Chapter 3
SAVANNAH'S POV
She tried her best to find a way out but her attempts led to disappointments.
The door is locked. No one even paid any attention to her loud bangs and helpless pleads
The terrace is also high up and climbing down would only lead her to her own demise.
Pagod siyang napahiga sa kama at pinikit ang mga mata.
I'm gonna be back on my room and realize that everything is just a weird dream.
She prayed so hard for those things to happen until she fell asleep.
"Wake up, princess.", rinig niyang saad ng isang baritonong boses na nagpagising sa kaniya.
She blinked sleepily while trying to make out the form of the man who's been tapping her cheeks lightly to wake her up. It's muscular form shadowed upon her especially since he's only inches away from her.
"Seth?", taka niyang bulong nang makilala ang lalakeng gumigising sa kaniya. "Anong ginagawa mo sa panaginip ko?", dagdag niyang tanong ngunit umiling lamang ang lalake.
"Sadly, hindi ito panaginip...", sagot nito sa kaniya habang inaalalayan siyang tumayo. "We need to get out of here so wake up now and change your clothes. Itatakas kita."
Napakunot lamang ang noo niya sa sinabi nito ngunit sinunod pa rin niya ang lalake. Agad siyang lumapit sa walk-in closet na nakita niyang pinasukan ng isa sa mga maids na nagpaligo sa kaniya kanina at doon kumuha ng masusuot.
All of the clothes inside are long gowns that looked like they belong on a Regency-era movie set. Ang pagkakaiba nga lang ay may halong Pinoy ang mga designs ng mga iyon. All of the gowns has the signature mestiza bolero of the Philippines. Para bang mga usual na nakikita niya sa mga modern Filipiñiana designs sa Internet.
Napalingon siya kay Seth nang lumapit ito sa kaniya at agad na umiling-iling.
"Hindi mo ito pwedeng suotin. Ang hahaba ng mga ito.", he said disapprovingly while rummaging inside her closet.
Mabilis nitong pinagbubuksan ang kada cabinet at pinagtitignan ang lahat ng mga laman ng mga iyon. Nagulat naman siya nang may biglaang binato ito sa kaniya. Buti na nga lang at nasalo niya iyon.
"Iyan. That would be more practical.", he muttered.
She looked down at what he threw at her and saw a simple baro't saya. Maganda pa rin itong tingnan ngunit hindi kaparehas ng ibang damit doon na matataas at may mga mahahaling bato na nakadikit.
"Magbihis ka na. The time's running out.", seryosong saad ni Seth sabay labas ng walk-in closet niya. Napasunod lamang siya ng tingin sa lalake.
Ngayon niya lang napansin ang suot nito. He looked like a personified Spanish era man. Para bang pwede lang itong maging kabarkada ni Jose Rizal.
What the hell is happening?!
Kahit pa man nagtataka ay pinili na lang niyang magbihis muna bago tanungin ang lalake.
"Seth may alam ka ba sa nangyayari?", taka niyang saad pagkalabas na pagkalabas pa lamang niya ng closet.
She already wore the clothes that he made her wear. Kumunot lamang ang noo ng lalake ngunit sa buhok niya ito nakatingin.
"Tie up your hair. Mahihirapan ka niyan mamaya.", saad nito sabay lapit sa kaniya.
She was about to say that she has no hair tie but he was already standing behind her and combing her hair using his fingers. She froze upon remembering their memories. Back when they were still together and he would constantly remind her to tie her hair because he likes looking at her face and her hair became such a nuisance to his view on her.
Natuto itong magtirintas ng buhok para sa kaniya. Lagi nitong sinasabi na mas gumaganda siya kapag kitang-kita ang mukha niya at hindi niya tinatago.
Her mind snapped back in the reality when Seth took hold of her hands and dragged her carefully towards the terrace.
"Se-Seth alam mo ba ang nangyayari?", nagtataka pa rin niyang tanong habang pinapanood ang lalakeng ayusin ang pagkakatali ng lubid sa isa sa mga foundations ng railing ng terrace.
"No time. Mamaya na ako magpapaliwanag kapag nakalayo na tayo dito.", he said while kneeling down in front of her. "Bilis.", tipid nitong saad habang tinuturo ang likod nito na para bang sinasabi sa kaniya na sakyan niya ang likod ng lalake.
"What? Why?!", panic niyang tanong dito.
Pagod namang napabuntung-hininga ang lalake bago siya tiningnan ng seryoso.
"Gusto mong ikaw bumaba mag-isa mula sa terrace na ito o sasampa ka sa akin?", exasperated nitong tanong sa kaniya.
Agad naman siyang umiling-iling dahil alam niya kung gaano kataas ang kwarto niya at alam niyang di niya kakayanin na bumaba ng mag-isa. Kaya naman kahit na nahihiya at nag-aalangan pa ay napili na lamang niyang sumampa sa lalake at humawak ng mahigpit dito.
