Chapter 12

Chapter 12

Jacob,

Believe in yourself. Wag mo silang isipin kung minamaliit nila 'yong kakayahan mo. Gawin mo ang gusto mo. Still the best pa rin na sundin mo lang din sila, ikaw lang din mahihirapan.

Friends are best partners, ika nga. Pero minsan hindi sila ang nandiyan to support you kaya ikaw lang din ang makakasabi sa sarili mo na kaya mo.

Dont waster your time, thinking of what they said. Prove to them that they are wrong and you can do it. Believe in yourself, Jacob.

-Alyssa Mae

Paulit-ulit ko pang binabasa 'yong sulat na naka-ipit sa libro ko na galing kay Aly na nakasulat sap unit na graphing paper o kaya sa math notebook niya. Ilang beses rin akong napa-isip sa mga salitang nababasa ko. Bawat word ay may gustong parating sayo kaya kung iintindihan mo talaga ng lubos ang nakasulat ay makukuha mo rin naman kaagad. Atsaka tama rin naman si Aly, kung nandiyan nga ang mga kaibigan mo tapos gano'n ang nangyayari na dina-down nila ako. Siguro ang gagawin ko na lang ay sasarilihin ko na lang 'yong goal ko sa sarili ko. At kapag nalaman nilang successful ako sa ginawa ko, hindi na nila mamaliitin sa mga bagay na gusto ko. Kasi 'yon ang nakikita ko eh.

Parang wala silang tiwala sa kakayahan ko. Kasi una na nilang nakita sa akin ay 'yong walang laban, na akala nila walang alam tapos s amga quiz and exams ako lagi ang pinakamababa sa aming anim. Hindi naman ako nada-down pagdating doon lalo na noong ina-anounce na ang grading top 1 to 55 at nasa 40 lang ako tapos sila, nasa 20 sila Peter, Erika at nasa tens naman sila Grace, Rosefe at Sarah. Ginawa ko naman ang best ko, pero 'yong best ko hindi sapat para umangat ako.

Kaya parang iniisip nila sa akin, hindi niya magagawa 'yon, assuming lang 'yan.

Tingnan na lang natin sa future, kahit ako naman ay hindi sigurado pero ipu-pursue ko 'yon para mapatunayan sa kanila na hindi lang ako pang top 40.

Ngayon ay ang araw ng film showin namin. As usual magsasabay-sabay naman kaming anim papunta doon sa mall na gaganapan ng film showing namin.

Dahil medyo maaga naman ako nagising ay hinihintay ko na lang din si Erika na dumating. Kanina pa rin ako prepared at dahil abala ako sa pagi-intindi no'ng sulat na binigay ni Aly sa akin. Maya-maya lamang ay dumating na rin si Erika. Nagpaalam naman ako sa mama ko at kinuha ko naman ang bag ko na laman lang ay pera at pagkain.

"Kasabay natin si Elijah." Sabi pa ni Erika.

"Ha? Bakit?"

"Wala daw kasi siyang masasabayan, saka si Grace naman pumayag din sa kanya, so anong inaalala mo diyan?" ngisi pa ni Erika sa akin.

"H-ha? Wala naman." Buong paglalakad namin papunta sa bahay nila Grace ay tahimik na lang ako.

Ewan ko ba kung bakit nausbong na lang ng gano'n ang pagka-crush ko kay Elijah. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na hindi naman mabilis ma-fall pero nang maka-encounter ko naman 'tong mga kaibigan ko at puro kapusuan din ang pinag-uusapan ay pati ako hindi ko na rin napigilang tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Hindi ko alam kung saan hahantong 'tong pagkakagusto ko sa pero sigurado naman ako na hindi ako niloloko ng feelings ko dahil sa pang-aasar nila sa akin. Kasi minsan sa tukso tayo nadadala eh kaya minsan hindi mo na rin mapigilan kaya natutukso ka nang sunggaban ang chance na 'yon.

Nang makarating naman kami sa bahay ni Grace ay nadatnan namin doon sina Peter, Rosefe at Elijah na ang nandoon.

