Chapter 2
SAVANNAH'S POV
Her eyes fluttered awake upon feeling the soft and fluffy bedcover underneath her. Nang tuluyang mabuksan ang mga mata ay ang top cover ng four poster bed ang bumungad sa kaniya.
The hell? My bed isn't a canopy bed...
Nagtataka siyang napaupo at kinukusot-kusot pa ang mga mata dahil sa antok. Napababa ang kaniyang paningin sa kaniyang suot at nakitang ang kagabing suot-suot niyang malaking t-shirt at maikling shorts ay napalitan ng isang napaka-eleganteng nightgown. Matapos iyon ay naguguluhan niyang sinuri ang buong kwarto at nakitang wala siya sa kaniyang silid.
Where am I?
The room that she's in looked like those bedroom that would often be seen on Regency-era historical movies but it has touch of Filipino vibes on it because the furnitures as well as the decorations on the room are made of wood with a hint of gold. Halatang mamahalin.
Itinapak niya sa sahig ang mga paa at napiling libutin ang kwarto.
She just assumed that this is just a dream and she would just wake up later so why not enjoy it right?
The room was huge and sumptuously furnished. Aaminin niyang kahit hindi siya mahilig sa classical styles ay nagustuhan niya talaga ang kwarto.
Ang mga upuan sa loob ng kwarto na iyon ay puro nababalutan ng napakakulay na tela. Kahit nga ang canopy bed kung saan siya nagising ay may nakabitay na white embroided see-through cloth. Ang palamuti naman na nakapatong sa isang lamesa sa may gitna ng mga upuan ay isang golden vase na kinalalagyan ng mga napakaputing bulaklak.
She's not great with plants so she actually don't know what's it called.
Matapos makita ng masinsinan ang lahat ng mga gamit sa loob ay napili niyang lapitan ang pintuan ng kwartong iyon at natuklasan na naka-lock iyon.
She even tried turning the knob again to no avail.
Napakunot ang noo niya dahil doon pero napagdesisyunan niya na ang pintuan na lang ng terrace ang buksan at agad naman siyang napangiti nang umikot ang siraduha nito.
She carefully opened the door and stepped out on the terrace but that action made her open her mouth in disbelief.
She's in a castle.
A really big one to be exact.
Nag-aalangan siyang lumapit sa railing ng terrace at tinanaw ang mukhang palace garden sa ibaba. Kitang-kita mula sa kinapwepwestuhan niya ang mga tila hardinero na metikulosong ginuguntingan ang mga halaman doon. Sa may di-kalayuan naman ay kita niya ang halos daan-daang mga kawal na mukhang nag-eensayo sa may malaking hawan. Those soldiers looked like they belong on the Napoleonic wars rather than a modern one.
She scanned the whole scenery basking under the blazing mid-afternoon sun in front of her.
Oh gosh... This is such a good dream.
She had always been a huge fan of historical movies or books. Hindi nga siya nagdadalawang-isip na gumastos para sa mga iyon dahil talagang kinaa-adikan niya ang mga iyon.
Hindi naman masamang mangarap na maging prinsesa every now and then.
She was still daydreaming of her being a princess on her own castle when the door of her room suddenly opened and a long line of maids came inside, all clad in simple black and white uniformed outfits.
What the hell...
Nagtataka siyang napatingin sa mga babae habang pumupwesto ang mga ito sa harapan niya. They all stood in front of her on a neat and orderly way.
"Oras na po para paliguan kayo.", magalang na saad ng babaeng nakatayo sa pinakaharap habang naka-bow sa kaniya in a straight 45° bow.
Matapos sabihin nito iyon ay naglakad papalapit sa kaniya ang dalawa pa nitong mga kasamahan at hinawakan ang magkabilaang braso niya.
"Te-Teka lang! Kaya kong paliguan sarili ko!", panic niyang saad habang tinutulak ang dalawang babae ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito.
They carefully guided her to what she thought was just a mere wall and pressed a button that she didn't noticed earlier. Agad bumukas iyon at tumambad sa kaniya ang isang malaking bathroom. May bathtub sa gitna na mayroong kulay puting tubig na nahahaluan ng mga petals ng roses na sa tingin niya ay gatas.
Agad naman siyang hinila ng mga ito doon at tinanggal ang kaniyang mga damit. She tried doing it by herself but they would just brush her hand away. Para bang bawal siyang mapagod kahit pa man sa simpleng pagligo lamang.
Nahihiya niyang nilublob ang sarili sa milk bath upang matago ang kahubdan niya kahit pa man alam niyang walang pakialam ang mga ito doon.
The five maids all took their place at the different sides of the bathtub and started bathing her. They surrounded her and each took responsibility for her body parts. May dalawang nagbra-brush ng magkabilaan niyang kamay, may dalawa rin sa may paanan niya at mayroon rin na nagsha-shampoo ng buhok niya.
It's really uncomfortable even though the women made sure that they are careful with their scrubbing. Kahit nga noong bata pa siya ay nagagalit siya sa Mama niya kapag gusto siya nitong paliguan, ito pa kayang halos magtre-trenta na siya and to top that up ay limang babaeng estranghero ang gumagawa niyon sa kaniya.
Matagal natapos ang pagpapaligo sa kaniya. Wala atang parte ng katawan niya ang hindi nalinisan ng mga ito. After that, they dried her, did weird beauty routines for her, dressed her up and ushered her back to the bedroom.
They left just like how quickly they barged in her room earlier.
Nakaupo siya sa kama habang nakatunganga lamang sa pintuan na nilabasan ng mga ito.
That was bizarre...
She mindlessly slapped herself in effort to wake her up but she ended up wincing because of her own actions.
"Aray...", mahina niyang bulong sa sarili habang haplos-haplos ang namumula na atang pisngi.
"Hi ate!", mahina siyang napatalon nang biglaang may nagsalita sa loob ng silid na iyon kaya naman nilingon niya ito at nakita ang kaibigang si Athena.
"Athena?", nagtataka niyang tanong dito. "Anong ginagawa mo sa panaginip ko?", confused niyang tanong dito na tinawanan lamang ng kaibigan.
"Ate wala ka sa isang panaginip! Nasa loob ka ng libro ko!", tila excited pa nitong imporma sa kaniya na agad namang nagpakunot ng noo niya.
"Ano?", naguguluhan niyang tanong muli dito.
"Nasa libro kita ngayon ate. Ikaw ang main character ko diba?", pagpapa-alala nito sa kaniya.
"Teka hindi kita maintindihan.", she admitted.
"Ate I can't tell you the full details but all I could say is that your main goal is to escape this castle and run towards the land border. Kapag nakarating ka na sa border ay makakalabas ka na sa libro.", nagmamadali nitong saad habang ilang ulit na lumingon-lingon sa may pintuan na para bang may inaasahang bumukas niyon.
She was about to ask Athena other questions but her friend glanced at her and said goodbye, panicked deep on her voice.
"I can't explain anymore ate. Goodluck at goodbye!", mabilis nitong saad bago biglaang nawala sa harapan niya.
The hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top