[TWO] Chap.9: Ang Ganap na Pagiging isa
๑۩۞۩๑ Ang Ganap na Pagiging Isa ๑۩۞۩๑
Noong una hindi agad na mukhaan ni Jun-Jun Sta, Maria ang kanyang elementong kaisa na si Magayon. Medyo nasanay na siya sa dating anyo nito na parang white-lady.
“Magayon!” sa sobrang emosyon, niyakap ni Jun-Jun ang harpy. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak. “Sorry!”
Nagulat si Magayon, hindi niya inaasahan ang ginawa ni Jun-Jun pero alam niyang lubos na nangungulila ang kanyang taong-kaisa sa mga magulang. “Di mo na kailangang humingi ng paumanhin.”
“Basta! Sorry sa lahat!” naghagulgol sa iyak si Jun-Jun na parang bata na lumalambing sa ina. Mas hinigpitan niya ang kanyang pagkakayakap. Gusto niyang matapos na ang lahat at matulog. Gusto niyang nandoon lang ang kanyang elementong-kaisa, hinehele siya habang binabantayan siya sa pagtulog. Ngayon lang niya napagtantong si Magayon ang nagsilbing pangalawa niyang ina, Malaki ang kanyang utang na loob dito..
Ngumiti si Magayon at hinaplos ang buhok ni Jun-Jun. “Tahan na, Jun-Jun.” Alam niyang pagod na pagod na ang binata. Basang-basa na siya ng pawis at ang dungis-dungis pa. Sobrang malapit na ang kanyang loob dito at handa niyang samahan ito magpakailanman. Gagawin niya ang lahat upang protektahan at pagsilbihan ang kanyang taong-kaisa.
May isang multong halimaw na sinamantala ang pagkakataon at sumugod. Alisto naman ang harpy at iniwasan ito habang yakap-yakap si Jun-Jun.
"Hangin,Hangin
Ako ay iyong alagad, iyong hinirang.
Ako ay sumasa-iyo
Hiyaw ng Hangin!”
Sumigaw si Magayon ng napakatinis na sadyang nakakabingi. Ang hangin ay nag-anyong alon na tuloy-tuloy na dumaloy patungo sa halimaw. Hindi kinaya ng halimaw ang nakakarinding tunog na para bang nagiging matatalas na talim na tumatama sa kanya. Di rin nagtagal ay sumabog ang halimaw at naglaho.
Malakas ang atake na ito dahil ang mga halimaw na di kalayuan ay nadamay din at naglaho. Buti na lang at kontrolado ito ni Magayon at hindi na apektuhan sina Jun-Jun at Gino Lazaro. Ayos din naman sina Itim at Dahongo na nabingi ng kaunti pero naging normal din ang pandinig matapos ang ilang saglit.
Dahil sa ginawa ni Magayon, natauhan si Jun-Jun. Bumalik siya sa realidad na sa purgatoryo pa rin sila at may mga halimaw pa na nakapalibot sa kanila.
“Handa ka na?” tanong ni Magayon.
Tumango si Jun-Jun. “Oo.” Napakagaan ngayon ng kanyang pakiramdam. Nawala na ang bigat sa kanyang dibdib na para bang naglaho na ang bagaheng matagal na niyang dala-dala. Oo, sobrang miss na miss pa rin niya ng kanyang mga mahal na magulang pero kailangan na niyang magpatuloy sa buhay. Nagdusa na ng napakatagal ang kanyang mga magulang na dapat ay namamahinga na. Mabuti na lang, siya ay natauhan at pinakawalan na niya ang kanilang mga kaluluwa.
Move on, Move on din pag may time!
"Aking tapat na elementong-kaisa,
Ang iyong kapangyarihan ay sa akin
Malakas, mabilis, hindi makita,
Ipo-Ipo!” tawag ni Jun-Jun. May namuong umiikot na hangin at pinalibutan ang mga halimaw. Tumalon ng napakataas si Jun-Jun na para bang napakagaan lang niya. “Umiikot na Talim!” sigaw nito. Inihanda muli ni Jun-Jun ang kanyang kambal na katana. Laking Gulat niya nang biglang sinabayan siya ng kanyang elementong-kaisa na si Magayon, tinuwid din nito ang kanyang mga pakpak na kapapansin-pasin na ang mga balahibo nito ay animo’y naging talim. Lubos na naging mabilis ang kanilang pag-ikot patungo sa lupa. Walang nagawa lahat ng halimaw habang sabay-sabay silang bine-blender! Nagkalasug-lasog at naging pinong abo ang mga ito bago naglaho.
