Chapter 1
SAVANNAH'S POV
She was carefully applying face cream on her face when the familiar ringtone of her phone suddenly erupted on her silent bedroom. Nilingon niya iyon at nakitang nakapatong iyon sa higaan niya kung saan naka-open rin ang laptop niya.
Dali-dali siyang tumayo kahit pa man puno pa ng cream ang kaniyang mukha at nilapitan ang nag-iingay na cellphone. Agad naman siyang napangiti nang makita ang pamilyar na pangalan ng Internet friend niya sa Wattpad na naka-display sa cellphone niya.
It was such an unusual and accidental friendship.
They were both underrated authors on Wattpad. Mahiyain ang batang manunulat habang siya naman ay mapili sa kinakaibigan.
Unknown authors like them usually interact with other authors to gain at least some friends. Nakilala niya ito nang sinagutan nito ang slambook ma pakulo niya noon. She had a question where she was asking for their closest Wattpad friends and the poor girl answered that she had none.
Siguro iyon ang nag-udyok sa kaniya upang kaibiganin ito. Alam rin kasi niya ang pakiramdam ng wala kang kaibigan sa Wattpad at nangangapa ka pa.
She went to her story and supported her and that's when they formed a bond between each other.
She became her mentor.
She witnessed her grow and learn.
She advices her whenever she needs help.
She comforted her whenever she felt down.
Most importantly, she became her friend.
Naging malapit na sila sa isa't-isa kaya naman komportable na silang maglabas ng saloobin at problema kapag nag-uusap sila.
When she unlocked her phone, she immediately picked up the call and took her phone back to the mirror where she's doing her beauty routine. Sinandal niya ang cellphone sa salamin at bumalik sa ginagawa kanina.
"Ate!!!", agad na tili ng kaibigan kahit pa man kakasagot pa lamang niya ng tawag nito.
Mahina na lamang siyang napatawa dahil sa nasanay na siya sa halos pasigaw na nitong bungad kada tumatawag ito sa kaniya.
"Anong kailangan mo Athena?", nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
She briefly glanced at the clock hanging on her bedroom and saw that it was already 10 PM. It only means that it's already 11 midnight in the Philippines. Nasa Thailand kasi siya nakatira at nagtratrabaho kaya naman may kaunting pagkakaiba ng oras nila ni Athena.
"May sasabihin sana ako sa iyo ate!", halos pasigaw pa ring saad ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. She doesn't know if the young woman is just excited or frustrated but she's leaning more on the latter.
"Ano? May umaaway na naman ba sa iyo?", nakakunot niyang tanong dito habang pinagpapatuloy ang beauty routine niya.
Huling tawag kasi nito sa kaniya ng ganitong ka-late na oras ay nagsumbong ito sa kaniya tungkol sa nang-aaway dito. Of course, her "ate mode" suddenly switched on and she comforted her.
"Wala naman ate. Thank goodness for that.", natatawang sagot ni Athena sa kaniya na nagpagaan ng loob niya dahil at least alam niyang maayos na ito.
"That's good to hear... so bakit ka napatawag Athena?", nagtataka niyang tanong dito.
"Uhmm... Tanda mo pa ate iyong namention ko noon sa iyo? Iyong series na plano ko sanang isulat after ng 'In Her Past' series?", sunod-sunod na tanong nito pabalik sa kaniya.
"Yup. Why?", pag-ando niya.
"Plano ko sanang gamitin name mo sa 1st book ate... Para sana sa bida.", nag-aalangan nitong sagot sa kaniya na agad namang nagpalingon sa kaniya sa phone niya.
"Diba may pangalan ka na para sa bida? Iyong Elina or Elena ba iyon?", nagtataka niyang tanong sa kaibigan.
Nakwento na kasi nito sa kaniya ang plano nito para sa bagong series na naiisip nitong isulat. Pati nga bookcover napakita na nito sa kaniya at nabigyan na rin niya ng honest opinions.
"Well... Oo ate. Elena name nung bida pero iyon lang name niya sa past. Time travel rin kasi itong story eh.", agad naman nitong paliwanag na nagpalinaw sa isipan niya.
"Oh... Okay then. No problem ako diyan.", agad niyang sagot na mukhang nagpasaya naman sa bata.
"Really ate?! Thank you!", tili na naman nito kaya naman agad siyang napa-lean away sa phone niya.
Oh gosh! Ang lakas pa rin nitong tumili.
"Athena kalma!", tatawa-tawa niyang sabi dahil sa excitement na naririnig sa kaibigan.
"Ate ilalagay ko rin kaunting information about sa iyo. Pwede ba?", paghingi nito ng permission sa kaniya. Rinig pa niya ang pagpapa-cute nito mula sa kabilang linya.
"Go ahead dear.", ngiti niyang saad ngunit agad naman iyong nawala nang biglaan na namang tumili ang kaibigan.
Mababasag ata ear drums ko dahil sa babaeng ito.
"Ate! Thank you!", sigaw nitong muli habang parang tangang pumapalakpak pa.
"No worries Athena. Basta gandahan mo story ko ha!", parang strikta pa niyang saad ngunit agad naman silang sabay na napatawa dahil doon.
