Chapter 13
Chapter 13
Still hindi pa rin nagkaka-ayos si Peter at Erika kaya hindi namin alam kung anong gagawin namin sa kanila. Nagpalit ng pwesto si Rosefe at Peter. So ang katabi na ni Erika ay si Rosefe taba. Napakapanga-lumbaba lang din ako sa kanila dahil may kanya-kanya silang pinagkaka-abalahan tapos wala pa kaming teacher. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa kanila eh. Parang ang liit lang naman kasi talaga no'ng sinabi ni Erika kay Peter pero ginawa naman nitong big deal. I don't get his point. Nalulungkot tuloy ako sa kanila, parang malalamatan pa tuloy 'yong pagkakaibigan namin. I'm sure they could find a way na magkabati silang dalawa. I hope hindi magtagal 'yong away nila. Hindi ko rin naman kasi alam ang gagawin ko kasi first time kong maka-encounter ng ganito kasi I'm new having a bestfriends.
"Jacob!" naagaw naman ang pansin ko nang tawagin ni Elijah ang pangalan ko. Agad naman akong kinabahan sa kanya dahil naalala ko na naman 'yong araw na pinush ako nila Sarah na halikan ko si Elijah and I've regret it dahil hindi ko rin naman gusto 'yon, nawala lang din ako sa sarili ko. "What is this!" hinarap ni Elijah ang phone nito at may picture pa na hindi naman malinaw dahil madilim ang picture na 'yon.
"Ha? Anong meron?" nagkantyawan pa ang mga kaklase ko dahil sa nangyayari ngayon. Lahat sila nakatingin sa aming dalawa at pati ako ay kinakabahan dahil hindi ko kung anong pinupunto ni Elijah dito.
"Ito oh!" zinoom naman niya ang phone niya. "titigan mo 'to, ikaw 'to diba at ako?" nagkaroon pa ng hiyawan sa paligid ng room namin pero ako hindi na naalis sa dibdib ko ang kaba nang titigan ko nang mabuti ang picture na 'yon at naaninag ko naman ang madilim na imaheng 'yon at nakita ko naman ang sarili ko na hinalikan ko sa noo si Elijah. "Nababaliw ka na ba?" saka niya ako binigyan ng sampal sa kaliwang pisngi ko.
Natulala naman ako sa ginawa niya. Napalitan ng 'aww' ang kanina nilang mga 'ayie'.
Napatingin din sa akin ang mga kaibigan ko at lahat sila ay hindi makapaniwala dahil sa ginawa sa akin ni Elijah.
"Free taste ba ako, Jacob para halikan mo ako at sinisigurado mo pa talaga akong tulog ha? I hate you." Aniya.
Hindi ko na nakuhang magpaliwanag sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan ko na rin. Napansin ko naman si Elijah na binigay ang phone na 'yon kay Elaine at tama ako siya na naman ang may gawa para may ikahiya na naman ako. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila dahil alam na nila. My first heartbreak. Mabilis siyang magpaniwala sa mga bagay na gano'n. Hindi niya rin pinakinggan ang side ko. May mali rin naman ako eh. Sinunod ko 'yong sinasabi sa akin nila Sarah kaya ayon ako pa ang napahamak.
Naramdaman ko naman ang paghagod ni Erika sa likod ko.
"Okay lang 'yan Jacob." Sabi pa niya.
"Hayaan mo na lang Jacob, lilipas din 'yan." Sabi pa sa akin ni Rosefe.
I faked smile to them at gano'n din naman sa akin at ilang saglit lang ay parang naging invisible ako sa kanila. Nawala na sa akin ang atensyon ng mga kaklase ko maging ang mga kaibigan ko ay iba-iba pa rin ang mga pinag-uusapan. May mga sarili nga kaming mundo. Napabuntong hininga na lang ako.
-ELF-
"Doon tayo ngayon kila tita!" yaya sa amin ni Grace.
Uwian na at magkakasama na naman kaming anim. Ang sakit lang no'ng nangyari kanina. Hindi naman totally na nasaktan ako sa ginawa ni Elijah sa akin kanina, kundi napahiya lang ako sa buong kaklase ko. Akala ko magiging okay na 'yong pagiging confidence kahit hindi pa naman gano'n nagle-level up pero patuloy ko namang inaangat pero may mga tao talagang handa kang ibaba.
Sumama naman ako sa kanila kahit gusto kong umuwi na lang dahil minsan parang ayoko na rin. Parang nag-sasawa na ako sa kanila pero in the end, nami-miss ko lang din 'yong mga biruan namin sa isa't isa. Gano'n pa rin naman si Peter at Erika, hindi pa rin nagpapansinan ang dalawa pero kasa-kasama namin. Si Erika na katawanan si Rosefe at si Peter naman ay doon kila Sarah at Grace. Nasa likod lang din kasi nila ako, at pinapanood ko na lang din naman.
Masaya kapag kasama sila.
At nang malapit na rin naman kami doon sa tita ni Grace kung saan ang nagiging tambayan na rin namin maliban sa tambayan kong library. Nang malapit na rin naman kami doon ay nagtakbuhan naman kaming anim sa upuan at nang makakaupo na sana ako ay biglang hinila ni Erika ang upuan ko at siyang naupo doon. Sumalampak naman ang pwet ko sa sahig at pinagtawanan nila ako dahil sa nangyari sa akin.
Hindi ko alam kung anong mafi-feel ko sa ginawa nila. Bahagya na lang din akong natawa kahit na medyo na-hard ang feelings ko sa kanila. Pinagpagan ko naman ang pwetan ng pantalon ko at naupo naman. Pinagtatawanan pa din nila 'yong pagkakatumba ko at napapangiwi na lang din ako sa kanila. Nakakatuwa na sana e, pero nadamay ako. Napabuntong hininga na lang din ako. Bumili sila ng mga makakain nila at hindi na ako bumili sa akin kundi nagbasa na lang din ako ng libro ko.
