Chapter 9
Savannah suddenly felt a comfortable warmth wrapped around her. She felt safe just being near the source of that heat. Gumalaw siya upang sana maayos ang pwesto niya ngunit mas hinapit siya papalapit ng isang braso na nakapulupot sa katawan niya. That action made her eyes flutter until she was able to open it completely.
Ang unang bumungad sa kaniya ay ang madilim na paligid na nagsasabi sa kaniyang masiyado pang maaga upang magising siya. She would go back to sleep if she can, but the strong arm wrapped around her waist made it hard for her. Physically and mentally.
Ang higpit ng pagkakayakap sa kaniya ni Seth at halos dikit na dikit na ang katawan nila sa isa't-isa. She felt his rhythmic breathing on the back of her neck that made her thought that they were back a few years ago, when they were still madly in love with each other.
Malakas siyang napabuntung-hininga dahil wala rin naman siyang magagawa. Hindi siya makagalaw at parang preso na siya sa mga kamay ni Seth.
She can't go back to sleep, so she decided to just run her index finger along his muscular arm, tracing the veins visible on his skin. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa mukhang nagising na ang lalake dahil bigla itong gumalaw at inayos ang pagkakapwesto niya. He was back-hugging her earlier but he carefully changed her position so that she would be facing him now.
Akala niya ay gigising na ang lalake ngunit nanatili itong nakapikit sabay hapit muli sa kaniya papalapit dito. Hindi siya kaagad gumalaw dahil pinakaramdaman niya muna kung gagalaw muli ang lalake, ngunit bumalik ang mahinang paghinga nito na nagsasabi sa kaniyang natulog itong ulit.
Unti-unti niyang tiningnan ang mukha ni Seth at nagulat siya dahil hindi pala ito bumalik sa pagtulog. His dark eyes were looking back at her and there was something reflected on it.
Love?
No. That was impossible.
Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang mapansin ang paglapit ng mukha ni Seth sa kaniya. Her breathing became labored and it actually stopped when she felt Seth's lips on her forehead. He placed a peck on that spot before leaning back to look at her again.
In a deep, raspy voice he said, "I miss you, Han."
Ang mga katagang iyon ang tila nagpagising sa kaniya ng tuluyan kaya naman biglaan niyang natulak si Seth papalayo sa kaniya. Agad-agad siyang panic na tumayo sabay talikod sa lalake.
"Ahh . . . Uhmm . . . Naiihi ako," kinakabahan niyang palusot sabay nagmamadaling naglakad sa may kakahuyan kung saan pwede niyang itago ang mukhang namumula. Her heart was beating so fast and she felt like a deer caught on headlights.
Hinawakan niya ang dibdib kung saan mararamdaman ang mabilis na tibok ng puso niya at unti-unting nag-breathing exercise upang mabalik sa normal ang sistema niya.
"Fucking calm down, Savannah!" inis na utos niya sa sarili habang paikot-ikot sa isang spot na pinaghintuan niya.
Gusto niyang murahin ng paulit-ulit ang sarili dahil sa kakaibang damdamin na kaniyang nararamdaman.
Galit ka sa kaniya, Savannah! Galit ka! Bakit napaka-rupok mong gaga ka!
Para siyang nanay na dada ng dada habang pinapagalitan ang sarili. Kung pwede pa nga niyang batukan ang sariling ulo ay talagang gagawin niya.
"Han?" Narinig niya ang nag-aalalang boses ni Seth na tinatawag siya.
Kahit na kinakabahan na makitang muli ang lalake ay napagdesisyunan na lamang niya na maglakad pabalik sa kung saan iniwan niya si Seth. She was about to take a single step when an arrow suddenly swished by, just a hair's width away from her left arm. It landed on the hard ground with a small thud but her attention wasn't focused there.
Hindi agad rumehistro ang sakit sa kaniyang braso ngunit makaraan ang ilang segundo ay naramdaman niya ang pagkasakit-sakit na hiwa sa kaliwang braso niya. Agad-agad niyang hinawakan ang nasugatang braso at takot na nilingon ang pinanggalingan ng pana.
It was still dark with some patches of early morning light. Despite that, the forest provided good shade that hinders the sun from lighting some parts of the jungle. Every corner can be a hiding place and that scared her even more.
Mas lalo siyang natakot nang makita ang isang pares ng mga mata na seryosong nakatingin sa kaniya. Natatakpan ang ibang bahagi ng mukha nito ng isang mahabang tela at may salakot na nakapatong sa ulo nito.
Dahil sa takot na nararamdaman ay hindi niya napigilang isigaw ang pangalan ng lalakeng palaging nagtatanggol sa kaniya simula pa noon.
"Seth!"
Her scream may have triggered her attacker to panic because he or she immediately turned her back and ran away from her. Its steps was as silent as the grave, giving her the explanation on how she was able to sneak on her back without her noticing it.
Binalot ng katahimikan ang paligid hanggang sa dumating si Seth na humahangos pa at tila hindi ito magkandaugaga nang makita ang dumudugong braso niya. Dinaluhan siya kaagad ng lalake at nagmamadaling pinunit ang isang bahagi ng damit nito upang makagawa ng telang ipantatakip sa sugat niya.
"Anong nangyari?!" halos hysterical nitong tanong habang tinatali ng maayos ang benda sa kaniyang braso.
She was about to answer him but he started examining her whole body. Siguro tinitingnan kung may iba pa bang sugat siyang natamo.
"Seth," tawag niya sa lalake upang tumigil na ito sa aligagang pag-eksamina sa kaniya ngunit hindi siya nito pinansin.
"Seth!" sigaw na niya sabay haplos sa pisngi nito at binaling ang mukha nito sa kaniya. Parang hindi siya marinig ng maayos ng lalake dahil sa takot. Agad naman itong napahinto dahil sa ginawa niya at nakita niya ang takot sa mga mata nito.
Fear not for his safety but for hers. Tila ba sinasabi ng mga mata nito na mas mahalaga ang kaligtasan niya kumpara sa kahit ano para sa lalake.
In an agitated voice, he said, "Huwag ka ng lumayo sa akin, Han. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka na naman sa akin."
QUICK FACTS:
So this is what I mean with salakot. Ito yung sombrero na gamit-gamit ni Raya. It is actually a traditional headgear in our country and its design has become a status symbol. Members of Principalia (members of the nobility) began wearing the distinctive type of salakot
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top