Chapter 10

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Savannah kay Seth habang pinapakinggan ang kwento nito tungkol sa posibleng umatake sa kaniya. He was carefully tending her wounds while telling her some stories that he learned from this world.

"Sa tingin ko ay isang mandirigma ng Tribo Kumanlong ang gumawa sa iyo nito. Judging from the looks of that arrowhead . . . I'm pretty sure that I am right," confident nitong sabi habang tinuturo ang pana na nakalagay sa may tabi niya lamang.

Seth examined that arrow earlier to see if there was any poison laced to the arrowhead and thankfully there was none. Nasugatan pa naman siya ng pana na iyon kaya naman tiyak na malalagay siya sa peligro kung saka-sakaling may lason nga iyon. 

"Why would they attack me?" naguguluhan niyang tanong.

"Well . . . for starters, we are outsiders. Kilala na ng bawat tao ang isa't-isa kaya naman hindi tayo welcome dito. Secondly, there is an ongoing war between the tribe people of the Visayas and the man who is ruling this land right now," napatigil ito sa pagsasalita at seryoso siyang tiningnan. Agad naman niyang naintindihan ang pinapahiwatig nito sa kaniya.

"And that man is my fiancé . . ." mahinang bulong niya sa sarili na narinig rin ni Seth dahil tumango-tango ito upang ipakita na tama siya.

"Just expect that people would resent you here," paalala nito.

"Why? I mean kahit di pa naman ako kasal sa hari nila ay maituturing pa rin akong royalty. I am the future queen of Luzon in this world, right? Dapat akong respetuhin ng mga tao," giit niya habang pinopoint out sa lalake ang title na hawak-hawak niya sa mundong ito ayon sa sinabi ni Athena na kaniya.

Frustrated na napatingin si Seth sa kaniya bago pinaliwanag ang lahat.

"Yaon na nga ang problema, Han. Luzon and Visayas are not exactly you can call as 'friends'," ika nito na nagpakunot ng noo niya.

"Why?"

"Itong mundo na pinaglagyan ng kaibigan mong writer sa atin ay puno ng giyera at away. Luzon and Visayas are fighting each other and whoever wins would conquer the land of the other. Pinakasal ka sa future king ng Visayas para ma-settle ang away na iyon," paliwanag ng lalake sa kaniya.

"So . . . if papakasalan ko ang lalakeng iyon ay magiging payapa na ang dalawang kaharian?" tanong niya dito na agad namang inilingan ni Seth.

"No. Na-solve nga ang problema sa pagitan ng kaharian ng Luzon at Visayas ngunit iyon rin ang dahilan kung bakit nagsimulang mag-aklas ang mga taong nakatira dito sa Visayas, especially the people from the Tribe of Kumanlong. They don't want you to get married with their king," saad ni Seth.

"Ha? Bakit?" gulat niyang tanong.

Kaysa sagutin siya kaagad ay napakunot lamang ang noo ng binata at tinanong siya pabalik. "Bakit? Gusto mo?"

Nagseselos ba ito?

Agad siyang napatawa dahil sa naging reaksyon ng binata ngunit dahil sa biglaan niyang paggalaw ay kumirot na naman ang sugat niya sa braso. Seth immediately tended to her and caressed the side of her wound to stop it from hurting. Napakagat siya sa kaniyang labi dahil sa ginawa nito at biglang natandaan ang sinabi ng lalake kanina sa kaniya.

"Huwag ka ng lumayo sa akin, Han. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka na naman sa akin."

Aaminin niyang may kakaibang feeling siyang naramdaman matapos marinig ang mga iyon mula sa labi ng lalake. She felt the "kilig" crawling all over her body that made her blush uncontrollably. Mukhang mamumula na naman ang kaniyang mga pisngi dahil sa kilig ngunit agad iyong naputol dahil sa boses ni Seth.

