Stay
5
Pasensya na sa matagal na paghihintay. Heto na po ulit si Shawn at Allanis.
----------------------------------
"Who will be the child's date?" I asked Seven while he was busy looking at his laptop, checking the final touches for my birthday party.
He shrugged. "Dunno. Baka si Seth."
"Payag ka?" pilya kong sabi. I went near him and sat at the corner of his table. He was busy typing something but I can still see the faint image of his wallpaper. Halatang halata iyong kulot na buhok ni Chantal sa laptop ni Seven. I giggled and he looked at me.
"What?"
"You're too hopelessly in love with the child, Sev. Admit it," I said. He pursed his lips before slamming the lid of his computer.
"Let's just go, Lane," pikon niyang sabi. Napahalakhak na ako at kumapit sa kanyang braso. Naglakad na kami papunta sa elevator na magkahawak kamay. My divinely white turtle neck gown sparkled while we walked along the corridor. Iyong tuwid kong buhok ay sinadyang kulutin ang dulo para bumagay sa regalong diamond headband ni Seven sa akin.
"But seriously Seven, we could cancel the wedding. Just admit it, si Chantal naman talaga—"
He clicked his tongue before pinching the bridge of his nose. "Allanis, please. Hindi kami bagay ni Cha. Masyado siyang bata," aniya. Napanguso ako bago ko nilaro iyong isang kulot na dulo ng buhok ko.
"Mas matanda rin naman ang kuya mo."
He clenched his jaw. "Yeah. Kaya nga hindi naging kayo, hindi ba?" anas niya na nagpatahimik sa akin.
Like duh Montreal. Malayo rin ang agwat ng edad ng kapatid mo sa akin pero nagawa ko siyang mahalin ng buong buo. Nagawa kong iwan lahat para sa kanya para lamang sa huli ay ako naman ang iwan niya.
Napansin ni Seven ang pananahimik ko kaya nilingon niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong braso bago kami huminto sa tapat ng elevator.
"Allanis? I'm sorry," he apologized. Yumuko lamang ako at mas lalong humigpit ang hawak ni Seven sa aking braso. He gently pulled me towards him and cradled me in his chest. He breathe hard at sinagot ko naman ang yakap niya.
"Ayos lang," sagot ko. Bibitaw na sana ako noong magbukas ang elevator. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko noong makita ko ang nagaalab na mata ng taong pinakahuli kong gustong makita.
Fucking Shawn Montreal was biting the end of his necktie, his blue inner shirt was still open from the first three buttons. Magulo iyong buhok niya at may mga bahagyang butil pa ng tubig ang nanggagaling roon. His burning eyes travelled from Seven towards me and then back to his brother.
"Oh, hi bro!" malokong sabi ni Seven. Iyong palad niya ay lumipat sa aking beywang. Shawn's burning eyes followed his younger brother's palm.
"Kuya naman, bakit hindi ka sa kwarto mo nagbihis? Nirarampa mo abs mo?" mayabang na sabi ni Seven. Huminga lamang ng malalim si Shawn bago umiling.
"I was in a hurry. May mga kliyente na sa baba na naghihintay sa akin," malamig ang boses niyang sabi. I can't help my wry smile from what I heard.
"Would those clients include Catalina?"
Marahas ang tingin ang ibinigay ko kay Seven. Ganun rin ang naging reaksyon ni Shawn ngunit agad din niyang napigil ang sarili.
"Cat's out of town," maikli niyang sagot. Itinali niya iyong necktie niya habang nakatitig sa aking likuran na hantad sa aking damit. I saw how his jaw clenched as he looked at Seven's fingers splayed on my back.
Tumunog ang elevator at sabay sabay kaming tatlong lumabas. Agad humiwalay si Shawn sa amin at nilapitan iyong mga kliyente. Nakasunod ang mata ko sa kanya hanggang sa hilahin ako ni Seven.
"Stop staring at my brother. Nakakapagselos po," biro ni Seven sa akin. Siniko ko lamang siya at ginantihan niya ako ng pisil sa ilong. I laughed so loud na nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa hallway, including Shawn who was spitting fire in his eyes.
Hinila lamang ako ni Seven para lumayo. The marble tiled wall speaks luxury with its golden lining. Nakasabit rin sa kisame iyong dose-dosenang mamahaling chandeliers. Sa pinakagitna ay may replica ng Trevi fountain kung saan may mga umiikot na mananayaw.
"The birthday girl is here!" Seven announced. Maraming lumapit sa aming dalawa at mas lalo lamang akong kumapit sa braso ni Seven.
"How's the engagement? It's been four years already!" intriga ng isang investor nila. Nakita ko iyong tahimik na paglapit ni Shawn habang may hawak na wine sa kanyang kanang kamay.
"Oh, we're still preparing. You know, Italians don't take wedding lightly. Kailangan talaga ay handa ako, baka biglang agawin ang fiancée ko kung sakali," mayabang na sabi ni Seven. Ngumiti lamang ako bilang pag sangayon.
"Sabagay. But you're a beautiful couple. I can't wait to see your children. Paniguradong magaganda!"
"Sigurado iyon. You have plans to have a child right away, right?"
