mad. Don't ever try to be friend with me 'cause I will ignore you all the time. Don't ever follow me cause I don't know you." Saka ko siya tinalikuran at naglakad pero rinig ko pa rin ang foosteps niya na malamang ay sinusundan ako.

 "Ang sakit mo naman magsalita." Hindi ko siya pinansin. "Ganyan ba talaga kapag loner ang isang tao?"

  "It's none of your business." Singit ko sa kanya.

  "Yes, you're right Jacob. But please take it to your mind that no matter what happen, you can't be like that forever. You'll have your friends. Matigas ka man ngayon, lalambot din ang puso mo pagdating sa mundo ng pagkakaibigan. Siguro ngayon walang sense ang mga sinasabi ko sayo dahil hindi mo naman talaga mage-gets kung ano ang true definition ng kaibigan, hindi ako nagagalit, Jacob ha? I'm just trying to say what you had to realize. Sige, balikan mo na lang ako kapag buo na ang isipan mo sa mundo ng pakikipagkaibigan." All the time nakayuko lang ako sa mga sinasabi niya. Tinamaan ba ako? Medyo. Kainis! Kasi Oo. Parang pinamukha niya naman sa akin na kaibiganin ko siya kasi loner ako.

 But hey, no way.

  Pero nang lingunin ko ang likuran ko ay walan na siya doon, napakibit balikat na lang din naman ako dahil ang weird niya talaga. Pagkatapos pala nang sabihin niya sa akin na thanks for accepting my friend request ay agad ko naman siyang binura as friend ko sa facebook at muntikan ko na ngang i-block eh pero hindi ko ginawa kaya ayos lang na unfriend ang ginawa ko.

  Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas ng school. Wala namang bago, as usual, bawat araw ko hindi naman nagbabago. Sa tuwing magbabasa lang ako ng libro parang doon lang ako napupunta kung saan saan. Friends? Kahit wala naman sila, mabubuhay ako eh.

  Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay may natanaw akong ka-school mate ko na parang binu-bully rin. Pinagpapasa-pasahan 'yong bag niya. Pero hindi ko na lamang 'yon pinansin kundi nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad ko pero muli na namang naagaw ang atensyon ko dahil sa inaasar na ito. Pinanood ko lang kung anong sunod na mangyayari sa kanila hanggat sa tinuro ako ng isang lalaki doon, ka-school mate ko rin dahil pareho kami ng uniform.

 "Ako?" pagtuturo ko pa sa uniform ko.

  "Oo ikaw! Lumapit ka dito." Utos pa nito sa akin.

  Napalunok naman ako ng laway. 'Wag ka magpapauto Jacob.

 "Ano ba! Lumapit ka dito!" inis na sigaw pa nito sa akin at nang siya naman ang tumawid sa kalsada ay kumaripas na ako ng takbo. Maging ang ibang kaibigan nitong bullies ay ako na ang hinahabol.

  "Ano bang kailangan niyo?" tanong ko habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit na medyo hinihingal na ako. Ayokong huminto kasi ayokong mabully muli.

Pero tadhana nga naman, nadapa pa ako. Lampa kasi.

            "Ayan! Tatakbo ka pa?" aamba na sana ako na tatakbo ako pero nahuli nila ang kwelyuo ko kaya hindi ko na nagawa pang tumakbo. Kinuha nila ang bag ko na naglalaman ng bagong libro na binili ko. "Sa susunod kasi, wag manonood kung ayaw madawit." Aniya.

            Hindi ko siya pinansin at natanaw ko naman 'yong kaninang binubully nila na lalaki. Tho the way he move, I think no.

            "Hoy! Pare, may libro oh!" sabi pa ng isa na may hawak ng bag ko ngayon.

            "Tss, nerd." Ani ng may hawak sa kwelyo ko. Hindi ko naman sila kilala pero mga bully talaga ay walang magawa sa buhay kundi ang mang-asar at mang-trip dahil gusto nila sila lang ang nananalo.

            "Bitawan mo 'yang libro ko!" sigaw ko doon sa lalaking may hawak ng libro ko.

            "Aba aba! Lalaban?" maangas na sabi nitong lider-lideran na mokong na may hawak sa akin.