Sina Gino, Itim at Dahongo ay nanuod lang at manghang-mangha.
“Astig!!!” sigaw ni Gino.
Pero gaya ng inaasahan nagsimula muling bumuo ang mga multong halimaw.
“Ano na naman yan!” reklamo ni Dahongo.
Nag-isip si Itim. Wala ngang katapusan ang pakikipaglaban na ito. Kitang-kita niya ang pagkadismaya sa mga mukha nina Gino at Jun-Jun. Kahit siya napapagod na din sa pagkakasakay ng duwende sa likuran niya. Naisip niyang patalsikin si Dahongo pero alam niyang pagod na din ang duwende.
“Naku, naman!” galit na kumento ni Gino. “Tsk!”
Wala silang nagawa kundi pagmasadan lang ang biglang pagsasama-sama ng mga lasug-lasog na parte ng mga halimaw na multo. Ang lahat ng mga multo ay naging isang tambuhalang halimaw na ubod ng pangit. Magkakahalo-halo ang mga mukha, kamay at mga paa ng mga halimaw!
“Jun-Jun, sa tingin ko ito na ang tamang pagkakataon.” seryosong sambit ni Magayon. Tinitigan niya ang taong-kaisa niya ng masinsinan.
Alam ni Jun-Jun kung anong ibig sabihin ng kanyang elementong-kaisa. Di niya mapigilan ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ito na ang pagkakataong hinihitay niya! Sa wakas at siya ay karapat-dapat na maging lubos na kaisa si Magayon!
Lumakas ang hangin at unti-unting umangat si Jun-Jun sa ere. Nasa harapan pa rin niya si Magayon, ang mga pakpak nito ay marahang kumakampay. Nagsimulang humimig ang harpy. Pamilyar ang tunog. Alam ni Jun-Jun na ang tunog ay sa paboritong kantahin ng kanyang Mommy Nadine noong nabubuhay pa ito, ang Ili-ili Tulog Anay. Napapikit si Jun-Jun at dinama ang pamilyar ng pakiramdam ng kapayapaan ng loob at lubos na pagmamahal. Nadama niya ang malambing na paghaplos ng hangin sa kanyang pisngi. Hindi pala, si Magayon ito. Ngumiti ang harpy. Unti-unting nagsilagasan ang kanyang mga pakpak at sumama sa pag-ikot ng hangin. Sa paglagas ng mga balahibo ni Magayon, unti-unting naging anyong tao ang harpy. Napanganga si Jun-Jun. Ang nasa harapan niya ngayon ay isang napakagandang babae na tanging mahabang buhok nito ang tumatakid sa buong katawan.
"Jun-Jun..sabihin mo ito ng malakas." sabi ni Magayon.
"Ako ang iyong taong-kaisa,
Ako ay ikaw, ikaw ay ako
Isa itong pagsusumamo
Ikaw at ako ay maging isa!" pagsambit ni Jun-Jun.
Sumabay si Magayon.
"Ako ang iyong elementong-kaisa,
Ako ay ikaw, ikaw ay ako
Isa itong pagsusumamo
Ikaw at ako ay maging isa!"
Lumakas at bumilis ang pag-ikot ng hangin. Unti-Unting naging usok si Magayon at sumama sa daloy ng hangin. Ang mga balahibo ni Magayon ay isa-isang nagsidikitan sa katawan ni Jun-Jun. Ang buong katawan niya ay natakloban ng bahalibong kumikinang na kulay asul sa pagtama ng liwanag. Tanging mukha at dibdib niya ang nanataling anyong tao dahil ang kanyang mga kamay at paa ay nagkaroon ng naghahabaang kuko ng gaya sa isang agila.
Tumalon ng napakataas si Jun-Jun. Kinampay ang kanyang mga pakpak. Sobrang saya niya. Pakiramdam niya ay magagawa niya ang lahat sa tulong ng hangin.