Nilingon ko si Seven sabay tango. "Hindi na rin naman kami bumabata. I'm 27 and Seven's 29 already. It's about time, I guess."
Nakita ko iyong pagtalikod ni Shawn. Sumunod ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang ginawa niyang pagsalubong kay Chantal. The child was wearing a black long gown that defined her mature curves. Alam ko ring nakita siya ni Seven dahil natigilan ito sa pagsasalita.
We both excused ourselves from the people. Nakita ko ang paghila ni Shawn kay Chantal sa dancefloor para sumayaw. Napahigpit ang kapit ko kay Seven na nakatitig sa dalawa.
"Damn that fucking Montreal," Seven hissed. Kung hindi lamang siya galit ay matatawa na ako. Sinong Montreal Seven? Iyong nakakapit ba sa batas mo, hmmn?
Nagsayaw kaming dalawa ni Seven kahit na iyong titig namin ay nakadikit kina Shawn at Chantal. Noong makita kong bumaba ang mukha ni Shawn palapit kay Chantal ay bumitaw na si Seven sa akin at mabilis na naglakad papunta sa kanila.
Bago pa man mahila ni Seven si Chantal ay ako ang kumapit sa braso ni Shawn. Hindi ito nagulat sa ginawa ko, bagkus ay nakangisi pa niya akong hinarap.
"Let's dance," nangigigil kong sabi. Hindi ko hinintay ang sagot niya. Agad akong tumalikod sa kanya, alam na susunod siya sa akin.
"I'll just ask you next time, kiddo," sabi ni Shawn bago ako sinundan. Hinagilap niya ang siko ko bago ako pinaharap sa kanya, iyong labi niya ay may ngising matagumpay.
"Fuck, pero ang ganda mo talaga pag galit ka, Lane," aniya. Lalong kumunot ang noo ko. Hinapit niya ang beywang ko bago ako hinila palapit sa kanya. Iyong mata niya ay palipat lipat sa buong hall pero hindi dumadapo sa akin.
"Sinong nagsabing galit ako?"
He pursed his lips and looked at me. "Bakit? Hindi ka ba galit? Kaya nga inagaw mo ako kay Cha, hindi ba?"
Natawa naman ako! Napakayabang! Akala mo ang gwapo!
"Hah! I'm just doing that for your brother. Halata namang gusto ni Seven iyong bata."
Tumaas ang sulok ng labi niya. "What about you? Sinong gusto mo?" mahina na nag boses niya. Dumiin lalo ang katawan niya sa akin at doon ko lamang napansin na hindi na pala kami sumasayaw. Magkaharap na lamang kaming dalawa at nagtitigan.
"Wala akong gusto."
His face inched closer. Dumagundong na ang dibdib ko sa papaunting distansya sa aming dalawa.
"Who do you love then, Allanis?"
A wry smile escaped from my lips. Umiling ako at tinitigan siya.
"My heart died a long time ago, Joaquin. I thought you know that."
Nawala iyong ngiti sa labi niya bago tumalim ang kanyang mata. Humigpit ang hawak niya sa akin bago ako hinila sa isang madilim na gilid. Marahas niya akong isinandal sa pader bago ako ikinulong ng katawan niya.
"Damn you Allanis!" he hissed. Bumaba ang mukha niya sa aking leeg. His lips gave feather light kisses on my neck that sent shivers down my spine.
"Same to you Joaquin. Same to you," naiiyak kong bulong. His lips travelled to my jaw until the corners of my lips.
"I've loved you then Lane. I thought you've loved me too," mahina niyang sabi. Para akong tinarakan sa narinig mula sa kanya. Iyong kamay ko ay kumumpol sa aking damit para mapigilan iyong biglaang pagragasa ng sakit.
"Akala ko rin Joaquin," sagot ko. Itinaas ko ang kamay ko at bahagya siyang itinulak. Iyong pangangailangan na makalayo bago pa bumuhos ang luha ko ay tumindi.
Hinuli niya ang palad ko at hinalikan ang aking mga daliri.
'Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all?'
Yumuko ako para itago ang aking luha. Iyong alaala namin sa dagat ay muling bumalik. Ramdam ko iyong titig niya sa daliri kong may tattoo ng buwan. Hinawakan niya iyon at tinitigan ako.
"Why didn't you wait for me?" paratang niya. Matalim ang tingin na ibinigay ko sa kanya.
"Stop it, Joaquin. It's been years. Bakit kailangan pa nating pag usapan ang nakaraan?"
Pumikit siya ng mariin, para bang gusto ng sumuko.
"Because I want to know why Allanis. Why did you leave me?" aniya. Huminga ako ng malalim at nagkibit balikat.
"Because leaving was the best for me Joaquin. Leaving was my only way to save what ever is left of my heart the day you've decided to turn your back on our promises." Malungkot kong sabi. Kumurap siya bago umiling.
"Allanis.."
"I really thought I was your moon, Joaquin. Akala ko ako iyong babalikan mo palagi. Pero mali pala ako. Maling mali ako."
I wasn't...I will never be his moon.
And he will never be my sun.
'Why did you have to leave me
When you said that dreaming was as good as reality?'
---------------
Song Used:
Stay- Daryl Ong
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top