Chapter 16

Chapter 16


~Erika's POV

 

"Remember me with smiles and laughter, for that's how I'll remember you. If you can only remember me in sadness and tears, then don't remember me at all."  

- Little House on the Prairie –

 

I may not be the perfect friend to him, I still miss the way he laugh with us. Siguro matagal na ang dalawang taon para ikimkim namin 'yong longing namin sa kanya. Sa dalawang taon na lumipas na 'yon gumawa kami ng way para makita namin siya, 'yong tipong stalker kaming lima sa kanila. Nakakamiss lang talaga na 'yong kaibigan namin, nawala na nang tuluyan sa amin. Ngayon na hindi na namin siya kaklase mas lalo kaming nalungkot dahil hindi na kami. Hindi na buo 'yong saya namin. Tho dati namin no'ng third year kami ay hindi namin siya pinapansin pero kapag wala na si Jacob sa harap namin, natatahimik na lang kami bigla at maaalala 'yong moments namin with him.


            Siguro nga wrong move din kami na kumampi kay Elaine.


We sign our cards and letters BFF

You've got a million ways to make me laugh

You're lookin' out for me, you've got my back.

It's so good to have you around.


            Nami-miss ko rin 'yong pagsasabay at pag-uwi namin ni Jacob. At kapag dumadaan naman kami sa bahay nila, gusto namin siyang puntahan at i-surprise pero baka itaboy niya lang kami at sabihing 'who you?' dahil naging malupit rin sa amin ang two years na hindi siya makasama sa bonding namin.


            Natanggap na rin naman ni Elijah 'yon kaya nagsisisi na rin siya dahil sa nangyari 'yong pero gustong-gusto niya daw marinig mula kay Jacob 'yong salitang 'sorry' pero naging manhid din si Jacob. Naghintay si Elijah ng sorry ni Jacob pero nagmatigas din si Jacob kaya hopeless din siya.


You know the secrets I could never tell

And when I'm quiet you break through my shell

Don't feel the need to do a rebel yell

'Cause you keep my feet on the ground


            Ngayon na papunta kami sa canteen which was three years na namin naging tambayan. Lima kami plus Elaine pero minsan lang siya dahil ayaw niya daw sa amin na boring. Nakikisama lang din siya kasi okay na ulit sila ni Sarah pero kahit kami napaisip dahil bakit namin kinampihan si Elaine? May mali silang dalawa pero dapat nasa side kami ng kaibigan namin pero nagkamali kami, at 'yong friendship na binuo niya rin. Nawala na.


            "Nandiyan na si Jacob." Sabi ni Rosefe kasi kasama ang boyfriend nitong si Jeremiah.


            "Act natural lang, 'wag niyo tingnan." Saway ko sa kanila at nagtawanan naman kaming lima pero parang ang plastik lang ng dating ng tawa namin dahil pinapakita namin kay Jacob na masaya kami kahit wala siya pero ang totoo, malungkot din kasi wala siya.


            Dahil sa kinauupuan ko ay nakikita ko naman si Jacob na pumipila para bumili ng pagkain nila kasama nila 'yong dati rin naming classmate na sina Derwin, Catherine at Jeremiah na ngayon ay new found friends niya. Kapag nakikita naman namin siya, masaya naman siya sa mga kaibigan niya.


            Maya-maya lamang ay lumapit si Jeremiah sa amin at binigyan nito ng pagkain ang girlfriend na si Rosefe, "Jeremiah, ano ng ginagawa ni Jacob?" tanong ko naman sa kanya.


            Nagkibit-balikat lang naman ito sa akin, "wala naman."


            "Para kasi may pinagkaka-abalahan siya, ano 'yon?" tanong naman ni Sarah.


            "Ah, nagsusulat siya sa Wattpad." Parang narinig ko na 'yon dati. Napatango na lang din naman kami sa kanya. "Sige, balik na ako do'n, Rosefe mamaya sabay tayo." Sabi ni Jeremiah kay Rosefe.


            Inasar naman namin si Rosefe dahil so-loving-care boyfriend nitong si Jeremiah. Kami nga walang lovelife tho ang focus ko talaga ay si God at ang magbahagi ng words ni God. Pero hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon, pinapatunayan pala talaga ni Jacob na magiging writer siya.


You're a true friend

You're here till the end

You pull me aside when something ain't right

Talk with me now and into the night

'Til it's alright again

You're a true friend


Siguro iniisip ni Jacob na hindi kami naging tapat sa kanya as his friend. Hindi na nga namin pinakinggan 'yong side niya hindi pa namin siya pinapansin. Alam kong maraming pagkakataon kaming sinayang na makipagbati kay Jacob pero nauunahan di kami ng takot at kaba dahil baka mamaya hindi na lang din niya kami pansinin.


Napansin ko naman na nagsitayuan 'yong apat kasama si Jacob doon at naglakad sila palabas ng canteen.


"Anong tinatanaw mo diyan?" tanong sa akin ni Grace.


"Ha? Wala." Sabi saka uminom na sa juice ko. "Ay! Wait, CR lang ako." Pamamalaam ko naman sa kanila at mabilis naman akong tumayo at sinundan sina Jacob na patungo sa library ang ginagawa niyang tambayan niya. Napasilip na lang ako doon at napabuntong hininga na lang dahil hindi ko pa rin kayang lapitan si Jacob.


Parang bumabalik na naman 'yong dati. Nahihirapan akong lumapit sa kanya. Noon wala siyang kaibigan na nakapaligid sa kanya, nawawalan ako ng guts na makalapit sa kanya at ngayon naman na may kaibigan na nakalapaligid sa kanya mas lalo akong nawalan ng guts na lumapit sa kanya.


Bago ako dumiretsyo pabalik doon sa canteen ay tumungo naman ako sa CR gaya ng pagpapaalam ko sa kanila. Siguro, hihintayin ko na lang na siya na lang din ang lumapit sa amin. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa na babalik siya sa amin at mabuo muli ang pagkakaibigan namin.


A true friend

You're here till the end

You pull me aside when something ain't right

Talk with me now and into the night

No need to pretend

You're a true friend


Nginitian ko na lang din ang sarili ko sa salamin ng CR dito. I know naman na masaya ngayon si Jacob sa new found friends niya. Kung hindi namin kayang makipag-kaibigan muli sa kanya, siguro darating na lang 'yong araw na magkaka-ayos ang lahat. In God's will.

Nang bumalik naman ako sa canteen ay ang tahimik nilang lahat. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kung anong meron na nangyari sa kanila.


"Anong meron, bakit ang lulungkot niyo?" saka ako umupo sa upuan ko.


"Friendsary pala natin with Jacob ngayon." Buntong hininga pa ni Sarah. "I hope his happy with his new friends. Tayo na lang, magsaya?" yaya pa ni Sarah.


"Why don't we give him a gift?" suhestyon pa ni Grace.


"Gift of what?" tanong ko naman.


"Gift of a friend." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Grace.


Kung magreregalo ba kami sa kanya, tatanggapin niya kaya ito o babaliwalain na lang. Kasi kami, umaasa pa talagang mabubuo ang pagkakaibigan namin. Naghahanap lang din kami ng tyempo pero 'yong tyempo na hinahanap namin, hindi namin masaktuhan. Sana bumalik ang dati sa lahat pero baka bago mangyari 'yon, graduate na kami ng high school.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top