Name
1
My family is defined by status, especially my father. He belongs to the Parliament and somehow wishes to become the Prime Minister. It is because of this that I was raised to become prim and proper.
My father was an Italian while my mother is a Filipina. Pero dahil sa kalagayan ng ama ko sa pulitika, itinago nila ang dugong asyano ko. I am known as Nicola, my father's legal wife's, daughter. My real mother acts as my nanny. Nalaman ko lamang na siya talaga ang tunay kong ina noong nag seven years old ako.
My Grandmother said that it is an embarrassment in the family that I have an Asian blood. Technically, I am part of the royal family, I am born with privilege and with that comes specific responsibilities.
For nineteen years of my life, I just dreamt to be free. If I am truly born with the best privilege in the world, then I want to be free from this family. I am wearing layers of satin and I still feel naked. I have been educated by the best tutors and I am still naïve. Gusto kong matuto. Gusto kong makalaya.
Ibinaba ni Nonna, that's Italian for grandmother, ang kanyang kubyertos. She looked at me with those sharp eyes, those cold eyes, before finally talking.
"Lord Jean will visit with his son tomorrow, Allanis. I want you to entertain Joseph while his father and I..." nangibit balikat siya at hindi itinuloy ang kanyang sasabihin.
"While?" I asked. Huminga ng malalim si Nonna.
"While we talk about your marriage with Joseph." Aniya. I opened my mouth to speak when father cleared his throat.
"I still prefer Daniel more than Joseph." Ang ama ko naman ang nagsalita. Nagsimula na silang mag away ni Nonna kung sino ang mas dapat na maikasal sa akin. Noona said Lord Jean has hectares of land while my father said Daniel owns thousands of islands.
Pakiramdam ko ay isa akong isda na ibinebenta sa mas mahal na halaga.
Pinunasan ko ang bibig ko at tahimik na tumayo sa mesa. Hindi nila napansin ang pag alis ko habang patuloy pa rin sila sa pag aaway.
Noong makarating ako sa kwarto ay naroon na si Yaya at hinahanda ang aking uniporme para sa pangangabayo. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Anong problema?" malambing niyang sinabi. Napapikit ako. Oh, how I wish I can be free. I want to be free to be with my real mother. Ayoko na dito.
"Wala po." Tahimik kong sabi. Bumitaw ako sa kanya at kinuha ang damit. Pumasok ako sa banyo at nilock iyon.
Noong hindi ko na marinig ang kilos ni Yaya ay nagmamadali akong nagbihis. Kinuha ko ang cap, jeans at hoodie jacket sa aking taguan. Noong makapagbihis ako ay binuksan ko kaagad ang bintana sa banyo. Inabot ko iyong sanga ng puno na malapit roon bago ako umakyat sa may bakod.
I slowly climbed down the vine until I am already over our wall. Noong magtagumpay ako ay halos mapatalon pa ako. At last, Allanis, you're free.
Tinakbo ko ang daan hanggang sa likuran na ng aming hardin. The wall was just the first stage, I still have to pass through the back gate. Noong makarating ako roon ay dahan dahan kong inalis iyong mga railings bago ako lumusot roon at binalik rin ang mga iyon. Nilingon ko ulit ang bahay bago tumakbo para makarating na sa pinakamalapit na kalye.
Inayos ko ang cap ko at binagtas ang kalye ng Coste Paolo. Maraming tao na ang gumagala para pumunta sa Trevi fountain at mag wish. Sa bulsa ng aking jacket ay pinaglaruan ko ang tatlong baryang ilalaglag ko sa fountain mamaya.
Habang papalapit ako sa fountain ay nakakita ako ng isang matandang lalaking pasimpleng nagnanakaw ng tinapay sa isang bakery roon. Sa likod niya ay may tatlong maliliit na bata na ubod ng payat. Bago pa man sila makatakbo ay lumabas na ang may ari ng bakery at sinigawan ang matanda. Hinawakan nito ang kwelyo ng kawawang lalaki bago ito inihagis kung kaya't natumba ang matanda. Doon ay napatakbo na ako at dinaluhan ang matanda.
"Thief! I am calling the police." Matigas na ingles noong panadero. Sa tantya ko ay espanyol ito base sa tigas ng ingles niya.
Tumayo ako at inalalayan iyong matandang nanginginig na sa takot.
"I'll pay for the bread. You don't have to call the police." Anas ko. Tumawa iyong panadero na para bang hindi naniniwala. Tinitigan niya ang sapatos ko, papunta sa faded jeans ko at sa simpleng tshirt ko.
"You? Pay for everything? Nevermind! I'll take him to the police!" anunsyo niya. Kumapit iyong matanda sa akin. Hindi na siya makapagsalita sa sobrang takot.
"I told you I will pay for everything this man has taken!" sigaw ko na. Tumawa lamang ulit ang lalaki at ako naman ang lalapitan.
"You dare raise your hand to a lady?" sabat ng isang lalaki sa usapan namin. Nilingon ko ito at natigilan noong makita ko ang kabuuan niya.
He's wearing a baby pink long sleeves. Iyong unang dalawang butones ay nakabukas. Nakatuck in iyon sa itim niyang slacks. I stared at him but I am not sure if he is looking at me or at the baker because of his shades.
"Sir." Bati noong baker. Inilipat ko iyong matanda sa aking likuran at tinitigan iyong lalaking kararating pa lamang. Paniguradong iyon ang boss ng panadero.
"What's the problem?" anas noong lalaki sa malalim na boses. Binalingan niya iyong baker at naghintay ng sagot mula rito.
"This man stole a bread."