Nakayuko lang ako dahil nahihiya akong makita si Elijah. Hindi ako nagsasalita kundi pinapanood ko na lang din sila. Nakikitawa sa mga usapan nila. At ilang saglit lang naman ay dumating na rin si Sarah na ngayon ay close friend na namin at hindi na niya ganoon pinapansin si Elaine dahil sa nalamatan na nito ang kanilang kuno friendship.

Halos magkakalahating-oras na kami dito kila Grace at hindi pa rin siya lumalabas. Hindi na daw pumasok sila kanina dahil hindi naman daw sila inaya.

"Nakakainis minsan si Grace, kung kailan kumpleto doon palang kikilos." Asar na sabi ni Peter.

"Hayaan mo na, libre na nga tayo sa papunta doon eh." Sabi pa ni Rosefe.

Edi naghintay pa nga kami ng ilang minuto at lumabas na siya ng bahay niya at saw akas, lahat kami ay tuwang tuwa dahil sa wakas ay aalis na rin kami. Baka nga pagdating namin doon ay marami na kaya nga namin inagahan kasi gusto naming mauna tapos siya rin pala 'tong late. Kupad kasi.

Sumakay naman kami sa service nila Grace at ang nag-drive nito ay ang papa niya na dati ay pinangtatakot niya na pulis ito atleast effective 'yon ah! Libre naman daw ang sakay namin papunta doon dahil 'yon ang gusto ni Grace, nagalit pa nga kanina dahil kailangan daw magpa-gasolina kaya in the end parang 'yon na din ang naging bayad namin. Namamasahe na rin kami.

"Ano, masaya ba?" tanong sa akin ni Grace kasi katabi ko si Elijah.

Hindi ako sumagot kundi napangiwi na lang din ako sa kanya. Tapos maya-maya lang ay sumandal ang ulo ni Elijah sa balikat ko at aalisin ko sana ito ay tulog siya. Napabuntong hininga na lang ako at hanggang sa makarating na rin kami ng mall ay ginising ko na siya. Ang awkward lang ng datingan no'n.

Pumila kami at binigay namin ang tickets namin at nang makapasok na kami sa loob ng sinehan ay naubusan kami ng pwesto sa itaas so sa ibaba kami pu-pwesto at medyo maganda naman ang view pero hindi nawawala ang pang-aasar nila sa akin dahil katabi ko pa rin si Elijah.

"Ayie! Love making na 'yan!" asar pa ni Peter.

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya, "ano ba kayo, manood na lang kayo."

"Asus! Sus! Kinikilig ka lang diyan, Jacob eh!" asar pa ni Erika na katabi ko.

"Tss, baliw talaga kayo."

Nagsimula naman ang palabas. Mystery sci-fi ang theme ng movie kaya marami ang nadismaya dahil ang inaasahan nila ay lovestory. Umabot na sa part ng climax na medyo boring pa rin kaya lahat ng katabi ko ay nakatungo lang. Mapapatulog na sana ako ng tawagin ako ni Sarah.

"Kiss mo si Elijah!" sabi ni Sarah sa akin. Napakunot noo naman ako sa sinabi nito. Napalingon naman ako kay Elijah na ngayon ay tulog at nakapaling ang mukha sa akin. "Sa noo lang please?"

"Oo nga! Isa lang, Jacob." At lahat sila ay pinipilit akong i-kiss ko si Elijah sa noo nito.

Dahil sa makulit sila at maingay na rin sila at napapansin ng ibang nanonood din ay nag-give up na ako. Wala na akong magagawa dahil baka ako pa ang sisihin ng iba.

"Isa lang ha?"

"Sige go!" sabi pa ni Peter at nag-cheer pa siya.

Napalunok laway naman akong dahan dahan na lumapit kay Elijah at dahan dahan kong nilapat ang labi ko sa noo nito. At nagka-kiligan naman itong mga kasama ko dahil sa ginawa ko kay Elijah at dahil sa mga hagikgikan ng mga kaibigan ko ay nagising si Elijah.

"B-bakit?" aniya habang kinukunot ang kanyang mata.

"Ha? Eh, wala." Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at muling binalik ang atensyon ko sa pinapanood namin.

