16

Third
Today 10:45 PM

Miss Isha, pasensiya ka na at
gabing gabi ka na namin nahatid.
Epal kasi tong si Miko e.

Haha okay lang 😉
I enjoyed talking to you.
I mean, to the both of you.

Hindi ka ba naiinis kay Miko?
Ako kasi inis na inis na
HAHAHAHAHA

Hahahaha nooo
You're both funny in person 😆

🤡 ba kami Miss Isha?

Hindi 😆
I like your humor tho
Although awkward minsan kapag nagmumura.
Sorry, hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganun. Hehe.

Di naman kita mumurahin, Miss Isha.
Pero kapag ba minahal kita, di na awkward?

Woah.

Hahahahaha tanong lang naman po.

Depende naman kung masarap ka magmahal 😆

Lah
Sandale
Pinapatulan mo na talaga ko ha

Hahaha 😆😆

Pero teka.

Wala bang magagalit?
Parents mo ganun?
Kasi gabi ka nauwi?

Ah, wala naman.
Nasa work si Mom at alam niya naman na gabi na ang uwi ko.

Lagi ba talagang gabi uwi mo?
I mean, delikado kasi di ba.
Tapos sabi mo pa, naglalakad ka lang pauwi.

   Medyo sanay na rin ako kahit almost 2 months pa lang ako rito sa lugar 😅

Ay ganun 😕
Gusto mo ba sunduin na lang kita
Para di ka na mag-isa 😉

Hahaha.
Wag ganun. Baka masanay ako.
Charz 😆

Edi mas maganda?
Para hanap hanapin mo ako.

HAHAHAHA
Wag na.
Ayokong masanay sa ginagawa ng isang tao sa akin dahil natatakot akong baka isang araw, bigla na lang mawala ang taong 'yon.
Without saying anything. Without proper farewell message at least.

Parang may pinanghuhugutan ka, Miss Isha.
Iniwan ka na ba dati ng isang tao nang walang paalam?

Yes.
My father left us last year.
He's my favorite person in this world and now that he's gone, ayoko na ulit masanay sa presensiya ng ibang tao sa tabi ko.
Masakit kasi 'yong sinanay ka na nandiyan sa tabi mo, tapos parang bulang bigla na lang mawawala.

Miss Isha😕

Haha sorry.😆

Gusto kita i-hug.

Nye😆 Okay.
Do that when we see each other then hahaha.

Weh
WEH
WEEEEH????

Haha. Good night, Third!

SANDALE MISS ISHA

Today 11:32 PM

Huhu di na siya talaga nagreply.
Good night, Miss Isha. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top