Sila ni Magayon ay ganap nang naging isa!
“Humanda ka, halimaw ka!” banta ni Jun-Jun. “HIYAW NG HANGIN!” Isang napakalaking ipo-ipo na may nakakabinging tunog ang nagmula sa kanyang bunganga at inatake ang malaking halimaw. Sa isang iglap, nawasak ang katawan ng halimaw.
“Hahahaha!” tawa ni Jun-Jun. Nabuhayan siya ng loob at may panibagong lakas ang kanyang katawan. Pakiramdam niya, kaya niyang kalabanin ang isang batalyon.
“Paano ito matatapos?” malakas na pagtanong ni Itim sa sarili. Nagsisismula muling bumuo ang mga halimaw.
“Wala itong katapusan.” sambit ni Marian Mirasol.
“Paanong hindi ka nagiging halimaw?” tanong ni itim sa multo. Wala siyang tiwala dito.
“Eh, kasi maganda ako!” di seryosong sagot nito. “Bakit ikaw, hindi rin?” pabalik na tanong ni Marian.
Natigilan si Itim. Nanlisik ang kanyang mga mata. “Wala kang pakialam!”
“Ay, ang taray. Wala ka ding pakialam!”
Umiling ang pusa. “Seryosong tanong. May magagawa ba tayo para pigilan ang mga halimaw na multong ito?”
“Sa totoo lang, hindi ko alam.” sagot nito.
“Humanda kayo, may paparating na ibang multo!” sigaw ni Jun-Jun mula sa himpapawid. Kitang-kita niya ang mabilis na paglapit ng iba pang mga multo sa purgatoryo.
“Tsk! Ano na ang gagawin natin?!” inis na tanong ni Gino. Kahit may batong kanyon siya, alam niyang hindi niya matatalo ang iba pang paparating na multo.
Ayaw man amininin sa sarili ni Gino, lalo siyang nainggit sa mga kaibigan. Si Clarissa at Kikay ay naging ganap nang isa, ngayon pati din sina Jun-Jun at Magayon! Ang kanyang pagkainis ay hindi dahil sa mga multong paparating, ito ay dahil sa matinding pagnanais na sana ay kasama pa niya si Popoy at baka sakaling may pagkakataon din silang maging ganap na isa. Nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang katawan, lalo na sa kanyang mga kamao. Uminit na din ang batong kanyon niya. Nagbuntong-hininga si Gino at pilit na kinalma ang sarili. Mali ito. Hindi siya dapat mainggit bagkus dapat siya ay matuwa para sa mga kaibigan.
“Ipo-Ipo!” tawag ni Jun-Jun. Kinampay lang niya ng dalawang pakpak at mula dito may mga maliit na ipo-ipong nagmula at hinigop papalayo ang mga multong paparating.
“Lumiliyab na Pagsabog!” sigaw ni Gino at pinatamaan ang tambuhalang halimaw na unti-unting namumuo muli.
“Kung sana pwede iwanan na lang sila dito at matapos na ito!” kumento ni Dahongo.
Nagliwanag ang mukha ni Itim. “Tama ka, Dahongo!”
“Huh? Ako?” gulat na sambit ng duwende. Ito ay pambihirang pagkakataon na sumang-ayon si Itim sa kanya.
“Bakit hindi ko pa naisip na wala naman tayo sa dimension ng mga buhay na tao, nasa purgatory tayo! Ang mga kaluluwa dito ay di mawawala hangga’t hindi pa sila nananahimik. Papagudin lang natin ang ating mga sarili sa pakikipaglaban sa kanila.“
“Jun-Jun!” tawag ni Itim.
Naging matalas ang pandinig ni Jun-Jun, bukod sa naging malinaw ang kanyang paningin. Lumipad papalapit si Jun-Jun sa pusa.
“Saan nagsimula ng lahat na ito? Saan mo unang nakita ang mga multong ito?”
“Sa may kusina namin.”
Tumungo si Itim. “Halika na kayo, pumasok na tayo sa loob ng bahay papuntang kusina. Hindi natin sila matatalo. Habang buhay natin sila kakalabanin, wala tayong magagawa kundi umatras at bumalik sa mundo ng mga buhay at iwanan sila dito sa purgatoryo.”