"Ayaw mo Jacob?" yaya sa akin ni Grace.
"'Wag na." iling ko pa sa kanya.
"Bahala ka diyan." Saka nila pinaparinig sa akin 'yong crunchiness ng kinakain nila pero hindi ko na lang din sila pinapansin. Minsan hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanila. Kung matatawa pa ba ako sa mga jokes nila. Dahil kaibigan ko rin naman sila, wala na naman akong magagawa doon kundi tanggapin na lang 'yong jokes nila at medyo pang-ha-hard nila sa akin.
"Ano gusto niyo ma-reach kapag graduate niyo na ng college or ambition niyo?" tanong naman ni Sarah sa amin.
Una namang sumagot sa kanya si Grace, "magfa-fangirl all the time sa One Direction." Kilig na kilig pang sabi ni Grace. Napakunot noo naman kaming lahat sa sinabi ni Grace na mag-fa-fangirl all the time sa boy band na 'yon.
"Hindi naman profession 'yon diba, Grace?" taka ko pang tanong sa kanya.
"Ay profession gano'n ba?" natatawa pa niyang sabi saka nag-isip. "Siguro nagta-trabaho sa isang office mga gano'n."
"Ah ikaw, Rosefe?" tanong naman ni Sarah sa kanya.
Kinibit-balikat na lang siya ng Rosefe, "hindi ko pa alam eh."
"Ikaw Peter?"
"Hmm, gusto kong pumunta sa korea at maging choreographer doon or maging kahit anong member ng groups doon. Mahilig din naman akong sumayaw at kpop fan ako. I want to be like that." Maarte pang sabi ni Peter.
"Ikaw Erika?"
"Traveling the world."
"Gaya-gaya." Irap pa sa kanya ni Peter.
"Excuse me, world nga diba? Hindi lang south korea." Irap din ni Erika. "Gusto ko kasi sa Paris which I loved the most, syempre when I grow up still nagse-serve pa rin ako kay Lord at binabahagi ang words of God sa ibang tao." Ngiti pa ni Erika.
Napansin naman namin si Peter na pinaglapat nito ang dalawang kamay niya at nagmistulang nagdasal kunyari.
Inirapan na lang din naman siya ni Erika.
"Ikaw ba sis, ano ka in the near future?"
Napanguso naman si Sarah, "modeling siguro ang magiging profession ko or songwriter gano'n." ngiti pa niya. "Ikaw, Jacob. Ano sayo?"
"Maging writer."
Natigilan na naman silang lahat at nagtawanan.
"Wala namang masama sa sinabi ko diba? Hindi rin naman nakakatawa 'yon diba?" hinto ko. "Guys,baka nga maging successful pa nga 'yong pangarap ko kaysa sa near future niyo. Hindi malabong mangyari sa akin, 'wag niyo naman akong maliitin. May kaya naman ako." Hindi ko alam na medyo may galit na pala ang tono ng boses ko kaya natahimik na lang silang lima at binaling ang atensyon sa kanilang mga pagkain.
Ayoko rin kasi sa lahat 'yong natatapakan 'yong kung anong ako. Sa tingin ko nga eh, minamaliit lang talaga nila. Kasi alam nilang malayong mangyari 'yon sa akin. Pero gaya nga ng sabi sa akin ni Aly ay maniwala lang sa sarili ko dahil ako lang din naman ang makakakagawa no'n sa sarili ko.
I want to pursue what I've dreamed of.
At sa huli ay napagpasyahan na rin naman naming magsi-uwian na dahil sa isang oras na rin kami tambay doon dahil tiyak na papagalitan ako pag-uwi ko kasi after lunch na rin kaya lagot talaga ako. Sabay naman kami ni Erika na umuwi ng dahil medyo magkalapit lang din naman ang bahay namin.
Habang naglalakad kami ay inungkat na naman niya ang usapan na tungkol kay Elijah.
"Ano na nga palang gagawin mo kay Elijah?" tanong nito sa akin.
Nagkibit-balikat na lang din namana ko, "wala."
"Bakit mo naman kasi hinalikan?"
"Hindi naman din kasi ako, sila Sarah 'yong namilit diba?"
"Eh? Bakit mo pa rin ginawa?"
"Eh kasi hindi sila matatahimik?"
"Tss, baliw ka talaga Jacob."
"Ang landi rin kasi ni Elijah, I have no time for that naman kahit crush ko siya. Hanggang do'n na lang 'yon. Siya rin naman kasi may problema eh, bakit siya umamin wala sanang problema diba?" usal ko pa.
Natahimik na din naman si Erika hanggang sa makauwi na ako sa bahay.
Sinalubong naman ako ng galit ng mama ko dahil anong oras na daw, tapos na ang tanghalian ngayon lang ako umuwi.
"Ma, kasama ko naman mga kaibigan ko eh."
"Hayaan mo sila kung hindi sila pinapagalitan, nalilipasan ka pa ng gutom diyan sa ginagawa mo eh!" sabi pa ni mama sa akin.
"Kumain naman kami doon!" sabi ko pa kahit hindi naman ako bumili.
"Kahit na!" saway pa nito sa akin. "Pumanik ka na nga sa kwarto mo!" sabi pa sa akin ni mama.
Nagtatakbo naman akong tumungo sa kwarto ko at hinagis ko ang bag ko sa kama ko. Napaupo na lang din ako sa kama ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakailang buntong hininga na rin ako dahil sa kakaisip ng mga bagay na 'yon. Ang dami ko namang iniisip.
Si Elaine ang may pasimuno ng lahat eh. Nakakaasar lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top