"Ikaw dapat sabihan ko niyan ate. Gandahan mo ang story mo because you're the one who's gonna decide for your own fate. I'm just gonna merely write it.", sagot nito sa kaniya ngunit wala na ang tila lively atmosphere nito at napalitan ng may pagka-mysterious.
She got taken aback by Athena's sudden change of emotions so she just found herself speechless for a few seconds. Nang makabawi ay agad naman siyang nagtanong dito.
"Ha? A-Anong meaning mo?", kinakabahan niyang tanong.
"Ate matutulog na ako.", iwas nito sa tanong niya. "Good night po... at goodluck.", she added before hanging up quickly.
What the hell?
Anong problema ng batang iyon?
Napatingin siya sa phone niya at nag-aalangan kung tatawagan ba ang kaibigan o hindi.
Sa huli ay napagdesisyunan na lamang niyang huwag na at late na rin naman na. Baka kulang lang sa tulog ang batang iyon.
Itutulog na lang rin niya ang lahat ng sinabi nito. Pwede naman niya itong matanong bukas sa kung ano ang ibig sabihin nito.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
SETH'S POV
He was quietly drinking a glass of rum while enjoying the beautiful night scenery of Singapore on his condo's balcony.
Kahit pa man napakaganda niyon ay hindi niya maiwasang mapabuntung-hininga dahil sa isang babaeng ilang taon na niyang hindi nakikita pero kayang-kaya pa ring guluhin ang nananahimik niyang isipan.
Get a grip on yourself Seth... Tapos na kayo.
Dumiin ang pagkakahawak niya sa baso ng dahil sa mga ala-alang bumabalik na naman sa kaniyang utak nang biglang may kalabog siyang narinig mula sa loob ng kaniyang condo.
Nakakunot ang kaniyang noo habang nagmamadaling pumasok sa bahay niya nang biglang lumabas ang isang pamilyar na babae mula sa kaniyang kwarto.
"Ikaw na naman? What the fuck are you doing here?", galit niyang saad sabay lapit sa babaeng sheepish na nakangiti sa kaniya.
"Sorry Kuya... Nabasag ko ata vase mo...", simula nito pero hindi na niya ito pinatapos dahil sa agad niya itong hinila papunta sa pintuan ng condo niya.
This girl has been pissing him off for a week now. Sunod ng sunod ito sa kaniya at palaging nagtatanong kung pwede ba daw gamitin siya nito bilang character sa Wattpad story nito.
Of course he said no. Multiple times. Pero mukhang napakapersistent ng batang ito dahil hindi talaga siya nito tinitigilan.
"You know I can sue you for trespassing because of what you are doing right now.", pagalit niyang saad dito.
He doesn't want to be harsh to her because she looked much younger than him. Nasa early 20s pa ata ang babae pero talagang naiinis na siya dito.
"Eh Kuya hindi naman ako nanggaling sa labas. Diretso akong napunta dito sa loob ng bahay mo.", pagtatanggol pa nito sa sarili na agad namang nagpakunot ng noo niya.
"The hell are you talking about?! Paano ka makakapasok dito sa loob nang hindi ka nanggagaling sa labas?!", inis na tanong niya dito kaya naman bigla siyang napahinto sa pagkaladkad dito.
"Mahabang kwento kuya pero kung gusto mong ikwento ko pwede rin basta ba't magpapakain ka ng snacks. Nagugutom na po kasi ako.", cheeky nitong sagot habang lumilingon pa sa bandang kitchen niya.
"Just... Fuck it! Lumabas ka na lang!", inis niyang sabi habang akmang hahablutin na naman ang braso nito para sana hilahin muli palabas ngunit agad namang lumayo sa kaniya ang babae at kumapit na parang tarsier sa kaniyang cabinet.
"Permission mo lang talaga kuya na pwede kitang gamitin sa story ko ang kinakailangan ko. Iyon lang talaga. If you say yes then I'm gonna stop bugging you na. Promise!", parang batang pagmamakaawa nito sa kaniya habang nakadikit pa rin sa cabinet niya.
He crossed his arms before taking a deep breath to stop himself from strangling the woman in front of her. Matapos masigurado na kalmado na siya ay tiningnan niya itong muli at tinitigan ng seryoso.
"I would say yes but you have to keep your end on the bargain.", pagsisigurado niya dito na agad namang sunod-sunod na tinanguan ng batang babae.
"Good.", satisfied niyang saad bago muling sumeryoso ang mukha. "Now get the fuck out of my place.", dagdag niyang ani sabay bukas sa pintuan ng condo niya at sinenyasan ang babaeng lumabas na.
"Ito na nga po... Aalis na.", bulong pa nito ngunit rinig naman niya.
Mainam na hindi na ito nangulit at maayos na lumabas. He was about to slam the door on her when he catched her whispering the words "Goodluck kuya. Make a good story for me."
Natulos siya hanggang sa tuluyan nang nasarado ang pintuan.
What did she said?
Nagtataka niyang binuksan muli ang pintuan at tiningnan kung nasa labas pa ba ang babae ngunit wala na ito doon.
What the fuck was that?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top