Walang tumutol. Lahat sila ay pagod na at nagnanais nang magpahinga. Dali-daling tumakbo si Itim papuntang kusina, tinulungan naman ng taong-bato ni Dahongo si Gino sa pag-akay sa nahimatay na Tito Derek ni Jun-Jun. Hindi na kinaya ng matanda nang makitang nag-ibang anyo ang kanyang pamangkin.
“Huwag kayong susunod!” babala ni Jun-Jun. Namuo sa kanyang mga palad na puno ng balahibo ang dalawang hanging espada niya at pinagtataga ang mga multong pilit na sumunod.
“Dito!” sambit ni Itim. Lumapit siya sa isang maliit na butas na kumikinang. Pinasok lang niya ang kanyang pusang paa, biglang lumaki ang lagusan. Kitang-kita sa kabilang bahagi ang mas maliwanag na kusina nina Jun-Jun, kumpara sa napakagulo at maduming kusina sa purgatoryo.
Hindi na sila nag-aksaya ng pagkakataon at dali-daling tumawid sa lagusan.
“Pero paano natin ito masasara?” tanong ni Jun-Jun. “At sa malamang, may iba pang lagusang magbubukas.”
Hindi siya pinansin ni Itim. “Mga bata, dito lang kayo. Ikaw naman, Dahongo, maaari ka nang bumaba sa likod ko.”
“Ah.. pasensya naman.” natatawang sambit ng duwende. Tiningnan siya ng masama ng pusa.
Natahimik bigla si Itim.
“Este ser corridor haria a cerca,
Y cuándo man no que re abierto pa!
Subvención me de permiso
Este ser a todos silencio la causado!”
(Ito ay lagusang nais kong isara,
At kailan man hindi na muling magbukas pa!
Bigyan ako ng pahintulot,
Ito ay sa lahat katahimikan ang dulot!)
Nagliwanag ang paanan ni Itim. Maraminng mga simbolo ang biglang na lang nasulat sa may sahig at mga salitang hindi maintindihan. Sa isang iglap nawala ito. Unti-unti nang sumasara ang lagusan.
“Ito ay orasyong natutunan ko sa tatay ni Clarissa na si Jose.” sambit ni Itim. “Hindi mo na kailangang isipin na magbubukas ang purgatoryo sa bahay ninyo, Jun-Jun. Tuluyan ko na sinara ang koneksyon nito sa mundo ng mga patay.”
“Buti naman! Kaawaan ako ng Diyos!”sabi ng tito ni Jun-Jun na nagkamalay na.
“GRRRRRRRRRAGGRRRRRR!” sigaw ng multong halimaw.
….TULUNGAN MO KAMI!.....
….TULONG!........ pagmamakaawa naman ng ibang multong dumating.
“Gino…”
Nanlaki ang mga mata ni Gino. Kahit si Itim ay napalingon. Pamilyar ang boses na iyon!
“May tumatawag sa akin?”
“Ah, Oo, narinig ko din ang boses na iyon!” sambit ni Jun-Jun. “Kilala mo ba kung kanino ang boses?”
“Gino…”
Umiling si Gino.
“Gino…”
Pero pamilyar ang boses.
“Gino…”
Napatingin si Gino sa lagusan. Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa banda likuran ng mga multong pilit na lumalabas mula sa purgatoryo, isang babaeng nakaputi ang nakikita niya…
Ang kanyang Nanay Cindy!
“N-Nanay?!” sigaw ni Gino.
“Ci-Cindy?” hindi makapaniwala si Itim.
“Gino…” tawag ng kanyang ina. Nilahad nito ang kanyang palad na para bang ninanais nitong hawakan siya ni Gino.
“Nanay!” naluluha na si Gino. Nilahad din niya ang kanyang kamay para sa ina pero huli na ang lahat, tuluyan nang nagsara ang lagusan.
“Paanong…” hindi maintindihan ni Itim ang nangyayari. Paanong napunta sa purgatoryo ang nanay ni Gino kung buhay pa ito at nasa mental hospital?!
____________________________02/07/2015
So How's the story so far?
Oi vote na!
And please Comment na rin about this Chapter
Thanks for the support
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top