Ano ba 'tong ginawa ko? Hindi na ata ako 'yong Jacob na noon ay tahimik pero ngayon kung ano ano nang ginagawa. Nababaliw na ako. Kailangan ko nang itigil 'to.

-ELF-

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Peter.

"Jabee!" sagot ni Rosefe.

"Sige doon na lang tayo." Sang-ayon naman ng iba.

Mabuti na lang at humiwalay na si Elijah sa aming anim at nakisama sa iba naming kaklase dahil medyo OP daw siya sa amin. Kaya naman naghanap kami ng upuan na suit for six people. Nag-agawan pa kaming anim kahit na nasa Jollibee kami. Mga walang hiya talaga 'tong mga 'to. Matatawa ka na lang bigla.

Habang kumakain na kami ay hindi pa rin nauubos ang tawanan sa amin.

"Tapos..." pagku-kwento ni Rosefe habang may laman ang bibig. "Haha-" hanggat sa nabuga niya ang nasa bunganga niya sa pinggan ni Grace at ang manok naman ni Grace at biglang lumundag sa sahig na agad naman niyang kinuha ng madalian. Wala pa daw five seconds.

"Baliw kayo, baka palabasin tayo ng wala sa oras." Sabi ko pa sa kanila at angtuloy na lang din kami sa pagkain namin.

-ELF-

"Oh! Wait, Sarah! Sinong tinitingnan mo diyan!" pangungutya pa sa kanya ni Erika.

"W-wala!" nauutal na sabi ni Sarah habang binabalik-balik ang atensyon doon sa lalaking naglalaro ng basketball sa loob ng quantum.

"OMG! Luma-lovelife din si Sarah!" sabi pa ni Grace.

"Waaah!" tili ni Rosefe.

"Shh, 'wag kayong maingay." Kinikilig pa nitong sabi sa amin.

Nauwi kaming lahat ng hindi naubusan ng saya pero nag-stay pa kaming anim sa bahay ni Grace at naglaro pa ng uno-cards.

"Hala ano 'yon!" sabi ni Erika ng marinig ang tunog utot nang gumalaw si Peter. "Umutot ka Peter!" tawa pa ni Erika na sinabayan naman namin.

"Hindi nga kasi!" naiiriita at irap pa ni Peter sa amin. "Ito 'yon oh!" pagtutukoy niya doon sa rubber shoes na may squicky sound pero hindi pa rin natatapos ang tawanan naming lima. "Ayoko na nga!" sinaboy ni Peter ang cards sa baba at tumayo siya.

Natigil naman kaming lahat dahil kinuha na niya ang bag niya at hindi man lang nagpaalam na lumabas ng bahay ni Grace. Lahat kami ay clueless dahil sa kanya at nauwi rin kaming dalawa ni Erika dahil sabay naman kami as usual.

"Gano'n pala si Peter ngayon ko lang nalaman."

"Oo nga, ngayon ko rin nalaman, tho hindi ko nama siya classmate noong elementary kaya gano'n pero di ko inexpect na magagalit siya do'n sa sinabi ko." sabi ni Erika.

"Oo nga, hindi naman big deal 'yon diba? Squicky sound lang naman ng sapatos niya 'yon pero nagalit pa siya. Baka nga umutot talaga siya kaya nagalit."

"You can't please everyone talaga Jacob. Baka nga kung sino pa ang malapit sayo, sila pa 'yong mga taong magiging matindi mong kaaway. Hindi natin alam pero ngayon na dumarami tayong magkakaibigan, halo-halo ang personality natin so we don't know what will they gonna up next. Sa ngayon, I won't apologize with Peter, tinanong ko lang naman. Wala akong mali do'n." sabi niya. "Sige bye, Jacob." Paalam niya nang makapasok ako sa gate ng bahay namin.

Nalulungkot din ako. Ang bilis magalit ni Peter sa dahilang 'yon. Kung gano'n pala sila magagalit sa mabilis na paraan, ang hirap na. Hindi mo alam kung ano ba dapat sabihin mo pa sa kanila. Kasi kahit kaibigan mo, hindi mo pa rin alam kung anong tinatagong kulo nito sa loob.

Sorry Peter pero kampi ako kay Erika.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top