Agad akong sumabat. "I will pay for the bread. You don't have to call the police." Sagot ko. Akmang lalapit iyong panadero sa akin noong itinaas ng lalaking pink ang kamay niya. Siya ang lumapit sa akin at hinarap ako.
Inalis niya iyong salamin niya sa mata at halos mapalunok ako sa gulat noong makita ko sa malapitan ang mukha niya. The man is an Adonis! Shit! Shit! Oh my Allanis, where's your prim and proper self? Sa sobrang gwapo ay napapamura ako.
Makapal ang kilay ng lalaki pero hindi iyon kalat. His eyes were grey and his face looks so soft. Para siyang baby. Kung hindi lamang sa sobrang tangkad niya ay iisipin kong menor de edad ang nasa harapan ko.
"You'll pay for everything Miss? Can you?" hamon sa akin noong lalaki. Iyong uang impresyon ko sa gwapo niyang mukha ay bigla na lamang nag evaporate.
"Are you.. by any chance.. belittling me? Do you think I can't afford your bread here?" ganti ko. Shiz. Mas mahal pa ang isang kilong harina namin sa bahay kumpara sa buong tindahan ng tinapay nila.
"What if I am?" he said, grinning. Namulsa siya bago tiningnan iyong matanda sa likuran ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan iyong lalaki sa harapan ko. Ngumisi lalo siya habang kinukuha ang cellphone niya.
Umiyak na iyong matanda at lumapit doon sa mayabang. He started speaking in Italian just to beg the man to stop calling the police. Tinitigan ko iyong lalaki bago pinatayo ang matanda.
Inalis ko ang singsing ni Nonna sa kamay ko. This will cost a fortune. My family's heirloom for just a piece of bread.
Ibinigay ko iyon sa mayabang na lalaki at tinitigan ito ng masama. Tumaas lamang ang kilay niya at hindi man lang tiningnan ang singsing ko.
"That ring belongs to the royal family of Rome. From this day onwards, you will let this man take any bread he wants from this bakery and you will never call the police for it, am I understood?" I said. With the years of my training for giving orders, hindi ko akalain na ngayon ko pa iyon magagamit.
Tumawa ng malakas ang lalaki kaya mas lalo lamang akong nainis.
"I don't care about your ring. That man stole bread. He is a thief—"
"Accusing a man of thievery doesn't make you any richer Mister!" huminga ako ng malalim sa sobrang kaba. I don't have my father or any guards here to protect me. All I wanted for today is to wish on the Trevi fountain.
Pero alam kong hindi ko pwedeng pabayaan itong matanda at ang mga kasama niyang bata. Nilingon ko ang lalaki sa aking harapan bago huminga ng malalim.
"People are forced to be ill educated due to poverty, Sir and their manners are not polished because of lack of compassion from people like you. I can say with all the confidence that I have that if there is someone who is supposed to be in jail, then it is you. And everyone who has living a privileged life but never even spared a second to even glance at the poor. How can you punish a man who only wants to feed his family?" litanya ko. I did not notice that people are already staring at us. Some are even starting to recognize me. I quickly fixed my cap and stared at the man who was smiling at me.
"Give the old man the bread. Oh, no. Give them bread every day." Utos noong lalaki sa kanyang panadero. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Noong nasiguro kong hindi na darating ang pulis ay agad akong naglakad palayo sa bakery na iyon.
"Wait!" tawag sa akin noong binatang pink. Mas nagmadali ako sa paglakad.
"Hey, I said wait!" bossy nitong sabi. Hinawakan niya ang braso ko at hinarangan ang daraanan ko.
"What's your name?" he said. He was breathing so hard from running. Tiningnan ko lang siya at hindi ako sumagot.
Muli niya akong hinarangan. "Please. I need your name." he told me almost desperately.
"Why do you want my name?" tanong ko. Hindi naman siguro ako ang ipapapulis niya hindi ba?
Ngumiti siya. My heart beat faster with that smile. Damn!
"You.. are very naïve and I find it so fascinating Miss." Aniya. Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"What?"
Nilahad niya ang kamay niya. "My name's Joaquin. Shawn Joaquin Montreal." Pakilala niya. Tinitigan ko lamang ang kamay niya. Ramdam ko na iyong pamumula ng pisngi ko pero hindi ko iyon tinanggap.
He said I am fascinating! Sa unang pagkakakilala namin. At nag away pa kami! Fuck boy pa yata ito.
"I don't have a name." sagot ko. Tumawa lang siya at muli akong sinundan sa paglalakad.
"I don't believe you."
"Then don't!" inis kong sabi. Tumawa lang siya at mas umagapay sa paglalakad ko.
"Please, Miss. Just one name." pagmamakaawa niya. Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo na ako sa may fountain. Kinuha ko ang mga barya ko sa jacket at ibinato iyon.
Nagulat ako noong gayahin ng lalaki iyong ginagawa ko. Sunod sunod ang pagbato niya ng mga barya sa fountain.
Tinitigan ko lamang siya habang siya ay parang batang nag eenjoy sa mga barya. Noong nilingon niya ako ay ngumisi siya bago kumindat. I just rolled my eyes and started walking.
Bigla ay nasa harapan ko na iyong lalaki at nakangising nakatingin na naman sa akin.
"Can I see you again?" he asked. Umiling lamang ako. Napanguso naman siya.
"Oh, I will see you again. I promise that."
"Let me pass." Imbes ay sabi ko dahil sa mga panghaharang niya. Mas lalo niya akong hinarangan sa paglalakad.
"What is your name?" marahan na niyang sabi. I looked into his eyes and I swear I felt like drowning. This man has the most beautiful eyes I have ever seen.
"Allanis." Sagot ko at agad na itong nilampasan.
------------------
Allanis below.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top