Chapter 4
I'm so sorry if masyadong matagal ang update dito. 😭 I got so busy with my other story that I totally forgot about this one. Salamat talaga sa mga nagpaalala na buhay pa pala ang story na ito. Para pangbawi ay double update tayo tonight. I'm still finishing the other one pero sure na maipopost ko na siya ngayong gabi. ❤️
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SAVANNAH’S POV
She kept glancing at Seth’s stoic face while they were walking endlessly through the thick jungle. Kanina pa silang dalawang tahimik sapagkat sinabihan siya ni Seth na maaari pa silang marinig ng mga bantay ng palasyo. Sa tantiya naman niya ay nakalayo na rin naman sila kaya kahit naiilang pa siya sa muli nilang pagkikita ng lalake ay napagdesisyunan na lamang niyang magsalita.
“Wala bang sasakyan dito?”, simula niyang tanong sa lalake sapagkat nananakit na talaga ang mga paa niya sa layo ng nilakad nilang dalawa. Idagdag pa na kanina pa siya nasusugatan ng mga nagtataasang halaman sa gubat na ito.
There were no clear path and she doesn't even know how Seth can find his way around this big jungle.
Seth looked back at her and rolled his eyes, just as how he used to when they were still on college and she would say things that he would deem as nonsense.
“Well sorry to burst your bubble, princess. Nakalimutan kong ihanda ang limousine mo.”, sarkastiko nitong saad na nagpanganga sa kaniya out of disbelief.
“I see you haven’t change…”, inis niyang bulong. “You’re still a jerk.”, dagdag niyang mutawi bago tinuon ang paningin sa ibang direksyon.
Naiinis siya sa lalake. Nagtatanong lang naman siya pero lagi nitong pinaparamdam na spoiled brat siya. Just as how he used to when they were in college.
Napili na lamang niyang ituon ang paningin sa ibang direksyon at baka masapak pa niya si Seth sakaling titigan pa rin niya ito.
Her gaze then caught the mountain far ahead which she had a hunch that they would climb later on since diretso silang naglalakad papunta doon. Kahit pa man ang ganda ng view ng paligid ay hindi niyon nakuha ang atensyon niya mula sa remark ni Seth kanina. Talagang apektado pa rin siya kahit ngayon.
She folded her arms across her breast before speaking again.
“Seriously Seth… you need to grow up.”, she retorted back to what he said to her earlier but he just looked at her with disbelief before sarcastically laughing.
“Says the woman who’s been living her entire life in luxury.”, bulong nito ngunit alam niyang pinaparinggan pa rin siya nito dahil kahit bulong lang iyon ay rinig na rinig pa rin naman niya.
She stopped walking and laughed exasperatedly at him before talking again.
“Oh I can’t wait to be done with this bullshit! Ilang oras lang naman siguro ang kailangan kong tiisin bago tayo dumating sa border na sinabi ni Athena sa akin!”
“A few hours?”, he asked with derisive laughter looming out of him. Tila ba hindi tanong ang sinasabi nito sa kaniya kundi isang joke. “Sa tingin mo ba ay oras lamang ang bibilangin bago tayo makarating sa border? Let me enlighten you princess… we’re damn lucky if we get there after a week.”
“A week?!”, gulat niyang bulalas. “The hell?! Ano bang naisip ni Athena at nilagay niya ako dito?!”, malakas niyang reklamo na mukhang nagpakuha ng atensyon ni Seth dahil kumunot ang noo nito.
“Athena? You knew her?”, nagtataka nitong tanong na kaniya namang tinanguhan.
“Oo. Internet friend ko siya.”, pagpapaliwanag niya dito ngunit dahil sa sinabi niya ay pagak na napatawa si Seth sabay talikod sa kaniya at nagmura ng malakas sa hangin.
Siya naman ay naiwang nagtataka dahil sa naging reaksyon ng binata kaya naman tinanong niya ito.
“Anong problema?”, kinakabahan niyang tanong sa lalakeng nakatalikod pa rin sa kaniya pero bigla itong humarap at may halong galit at inis na makikita mula sa pagmumukha nito.
“Your so-called Internet friend is the reason why I’m here in the first place!”, frustrated nitong sabi sa kaniya. “Han, I’ve been here for two weeks already!”
“Two weeks?”, hindi na naman makapaniwala niyang usal dahil sa sinabi nito.