Tumayo na ang lalake at inayos ang pagkakapwesto niya sa likod nito bago lumapit sa lubid na tinali nito sa may terrace.
"Remember... be quiet and don't look down. Alam kong takot ka sa matataas na lugar kaya iwasan mo na lang tumingin sa baba.", paalala nito sa kaniya na siya namang tinanguhan niya kahit pa alam niyang hindi siya kita nito.
Pinigil niya ang sigaw na gustong kumawala mula sa kaniyang mga labi nang magsimulang bumaba si Seth sa lubid. Her arms that are wrapped around his shoulders tightened that made him worry that he would be angry with her but he didn't show any emotion.
Ibinaon na lamang niya ang mukha sa may likuran nito at hiniling na sana hindi sila mahulog.
Sa pagkaka-estima niya ay parang nasa 3rd floor ang kwarto niya kaya naman hindi iyon gaanong kadaling akyatin o babain. If she didn't held her breath, she's pretty sure that she's gonna scream her lungs out.
Sa awa ng Diyos ay narating naman nila ang ibaba ngunit hindi pa siya nakaka-get over sa pangyayari ay mabilis naman siyang hinila ni Seth papatago sa likod ng pader.
"Anong-", panic niyang tanong dito ngunit agad namang tinakpan ng lalake ang bibig niya.
"Shh... May mga kawal.", bulong nito bago maingat na dumungaw upang makita kung nasa malapit pa ba ang mga kawal na sinasabi nito.
Natatakot siyang napatingin sa seryosong mukha ng lalake habang napapaisip kung ano ba ang nangyayari talaga.
Akala ko panaginip lang ito?
Tatanungin na sana niya ulit si Seth ngunit biglaan siya nitong hinila at inutusan siyang tumakbo ng mabilis.
Hindi na siya nakapag-isip dahil hila-hila na siya ng lalake. They ran and would occasionally stop and hide behind some bushes everytime a castle guard would be nearby, probably patrolling the area.
Hindi niya alam kung gaano na sila katagal tumatakbo ngunit umabot na pala sila sa parang malaking gate.
Seth guided her to a rope dangling from the top of the gate that made her assume that it was the means that Seth used to get inside the castle. Katulad kanina ay pinasampa siya nito sa likod nito at ang lalake ang nagbuhat sa kaniya.
Hindi na siya nag-ingay kasi nakakahiyang mag-inarte. Ang lalake na ang gumagawa ng lahat ng trabaho para makatakas sila kahit pa man hindi niya alam kung ano ang tinatakasan niya o kung bakit siya tumatakas in the first place.
Nang maabot ang taas ng gate ay biglang bumulong sa kaniya si Seth.
"Talon.", tipid nitong utos na nagpanganga naman sa kaniya.
"The heck?! Seth! Ni minsan hindi nga ako nakapag-cutting classes noong high school dahil natataasan ako sa bakod ng school... Ano pa kaya itong parang pang second floor na ang taas?!", reklamo niya dito ngunit hindi siya pinansin ng lalake bagkus ay tumalon na ito.
Naiwan siyang nakanganga at nakatanaw lamang sa graceful na pagtalon ng lalake. He landed on the ground with only a small thud.
Pinagpag nito ang damit bago siya tiningnan sa taas ng gate.
"Bilisan mo.", seryoso nitong sabi sa kaniya habang nakapwesto na parang sasaluhin siya. "I would catch you.", dagdag nitong saad na nagpatigil sa kaniya.
I would catch you.
He said that to her before but he didn't do it.
She asked him if ever she fell in love with him, would he catch her. He answered yes but he didn't uphold to that promise.
Iniwan niya ako bigla...
"Han, talon na.", naputol ang iniisip niya dahil sa pagtawag ni Seth sa kaniyang muli.
Han. That was his nickname to her. Kilig na kilig pa siya noon dahil parang "honey" pakinggan iyon.
She shooked her head to get rid of those hurtful memories and decided to just jump. Wala na siyang pakialam kung saluhin siya ng lalake. Sanay naman siyang ma-let down dahil dito.
She closed her eyes and prayed for the best before jumping down. Inaasahan na niyang sa lupa siya didiretso ngunit isang matipunong katawan ang sumalo sa kaniya. Her eyes opened immediately and saw Seth's smiling face.
"Sabi ko sa iyo sasaluhin kita.", wika nito habang nakangisi. Seryoso lamang siyang nakatingin dito habang napaisip.
Bakit hindi mo ginawa noon?
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
The outfits in this series would be more on modern Filipiñiana designs dahil pinagsama ko ang culture ng Europe at ng Pilipinas. Some examples would be:
Pero dahil nga hindi pwedeng tumakas si Savannah na nakagown ay hindi ganito ang suot niya ngayon.
Take note that I might write some European customs on this series so please huwag kayong malito if ever hindi pang-Pilipinas na culture o tradition ang mailagay ko dito. Ipagmimix ko naman sila so don't worry pa rin. ☺️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top