"Han, hindi mo pa rin ako sinasagot. Gusto mo bang makasal sa hari nila?" he urgently asked, as if her answer is the most important thing in this world right now.

"Gago, hindi no!" mariing tanggi niya habang iniiling-iling pa ang ulo. Her firm no made Seth's face brightened but she chose not to comment about it. Natatakot siyang tanungin ang lalake kung bakit tuwang-tuwa itong malaman na hindi niya gustong magpakasal sa iba. Baka tapunan na naman siya nito ng mga banat na pangmalakasan. Mahirap na at marupok pa naman siya.

"Ang ibig ko lamang sabihin ay bakit hindi nila ako gusto para sa hari nila? Wouldn't that make Visayas the strongest among the three lands? I mean . . . kasi nandito sa kanila ang reyna ng Luzon and what about Mindanao? Hindi mo sila naikwento sa akin kanina," pagpapaliwanag niya dito ngunit nilakipan niya iyon ng tanong sapagkat napansin niyang hindi man lamang nabanggit ni Seth ang Mindanao.

"Well . . . that's what the people from this land doesn't want to happen. Ayaw nilang mas lumakas pa ang hari nila. In fact, they want to overthrow him from his throne and you marrying him would make that much harder for them. Syempre dahil kapag kasal na kayo ay nasa kaniya na rin ang kapangyarihan mo bilang pinuno ng Luzon. More power means more armies and more armies is basically suicide for the tribe people of Visayas if they decided to go on with their rebellion," kwento ni Seth sa kaniya na mas nagpaliwanag ng bagay-bagay. 

The Visayas has a ruthless king who was supposed to be her soon to be husband. The people under him doesn't really approve of his ways and now they basically think that she is one of the enemies because she was supposed to be his wife. That made their journey to the border even harder and riskier than before. Sinusundan na nga sila ng mga tauhan ng tinakbuhan niyang groom tapos dinagdag pa ang mga katutubo sa lugar na ito na may galit pala sa kaniya.

Napukaw siya sa malalim na pag-iisip nang nagpatuloy si Seth sa pagsasalita.

"Doon sa tanong mo naman tungkol sa Mindanao. Well . . . you could say that they are like the Switzerland of this made up world. Neutral lang sila. Actually, sila ang pinaka-peaceful na kingdom between the three lands. Wala lang talaga silang pakialam sa agawang nangyayari," paliwanag nito sa isa pa niyang tanong na nagpanganga sa kaniya sa pagkamangha.

"Wow," mahinang usal niya bago binaling ang atensyon muli sa lalake. "Bakit ang rami mo na atang alam tungkol sa lugar na ito?" dagdag niyang tanong kay Seth.

"Han, I've told you already. Two weeks na ako sa mundong ito kumpara sa iyo na ngayon lang napasok sa librong ginagawa ng kaibigan mong author. I've already researched a lot about this world. Mas mainam na iyon sapagkat kailangan natin ang lahat ng knowledge na meron tayo upang makatakas. Always remember Han, hindi lang iisa ang kalaban natin ngayon."





A/N: Fun fact!

If pansin niyo na-mention ko yung about Switzerland being dubbed as equivalent to neutral. Well in history natin kasi Switzerland maintained armed neutrality in both World Wars. Ibig sabihin wala silang kinampihan at basically sila ang chill lang sa gilid. It became like a personal joke sa akin kaya tuwing namemention ang word na "neutral" ay Switzerland ang gamit ko like tuwing may nag-aaway na mga kaibigan ko at sasabihin ko ay "Uy wala akong kakampihan sa inyong dalawa ha! Switzerland lang ako dito!"

I just thought it would be fun and educational kung isasali ko dito sa libro kasi kahit ibang professors ko hindi kaagad naintindihan ang reference ng Switzerland sa neutrality. Hope magamit niyo rin ang konting knowledge na ito sa everyday life niyo! To make it much clearer, maglalagay ako ng memes dito. XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top