“Yes, that’s right. Pumunta siya sa akin at nagtanong kung pwede ba akong gamiting character ng story niya. I thought it was just a harmless story and she’ll just use my face or something like that but when I woke up, I’m already here.”, siwalat nito sa lahat ng nangyari dito na nagpatahimik naman sa kaniya.
Naghihinalang napatingin si Seth sa kaniya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Are you the reason why I’m here in the first place?”
“What?! Hindi ah!”, agad niyang pagtanggi sa akusasyon nito. “Hindi ko nga inaasahan na ilalagay ako ni Athena dito! I don’t even have any slightest idea why I’m here and what is really happening!”
Kahit pa man lagi niyang nakukwento sa kaibigan na gusto niyang makapasok sa isang HisFic story at maranasan ang mga bagay-bagay sa nakaraan ay ni minsan hindi niya hiniling sa batang manunulat na ilagay siya dito. In the first place, hindi naman niya alam na kaya palang gawin ni Athena ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Seth ngayon.
Seth only looked at her with accusations clearly written on his face. Mukhang ayaw siyang paniwalaan ng lalake ngunit kalaunan ay tinanggal na nito ang pagkakatingin sa kaniya at nagsimula na muling maglakad.
Her gaze then followed his broad back before walking again to catch up with him.
“May iba ka pa bang alam tungkol sa mundong ito? Athena didn’t tell me much about this world. Ang sabi niya lang ay made-up world ito at nasa loob tayo ng libro niya.”, she immediately asked when she caught up with him.
Hindi siya agad sinagot ng lalake ngunit kalaunan ay bumuntong-hininga ng malakas bago nagsalita.
“Well… for one thing… ang sabi niya sa akin ay hindi ito ordinaryong Historical Fiction story daw.”, panimula ni Seth habang mabilis na naglalakad pa rin.
Seriously, ang bilis maglakad ng lalake kaya naman nahihirapan siyang sabayan ito. Pinagpapawisan lang ang lalake ngunit hindi naman ito humahangos. Hindi katulad niya na halos kapusin na ng hangin dahil sa pagsabay sa paglalakad nito.
“She told me that it would be a mix of Filipino and European vibes and it’s up to us to discover it. She didn’t reveal that much information to me too but there’s one important thing that she was very firm at.”, dugtong na kwento ni Seth ngunit ang huli nitong sinabi ang agad na nagpapukaw ng kuryosidad sa kaniya.
“Ano iyong importanteng bagay na iyon?”, curious niyang tanong dito.
“Kailangan daw tayong makatawid ng border papuntang Luzon para makalabas ng storyang ito.”, sagot nito sa kaniya.
“Border ng Luzon? Kalian pa nagkaborder ang Luzon? Hindi ba iisang bansa lang tayo? At saka where are we to be exact?”, sunod-sunod niyang tanong sapagkat gulong-gulo na talaga ang utak niya.
Seth glanced at her with amusement drawn all over his face. Tila natutuwa pa ito sa kalituhan niya.
Agad siyang napatigil sa paglalakad nang tumigil rin ang lalake at humarap sa kaniya. He extended his arms as if welcoming a foreign tourists or something like that before greeting her.
“Princess… welcome to the Kingdom of Visayas!”, he gleefully said while motioning the trees around them.
Awkward siyang napatingin-tingin sa paligid at tanging nagtataasang puno lamang ang nakita.
Hindi niya lubos maintindihan bakit kailangan pa nitong umaktong parang nasa malaking kaharian sila kahit pa man ang totoo ay nasa kalagitnaan sila ng gubat at hindi niya pa lubos makita ang 'kaharian' na sinasabi nito.
“What?”, she said in confusion.
“In this world, Philippines doesn’t exist. Walang kinikilalang Pilipinas. Magkakaiba ang kaharian at ang mga namamahala sa tatlong island groups ng Pilipinas. Iyong fiancé mo na tinatakasan natin ay ang nag-iisang anak na lalake ng hari ng Visayas at ikaw Han…”, pagpapaliwanag nito sa kaniya bago tumigil at tiningnan siya ng seryoso. “Ikaw Savannah ang nag-iisang anak ng Hari ng Luzon. Kinikilala ka na ng mga tao dito bilang si Elena, ang Reyna ng Luzon.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top