58

Mikolangot 🤢
Today 11:47 PM

Tangina hanggang kailan ba tayo rito sa Cebu?

Depende.
Pwedeng bukas kung may super powers ka.
Kung wala, next year pa.

Tangina.

HAAHHAHAHA
Ano bang problema mo ha?
Bakit parang ayaw mo na rito, e nandito nga ang bebe mo?
Enjoy na enjoy ka pa noong Linggo sus.

Alaws pre.
Di pa ako nanliligaw, basted na agad.

O pake ko naman?
Trabaho naman kasi pinunta natin dito, hindi yang bebe mo.

Alam mo, tangina ka.

HAHAHAHAHAHAHA
Sige murahin mo pa ako
Di pa rin mababago nun ang katotohanang 'basted' ka kahit di pa nanliligaw.
Hina mo pala e.

Bakit ba ikaw pa ang kasama ko rito? Dapat si Brant na lang, e. Sarap mong upakan.

Pagdikitin mo nga yung hintuturo at hinlalaki mo.

Ano na namang trip mo gago?

Basta gawin mo na lang.

Bwisit ka.
O tapos? Anong gagawin ko rito?

Nagawa mo na?

Oo pero tinanggal ko ulit. Nagta-type ako, bobo ka ba.

Magkadikit di ba?

Malamang. Sabi mo pagdikitin ko, e.
Nasaan na ba ang utak mo? Naiwan sa Manila?

Ganyan tayo pre.

Ano?!

Yung hintuturo at hinlalaki na pinagdikit mo. Ganyan tayo. Kaya magkasama tayo rito.

Malas amputa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top