            "Bitawan niyo siya kundi ipapatawag ko kayo sa tatay kong pulis!" napatingin naman kaming lahat sa babaeng nagsalita. "Ano?!" at kinuha nito ang cellphone niya na aastang tatawagan niya nga ang tatay niya pulis.

            Mabilis naman na natakot ang mga bully na 'yon at binitawan ako maging ang bag at libro ko.

            Mabilis ko namang binalik sa loob ng bag ko ang libro na 'yon at inayos ang polo kong gusot gusot na dahil sa lalaking 'yon.

            "Ayos ka na?" tanong no'ng babaeng nag-ala wonderwoman sa eksenan kanina. Tinanguan ko naman siya at umayos na nang pagkakatayo sa kanya. "Sa susunod, lumaban ka. Huwag kang magpapatalo." Aniya. "Mabuti na nga lang at nadala ng pananakot ko eh."

            "Ha?" di ko ma-gets kung bakit eh.

            "Hindi pulis tatay ko, panakot ko lang lagi 'yon kapg may gustong mang-trip sa akin."

            Napangiwi naman ako sa kanya, "ah-hehe, salamat."

            "Wala 'yon." Ngiti pa nito sa akin, "Mary Grace Bernabe nga pala, ikaw?" at nilahad nito ang kamay nito. Napatitig na lang ako sa kamay niya. Ito na naman ako, inatake na naman ako ng hiya ko. Wala talaga akong guts.

            "J-jacob..." banggit ko nang pangalan ko at siya na mismo ang kumamay sa kamay ko.

            "Hey!" napalingon naman kaming dalawa nitong si Mary Grace sa lalaking palapit sa amin, "okay ka lang?" biglang tanong nito. Binitawan ko na rin naman ang kamay k okay Mary Grace at tinuro ko ang sarili ko, "obvious ba?"

            At dahil sa sinabi niya, tumango na lang ako.

            "Sorry dahil nadamay ka pa sa kagagawan nila, ewan ko ba, lagi nila akong trip eh..." nahinto ito. "Wait, ikaw rin 'yong nakabangga ni Ian noong nakaraang araw, ano nga palang pangalan mo?" tanong nito sa akin.

            Sasabihin ko ba? Masyado na akong maraming nakikilala na ngayong araw.

            "Jacob pangalan niya." Sagot naman ni Mary Grace.

            "Ah, sige, mauuna na ako sa inyo." Saka ko tinakbuhan silang dalawa. Ewan ko ba. Hindi ko lang kayang may makasama na tao sa paligid ko na kakilala pa lang din naman. Pero thanks to that girl who helped me, ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya feeling ko makakasundo ko siya pero malayong mangyari 'yon dahil tama na ang unang pagkikita na 'yon at hindi na mauulit gaya ng kay Erika na hindi matahimik.

—ELF—

"Napakainit naman!" angal ko dahil kanina pa kami nakatayo dito at inaabangan ang list of section this coming next school year. Tanghaling tapat at nandito kami sa school for this section announcement lang. Halo halo naman ang mga nakikita kong mukha na from coming freshies to seniors.

            Nakatayo lang din naman ako sa gilid dahil ayokong makipagkumpulan doon sa maraming estudyante na naka-abang na sa bulletin board. Titingin lang ako doon kapag wala na sila. Hindi pa sana ako pupunta ngayon dahil nga sa ganito ang mangyayari pero syempre para malaman ko na kaagad ang section ko ay mabuti nang maaga kaysa sa iba pa malaman. Sa iba? I have no friends kaya walang magsasabi sa akin no'n.

            Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Erika na papunta sa direksyon. Napalunok naman ako ng laway dahil nakatingin din siya sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya pero inaaninag ko siya sa gilid ng mata ko at mabuti na lang ay hindi siya sa akin pumunta.

            Nakahinga naman ako ng maluwag doon dahil simula noong kausapin niya ako, hindi na siya lumalapit sa akin kundi kapag nagtatama ang mga paningin namin doon bumabalik lahat ng sinabi niya sa akin.

            May kailangan ba akong ma-realize?

            "Napaskil na daw!" rinig kong sabi ng mga estudyante na nagmamadaling pumunta doon sa bulletin board. Medyo malayo ako doon dahil siksiksan ang part na 'yon. Ayoko pa naman ng crowded dahil hindi ako sanay. Tumayo nga lang sa harapan para mag-discuss ng report, may kogido na't lahat lahat, nauutal pa rin ako.

            Wala akong confidence na humarap sa mga tao. Wala sa akin 'yon.

            Nang naglakad naman ako doon sa section ng bulletin board ay nabigla ako sa kumpulan ng mga estudyante. Hindi na ako magtataka dahil sa mga sabik silang malaman ang kanilang mga section lalo na kapag nalaman nilang magkakasama ang mga kaibigan nila sa isang room. Isang malaking goal daw 'yon sa magkakaibigan na magkasama-sama sa isang section dahil hindi maglalayo 'yong mga loob niyo sa isa't-isa pero kapag ang isa daw ay nalayo sa mga tinatawag mong kaibigan ay may pag-asang lumayo ang loob mo o nila sayo.

            Siguro kasi nakahanap na sila ng bagong kaibigan.

            Mabuti na lang wala akong kaibigan.

            Wala akong goal pagdating sa section.

            Pansin ko ang mga estudyante sa list ng sophomores na pinipicturan pa nila kung saan sila nabibilang na section. Magkakahiwalay na pinaskil ang bawat year level upang hindi dumgin daw kaya ito ako, nag-aabang lang na kumonti ang tao.

            Naghintay pa ako ng ilang minuto habang umaalis na ang mga estudyanteng tuwang-tuwa dahil sa section nila. Ang iba lang naman ay habol ay crush nila, friends, ans such. Ako? Wag mo nang tanungin dahil, wala. Nang medyo kumonti na rin naman ang nagtitingin sa list ay nakisingit na rin ako. Sinimulan ko sa lower section hanapin ang pangalan ko hanggat sa napapakunot-noo na lang ako dahil hindi ko pa rin nakikita ang pangalan ko hanggat sa napunta ang napangalan ko sa top section.

            Pang-pito ang pangalan ko sa list, 7. Jacob Fiero Dean.

            "Section 1? Ako?" hindi ko in-expect na papasok ako sa section 1.

            Tiningnan ko rin naman ang list of names ng girls at nabato na lang ako ng makita ko ang pangalan niya.

            "Erika Pacala?" banggit ko dito.

            "Ha? Bakit? Sino 'yon?" at hindi napansin na nasa tabi ko lang pala si Erika. At nang mapansin niyang ako 'yong nagbanggit ng pangalan niya ay napangisi na lang siya, "so we we're classmates?"

            "E-ewan." Kibit balikat ko pa.

            "Ito oh!" turo niya sa pangalan ko. "At ito ako." Turo naman niya sa pangalan niya. "Diba?"

            "Jacob?" napalingon din naman ako sa tumawag ng pangalan ko.

            "Sabi walang friends pero meron." Rinig kong sabi ni Erika pero hindi ko na lang siya pinansin at nakita ko naman si Mary Grace.

            "Classmates tayo!" excited pa nitong sabi sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya.

            "Correct, classmate niyo din ako!" at biglang bumungad naman ang isa pang nakilala ko noong nakaraang araw na binully rin ng mga lalaki na nalaman namin na from 3rd year level pala ang mga 'yon. "James Peter nga pala kung hindi mo pa alam, pero call me, Peter." Kindat pa nito sa akin.

            Napangiwi nama ako sa ginawa niya.

            "Hala! Sarah! Classmate natin siya?" at namintig na naman muli ang tenga ko na marinig ko ang boses na 'yon. "Like eww? Nerd." Iritadong sabi no'ng babae na kasama 'yong babaeng makapal ang kilay.

            "Okay lang naman eh, atsaka anong eww, Elaine? Tara na nga..." saka sila umalis.

            "Sige mauuna na rin ako." Paalam ko sa kanila.

            "Jacob." Pero pinigilan muli ako ni Erika.

            "Sila friends mo, ako hindi?" ngisi pa nito at saka siya umalis at tumungo sa ibang daan.

            "Sino 'yon?" singit naman na tanong ni Peter.

            Napakibit balikat naman ako sa kanila, "classmate natin siya eh. Sige mauuna na ako."

           

            At tuluyan ko na silang iniwan doon. Nakakapanibago. Ang dami kong nakasalamuha. Hindi ko maintindihan. Nakakahiya na ewan. Ayoko na tuloy pumasok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top